You are on page 1of 16

7

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Karamdaman at Lunas
(Saknong 1-225 ng Ibong Adarna)

AIRs - LM
Filipino 7 (Ibong Adarna: Isang Obra Maestrang Pambansa)
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Karamdaman at Lunas
(Saknong 1-225 ng Ibong Adarna)

Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Imelda G. Gracias, Bail National High School


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph. D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph. D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Kumusta ka na? Nasiyahan ka ba na nakilala mo na ang mga tauhan sa


koridong Ibong Adarna? Ngayon, inaanyayahan kita na pumasok sa isang daigdig ng
imahinasyon sa pamamagitan ng pagpapatuloy na isagawa ang nakahandang
gawain sa modyul na ito.

Kasama mo ang modyul na ito sa paglalakbay sa isang makulay at maaksyong


salaysay tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga tauhan na puno ng kahiwagaan,
katapangan, pag-ibig at pagpapakasakit.

Maraming mga katotohanan at aral ng mga karanasan sa buhay na magiging


tulong sa paghubog sa iyong pagkatao. Makikita dito ang mabubuting katangian ng
isang pinuno, ang pagmamahal sa magulang, ang pagpaparaya sa kapwa at walang
kapantay na pagpapakasakit dahil sa pag-ibig. Mga katangian na dapat magiging
bahagi ng buhay mo bilang isang kabataan.

Ang Modyul 3 ay naglalaman ng saknong 1-225 ng Ibong Adarna na


pinamagatang “Karamdaman at Lunas” na nagsasalaysay sa naging sanhi ng
karamdaman ni Haring Fernando at naging kaparaanan upang mahanapan ito ng
lunas.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod na


Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs) na:

1. Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig mula


sa akda. (F7PN-IV-c-d-19)
2. Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning
panlipunang dapat mabigyang solusyon. (F7PB-IVc-d-21)

Mga Tiyak na Layunin:


1. Natutukoy ang mga suliraning nakapaloob sa binasa.
2. Nakapagmumungkahi ng angkop na solusyon sa natukoy na suliranin.
3. Nakasusulat ng buod ng binasang akda.

Ngayon, nakahanda ka na ba na ipagpatuloy ang nasimulan mong modyul


ng Ibong Adarna? Halina’t samahan kita sa paglalakbay sa di malilimutang mga
tauhan ng dakilang koridong ito.

1
Aralin Panitikan: Karamdaman at
3 Lunas (Saknong 1-225 ng
Ibong Adarna)

Simulan

Bago mo simulan ang modyul na ito ay alamin natin ang iyong


kaalaman na may kaugnayan sa ating aralin.
Gawain 1: Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang tamang titik ng iyong
sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
_____ 1. Kahariang masagana, tahimik at payapa.
A. Berbanya C. Piedras Platas
B. Crystalino D. Tabor

_____ 2. Siya ang hari ng Berbanya.


A. Don Diego C. Don Pedro
B. Haring Fernando D. Haring Salermo

_____ 3. Kabiyak ng puso ng hari.


A. Donya Juana C. Donya Leonora
B. Donya Maria D. Donya Valeriana

_____ 4. Siya ang napanaginipan ng hari na nililo at pinatay ng dalawang


tampalasan.
A. Don Diego C. Don Jose
B. Don Juan D. Don Pedro

_____ 5. Ang dahilan kung bakit kailangang hanapin ang Ibong Adarna.
A. Ito ang magpapagaling sa hari.
B. Dito nakasalalay ang katahimikan ng kahariang Berbanya.
C. Malaki ang pagnanasa ng reynang mahuli at mapasakaniya ito.
D. Taglay nito ang kapangyarihang makapagbibigay ng supernatural
na kapangyarihan sa sinomang makahuli nito.

_____ 6. Ang dahilan kung bakit hindi nagtagumpay sina Don Pedro at Don
Diego sa paghuli sa Ibong Adarna?
A. Naligaw sila C. Nakatulog sila
B. Hindi sila nagtiyaga D. Hindi nila naabutan ang ibon

_____ 7. Ang pinakamabisang paraang ginawa ni Don Juan kaya lagi siyang
nagtatagumpay.
A. Kumain ng kanin
B. Mapagpakumbabang tao
C. Alalahanin ang bilin ng kaniyang magulang
D. May kababaang loob at pananalig sa Diyos

2
_____ 8. Ano ang nangyayari tuwing aawit ang Ibong Adarna?
A. Lumilipad
B. Kumakain
C. Balahibo’y iniiba
D. Lumilipat ng sangang dinadapuan

_____ 9. Tunay na hindi maiaalis ang takot na namamahay sa puso ng amang


nagmamahal. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?
A. Malungkot C. Pangamba
B. Pagkabigla D. Tuwa

_____ 10. Bakit babalik sina Don Juan at ang dalawang kapatid sa Berbanya?
A. Nakuha na nila ang Ibong Adarn a
B. Para makauwi nang maaga
C. Sapagkat naiinip na sila
D. Upang maagang maabangan ang Ibong Adarna

Gawain 2: Teleserye Talk!


Panuto: Ang mga nasa baba ay mga teleserye na naging patok sa telebisyon.
Magsaliksik sa naging paksa nito sa internet o kaya mag-interbyu sa mga
nakatatanda kaugnay sa mga teleserye at sagutin ang susunod na
katanungan sa iyong sagutang papel.

https://steemit.com/writing/@henry-9ja/mara-and-clara-movie-summray https://gmanetwork.com

https://www.imdb.com/title/tt3907562/ https://tfc.tv/show/details/3868/the-greatest-love

1. Ilarawan ang mga tauhan sa mga teleseryeng ito.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano ang pangkalahatang paksa ng mga panooring ito?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3
3. Bakit nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkakapatid sa pamilya?
Ano ang kadalasang sanhi at bunga ng mga ganitong pangyayari?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Paano maiiwasan ang mga suliraning may kaugnayan sa hindi


pagkakaunawaan sa pamilya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Ako’y nagagalak dahil matagumpay mong nasagutan ang mga gawain.


Magpatuloy ka pa upang mapayabong pa ang iyong kaalaman sa ating
aralin.

Lakbayin

Nakilala mo na ang mga pangunahing tauhan at kanilang katangian


sa koridong Ibong Adarna. Ngayon, ipagpatuloy natin ang paglalakbay sa
mundo ng Berbanya at alamin ang mga suliranin ng magkakapatid sa
kaharian at ang kanilang pakikipagsapalaran sa Bundok Tabor. Basahin mo
ang mga buod sa bawat kabanata pagkatapos ay isagawa ang kasunod na
gawain.

Karamdaman at Lunas
(Saknong 1-225 ng Ibong Adarna)

Kabanata 1: Ang Kaharian ng Berbanya (Saknong 1 – 29)

Tanyag, sagana at mayaman ang kaharian ng Berbanya. Tahimik at


payapang namumuhay ang mga tao rito. Madalas na nagkakaroon ng pagdiriwang
at mga piging sa nasabing kaharian sapagkat mabuti at mapagmahal ang mga
namumuno rito na sina Don Fernando at Donya Valeriana.
Sila ay may tatlong magigiting at matitikas na mga supling na sina Don
Pedro, Don Diego at si Don Juan. Ang tatlong prinsipe ay kasalukuyang
pinagsasanay sa pakikidigma upang sa takdang panahon ang isa sa kanila ay
magmamana ng trono.

Kabanata 2: Ang Karamdaman ng Hari (Saknong 30 – 45)


Dahil sa isang bangungot, nagkaroon ng malalang sakit ang Hari na si Don
Fernando. Nakita niya ang isa sa kaniyang mga anak na si Don Juan na pinaslang
ng dalawang buhong at pagkatapos ay inihulog sa balon.
Hindi na halos kumakakain at natutulog ang hari dahil sa labis na
pagkabalisa. Isang medikong paham ang nagsabing ang tanging lunas daw sa
sakit ng Hari ay ang awit ng isang ibong tanging matatagpuan lamang sa bundok
ng Tabor partikular sa kumikinang na puno ng Piedras Platas.

4
Kabanata 3: Paghahanap ni Don Pedro sa Lunas (Saknong 46 – 80)
Naglakbay ng tatlong buwan si Don Pedro bago natunton ang daan
patungong Bundok Tabor. Agad naman ay nahanap ng Prinsipe ang puno ng
Piedras Platas.
Nagtaka siya kung bakit wala ni isang ibon ang dumadapo rito. Sa labis na
paghihintay sa pagdating ng ibong adarna, siya ay nakaidlip at hindi napansin ang
pagdating ng ibon.
Dumapo ang ibon sa sanga ng puno at umawit ng pitong ulit habang
nagpapalit ng kulay ng balahibo nang makapito ring ulit.
Dahil kinapamahasnan na ng ibon na dumumi bago mamahinga, hindi
nagtagal ay dumumi na ito at walang ano-ano’y natapat ito sa natutulog na
prinsipe at sa isang iglap ay naging isang bato.

Kabanata 4: Pagkabigo ni Don Diego (Saknong 81 – 109)


Dahil hindi na nasilayang muli ang panganay na si Don Pedro, inatasan ng
Hari ang ikalawang anak na si Don Diego upang hulihin ang ibong adarna.
Naglakbay ng limang buwan ang nasabing prinsipe. Naakit din siya sa
kinang nito at napaisip kung bakit walang ibang ibon ang naaakit dito.
Nagpahinga muna siya habang matiyagang naghihintay sa mahiwagang ibon
ngunit dahil sa lambing ng pag- awit nito ay agad ding nakatulog.
Nasaksihan man ni Don Diego ang pagpapalit kulay ng mga balahibo nito,
siya ay nanatiling bigo. Napatakan siya ng dumi nito at naging bato na rin.
Nagmistulang magkatabing puntod ang magkapatid.

Kabanata 5: Paglalakbay ni Don Juan (Saknong 110 – 140)


Pagkalipas ng tatlong taon, lalong lumala ang karamdaman ng Hari.
Masakit man para sa Hari ang mawalay sa pinakamamahal niyang anak ngunit
wala siyang magawa kundi ang bendisyunan ang bunsong anak sa paglalakbay
nito.
Natakot si Don Fernando at baka magtanan si Don Juan. Siya ay
maglalakad lang papunta ng Bundok Tabor at may baong limang tinapay. Isang
beses sa isang buwan lang siya kumakain.
Habang binabagtas ang daan patungo sa nasabing bundok, panay ang
sambit sa Birheng Inang marilag na nawa ay matagalan ang paghihirap na
dinaranas.
Sa ikaapat na buwan, tumigas na ang baon niyang tinapay. Sa gitna ng
paglalakbay ay may nakita siyang ermitanyong sugatan.

Kabanata 6: Ang Ermitanyo (Saknong 141 – 198)


Nanlimos kay Don Juan ang leprosong matanda at ibinigay ang nag-iisang
tirang tinapay.
Sa wakas ay nadatal na ni Don Juan ang puno at muntik nang
makalimutan ang bilin ng matanda dahil sa ganda ng puno.
Nakarating ang prinsipe sa dampa at napansin ang tinapay na ibinigay niya
sa leprosong matanda.
Nalaman niya na engkantado ang ibong adarna. Sa gabi lang ito
masisilayan. Pitong beses itong umaawit habang nagpapalit ng kulay ng balahibo
nang makapito ring ulit.
Sa oras na umawit na ang ibon ay susugatan niya ang kaniyang palad at
pipigaan ng dayap upang hindi makatulog. Ipinagkaloob ng ermitanyo kay Don
Juan ang sintas na ginto upang gamitin sa paghuli ng mahiwagang ibon.

5
Kabanata 7: Ang Mahiwagang Ibong Adarna (Saknong 199 – 215)
Sa pagdating ni Don Juan sa puno ng Piedras Platas ay wala siyang
natagpuang ibon kaya matiyaga nalang siyang naghintay sa pagbabalik niyon.
Malalim na ang gabi at sa wakas dumating na ang Ibong Adarna. Nagsimula
na itong umawit kasabay ng pagpapalit ng kulay ng balahibo nito.
Dahil sa mahimig na awit ng ibon, dinapuan siya ng antok at muntikan
nang makatulog. Upang maiwasan na maging bato, sinugatan niya ang kaniyang
palad gamit ang labaha at pinigaan ito ng dayap.
Dumumi ang ibon ngunit iniwasan ito ng Prinsipe. Nakatulog na ang ibon
ngunit dilat ang dalawang mata at nakabuka ang malabay na pakpak nito.
Agad naman itong hinuli ng Prinsipe at ikinulong sa hawla at dinala ito sa
dampa ng ermitanyo.

Kabanata 8: Pagligtas kina Don Pedro at Don Juan (Saknong 216 – 225)
Ibinilin ng ermitanyo kay Don Juan na kunin ang banga at punan ng tubig
upang maging taong muli ang mga kapatid niyang naging bato.
Sinunod ng Prinsipe ang ermitanyo. Unang binuhusan ni Don Juan si Don
Pedro at nabuhay itong muli at agad hinagkan ang bunsong kapatid.
Sunod namang binuhusan nito si Don Diego. Gaya ng ginawa ng panganay
na prinsipe, agad din nitong niyakap si Don Juan.
Sila ay masayang nagyakapan ngunit agad naman itong napawi sa pag-
alala sa amang may sakit. Nagpunta ang tatlong prinsipe sa dampa ng ermitanyo.

https://pinoycollection.com/ibong-adarna-buod

Galugarin

Ngayon, may nalalaman ka na sa salaysay ng koridong Ibong Adarna.


Isagawa ang susunod na gawain.

Gawain 3: I-connect Mo!


Panuto: Ikokonek mo ang mga salitang di-pamilyar na nasa hanay A sa mga salitang
nasa hanay B upang mabigyang linaw ang kahulugan ng mga di- pamilyar
na salita.
.
HANAY A HANAY B
1. Nagnuynoy . . Magtaksil
2. Dumaratal . . Magwawakas
3. Maglilo . . Dumarating
4. Lilimiin . . Iisipin
5. Magpalisya . . Mapahamak
6. lugong-lugo . . Kahilingan
7. Hahangga . . Nanghihina
8. Panambitan . . Sakit
9. Antak . . Makita
10. Matatap . . Napag-isipan

6
Gawain 4: Kilalanin Mo!
Panuto: Isulat ang mga kinakailangang impormasyon tungkol sa mga pangunahing
tauhan ng Ibong Adarna sa kahon. Gayahin ang pormat sa ibaba sa iyong
sagutang papel.

PAMILYA NI HARING FERNANDO

Pangalan ng hari: ____________________ Pangalan ng reyna: ___________________


Katangian: ___________________________ Katangian: ___________________________

Panganay na anak: ___________________ Pangalawang anak:___________________


Katangian: ___________________________ Katangian: ___________________________

Pangalan ng bunso: __________________


Katangian: _________________________

Suliranin ng pamilya: Paano sinosolusyunan:


______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________

Ako’y nagagalak dahil matagumpay mong nasagutan ang mga gawain.


Magpatuloy pa tayo upang mapayabong pa ang iyong kaalaman sa paksa.

Gawain 5: Ibuod Mo!


Panuto: Sumulat ng mga mahahalagang detalye tungkol sa nabasang buod ng Ibong
Adarna. Gayahin ang pormat sa iyong sagutang papel.

Pagtitiwala: Daan sa
Hinagpis ni Don Juan Awit ng Ibong Adarna
Pagkahamak

7
Palalimin

Gawain 6: Suriin Mo!


Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang dahilan ng pagkakasakit ni Haring Fernando? Nagkaroon ba ito ng


lunas? Paano? Sino sa magkakapatid ang nakakuha ng lunas sa sakit ng
hari?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Bakit hindi nagtagumpay sina Don Pedro at Don Diego sa paghuli sa Ibong
Adarna? Paano naiiba ang paglalakbay ni Don Juan sa kaniyang dalawang
kapatid?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. May mga pangyayari ba sa akda na nagpapakita ng mga suliraning


panlipunang dapat mabigyang solusyon? Ano- ano ang mga ito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Magmungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig mula sa


nabasa.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 7: Ihayag Mo!


Panuto: Gumawa ka ng isang slogan na nagpapakita ng solusyon upang maiwasan
ang inggitan sa pagitan ng magkakapatid. Isulat sa iyong sagutang papel.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

8
Sukatin

Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak


marami kang natutuhan sa modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang iyong
kaalaman sa katatapos na aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong o pahayag. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Ano ang tawag sa kaharian na tinitirhan ng mga pangunahing tauhan?
A. Berbanya C. Atenas
B. Albanya D. Babilonya

_____ 2. Bakit nagkasakit si Haring Fernando?


A. Siya ay isinumpa C. May lumason sa kaniya
B. Siya ay nanaginip D. May epidemya sa kaharian

_____ 3. Ano ang ibinigay ng Hari kay Don Juan bago siya naglakbay?
A. Bendisyon C. Pagkain
B. Kabayo D. Salapi

_____ 4. Saang puno matatagpuan ang Ibong Adarna?


A. Platas C. Piedras Platas
B. Platas Piedras D. Pidras Platas

_____ 5. Saang bundok matatagpuan ang mahiwagang ibon?


A. Tabor C. Berbanya
B. Armenya D. Arayat

_____ 6. Sino ang tumulong kay Don Juan upang mahuli ang ibon?
A. Diwata C. Lobo
B. Don Pedro D. Matanda

_____ 7. Kanino humihingi ng tulong si Don Juan kapag siya ay nasa panganib?
A. Diwata C. Hari
B. Kapatid D. Mahal na Birhen

_____ 8. Ano ang mga ginamit ni Don Juan para mahuli ang ibon?
A. Pana at sako
B. Pagkain ng ibon
C. Kutsilyo at hawla
D. Dayap, kutsilyo, gintong lubid

_____ 9. Ano ang ipinahiwatig ng mga prinsipe nang humarap sila sa panganib
para sa ama?
A. Wagas ang pagmamahal nila sa kanilang magulang.
B. Naghahangad sila ng malaking mana mula sa hari.
C. Isang kahihiyan kung hindi sila kikilos para sa ama.
D. Isang kayabangan nila sa angking lakas at kakisigan.

9
_____ 10. Ano ang mensaheng taglay ng pagtulong ni Don Juan sa matanda?
A. Maka-Diyos si Don Juan at mapanalangin
B. Likas siyang matulungin at mapagkawanggawa.
C. Nais ni Don Juan ng gabay sa kaniyang haharaping misyon.
D. Alam niyang may maitutulong ang matanda kaya ginawa niya.

_____ 11. Ano ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng Ibong Adarna?
A. Namamatay C. Natutulog
B. Nagiging bato D. Naglalaho

_____ 12. Ipinatawag ang lahat ng manggagamot sa Berbanya upang gamutin


ang hari ngunit walang makapagpagaling dito. Hanggang sa isang
manggagamot ang dumating. Ano ang naging tugon ng manggagamot?
A. Ang lunas sa karamdaman ng hari ay ang mahiwagang lobo na
matatagpuan sa kaharian ng Armenya.
B. Ang sakit ng hari ay hindi na magkakaroon ng kalunasan
habambuhay at ito ay lalong lalala.
C. Ang tanging lunas sa sakit ng hari ay ang pitong awit ng Ibong
Adarna na matatagpuan sa bundok Tabor.
D. Gagaling lamang ang hari kapag nag-asawa na ang kaniyang
tatlong anak.

_____ 13. Bakit hindi nagtagumpay sa kaniyang misyon si Don Diego?


A. Hindi siya nakarating sa kinaroroonan ng Ibong Adarna dahil siya
ay napagod na.
B. Nakatulog siya nang mahimbing sa paglalakbay pa lamang papunta
sa bundok Tabor.
C. Masama ang binabalak niya sa ibon at ito ay kaniyang itinago sa
kaniyang dalawang kapatid.
D. Nagbawas ang ibon at inabot siya ng patak kaya siya ay naging bato
at hindi nagtagumpay sa kaniyang misyon.

_____ 14. Alin ang saknong sa akda na nagpapakita ng mga suliraning


panlipunan na dapat mabigyang solusyon?
A. Uuwi sa Kaharian C. O, Birheng marilag
Sa Pag-ibig sa magulang Tanggulan ng nasa hirap
May araw ding malalaman Kahabagan di man dapat
Ang nangyaring kataksilan Ang aliping kapuspalad
B. Ang piging nang matapos na D. Ang dalawa ay nagkamay
Ermitanyo ay kumuha Bago sila nagwalay
Ng lamang nasa botelya Matanda sa kabundukan
Lunas na kataka-taka Sa Berbanya si Don Juan

_____ 15. Ano ang kahulugan ng may salungguhit sa saknong?


Kaya kami’y naglakbay
Sa kay amang kagalingan
Ano’t ngayong magtagumpay
Hahangga sa pag-aaway
A. Magsisimula C. Mauulit
B. Magwawakas D. Matatamo

10
_____ 16. Bakit kaya nagtaksil ang dalawang magkapatid sa kanilang bunsong
kapatid?
A. Ang bunsong anak ay may ginawa ring masama sa dalawa niyang
nakatatandang kapatid kaya sila ay naghiganti.
B. Ang dalawang magkapatid ay binayaran nang malaki kaya sila
nagtaksil kay Don Juan.
C. Ang dalawang magkapatid ay wala sa tamang pag-iisip kaya nagawa
ang pagtataksil.
D. Ang inggit ang namayani sa dalawang magkapatid kaya nagtaksil
ang dalawa sa kanilang bunsong kapatid.

_____ 17. Si Don Juan sa gitna ng kalapastanganan ng kaniyang mga kapatid ay


nagpatawad. Hindi siya nagtanim ng galit sa mga ito. Alin sa
sumusunod na pagpapahalagang Pilipino ang masasalamin sa
pangyayari?
A. Pagiging responsable
B. Pagiging matulungin
C. Pagmamahal sa kapatid
D. Pagmamahal sa magulang

_____ 18. Paano mabibigyang solusyon ang mga suliranin ng magkakapatid sa


tinalakay na akda?
A. Pagbibigyan ang bunso sa lahat ng bagay sapagkat siya ang
pinakamahal sa pamilya.
B. Magkaroon ng kampihan ang magkakapatid sa pamilya batay sa
mga magkakatulad na opinyon o paniniwala ng bawat isang
miyembro ng pamilya.
C. Magkaroon ng unawaan ang magkakapatid at igalang ang opinyon
ng bawat isa kahit na ito ay salungat sa kanilang mga
pinaniniwalaan at pinaninindigan.
D. Ang panganay ang dapat laging nasusunod sa lahat ng desisyon
sapagkat siya ang unang anak at ang lahat ng kapatid ay nararapat
na sumunod sa kaniya.

_____ 19. Alin ang pangyayari sa tunay na buhay na nagpapakita ng kalutasan


sa mga isyung tinalakay sa akda?
A. May kapatid si Lai sa labas ngunit hindi niya ito matanggap dahil
anak ito ng kaniyang ama sa ibang babae.
B. Inggit na inggit si Jessa kay Reah sapagkat bukod sa matalino ang
kaniyang kapatid ay ito ang paborito ng pamilya.
C. Tatlo ang kapatid ni Marie. Sa tatlo ay si Ariane ang paborito niya
sapagkat ito ang bunso at siyang lagi niyang kasama.
D. Sina Patricia at Tanya ay magkapatid. Dahil sa panganay si Patricia
ay natuto siyang maging mapagpakumbaba para kay Tanya na
siyang bunso ng pamilya. Si Tanya naman ay sumusunod sa
kaniyang ate sa mga utos nito.

11
_____ 20. Nais mong mag-sleep over sa bahay ng iyong kaklase nang sa gayon ay
matapos na ninyo ang inyong proyekto na kailangan nang maipasa sa
makalawa ngunit ayaw kang payagan ng iyong ina sapagkat walang
mag-iintindi sa iyong mga kapatid. Tutuloy ka pa ba sa plano ninyong
sleep over?
A. Oo. Iintindihin ko muna ang aking mga kapatid, pakakainin ng
hapunan at saka ihahabilin sa kapitbahay hanggang sa kunin sila
ng aking ina pagkadating nito galing trabaho.
B. Hindi. Sasabihin ko na lamang sa kaklase ko na maghati kami sa
gawain at sa bahay ko iyon gagawin habang binabantayan ko ang
aking mga kapatid.
C. Oo. Pipilitin ko ang aking ina na payagan ako kahit na alam kong
walang mag-aasikaso sa mga kapatid ko.
D. Oo. Hindi ko na iintindihin ang mga kapatid ko dahil malaki na sila.

Mahusay! Binabati kita sa matiyaga mong


pagsama sa pagtalakay natin sa saknong 1-
225 ng Ibong Adarna. Alam kong
nakapapagod ngunit sulit naman. Ihanda mo
ngayon ang iyong sarili sa kasunod na
modyul – Modyul 4: Kasakiman at Kaligtasan
(Saknong 226-442 ng Ibong Adarna).

12
13
ARALIN 3: (Panitikan: Saknong 1-225 ng Ibong Adarna)
SIMULAN
Gawain 1: Paunang Pagtataya
1. A 6. C
2. B 7. D
3. D 8. C
4. B 9. C
5. A 10. A
Gawain 2. Teleserye Talk! Iba-iba ang sagot
GALUGARIN
Gawain 3: I-connect Mo!
1. Napag-isipan
2. Dumarating
3. Magtaksil
4. Iisipin
5. Mapahamak
6. Nanghihina
7. Magwawakas
8. Kahilingan
9. Sakit
10.Makita
Gawain 4: Kilalanin Mo! Iba-iba ang sagot.
Gawain 5: Ibuod Mo! Iba-iba ang sagot.
PALALIMIN
Gawain 6: Suriin Mo! Iba-iba ang sagot.
Gawain 7: Ihayag Mo! Iba-iba ang sagot.
SUKATIN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
1. A 11. B
2. B 12. C
3. A 13. D
4. C 14. A
5. A 15. B
6. D 16. D
7. D 17. C
8. D 18. C
9. A 19. D
10 B 20. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education – Curriculum and Instruction Strand (2020). Most
Essential Learning Competencies. p. 228

Libro:

Abueg, Efren R. Et.al (2003), Ibong Adarna Isang Korido, Diwa Scholastic Press Inc.

Buenaventura, Ernesto M. Et.al (2007), Ang Paglalahad Ng Ang Ibong Adarna,


Smartbooks Publishing.

Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.

Link/s:

Ibong Adarna Buod ng Bawat Kabanata 1-46


https://pinoycollection.com/ibong-adarna-buod/#Kabanata-1

14

You might also like