You are on page 1of 7

8

Filipino 8
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Sanaysay
Pagkiklino ng Salita
MODYUL 4 Sanaysay: Ako ay Ikaw
Aralin 4 Wika: Pagkiklino ng mga Salita

Subukin: Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong at bilugan ang titik ng iyong sagot.
1. Ito‟y isang uri ng sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw ng may-akda tungkol
sa isang paksa.
A. sanaysay B. tula C. alamat D. mito
2. Ito‟y kasangkapang ginagamit ng tao para sa pakikipag-ugnay sa kapwa.
A. tunog B. wika C. musika D. nota
3. Ito ay tumutukoy sa tindi o antas ng kahulugan ng mga salita.
A. pagkiklino B. denotasyon C. konotasyon D. talasalitaan
4. Alin sa sumusunod ang tamang ayos ayon sa tindi ng kahulugan.
A. malambot, mahina, marupok C. marupok, mahina, malambot
B. mahina, marupok, mahina D. mahina, malambot, marupok
5. Alin sa sumusunod nagagamit ang talasalitaan o pagbibigay kahulugan?
A. pagsulat at pagbabasa C. pag-awit at pagsayaw
B. pamamasyal at panonood D. pamamasyal at pag-uusap

Balikan: Gawain 2
Mula sa iyong aralin tungkol sa Sarsuwela, bilang pagbabalik-aral, magbigay ng
isang katangian ng sarsuwela na wala sa iba pang anyo ng dula. Isulat sa nakalaang
espasyo ang iyong sagot.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Tuklasin
Ako ay Ikaw
ni Hans Roemar T. Salum
“Ako‟y isang Pinoy, sa puso‟t diwa. Pinoy naisinilang sa ating bansa. Ako‟y „di sanay sa
wikang mga banyaga, ako‟y Pinoy na mayroong sarilingwika. Wikang Pambansa, ang gamit
kong salita...” Hay, napakasarap sapandinig ang awiting iyan ni Florante. Damang-dama ang
pagmamahal ng mang-aawit sa akin. Matagal na panahon na rin simula nang ako ay
ipaglaban ni dating Pangulong Mauel L. Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan
upang ako ay umusbong, gamitin at tangkilikin. Ako ang simbolong pagkakakilanlan ng ating
bansa, ang Pilipinas. Ako ay ginagamit sa maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah, tunay
ngang malayo na ang aking narating bilang isang instrumento ng komunikasyon. Sa
paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating bansa.Modernong
kagamitan, pamumuhay, moderno na rin pati kabataan.Talagang ang mga Pinoy ay hindi
nagpapahuli. Subalit, kasabay ngpagbabago at pagiging modernong ito ay ginawa na rin
akong moderno.Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong panahon.
Mayroong wika ng kabataan ngayon, Taglish, mga jejemonwika nga. Ang salitang nanay
sasabihing mudra, ang tatay ay pudra.May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos!
Hay, kailanganb ang kasabay ng pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang
ipinaglabang wika? Mga kabataan, ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa. Hindi masama
ang pag-unlad at ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at
ikaaayos ng komunikasyon. (Ambat, Vilma C. et. al. 2015 Filipino 10 Modyul para sa Mag-
aaral, Meralco Avenue Pasig City, Philippines. Vibal Group Inc.)
Gawain 3
Mga Katanungan:
1. Anong uri ng sanaysay ang binasang akda?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Pansinin ang mga pangungusap sa ibaba, ano ang ibig sabihin ng sumusunod na
pahayag? Isa-isahing ipaliwanag ang kahulugan ng bawat isa.
a. Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong
Manuel L. Quezon.
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
b. Sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno ang ating bansa.
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
c. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong panahon.
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Sino ang nagsasalita sa sanaysay?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
4. Ano ang tema o paksa ng sanaysay?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
5. Ayon sa binasang akda, bakit mahalaga ang wikang pambansa?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Suriin
Alam mo ba ang pagkiklino ng mga salita? Ang klino ay ang pag-aayos ng
mga salita ayon sa tindi ng kahulugan.
Halimbawa sa mga salitang mahina, malambot at marupok. Alin kaya ang mauna,
pangalawa at pangatlo ayon sa tindi ng kahulugan.
Sagot ay ito; Iba pang mga halimbawa:
a. malambot a. ngitngit a. madumi
b. mahina b. galit b. masukal
c. marupok c. muhi c. madawag
d. poot
Gawain 4
Gawin ang pagkiklino ng mga salita. Ayusin ang tindi o antas ng kahulugan sa
sumusunod. Iayos ayon sa mga gamit ang mga titik.
_________1. a. nakabatay _________4. a. kumakatawan
b. naaayon b. sumisimbolo
c. nakasaad c. nagrereprisinta
d. nagpapatungkol
_________2. a. dalubhasa _________5. a. dukha
b. sanay b. mahirap
c. bihasa c. maralita
d. magaling
Pagyamanin: Gawain 5

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa mga salita?


_________________________________________________________________________

Isaisip: Gawain 6
1. Sa iyong palagay bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas?
_________________________________________________________________________
2. Bilang isang kabataan, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa Wikang
Pambansa?________________________________________________________________
Gawain 7: Pananaw ko, Pahalagahan mo
Panuto: Ilalahad ang sariling pananaw batay sa nilalaman ng sanaysay na Ako ay Ikaw.
Gamitin ang graphic organizer sa ibaba kasunod nito.

_____________________________________________
Sa aking pananaw
___________________________________________

Isagawa: Gawain 8
Panuto: Magbigay ng limang kahalagahan tungkol sa Wikang Pambansa.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Tayahin: Gawain 9
I. Punan upang mabuo ang pahayag ang at isulat sa nakalaang espasyo ang
iyong sagot.
1. Ang pambansang wika ng mga Pilipino ay _____________________________________.
2. Si ______________________________ ang Ama ng Wikang Pambansa.
3. Naglalahad ng opinyon tungkol sa isang isyu ang _______________________________.
4. Ang panghalip na ako sa sanaysay na „Ako ay Ikaw‟ ay tumutukoy sa _______________.
5. Ang _______________________ ay ang pag-aayos sa tindi ng salita.

Karagdagang Gawain

Isulat kung ano ang katangian ng sanaysay na kaiba sa iba pang akdang
pampanitikan
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Susuriin ng guro bawat sagot.
Gawain 7
Basahin ng guro ang sagot ng mag-aaral at naaayon na sa kanya ang puntos ng pagmamarka.
Gawain 6
Basahin ng guro ang sagot ng mag-aaral at naaayon na sa kanya ang puntos ng pagmamarka.
Gawain 5
5. B, C, A
4. C, A, B
3. B, C, A, D
2. D, B, C, A
1. B, A, C, D
Gawain 4
5. Ito ang kasangkapan ng pagkakaisa ng mamamayan ng isang bansa.
4. tungkol sa wikang pambansa
3. wikang Pambansa
2. A at B (Ang guro ang magmamarka depende sa sagot ng mag-aaral.)
1. di pormal na sanaysay
Gawain 3
Ang sarsuwela ay dulang musikal.
Gawain 2
5. A 5. pagkiklino
4. A 4. wikang pambansa
3. A 3. sanaysay
2. B 2. Manuel L. Quezon
1. A 1. Filipino
Gawain 1 Gawain 8.
Modyul 4
Susi ng Kasagutan

FILIPINO 8
2nd Quarter - Module 4
SUMMATIVE TEST
I.Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga nakasalungguhit na mga matatalinghagang
pahayag na ginamit sa pangungusap.Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ama ng Wikang Pambansa ng mga Pilipino.
a. Jose Rizal b. Marcelo H. del Pilar c. Andres Bonifacio d. Manuel L. Quezon
2. May dalawang uri ang sanaysay, ito ay ang __________________.
a. pormal at di pormal c. tula at dula
b. maragsa at malumi d. sukat at tugma
3.Ito ay tumutukoy sa tindi o antas ng kahulugan ng mga salita.
a. pagkiklino b.denotasyon c. konotasyon d.talasalitaan
4. Sa sanysay na “Ako ay Ikaw”, sino ang tinutukoy ng panghalip na ako sa sanaysay?
a. Wikang Pambansa b. Manuel L. Quezon c. may-akda d. tao
5. Piliin sa sumusunod ang tamang ayos ayon sa tindi ng kahulugan.
a. maganda,marikit, marilag c. marikit, maganda, marilag
b. maganda, marilag, marikit d. marilag, marikit, maganda
6. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagpapakahulugan ng salita?
a. mahalaga para malalaman ang gamit ng salita. c. lalawak ang kaisipan
b. lalawak ang natutuhan d. uusbong ang kaalaman
II.Panuto: Bigyan ng bilang (1-3) ang sumusunod na mga salita ayon sa tindi ng kahulugan.
Lagyan ng libel ang 1-2- at 3-.
7.- 9. 10.-12. 13.- 15.
_____ makipot _____ nagagalak _____ hikbi
_____ maliit _____ natutuwa _____ hagugol
_____ makitid _____ masaya _____ iyak
III.Panuto: Sumulat ng sariling sanaysay na nagpapahayag ng iyong opinyon at
maiuugnay sa pandemya.
A. Programang Sustainable Eco-Friendly
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
B. Programang Barkada Kontra Droga
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Agusan del Sur
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
Operating Unit (Empowered School)
Website.asnhs.webs.com
School I.D.: 304703

Filipino 8
WEEKLY HOME LEARNING PLAN
QUARTER 2-MODULE 4
DAY & LEARNING LEARNING LEARNING TASKS MODE OF
TIME AREAS COMPETENCY DELIVERY
Wake up, make up your bed, eat breakfast and get ready for an awesome day!
Filipino 8 F8PU-Ig-h-22 Subukin  Modular
Naisusulat ang Gawain 1 Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong at (Send by
talatang: bilugan ang titik ng iyong sagot. Barangay)
Balikan
 Digitized
Gawain 2 Panuto: Mula sa iyong aralin tungkol sa Sarsuwela,
-binubuo ng (Messenger
bilang pagbabalik-aral, magbigay ng isang katangian ng
magkakaugnay at sarsuwela na wala sa iba pang anyo ng dula. Isulat sa and Email
maayos na mga nakalaang espasyo ang iyong sagot.
pangungusap Tuklasin
Gawain 3 Panuto: Sa bahaging ito, may babasahin kang isang
-nagpapahayag ng akda. Unawain mo ito pagkatapos ay sasagutin mo ang mga
sariling palagay o sumusunod na katanungan.
kaisipan Suriin
a. Programang Panuto: Alam mo ba ang pagkiklino ng mga salita? Ang klino
Sustainable Eco- ay ang pag-aayos ng mga salita ayon sa tindi ng kahulugan.
Gawain 4 Panuto: Gawin ang pagkiklino ng mga salita. Ayusin
Friendy
ang tindi o antas ng kahulugan sa sumusunod. Iayos ayon sa
b. Programang mga gamit ang mga titik.
Barkada Kontra Pagyamanin
Droga Gawain 5 Panuto: Sa bahaging ito ikaw ay tatanungin ng
isang tanong na magbibigay sa iyo ng pagkakataong
- nagpapakita ng maipahahayag mo ang iyong pananaw.
simula, gitna at Gawain 6 Panuto: Sa bahaging ito ikaw ay tatanungin ng isang
wakas tanong na magbibigay sa iyo ng pagkakataong maipahahayag
mo ang iyong pananaw.
Gawain 7: Pananaw ko, Pahalagahan mo
Panuto: Ilalahad ang sariling pananaw batay sa nilalaman ng
sanaysay na Ako ay Ikaw. Gamitin ang graphic organizer sa
ibaba kasunod nito.
Gawain 8
Panuto: Magbigay ng limang kahalagahan tungkol sa Wikang
Pambansa.
Tayahin
Gawain 9
Panuto:Punan upang mabuo ang pahayag ang at isulat sa
nakalaang espasyo ang iyong sagot.
Karagdagang Gawain
Panuto:Isulat kung ano ang katangian ng sanaysay na kaiba sa
iba pang akdang pampanitikan.

You might also like