You are on page 1of 26

8

Filipino 8
Unang Markahan – Modyul 2:
MGA TALINGHAGA, EUPEMISTIKO O MASINING
NA PAHAYAG AYON SA KASINGKAHULUGAN
AT KASALUNGAT NA KAHULUGAN
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: MGA TALINGHAGA, EUPEMISTIKO O MASINING NA
PAHAYAG AYON SA KASINGKAHULUGAN AT KASALUNGAT NA KAHULUGAN
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lizelda E. Antonio, Francisco I. Diaz, Jerwin K. Diaz
Editor: Clinton T. Dayot, Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa,
Shem Don C. Fabila, Arlene L. Decipolo
Tagasuri: Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa, Shem Don C.
Fabila, Arlene L. Decipolo , Clinton T. Dayot, Jennie S. Jarabe, Marissa B. Cadorna,
Analiza F. Kadusale, Maria Dina B. Jalisan, Jershon T. Montaǹo, Rustom R. Nonato
Tagalapat: Jerry Mar B. Vadil, Ayvis A. Calingacion
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Renante A. Juanillo
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Rosela R. Abiera
Nilita L. Ragay, Ed.D Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
8

Filipino
Unang Markahan – Modyul 2:
MGA TALINGHAGA,
EUPEMISTIKO O MASINING NA
PAHAYAG AYON SA
KASINGKAHULUGAN AT
KASALUNGAT NA KAHULUGAN
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 8 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling MGA TALINGHAGA, EUPEMISTIKO O
MASINING NA PAHAYAG AYON SA KASINGKAHULULUGAN AT KASALUNGAT !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa MGA TALINGHAGA, EUPEMISTIKO O MASINING NA PAHAYAG
AYON SA KASINGKAHULULUGAN AT KASALUNGAT !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
ALAMIN

MGA TALINGHAGA, EUPEMISTIKO O MASINING


NA PAHAYAG – AYON SA KASINGKAHULUGAN
AT KASALUNGAT NA KAHULUGAN

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Nabibigyang kahulugan ang mga talinghaga, eupemistiko o masining


na pahayag na ginamit sa tula, balagtasan, alamat, maikling kuwento,
epiko, ayon sa – kasingkahullugan at kasalungat na kahulugan.
F8 PT-Ia-c-19

PANIMULA

Kumusta mahal kong mag-aaral? Magandang araw sa iyo. Alam ko na


naging matagumpay at makabuluhan ang mga nakaraan mong aralin. Ngayon
isa pang modyul ang inihanda para sa iyo na sigurado akong kawiwilihan mo.
Ito ay hahamon na naman sa iyong kakayahan.
Nasubukan mo na bang itanong sa iyong sarili ang mga katanungang
ito? Puwede ko bang sabihin sa aking kaibigan ang mga salitang ito? Ano kaya
ang maging reaksiyon niya kapag diretsahan kong banggitin sa kanya ito?
Paano kong ito ang maging dahilan sa hindi namin pagkakaunawaan? Ano-
ano kayang mga pahayag ang aking gagamitin?
Ang kaalaman ukol sa paggamit ng matalinghaga at eupemistikong
pahayag ay makatutulong upang mapaunlad ang intelektwal na kaisipan sa
pag-unawa sa malalim na kahulugan ng mga salita. Sa paggamit ng mga
eupemistikong pahayag nakatutulong ito upang maibsan o di kaya’y maiwasan
ang makasakit ng damdamin sa kapwa.

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:


1. Nabibigyang-kahulugan ang mga piling salita/pahayag ayon sa
kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan
2. Nagagamit ang mga matalinghagang pahayag sa pagbuo ng isang
akda.
3. Napahahalagahan ang wastong paggamit ng mga matalinghagang
pahayag ng hindi nakakasakit ng damdamin sa kapwa.

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

Panuto: Basahin ng may pag-unawa ang mga pangungusap sa ibaba at sagutin


ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

2. Bagaman anak-dalita si Ben, hindi ito naging hadlang upang makapagtapos


siya ng pag-aaral. Ang kasingkahulugan nang nakasalungguhit ay:

A. mayaman
B. mahirap
C. mapera o masalapi
D. maringal

2
2. Butas na ang bulsa ni Mary Jane dahil sa malaki ang kanyang ginastos sa
handaan noong pasko at bagong Taon. Ang kasingkahulugan ng
nakasalungguhit ay:

A. nangangailangan ng sulsi ang bulsa


B. maraming pera
C. walang pera
D. madamot sa pera\

3. Sigurado akong inisip niya nang makapito ang bagay na ito bago ginawa.
Ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit ay:

A. isang beses na pinag-iisipan


B. dalawang beses na pinag-iisipan
C. pitong beses na pinag-iisipan
D. pinag-iisipang mabuti

4. Lahat tayo ay nakararanas ng bagyo sa buhay. Ang kasingkahulugan ng


nakasalungguhit ay :

A. problema
B. kasaganaan
C. katanyagan
D. kaligayahan

5. Madaling pakisamahan ang mga taong may matalas na pag-iisip. Ang


kasingkahulugan ng nakasalungguhit ay:

A. mayabang
B. makitid ang utak
C. matalino
D. maunawain

6. Marami ang sumakabilang buhay dulot ng virus na tinatawag na COVID’19.


Ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit ay:

A. namatay
B. nabuhay
C. nawalan ng pag-asa
D. nawala sa tamang landas

7. 7.Marami ang hindi makapaniwala nang ang magkasintahang Romeo at


Juliet ay lumagay na sa tahimik. Ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit
ay:

A. magtanan
B. magtago
C. mangibang bansa
D. magpakasal

3
8. Marami ngayon ang nagbibilang ng poste dahil sa biglaang pagsara ng
maraming kompanya. Ang kasalungat na kahulugan ng nakasalungguhit ay:

A. walang trabaho
B. may trabaho
C. may mapagkakakitaan
D. may mapagkukunan ng pera

9. Ang panunukso ay hindi kayang tiisin ni Nena dahil siya ay balat-sibuyas.


Ang kasalungat na kahulugan ng nakasalungguhit ay:

A. matapang
B. madaling umiyak
C. maramdamin
D. di-madaling umiyak

10. Parang buto’t balat na si Jenny pagkatapos ng mahabang panahong pagka-


ospital. Ang kasalungat na kahulugan ng nakasalungguhit ay:

A. matabang mataba
B. payat na payat
C. katamtaman ang pangangatawan
D. maliit na maliit

11. Ipinangako ni Jason na magbanat ng buto para matustusan ang


pangangailangan Kanyang pamilya. Ang kahulugan ng nakasalungguhit ay:

A. mag
B. magtrabaho
C. mag-eehersisyo
D. maglalaro

12. Nabuhayan ng loob si Meme matapos manalagin sa panginoong Diyos. Ang


kasalungat na kahulugan ng nakasalungguhit ay:

A. nawalan ng pag-asa
B. nalulungkot
C. masayang-masaya
D. matapang

13. Dahil sa walang trabaho ang tatay ni Julia madalas nagdidildil ng asin Ang
kanilang pamilya. Ang kasingkahulugan ng nakasalungguhhit ay:

A. asin ang kinakain


B. walang kinakain
C. naghihirap
D. namamalimos

4
14. Laylay ang balikat ni Jose nang siya ay dumating mula sa pinapasukang
pabrika. Ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit ay:

A. masakit ang balikat


B. pasan ang balikat
C. nakayuko
D. bigo

15. Parang basang sisiw si Mila pagkatapos minura ng matanda. Ang


kasingkahulugan ng nakasalungguhit ay:

A. kamangha-mangha
B. katawa-tawa
C. kagila-gilalas
D. Kaawa-awa

Magaling! Nasubukan mong


gawin ang Panimulang Pagtataya.
Ngayon ay magsisimula na tayo sa ating
paggalugad ng bagong kaalaman
tungkol sa eupemistikong pahayag.

5
TUKLASIN

GAWAIN 1

Panuto: Basahin at suriin ang diyalogo. Sagutin ang mga tanong sa ibaba nito

Papa! Kumuha
Balita ko Totoo yun!
ngayon ay Pupunta ka lang ng
Naglipana Salamat
maraming muna ako sa pagkain sa
na rin ang Papa!
tao ang taas para refrigerator
mga taong
nagbibilang gumawa ng kapag
malilikot
ng poste. aking takdang kumulo na
ang kamay
aralin. iyong
dahil sa
kahirapan tiyan.
bunsod ng Sige
pandemya. anak!

Mamaya na rin ako Ako ngayon ay


Mas
nagugustuhan manonood ng magsusunog ng
palabas sa kilay upang
yata ni Papa
telebisyon kapag marami akong
kapag ako ay
hindi natapos ko na ang matutuhan.
nagmamatigas aking gawain.
ng ulo.

6
1. Batay sa diyalogo sa itaas, ano – ano sa palagay mo ang mga salitang ginamit
ang hindi madaling maunawaan?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Subukin mong bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang mga salita o pahayag


na ito mula sa diyalogo.

a. nagbibilang ng poste - _______________________________________

b. malilikot ang kamay - _______________________________________

c. kumukulo ang tiyan - _______________________________________

d. nagmamatigas ng ulo - _______________________________________

e. magsusunog ng kilay - _______________________________________

3. Naging malinaw ba ang mensaheng nais sabihin ng bawat tagapagsalita?


Angkop ba ang mga salita o pahayag ng bawat isa ayon sa sitwasyon? Katayuan
at sa ugnayan?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________

4. Kung ikaw ang bata na nasa diyalogo, ganoon din ba ang iyong pakikitungo sa
iyong kapwa?. Ipaliwanag.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________

7
SURIIN

PAGSUSURI

1. Ano ang napansin mo sa unang gawain? Naging madali ba para sa iyo ang
pagsagot sa mga tanong? Bakit?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Madali bang maunawaan ang mga salita o pahayag na ginamit sa


diyalago?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Paano kaya makatutulong sa iyo ang gawaing ito sa bagong aralin na iyong ag-
aaralan?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________

8
PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

Ngayon ay basahin natin ang sumusunod na punto sa pagkatuto.

Ang Talinghagang pahayag ay ang lipon ng mga salita na may ibang


kahulugan. Ito ay di tuwirang pagbibigay ng kahulugan. Ang mga salitang ginagamit
ay hindi pangkaraniwan at may malalim na kahulugan. Ang patalinghagang pahayag
ay sinasadyang paglayo sa paggamit ng pangkaraniwang salita upang maging
kaakit-akit, maharaya at mabisa ang pagpapahayag ng kagandahan sa isang katha,
pasalita man o maging pasulat

Mga halimbawa:

1.pag-iisang bibdib - kasal


2.kabiyak ng puso – asawa
3.naniningalang Pugad – nanliligaw o nanunuyo
4.balitang kutsero – hindi totoo
5.pinagbiyak na bunga – magkamukha
.
Ngayon ay talakayin naman natin ang eupimistiko…

Eupemistiko

 Ito ay isang salita na mas magandang pakinggan kaysa sa salitang


masyadong bulgar, bastos o may talim na maaaring makapanakit ng isang
damdamin o mga salitang hindi maganda o kaaaya sa pandinig.
 Ang orihinal na katawagan ay pinagagaan ang kahulugan. Nagpapalit ng
katawagan upang hindi mabigat sa pandinig o hindi masakit sa damdamin
ng iba.

Mga halimbawa:

1. sumakabilang buhay – patay


2. ibinaon sa hukay – kinalimutan
3. Pasang-krus – pabigat
4. malilikot ang kamay – magnanaka
5. anak-dalita – mahirap

9
Mga Gawain 2

Panuto: Tingnan ang mga salitang nasa loob ng talahanayan. Hanapin sa hanay B
ang kasalungat ng mga salitang nasa Hanay A. Isulat ang iyong kasagutan
sa kuwaderno.
A B

pantay ang paa masamang tao


ibaon sa hukay Katulong
Lumulusog Magnanakaw
makati ang kamay Namatay
halang ang bituka kalimutan na

1. __________________________- __________________________
2. __________________________- __________________________
3. __________________________ - __________________________
4. __________________________ - __________________________
5. __________________________ - __________________________

Panuto: Tingnan ang mga salitang nasa loob ng talahanayan. Hanapin sa hanay B
ang kasalungat ng mga salitang nasa Hanay A. Isulat ang iyong kasagutan
sa kuwaderno.

A B
hikahos sa buhay Mataba
kasambahay sobrang kalungkutan
ikapitong langit Payat
lumulusog Mayaman
balingkinitan Amo

1. __________________________- __________________________
2. __________________________- __________________________
3. __________________________ - __________________________
4. __________________________ - __________________________
5. __________________________ - __________________________

10
ISAISIP

Paano nakatutulong ang kaalaman sa


mga talinghaga at eupemistikong pahayag sa
pakikipagkapwa?

ISAGAWA

PAGLALAPAT

Sa puntong ito, ilalapat mo ang iyong natutuhan sa pamamagitan nang


paggawa ng isang komiks.

Panuto: Bumuo ng isang maikling diyalogo gamit ang mga talinghaga at

11
eupemisitking mga pahayag. Mamarkahan ang iyong komiks na ginawa
batay sa rubric sa ibaba.
RUBRIC
Kraytirya Napakahusay Mahusay Nangangailngan pa
ng Kasanayan
5 3 1
Nilalaman Napakahusay ng Mahusay ang Maligoy ang komiks.
(5 na puntos) pagkakabuo ng pagkakabuo ng Makalilito at hindi
komiks. Maayos komikd. Medyo tiyak ang mga ideya
ang ugnayan ng maayosang sa komiks gamit ang
lahat ng ideya sa ugnayan ng talinghaga at
paggawa ng lahat ng ideya sa eupimistiko.
komiks gamit paggawa ng
ang talinghaga komiks gamit
at eupimistiko. ang talinghaga
at eupimistiko.
Pagkamalikhain Orihinal ang May ilang Hindi orihinal ang
(5 na puntos) ideya sa orihinal na ideya ideya sa paggawa ng
paggawa ng sa paggawa ng komiks gamit ang
komiks gamit komiks gamit talinghaga at
ang talinghaga ang talinghaga eupimistiko.
at eupimistiko. at eupimistiko.
Organisasyon Naipakita ang May Malabo ang
(Kohirens, organisasyon ng organisasyon organisasyon kung
Kohisyon, at pagkakabuo ng subalit hindi mayroon man gamit
Kaisahan) komiks at gaanong ang talinghaga at
(5 na puntos) tinataglay nito nasunod ang eupimistiko.
ang mga mga sangkap sa
talinghaga at pagsulat ng
eupimistiko. talinghaga at
eupimistiko.
Presentasyon Malinis at Hindi gaanong Hindi malinis at
(5 na puntos) maayos ang malinis at maayos ang
kabuuang maayos ang kabuuang
presentasyon kabuuang presentasyon gamit
gamit ang presentasyon ang talinghaga at
talinghaga at gamit ang eupimistiko.
eupimistiko. talinghaga at
eupimistiko.

KARAGDAGANG
GAWAIN

12
REFLEKSIYON

Matapos mong matutuhan ang aralin sa modyul na ito, pagnilayan mo kung


paano nakatuitulong ang iyong kaalaman sa kahulugan ng mga talinghaga at
eupemestikong pahayag sa pagsulat ng isang katha pasulat man o pasalita at
maging sa iyong pakikipag-kapwa tao.

Sa aking pagninilay-nilay naisip ko na…

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangugusap.Sagutin ang tanong.


Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Bagamat kilala ang pamilya Quezon na may kaya hindi pa rin nasanay na mag-
astang mayaman ang mga miyembro nito. Alin sa mga salita sa loob ng
pangungusap ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit?

A. mayaman
B. nasanay
C. kilala
D. miyembro

2. Lubos ang pag-aalala ni Martha sa kanyang magulang dahil kapwa na ito


mahina na ang tuhod. Ano ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit?

A. bata pa

13
B. matanda na
C. may sakit
D. lumpo

3. Napakabilis ng paglaganap ng sakit kaya naman simbilis ng kidlat ng langit ang


pagtugon ng lokal na pamahalaan sa tulong medikal sa mga apektadong
pamilya. Ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit ay:

A. pagtugon
B. paglaganap
C. napakabilis
D. sakit

4. Ang lolo na natamaan ng virus na COVID ’19 ay naghihingalo na nang isinugod


sa Negros Oriental Provincial Hospital at sa kasamaang palad hindi na siya
nailigtas sa kanyang pag-aagaw -buhay. Alin sa mga salita sa loob ng
pangungusap ang kasingkahulugan ng Nakasalungguhit?

A. natamaan
B. nailigtas
C. pag-aagaw-buhay
D. isinugod

5. Matalas ang pag-iisip ng batang iyan kaya naman itinanghal siya bilang isa sa
matalinong bata ng kanyang paaralan. Alin sa mga salita sa loob ng
pangungusap ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit?

A. itinamghal
B. matalino
C. bilang
D. bata

6. Pabalat bunga ang kanyang paliwanag sa tulang Florante at Laura. Ang


kasalungat ng salitang nakasalungguhit ay:

A. pahapyaw
B. mabisang paliwanag
C. literal na paliwanag
D. hindi maganda

7. Hindi dapat paniwalaan ang taong mapaglubid ng buhangin. Ang kasalungat


na kahulugan ng mga salitang nakasalungguit ay:

A. matapat
B. sinungaling
C. mapagbiro
D. mapangutya

14
8. Dahil sa pandemya maaraming tao ang namuhay ng isang kahig isang tuka.
Ang kasalungat na kahulugan ng nakasalungguhit ay:

A. mayaman
B. mahirap
C. maginhawa
D. maapayapa

9. Ang taong may pusong bakal ay hindi nakauunawa sa kahinaan ng ibang tao.
Ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit ay:

A. malambing
B. matigas ang loob
C. maalalahanin
D. masipag

10. Naghihirap si Mario ngayon dahil sa kanyang pagiging bulang – gugo. Ang
kasalungat na kahulugan ng nakasalungguhit ay:

A. gastador
B. mayabang
C. mapagbigay
D. matipid

11. Napansin kong tila mabigat ang dugo ng ama sa anak na suwail. Ang
kasingkahulugan ng nakasalungguhit ay:

A. naghihinakit
B. nasusuklam
C. nagtatampo
D. nagagalit

12. Kailangan ang kamay na bakal sa mga lumalabag sa batas. Ang


kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit ay:

A. pagkukulong
B. pagpoposas
C. paghihhigpit
D. paggalit

13. Pumupunit sa tainga ang iyak ng batang gutom. Ang kasingkahulugan ng


nakasalungguhit ay:

A. nakasisira
B. nakababasag
C. nakabibingi

15
D. nakagugulat

14. Nagpupuyos ang dibdib ng babae dahil sa pagkawala ng kanyang bag, Ang
kasingkahulugan ng nakasalungguhit ay :

A. nagngangalit’
B. nag-iinit
C. nag-aalab
D. nagagalit

15. Nagtataingang kawali si Tina sa sumbat ng kanyang kapatid, Ang kahulugan ng


nakasalungguhit ay :

A. galit
B. bingi
C. nalungkot
D. natakot

16
MGA SANGGUNIAN

Baisa - Julian, A. et al (2016). Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma. Wika at


Panitikan para sa Mataas na Paaralan. Quezon City. Phoenix Publishing House Inc.

Baisa - Julian, A. et al (2014). Pinagyamang Pluma. Quezon City. Phoenix


Publishing House Inc.

https://brainly.ph/question/66429

https://brainly.ph/question/535816

https://brainly.ph/question/29233#readmore

Brainly.ph - https://brainly.ph/question/107278#readmore

17
LIZELDA E. ANTONIO. Siya ay nagtapos sa kursong BSED
mula sa Siaton Communtity College (now NORSU Siaton
Campus), Siaton, Negros Oriental . Sa kasalukuyan, siya ay
isang guro sa Filipino at Araling Panlipunan sa Junior High
School ng Siaton National High School.

FRANCISCO I .DIAZ. Siya ay nagtapos sa kursong BSED


mula sa Foundation University. Lungsod ng Dumaguete.
Sa kasalukuyan, siya ay isang guro sa Filipino sa Junior
High School ng Mataas na Paaralan ng Siaton National
High School.

JERWIN K. DIAZ. Siya ay nagtapos sa kursong BSED major sa


History mula Siaton Communtity College (now NORSU
Siaton Campus), Bayan ng Siaton. Sa kasalukuyan, siya ay
isang guro sa Filipino at Araling Panlipunan sa Junior High
School ng Mataas na Paaralan ng Siaton Nationa High
School.

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

19

You might also like