You are on page 1of 28

Filipino – Baitang 7

Alternative Delivery Mode


Ikalawang Markahan – Modyul 8: Tekstong Ekspositori
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V

Development Team of the Module


Author/s: Merlie Faith J. Jumawan
Roland Z. Lauron

Reviewers: Susan C. Rosellosa, HT-III


Gideon J. Pascubillo, HT-III
Wilgermina D. Juhaili, HT-I
Mary Cecille D. Luzano, HT
Illustrator and Layout Artist: Roland Z. Lauron

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members: Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Lorena R. Simbajon, EPS - Filipino
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Marilyn C. Panuncialman, EdD, PSDS
Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal III/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulang, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
7
Filipino
Ikalawang Markahan–Modyul 8
Tekstong Ekspositori

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


educators from public and private schools, colleges, and or/universities. We
encourage teachers and other education stakeholders to email their feedback,
comments, and recommendations to the Department of Education at action@
deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Paunang Salita

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 8


ukol sa Tekstong Ekspositori Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin ---------------- 1

Subukin ---------------- 2

Aralin 1 ---------------- 5

Balikan ---------------- 5

Tuklasin ---------------- 6

Suriin ---------------- 11

Pagyamanin ---------------- 13

Isaisip ---------------- 14

Isagawa ---------------- 16

Tayahin ---------------- 16

Karagdagang Gawain ---------------- 18

Susi sa Pagwawasto ---------------- 19

Sanggunian ---------------- 20
Mahal kong estudyante, maligayang bati! Ngayong nasa hayskul ka na,
tiyak, marami kang dating kaalaman na ibig mong mapayaman pa ngayong
nasa mas mataas na antas ka na ng pag-aaral.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. nakasusulat ng isang tekstong naglalahad o ekspositori tungkol sa
pagpapahalaga ng mga taga – Bisaya sa kinagisnang kultura. (F7PU-
IIg-h-10)
2. nakatutulong sa ibat-ibang hulwaran ng tekstong
naglalahad/ekspositori
3. nakapagbibigay ng kahulugan sa mga salitang may kaugnayan sa
paniniwala ng mga taga-Bisaya

Panuto: Kumpletuhin ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang


sagot at isulat sa sagutang papel/kwaderno.
1. Ang ___________ ay salita o mga salita na nagpapahayag ng buong diwa.
a. letra b. parirala
c. pandiwa d. pangungusap
2. Ang mga salitang “batang babae” ay halimbawa ng _____________.
a. kataga b. pandiwa
c. parirala d. sugnay
3. Ang tekstong naglalahad/ekspositori ay nagtataglay sa mga sumusunod na

katangian, maliban sa;


a. paggamit ng mga totoong datos b. pagsasaad ng sanhi at
bunga
c. obserbasyon sa kapaligiran d. analisis na proseso

1
4. Kilala bilang Queen City of the South at madalas na itinuturing na kabisera
ng kultura ng mga Sugbuanon.
a. Cebu City b. Davao City
c. Ozamiz City d. Zamboanga City
5. Isang uri ng pagpapaliwanag.
a. Pagsasalaysay b. Pangangatwiran c. Paglalarawan d.
Paglalahad
6. Ang mga sumusunod ay mga kaugalian ng mga Bisaya, maliban sa:
a. likod – likod b. pagbibigay ng dote
c. mangluhod d. mamae
7. Uri ng tekstong nagkukuwento.
a. naglalahad b. nagsasalaysay
c. naglalarawan d. nangangatwiran
8. Ayon sa paniniwala ng mga Bisaya, inilibing ang inunan (placenta) sa
tabing - dagat matapos makapanganak ang isang babae. Ano ang
pinaniniwalaan nila
ukol dito?
a. para swertehin ang bata
b. para lumaki itong malusog
c. para lumaki itong magaling lumangoy
d. para lapitin ito ng mga lamang dagat
9. Ang tatlong sangkap ng pagsulat ay ___________________.
a. lapis, papel, at pambura
b. ideya, kaisipan, at balangkas
c. pangungusap, salita, at parirala
d. kaisahan, pagkakaugnay-ugnay, at diin
10. Ito ay isa sa mga katangian ng tekstong ekspositori.
a. naglalarawan b. namumuna
c. nambabatikos d. nagpapaliwanag
11. Ikaw ay susulat ng iyong sariling akdang pampanitikan para sa isang
online na patimpalak sa pagsulat. Ang mga sumusunod ay mga dapat na
isaalang – alang maliban sa isa.

2
a. Dapat maging malikhain sa iyong pagsusulat.
b. Magbasa ng ibang panitikan para maging huwaran.
c. Alamin ang mga panuntunan at pamantayan sa paghusga.
d. Isakatuparan ang pagiging malaya sa lahat ng pagkakataon.

12. Sa paanong paraan higit na maipababatid sa mga mambabasa ang


kaisipan o diwa ng isang isinusulat na akdang pampanitikan?
a. Dapat malikhain ang pagkasulat.
b. Gumagamit ng matatalinghagang pagpapahayag.
c. May sapat na kakayahang pangwika ang manunulat.
d. Tumutugon sa tema o paksa ng panitikang nais isusulat.
13. Paano mo higit na mahikayat na mamasyal sa Mindanao ang maraming
tao
lalo na sa Visayas nang mamalas nila ang kagandahan at pag –unlad ng

mga bayan sa Mindanao?


a. Bumuo ng mga sulating naglalarawan sa isang lungsod sa Visayas.
b. Sumulat ng online travelogue na nagpapakita ng mga larawan ukol
sa
sariling karanasan sa pagbisita sa Visayas.
c. Ikuwento sa mga kaibigan ang magagandang tanawing napasyalan
sa Visayas.
d. Gumawa ng scrapbook ng mga larawan ng pagpasyal sa isang
lungsod sa Visayas.
14. Paano pinahahalagahan ng mga taga- Bisaya ang kanilang kultura?
a. Pinahahalagahan nila ang kanilang kultura sa pamamagitan ng
pagpreserba nito.
b. Pinahahalagahan nila ang kanilang kultura sa pamamagitan ng
paglimot nito.
c. Pinahahalagahan nila ang kanilang kultura sa pamamagitan ng
pagsasawalang bahala nito.

3
d. Pinahahalagahan nila ang kanilang kultura sa pamamagitan ng
paggawa nang tama.
15. Ang pangunahing layunin ng tekstong expositori ay ______________.
a. magbigay – impormasyon b. manghikayat

Aralin
Pagsusulat ng isang Tekstong

1 Naglalahad o Ekspositori

c. magbigay – kasiyahan d. mamuna

Magandang araw!
Handa ka na ba?
Bago ka magpapatuloy sa bagong aralin, alamin muna natin kung
mayroon ka bang natutunan sa nakaraang modyul.
Simulan na natin.

Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) kung tama ang katangian ng isang editoryal at


ekis ( Х ) naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel/kwaderno.
KATANGIAN NG ISANG EDITORYAL
□ 1. Nagtaglay lamang ng isang ideya
□ 2. Palaging namumuna/nagsesermon
□ 3. May kaiklian at hindi masalita
□ 4. Pawang mga opinyon lamang
□ 5. May kapangyarihang humikayat

4
Ang araling ito ay gagabay sa iyo upang maunawaan mo nang lubos
kung ano ang tekstong naglalahad/ekspositori nang sa ganoon ay
makakasulat ka ng isang tekstong naglalahad/ekspositori.
Ano nga ba ang tekstong naglalahad/ekspositori?
Ang terminong ekspositori ay maaari ring tawaging paglalahad o
pagpapaliwanag.
Ang tekstong naglalahad/ekspositori ay nagbibigay ng impormasyon at
nagpapaliwanag tungkol sa isang paksa.
Kung gayon, ano ang pangunahing layunin ng tekstong ito?
Tama ka. Paglalahad o pagpapaliwanag. Maliban sa magpaliwanag,
layunin din ng tekstong ito na:
√maglarawan
√magbigay ng impormasyon tungkol sa sanhi at bunga at sumasagot
sa tanong na paano

5
Mga Hulwarang Organisasyon ng tekstong Ekspositori
A. Depenisyon – ito ay may layuning ipaliwanag o bigyan ng kahulugan ng
isang termino o parirala.
B. Paghahambing – may layuning ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng dalawang bagay, tao, pangyayari o ideya. ( mga panandang salita:
samantalang, at , habang, ngunit , subalit , sa kabila ng , kahit na , sa
kabaliktaran , sa kabilang banda at iba pa. )
C. Kahinaan at kalakasan – inilalahad dito ang positibo at negatibong
posibilidad kaugnay ng isang sitwasyon o pangyayari (mga salitang maaaring
gamitin ay gayumpaman, sa kabilang banda, ang mga kahinaan, mga
negatibong dulot, mga positibong dulot , dahil sa , bunga ng iba pa)
D. Pagkasunod –sunod o order – nagpapakita ito ng serye ng mga
pangyayari na maaaring humantong sa isang konklusyon o pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari. (mga salitang ginagamit ay una,
pangalawa ,matapos, habang, sumusunod, ang susunod na , sa ngayon at
iba pa)

Ngayon ay basahin at unawain mo ang isang halimbawa ng tekstong


naglalahad/ekspositori tungkol sa “Bulong, Engkantasyon at Iba Pang Ritwal;
Hindi Lulumain ng Panahon”.

Bulong, Engkantasyon at Iba Pang Ritwal; Hindi Lulumain ng Panahon


Ginamit sa iba’t ibang pagkakataon ang bulong at engkantasyon sa
ating mga ninuno. Minsan bilang pangkulam o pang- engkanto sa iba’t ibang
panig ng bansa. Ginamit din ito ng ating mga ninuno bilang panggamot sa
maysakit, pang- alis ng pagod , o kaya’y pang-alis sa masamang espiritu na
papasok sa katawan ng tao.
6 rin ang mga ito sa mga lalawigan sa
Sa kasalukuyan ay ginagamit pa
Kabisayaan. Karaniwang isinagawa ito ng mga babaylan. Ang mga babaylan
na tagapamuno sa mga seremonyang panrelihiyon at siyang tagapamagitan
Nagpapakita ang mga babaylan ng taos na pagpapahalaga sa mga
paniniwala at kaugaliang kanilang kinagisnan. Binibigkas ang bulong kung
halimbawa ikaw ay dadaan sa isang lugar na may punso. Ayon sa
sinaunang paniniwala ang punso ay bahay ng mga nuno na kapag
naapakan ay magagalit at ang makaapak ay magkakasakit. Para makaiwas
sa ganitong pangyayari ay dapat bumigkas ng bulong ang isang tao tulad
ng :
“ Tabi – tabi po , makikiraan po”.
Ginagamit din ang bulong kapag may nauusog , sa mga
panggagamot ng matatanda na ang ginagamit ay mga halamang gamot.
Ang maysakit ay gumagaling sa bisa ng bulong. Kaya masasabi natin na
ang ating mga ninuno ay nag – iwan ng pamana na kababakasan ng
kalinangan ng ating nakaraan at regalo sa kasalukuyan.
Isa pang halimbawa ng bulong ay kapag ikaw ang nangangahoy sa
gubat bilang paghingi ng paumanhin kagaya nalang ng:
“ Huwag magagalit kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa ami’y
napag- utusan”.
Isa ring halimbawa ng bulong ay kapag ikaw ay nakaamoy ng
mabangong niluluto ngunit hindi ka naman nagluluto. At upang maiwasan
ang pagkasira ng pang-amoy ay sasabihin mo ang bulong na :
“ Puwera bungi!”
Samantalang ginamit din ng mga babaylan ang engkantasyong luy –
a- luy – a kung nais mapawi ang pagod o lagnat ng isang tao sa
pamamagitan ng pagkukurus sa noo, braso, dibdib at binti sa paniniwalang
mawawala ang nadaramang pagod o sakit.
Ang bugyaw ay ritwal naman sa pagtataboy ng isang maw- it o
masamang espiritung nasa katawan ng isang tao.

7
Ito ay pansamantalang sumasapi sa katawan ng tao upang manakit
sa ibang tao o kaya ay mainsala ng mga bagay. Dito itatali ng babaylan ang
biktima sa isang poste ng bahay habang nananawagan sa kanyang mga
patnubay na tinatawag namang surog.
May mga engkantasyon naman na nagbibigay – papuri at
nagpaparangal sa mga diyos sa mga biyayang ipinagkakaloob nito. Inaawit
ito sa pag-aalay ng unang bunga sa pag-aani. Tinatawag itong ambahan sa
mga diwata.
Walang masama kung hanggang ngayon ay ipinagmamalaki,
preniserba, tinangkilik at pinagyaman pa rin ng mga Bisaya ang kanilang
kultura at kaugalian. Nagpapatunay lamang ito na ang ating mamamayan
lalo na sa Kabisayaan, ay patuloy pa ring yumayakap sa mga sinaunang
kaugalian habang nakikihamok sa makabagong dikta ng panahon kaya ang
mga kaugalian , tradisyon at paniniwala ay hindi lulumain ng panahon.

Kultura at Kaugalian ng Kabisayaan


Ano nga ba ang kultura at tradisyon ng mga Bisaya? Paano
pinahahalagahan ng mga Bisaya ang kanilang kinagisnang kultura? Ang
Visayas o Kabisayaan ay isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa
Pilipinas, kabilang ang Luzon at Mindanao. Minsan o kadalasan, ang mga
Bisaya ay kadalasang iniuugnay sa mga Cebuano o Sugbuhanon.
Tinaguriang Sugbuanon o Sugbuhanon sa isla ng Cebu. Ang mga
Sugbuanon ay matatagpuan sa mga lalawigan ng Cebu , Negros Occidental,
Negros Oriental, Bohol , Leyte , at Southern Leyte, sa buong isla ng
Mindanao at sa maliliit at medyo malalaking mga pamayanan sa buong
bansa.
Kilala ang Cebu City bilang Queen City of the South at madalas na
itinuturing na kabisera ng kultura ng mga Sugbuanon. Ang lungsod ay
nagsisilbing lagusan ng Katolisismo sa Pilipinas, kaya ang Sugbuanon ay
sinasabing lubos na Kristiyanismo.

8
Wika
Ang mga pangunahing wikang sinasalita sa Kabisayaan ay ang wikang
Hiligaynon o Ilonggo sa halos kabuuan ng Kanlurang Kabisayaan , wikangn
Cebuano sa Gitnang Kabisayaan at Waray sa Silangang Kabisayaan. Ang iba
pang wikang sinasalita ay ang wikang Aklanon, wikang Kinaray- a at wikang
Capiznon.

Relihiyon
Karamihan sa mga Bisaya ay Katoliko. San Cebu ipinagdiriwang ang
Sinulog , ang kapistahan ng Batang Hesus o ang Santo Niňo .

Pagkain
Gaya ng karamihan
sa mga Filipino, kanin ang
pangunahing pagkain ng
mga Bisaya. Sikat din ang
barbecue at ang puso,
kaning niluto sa dahon ng
niyog.Sikat din ang lumpia
sa mga Bisaya.

Paniniwala
Sikat sa mga Bisaya na matapos makapanganak, inilibing ang inunan
(placenta) sa tabing – dagat upang anila ay maging malusog ang bata sa
kaniyang paglaki . Masuwerte daw kapag lalaki ang unang anak. Habang sam
unang gupit ng buhok ng bata , ilalagay sa gitna ng mga pahina ng Bibliya o
kahit anong libro ang ginupit na buhok upang ang bata daw ay lumaking
mahilig magbasa. Malaking bagay din sa mga Bisaya na huwag magwalis
habang may burol, dahil maaring maging dahilan daw ito na mamamatay din
ang ibang kasapi ng pamilya. Naniniwala rin sila sa bulong, engkantasyon at
iba pang ritwal.

9
Pista at Pagdiriwang
Taon-taon ay may piyestang Sinulog, Sandugo at Ati-Atihan.

https://www.google.com/search? https://www.google.com/search?
q=sinulog&tbm=isch&ved=2ahUKEwjMpYqrx9XpAhVC3pQ q=sandugo+festival&tbm=isch&ved=2ahUKEwj4yumfyN
KHdSlDSQQ2cCegQIABAA&oq=sinulog&gs_lcp=CgNpbWc XpAhUBzYsBHaRDBIoQ2-
QAzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCM cCegQIABAA&oq=sandugo&gs_lcp=CgNpbWcQARgA
Q6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIH MgQIABBDMgQIABBDMgIIADICCAAyAggAMgIIA&
CCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJ1Cnqw5Y08UO imgdii=KxmAr7w8TS1bpM
Ilang mga Kaugalian ng mga Bisaya
* Mamae- kinatawan ng magulang ng lalaki sa pagtatalo
* Sagang – kinatawan ng magulang sa pagtatalo
*Pangangasawa – ang mga magulang ng lalaki ang naglalahad ng
magandang hangarin ng nanliligaw
* Mangluhod – paghingi ng kamay ng babae
* Hukut – regalo ng babae sa kanyang mapapangasawa bilang tanda
ng
magandang kapalaran sa kanya
* Likod – likod – handaan ng ginaganap sa bisperas ng kasal
* Alap o Alussalus – paghagis ng barya sa plato / planggana habang
ang
bagong kasal ay nagsasayaw
* Putos – mga tirang pagkain na piauuwi sa mga bisita
* Hugas – pagtulong ng mga bisita sa bagong kasal sa paglilinis ng
bahay/
pinagkainan
* Pagtawag sa Herbolaryo

10
*Paghahanda bago at pagkatapos ng ani para sa bathala ng
magsasakang
si Tagibanua
Sining
Ang mga Bisaya ay mahilig maggitara, humabi ng basket, sumbrero at
banig. Mahilig sa iba’t ibang anyo ng sining tulad ng pagpipinta, sculpting at
pagguhit. Mahilig din sa pagsayaw, pag – awit at pagsulat. Katunayan
maraming mga artista, pintor, mang-aawit ang nagmula sa Kabisayaan.

Ngayong napag-aralan mo na ang kultura at kaugalian ng kabisayaan,


handa ka na bang sagutin ang susunod na gawain? Isaalang-alang mo ang
iyong natutunan. Masasagot mo iyan. Subukan mo.

Panuto: Balikan ang tekstong “ Bulong “.Suriin kung nasa anong hulwaran ng
tekstong ekspositori ang mga salitang nakasalungguhit.

Depenisyon Paghahambing Kahinaan at Kalikasan Pagkasunod-sunod


Halimbawa:
samantala

A. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga salitang may


salungguhit kaugnay ng mga paniniwalang nakaugalian na sa Kabisayaan.
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang
papel/kwaderno.
*katutubong manggagamot sa isang lugar
*seremonya na ginagawa ng mga katutubo/ninuno
*mga salitang binibigkas upang sabihin sa mga di – nakikitang nilalang
*pagpuna sa isang tao na may masamang naidudulot paglipas ng ilang

11
minuto
*mabuti o masamang pagsasanib ng mga espiritu
*pagtataboy sa mga masasamang espiritu
1. ginagamit sa mga nauusog
2. bumibigkas ng bulong
3. isinasagawa ng mga babaylan
4. ritwal na ginagawa
5.sumasapi sa katawan ng tao

B. Panuto : Tukuyin kung nasa anong hulwaran ng tekstong naglalahad/


ekspositori ang mga salitang nakasalungguhit sa tekstong iyong binasa.
Sundin ang halimbawa sa ibaba.
Hal. habang – pagkasunod- sunod o order
1. unang-
2. samantalang-
3. sa kasalukuyan-
4. ngunit-
5. sa pamamagitan-

Panuto: Punan ng tamang mga salita ang patlang upang mabuo ang
pahayag. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang
papel/kwaderno.

magbigay ng impormasyon apat pagtalakay ng paksa


katangian ekspositori paano bakit narativ

Ang tekstong _____________ ay nagbibigay ng impormasyon at


nagpapaliwanag tungkol sa isang paksa. Layunin ng tekstong ito na

12
magpaliwang, maglarawan at __________________ tungkol sa sanhi at
bunga.
Isa sa mga katangian ng tekstong ito ay ang pagiging obhektibo sa
_____________ .Binubuo ng ________________ na hulwaran ang tekstong
ito. Ang tekstong ito ay sumasagot sa tanong na ______________.

Panuto: Basahing mabuti ang bahagi ng Epikong Hinilawod. Pagkatapos,


ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari upang makabuo ng isang
tekstong ekspositori. Isulat ang tamang pagkasunod – sunod ng mga
pangyayari sa sagutang papel/kwaderno.

Sa loob ng pitong pagsikat ng buwan, nanalanta ang mga


bagyo
at baha. Sinira ng mga ito ang buong kaharian nina Paubari at
Alunsina. Dahil sa tulong ni Suklang Malayon , naabisuhan kaagad
ang mag –asawa kaya’t nakaligtas sa pananalanta ng bagyo.
Pagkaraan ng pangyayaring ito, bumaba ang mag –asawa sa
kapatagan at namuhay nang mapayapa at nang kalaunan ay

Sumunod dito ay nakipaglaban naman siya sa higanteng si


Ayutang. Ang labanan nila mahaba at nagngangalit. Sa isang
kisapmata, ang kanyang tinutuntungang lupa ay biglang nayanig at
ang tagaytay na nasa ilalim ng kanyang pangangalaga ay nahati sa
dalawa. Ang bato nito ay lumubog sa dagat. Nang muli itong
lumutang, naging pulo ito na siyang nakilala bilang Panay at Negros.

Ang ikatlong bahagi ay tungkol kay Humadapnon, ang


13
pangalawang anak nina Alunsina at Paubari. Binalak niyang
maghiganti dahil sa sinapit ng kanyang kapatid.
Ang unang bahagi ng Hinilawod ay nagsasaad ng tungkol

kay Alunsina, ang dakilang babae ng dagat – silangan, na


pumayag magpakasal kay Paubari. Sapagkat si Alunsina ay
isang diyosa, hindi karapat –dapat na siya ay magpakasal sa
isang tao sa harap ng maraming karapat – dapat na manliligaw na
maka-diyos. Si Maklium – sa t’wan, ang panginoon ng mga lambak
at kapatagan ay napopoot at bumalangkas ng isang paghihiganti
laban sa ibang diyos.

Si Labaw Donggon ay naging Hari ng Irong – Irong (Iloilo), si

Humadapnon ay hari ng Hmatik (Antique) at si Dumalapdap ang

ginawang hari sa rehiyon ng Aklan. Samantala, ang mag –


asawang Paubari at Alunsina ay nagtungo pagkatapos sa Bundok

Ang ikalawang bahagi ay tungkol naman sa tatlong


naging
anak nina Paubari at Alunsina. Ang tatlo na pawang mga
higante ay nagtataglay ng pambihirang lakas – sina Labaw
Donggon, Humadapnon at Dumalapdap. Upang makuha naman
niya ang kanyang pangalawang asawa, si Abyang Doroonon.

14
Ngayon ay dadako na tayo sa pagtataya, tingnan natin kung mayroon
ka bang natutunan sa aralin na tinatalakay sa modyul na to.

Panuto : Piliin ang titik na may pinakaangkop na sagot at isulat sa sagutang


papel/kwaderno.
1. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng tekstong naglalahad/ekspositori?
a. magbigay – impormasyon b. manghikayat
c. magbigay – kasiyahan d. mamuna
2. Sa anong paraan pinahahalagahan ng mga taga- Bisaya ang kanilang
kultura?
a. Pinahalagahan ng mga taga- Bisaya ang kanilang kultura sa
pamamagitan ng patuloy na pagpapayabong nito.
b. Pinahahalagahan nila ang kanilang kultura sa pamamagitan ng
paglimot
nito.
c. Pinahahalagahan nila ang kanilang kultura sa pamamagitan ng
pagsawalang- bahala nito.
d. Pinahahalagahan nila ang kanilang kultura sa pamamagitan ng
paggawa ng tama.
3.Bakit inilibing ang inunan (placenta) sa tabing – dagat matapos
makapanganak ang isang babae ayon sa paniniwala ng mga taga–Bisaya?
Ano ang pinaniniwalaan nila ukol dito?
a. para swertehin ang bata paglaki nito
b. para lumaking malusog ang bata

15
c. para lumaki itong magaling lumangoy
d. para lapitin ito ng mga lamang-dagat

4. Ang mga sumusunod ay katangian ng tekstong naglalahad, maliban sa;


a. paggamit ng mga totoong datos
b. pagsasaad ng sanhi at bunga
c. obserbasyon sa kapaligiran
d. analisis na proseso
5. Ang mga sumusunod ay mga kaugalian ng mga Bisaya, maliban sa;
a. Likod – likod b. Pagbibigay ng dote
c. Mangluhod d. Mamae
6. Ito ay isa sa mga hulwaran ng tekstong ekspositori na may layuning
ipaliwanag o bigyan ng kahulugan ng isang termino o parirala.
a. Depenisyon b. Kahinaan
c. Pagkasunod – sunod d. Paghahambing
7. Ang mga sumusunod na salita ay mga salitang pananda sa hulwarang
paghahambing , maliban sa ;
a. Dahil sa b. Habang
c. Ngunit d. Matapos
8.Madalas na itinuturing na kabisera ng
kultura ng mga Sugbuanon.
a. Cebu City b. Davao City
c. Ozamiz City d. Zamboanga City
9. Tawag sa ritwal na may sinasabing halong mahika, kalimitang binibigkas sa
paggawa ng mga kakaibang bagay na hindi maipaliwanag maging ng
siyensya.
a. Engkantasyon b. Mangluhod
c. Hukut d. Mamae
10. Ito ay bahagi ng kultura ng mga taga- Bisaya bilang panggamot sa
maysakit

16
at pantaboy ng masamang espritu na ginamit pa rin hanggang sa
kasalukuyan.
a. Bulong b. Sinulog
c. Sandugo d. Ritwal

11. Bakit ang babaylan ang karaniwang gumagawa sa ritwal na bulong at


engkantasyon?
a. Dahil siya ang itinalaga ng mga tao na tagapamagitan sa mga anito
at diwata
b. Dahil matanda na siya at pwede na siyang mamatay
c. Dahil mayroon siyang naiibang kapangyarihan
d. Dahil pinag- aralan niya ito
12. Tawag sa ritwal na ginamit bilang pagtataboy sa masamang espiritu na
nasa katawan ng tao;
a. Bugyaw b. Bulong
c. Engkantasyon d. Luy-a – luy-a
13. Bakit kailangang umusal ng bulong kapag ikaw ay dumaan sa isang
punso?
a. Para hindi sila matapakan
b. Para makadaan ka ng deritso
c. Para linisin nila ang daan
d. Para hindi ka matinik
14. Bakit hindi niluluma ng panahon ang kultura ng mga taga- Bisaya kahit pa

sa pagbabago ng panahon?
a. Dahil nagpasalin-salin pa rin ito sa bibig ng tao
b. Dahil nakalimbag ito sa mga aklat
c. Dahil patuloy pa rin itong niyayakap, pinaniniwalaan at ginagawa ng
mga taga—Bisaya
d. Dahil itinuro pa rin ito sa mga paaralan

17
15. Kung ikaw ang tatanungin, yayakapin mo rin ba ang mga kaugalian ng
mga
taga- Bisaya bilang bahagi ng kanilang kultura? Bakit?
a. Oo, dahil ito ay pamana ng ating mga ninuno.
b. Oo, dahil wala namang mawawala sa akin..
c. Hindi, dahil nasa bagong teknolohiya na tayo.
d. Oo, dahil ito na ang aking nakagisnan.

Panuto: Sumulat ng tekstong naglalahad/expositori tungkol sa napapanahong


isyu (COVID-19). Isulat ang sagot sa sagutang papel/kwaderno.

Rubrik sa Pagsulat ng Tekstong Ekspositori

Pamantayan Puntos Natamong Puntos


Malinaw na nailahad 5
ang layunin sa pagsulat
ng teksto.
Lantad ang 5
pangunahing ideya na
tatalakayin.
Hinay-hinay na nailahad 5
ang mga suportang
ideya.
Organisado ang mga 8
ideya gamit ang isang
angkop na hulwarang
organisayon.
Napapanahon ang 7
isyung tinalakay.

18
Kabuuan 30 puntos

Balikan Panimulang Pagtataya


Tayahin
1. √ 1. D
1. A
2. Х 2. C
2. B 3. C
3. √
3. C 4. A
4. Х 5. D
4. D
5. √ 6. B
5. A 7. B
8. B
9. A
10. D
Pagyamanin 11. D
1. nauusog - puna sa isang tao na may 12. D
masamang naidudulot paglipas ng 13. B
ilang minuto o oras 14. B
2. bulong – katawagan ito noong 15. A
unang panahon na kung saan may
salitang binibigkas upang sabihin sa
mga di – nakikitang nilalang
3. babaylan – katutubong
manggagamot sa isang lugar Pangwakas na Pagtataya
4. ritwal – seremonya na ginagawa 1. A 11. A
araw- araw , linggo – linggo o taon-
taon ng ating mga ninuno. 2. A 12. A
5. sumasapi – mabuti o masamang
3. B 13. A
pagsanib ng mga espiritu
B. 4. C 14. C
1. unang – pagkasunod -sunod
2. samantalang - paghahambing 5. B 15. A
3. sa kasalukuyan – pagkasunod – 6. A
sunod
5. kaya – kahinaan at kalakasan 7. A
8. A
Isaisip
1. ekspositori 19 9.A
2. magbigay ng impormasyon
10. A
3. pagtalakay ng paksa
4. apat
Servillano T. Marquez Jr., PhD, Pintig ng lahing Pilipino. Sibs
Publishing House, Inc.
Servillano T. Marquez Jr., PhD, Pinting ng Lahing Pilipino. Teachers
Wraparound Edition. Sibs Publishing House, Inc.
Project EASE (Effective Alternative Secondary Education) Department
of Education
Ailene G. Baisa at Alma M. Dayag, Pluma. Wika at Panitikan. Phoenix
Publishing House, Inc.
Electronic Resources
https://quizlet.com
rmhalife.wordpress.com
https://www.slideshare.net
https://en.wikipedia
https://w.w.w.tagaloglang.com
https://t/.m.wikipedia.org
https://folksongatbp.blogspot.com

https://www.google.com/search?
q=sandugo+festival&tbm=isch&ved=2ahUKEwj4yumfyNXpAhUBzYsBHaRDBIoQ
2-
cCegQIABAA&oq=sandugo&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgQIABBD
MgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAA6BAgjECdQruJ0WJq
BdWCnknVoAHAAeACAAZgEiAGYHJIBCzAuMi41LjIuMS4ymAEAoAEBqgEL
Z3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=CinPXvidFoGar7wPpIeR0Ag&bih=644&biw
=1344#imgrc=KujfUH0ASPHBSM&imgdii=KxmAr7w8TS1bpM

20
https://www.google.com/search?
q=sinulog&tbm=isch&ved=2ahUKEwjMpYqrx9XpAhVC3pQKHdSlDSQQ2cCegQI
ABAA&oq=sinulog&gs_lcp=CgNpbWcQAzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCC
MQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCC
MQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJ1Cnqw5Y08UOYKDPDmgBcAB4AIA
BAIgBAJIBAJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEK&sclient=img&ei=FSjPXo
zHIMK80wTUy7agAg&bih=644&biw=1344#imgrc=OmEfIZ_7aBTTrM

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.govph

You might also like