You are on page 1of 5

Learning Area FILIPINO Grade Level 8

W2 Quarter IKATLONG MARKAHAN Date


I. Lesson Title
Antas ng Wika (Pormal at Di-pormal)

II. Most Essential Learning Nagagamit ang iba’t ibang istratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa
Competencies (MELC) pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pa. (F8PU-IIIa- c-30)

Nagagamit ang iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa


impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga) (F8WG-IIIa-c-
30)

III. Content/Core Content Pormal


Di- pormal

IV. Learning Suggested Learning Activities


Phases Timeframe
A. Introduction Basahin at unawaing mabuti ang mga salita. Ilagay sa kahon ang
(Panimula) sumusunod na mga salita, kung ito ay pormal o di- pormal

parak marikit
kapatid jowa
pista kapamilya
nasan ermat
katuwang panibugho

PORMAL DI-PORMAL

B. Development Panuto: Paghambingin at isulat ang pagkakaiba ng dalawang salita.


(Pagpapaunlad)
AMA ERPAT

________________________________________________
________________________________________________

_________________________________________________

Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan. 

Antas ng Wika
Nahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal at Di- pormal at sa loob ng
bawat isa ay may iba pang antas.

Sa pormal, nariyan ang pambansa, pampanitikan at Teknikal.

Samantala ang mga Di- pormal naman ay lalawiganin, kolokyal at balbal.

1. Pormal- Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng


mga aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga
paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo, eksato, at tiyak. Ito ay gumagamit
ng bokablaryong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang- araw-
araw na usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo
ayon sa mga panuntunang gramatikal.

a.Pambansa- Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at


pambalarila para sa paaralan at pamahalaan
       Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan

b.Pampanitikan o panretorika- Ito ay ginagamit ng mga malikhain


manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at    
masining.
    Halimbawa:
        kahati sa buhay
        bunga ng pag-ibig
        pusod ng pagmamahalan

2.Di- pormal- Wikang ginagamit ng karamihang tao araw- araw. Simple


lang ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi
lamang. Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit
ng mga panghalip na “ako” at “mo”. Hindi ito mahigpit sa tamang
paggamit ng din- rin, daw- raw,kaunti- konti, atpb. Ang mga artikulo at
kolum sa mga diyaryo na parang nakikipag- usap lamang sa mambabasa
ay kadalasang gumagamit ng mga wikang di- pormal. Ito rin ang mga
wikang ginagamit sa pagsulat sa mga kaibigan.

a.Lalawiganin- Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o


lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
       Halimbawa:
                papanaw ka na? (Aalis ka na?)
                nakain ka na? (Kumain ka na?)
                buang! (Baliw!)

b.Kolokyal- Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang


kaunti, maari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang
pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita.
      Halimbawa:
               nasan,
pa`no,
sa’kin,
kelan
           meron ka bang dala?

c.Balbal- Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa


ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar.
              Halimbawa:
              chicks (dalagang bata pa)
              orange (beinte pesos)
              pinoy (Pilipino)

C. Engagement Panuto: Subukin mong humalaw ng iba’t ibang akda gamit ang malikhain
(Pakikipagpali at mapanagutang wika (pormal) mula sa mga pangyayari sa diyalogo
han) batay sa hinihingi ng mga kahon sa ibaba. Isulat sa sagutang papel.

BALBAL LALAWIGANIN

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

KOLOKYAL PAMPANITIKAN

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
A.Malikhain

B.Kaisahan D. Assimilation
(pagkakaugnay- ugnay ng mgasalita)
Gawain: Pagsulat ng tula
(Paglalapat)
Gumawa ng isang tula na sumasalamin sa
C.Makatotohanan (sumasalamin sa lipunang ginagalawan)
kasalukuyang kalagayan ng inyong
barangay.
D.Pormal at responsible ang gamit ng wika
Gamiting gabay ang pamantayan:
E.Kawastuhan (wasto ang gamit ng mga salita at bantas)

Leyenda sa Pagmamarka

Napakahusay ……………………………20-25 puntos


Mahusay…………………………………..15-20 puntos
V. Assessment Unawaing mabuti ang mga sumusunod na salita sa bawat bilang.
Tukuyin kung anong antas ang kinabibilangan ng mga salitang ito. Isulat sa
ang balbal, kolokyal, lalawiganin, pambansa o pampanitikan.

1. pusod ng pagmamahalan _________________________


2. pista _________________________
3. bana _________________________
4. tsaka _________________________
5. maaliwalas _________________________
6. maganda _________________________
7. Tsibog _________________________
8. Asawa _________________________
9. sumabay sa agos _________________________
10.mekeni _________________________

VI. Reflection Isulat ang iyong realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:

Nauunawaan ko na_____________________________________

Nabatid ko na__________________________________________

Inihanda ni: Gng. Sheila D. Magan Binigyang Pansin ni: G. Mark John B. Diocado

You might also like