You are on page 1of 11

Filipino 7

1
Filipino – Ikapitong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Ponemang Suprasegmental
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Abegail C. Calimag at Melanie C. Reyes
Tagasuri: Flerida A. Cruz at Leda L. Tolentino
Editor: Cindy C. Macaso at Leda L. Tolentino

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 7
Ikatlong Markahan
Modyul 2 Para sa Sariling Pagkatuto
Ponemang Suprasegmental
Manunulat: Abegail C. Calimag at Melanie C. Reyes
Tagasuri: Flerida A. Cruz at Leda L. Tolentino/ Editor: Cindy C. Macaso at Leda L. Tolentino

3
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 Modyul 2 ukol sa Ponemang Suprasegmental!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL

Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga


naunang paksa.

ARALIN

Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang


pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY

Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay


na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang


pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral

4
MGA INAASAHAN

Bahagi ng modyul na ito ang pagtalakay sa ponemang suprasegmental na


makatutulong sa iyo kung paano bibigkasin nang wasto ang ang mga salita o
pahayag na angkop sa damdamin at mensaheng nais ipahatid. Magiging gabay mo
ito upang mas madali mong maunawaan ang aralin.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental (tono,
diin at antala).
2. Makikilala ang tamang bigkas ng salitang pupuno sa diwa ng
pangungusap.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang.

_____1. Ito ay ang taas-baba na iniuukol sa pantig ng isang salita o pangungusap


upang higit na maging malinaw ang pakikipag-usap.
A. Haba at Diin
B. Tono o Intonasyon
C. Antala/Hinto

_____2. Tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng


pantig sa salita at sa lakas ng bigkas.
A. Haba at Diin
B. Tono o Intonasyon
C. Antala/Hinto

_____3. Ito ay saglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw
ang mensaheng ibig ipahatid sa ating kausap.
A. Haba at Diin
B. Tono o Intonasyon
C. Antala/Hinto

______4. Kapag ang tono ng salitang kanina ay ganito, ano ang kahulugan nito?

3
2 na
ka
1
ni
A. Nagdududa o nagtatanong
B. Nagsasalaysay
C. Naghahamon

5
_____5. Kapag ang tono ng salitang kanina ay ganito, ano naman ang kahulugan
nito?

3
ni
2
ka
1
na

A. Nagdududa o nagtatanong
B. Nagpapahayag
C. Naghahamon

BALIK-ARAL
Panuto: Punan ng angkop na letra ang bawat kahon upang matukoy ang
kasagutan sa bawat bilang.

1. Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan,


Ay di makabababa sa paroroonan.
Ito ay isang halimbawa ng:
T G M N E G L O G

2. Kung ang gumagapang sa aso ay pulgas, sa damo ay ahas,


Sa ulo ng tao ay kuto. Ano naman ang gumagapang sa kabayo?
P A N T A

3. Ito ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na


nilulutas bilang isang palaisipan.
U G O N

4. Ito ay isang suliranin o uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng


lumulutas nito.
P L A S I A

5. Ang “Bata batuta, isang perang muta at Tutubi, tutubi, huwag kang pahuhuli sa
batang salbahe ay kilala rin sa tawag na:
T L A N P U D O

6
ARALIN

Ponemang Suprasegmental

Ang mga ponemang suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang


pakikipagtalastasan. Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag at
maiparating ang tamang damdamin sa pagpapahayag.

1. Intonasyon, Tono, at Punto – Ang intonasyon ay tumutukoy sa pagtaas at


pagbaba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa salita na maaaring makapag-iba sa
kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay. Ang
tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin samantalang ang
punto ay ang rehiyonal na tunog o accent.
Halimbawa:
 Ang ganda ng tula? (Nagtatanong/Nagdududa)
 Ang ganda ng tula. (Nagsasalaysay)
 Ang ganda ng tula! (Nagpapahayag ng kasiyahan)

2. Diin at Haba – Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol


ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita. Ang diin naman ay tumutukoy sa
lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
Halimbawa:
 /balah/ (bullet)
 /bala/ (threat)
 /tu.boh/ (pipe)
 /tuboh/ (sugar cane)

3. Hinto o Antala – Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na


maging malinaw ang mensaheng ipinapahayag. Ginagamit ang kuwit, tuldok, semi-
kolon, at kolon sa pagsulat upang maipakita ito.
Halimbawa:
 Hindi maganda. (Sinasabing hindi maganda ang isang bagay)
 Hindi, maganda. (Pinasusubalian ang isang bagay at sinasabing
maganda ito)

Bukod sa mga ponemang suprasegmental ay nakatutulong din sa mabisang


pagpapahayag ang mga di-berbal na palatandaan gaya ng kumpas ng kamay at
galaw ng mata at katawan lalo na sa pagbigkas ng tula.
Ang pagkumpas ay mahalagang sangkap sa sining ng pagbigkas ng tula.
Ginagamit ito upang maihatid ang damdamin ng tula sa madla o mailarawan ang
kaisipang inilalahad nito. Dapat tandaan na ang bawat kumpas ay kailangang
maging natural, hindi pabigla-bigla ang pagtaas o pagbaba ng kamay. Hindi
pasulpot-sulpot ang kamay at lalong hindi palamya-lamya ang galaw ng bisig.
Kailangan ang kumpas ay maging angkop sa daloy ng damdaming nais ilarawan.
Ang wastong pagkumpas ay nakatutulong sa pagpapataas ng damdaming
inihahatid sa madla.

7
Gayundin, mahalaga sa pagbigkas ang disiplina. Maging ang galaw ng mata at
katawan ay dapat magkaroon ng kaisahan. Kung ang pokus ng paningin ay sa
gawing kaliwa, lahat ng pares ng mata ay dito dapat magkaroon ng kaisahan. Kung
ang pokus ng paningin ay sa gawing kaliwa, lahat ng pares ng mata ay dito dapat
nakatuon. Ang paglalapat ng angkop na galaw ay nakadaragdag sa kagandahan o
kasiningan sa pagpapahayag. Ang kumpas o kilos na gagawin ay dapat umaayon
sa diwang isinasaad ng nais sabihin o bigkasin.

MGA PAGSA0SANAY

A. Panuto: Salungguhitan ang salitang nagsasaad ng kahulugan ng sumusunod


na parirala. (Ang diin ay nasa letra/pantig na nakasulat sa malaking letra)

1. Likha ng mainit na bagay sa balat


(PA:so ; pa:SO)

2. Kasalungat ng salitang tayo.


(U:po ; u:PO)

3. Lalagyan ng halaman.
(pa:SO ; PA:so)

4. Kita sa negosyo
(TU:bo ; tu:BO)

5. Maningning sa langit kung gabi.


(TA:la ; ta:LA)

B. Panuto: Piliin ang angkop na pahayag sa sumusunod na sitwasyon. Bilugan


ang letra ng tamang sagot.

1. Pag-amin na siya ang namitas ng bulaklak at hindi si Pia.


A. Tama/ ako ang namitas ng bulaklak at hindi si Pia.
B. Tama ako/ ang namitas ng bulaklak at hindi si Pia.
C. Tama ako ang namitas ng bulaklak at hindi si Pia.

2. Ipinakilala mo sa iyong ama ang iyong kaibigang doktor.


A. Doktor/ Santos ang tatay ko.
B. Doktor Santos/ ang tatay ko.
C. Doktor Santos ang tatay ko./

3. Nagpapatunay na talagang maganda si Ruby kaya napiling sagala.


A. Totoo/si Ruby ay maganda kaya napiling sagala.
B. Totoo si Ruby/ay maganda kaya napiling sagala.
C. Totoo si Ruby ay maganda kaya napiling sagala./

8
4. Ipinipilit na walang ibang tumirador sa ibon kundi si Rey.
A. Si Rey/ ang batang tumirador sa ibon.
B. Si Rey ang batang/ tumirador sa ibon.
C. Si Rey ang batang tumirador sa ibon./

5. Mariin mong sinasabing tunay na ikaw ang nag-utos at wala ng iba pa.
A. Tunay/ako ang nag-utos sa kanya.
B. Tunay ako/ang nag-utos sa kanya.
C. Tunay ako ang nag-utos sa kanya./

C. Panuto: Piliin mula sa kahon at isulat sa patlang ang tamang salitang


pupuno sa diwa ng pangungusap.

/bu.kas/ , /bukas/

1. _______________ na tayo pumunta sa silid-aklatan upang magbasa.


2. _______________ pa kaya ang silid-aklatan hanggang mamayang hapon.

/bu.hay/ , /buhay/

3. Ang wika ay _______________ kaya’t nagbabago sa pagdaan ng panahon.


4. Ang ______________ ng wika ay nakasalalay sa dalas ng paggamit nito.

/sa.yah/ , /sayah/

5. Bihira na sa kababaihan ang nagsusuot ng _______________ sa panahong ito.


6. Hindi niya mapigilan ang kanyang ________________ nang makabalik sa
Pilipinas at makasama ang kanyang pamilya.

PAGLALAHAT

 Paano nakatutulong ang ponemang suprasegmental sa pagpapahayag ng


saloobin, pagbibigay ng kahulugan , layunin at intensyon? Ipaliwanag.

9
PAGPAPAHALAGA
 Ano ang kahalagahan ng kaalaman sa paggamit ng mga ponemang
suprasegmental?

Diin at
Haba

Intonasyon, Hinto o
Tono at Antala
Punto

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang. Isaayos ang ginulong mga
letra sa loob ng bilog at isulat sa patlang ang sagot.
1. Pagtaas at pagbaba ng tunog na iniuukol sa pagbigkas ng pantig ng isang
salita, parirala o pangungusap.

O N
T O
___________
2. Saglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig ipahayag sa ating kausap.

LNA
AA ___________
T
3. Isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang salita mula
sa isa pang salita ng partikular na wika.

APE
NOM
____________
4. Paghaba o pag-ikli ng bigkas ng nagsasalita sa patinig ng isang pantig sa
salita.
A B
A H ___________

5. Tumutukoy sa lakas ng bigkas ng pantig sa isang salita.

I N
I D _________

10
11
https://www.google.com.slideshare.net
(2014) Phoenix Publishing House, Inc. pp. 284-286.
Baisa, Ailene G., Lontoc, S. Nestor, Esguerra, Carmela H. Pinagyamang Pluma
Sanggunian
PAUNANG PAGSUBOK B. 1. A
1. B 2. B
2. A 3. A
3. C 4. A
4. A 5. A
5. B C. 1. /bu.kas/
BALIK-ARAL 2. /bukas/
1. TUGMANG DE-GULONG 3. /buhay/
2. PLANTSA 4. /bu.hay/
3. BUGTONG 5. /sa.yah/
4. PALAISIPAN 6. /sayah/
5. TULANG PANUDYO PANAPOS NA PAGSUSULIT
MGA PAGSASANAY 1. TONO
A. 1. PA:so 2. ANTALA
2. u:PO 3. PONEMA
3. pa:SO 4. HABA
4. tu:BO 5. DIIN
5. TA:la
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like