You are on page 1of 15

Filipino 8

Filipino – Ikawalong Baitang


Ikatlong Markahan – Modyul 4: Broadcast Media: Komentaryong Panradyo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akdang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga taga paglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Carmen Joy G. Bordeos at Ar John Z. Marcial
Editor:/Tagasuri: Nilalaman/Gramatika: Susan M. Roxas at Jeanet B. Austria

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD(EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez(Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao(AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD(MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. HerreraEdD(Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. IgnacioPhD(EsP)
Dulce O. Santos PhD(Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. TagulaoEdD(Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 8
Ikatlong Markahan
Modyul 4 para sa Sariling Pagkatuto
Broadcast Media: Komentaryong Panradyo
Manunulat: Carmen Joy G. Bordeos at Ar John Z. Marcial
Editor:/Tagasuri: Nilalaman/Gramatika: Susan M. Roxas at Jeanet B. Austria

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang) Filipino 8 ng Modyul 4 para sa araling


BROADCAST MEDIA: KOMENTARYONG PANRADYO!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag-
ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si
Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character)habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 Modyul 4 ukol sa Broadcast Media:
Kontemporaryong Programang Panradyo!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga
dapat mo pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa
mga naunang paksa.

ARALIN
Tstalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito. 

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat
sagutan ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyan halaga

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

1. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio


broadcasting.

MGA INAASAHANG LAYUNIN:

Matapos mong aralin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Naiisa-isa ang mga pahayag na may kaugnayan sa mga


katangian o serbisyon hatid ng paggamit ng radio;
2. Naitatala ang mga programang panradyo na paboritong
pakinggan;
3. Nasusuri ang mga salitang ginamit sa natunghayang radio
broadcasting gamit ang Graphic Organizer.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin


ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ang
sagot sa iyong kwaderno.

1. Ang midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng


mga kaganapan sa mundo.
A. Radyo B. Telebisyon

2. Ito ay paghahatid ng impormasyon audio o biswal sa


pamamagitan ng midyang pangmasa.
A. Broadcasting Station B. Broadcast Media

3. Ang pagbibigay-oportunidad sa kabataan na maipahayag ang


kanilang opinyon kaugnay sa isang isyu.
A. Komentaryong B. Dokumentaryong
Panradyo Pantelebisyon

4. Ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at


epektibong komentaryong panradyo ay ____________________.
A. Pagkakaroon ng B. Pagkakaroon ng
malawak na kaalaman malawak na kaalaman
sa pagsulat ng sanaysay sa pagbuo ng tula

5. Isa sa mga paksang madalas na talakayin sa komentaryong


panradyo ay _________.
A. Bibliograpiya B. Politika
BALIK-ARAL

Naaalala mo pa ba ang nakaraang aralin sa Filipino? Mula roon


ay nalaman mo na may iba’t ibang midyum na ginagamit sa
paghahatid ng impormasyon, balita at iba’t ibang palabas na
maaaring napakikinggan o napanonood ng mamamayan lalo na ng
kabataan sa kasalukuyan. Nariyang natutuhan mo na ang ang ilan
sa mga ito ay ang tabloid, komiks, magasin, internet, radyo at
telebisyon. Ang mga ito ay maituturing nating kumakatawan sa
kulturang popular (K-POP) ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Huwag
mong kalilimutan ang mga kaalamang ito upang lalong payabungin
ang iyong kaalaman at kasanayan sa mga panitikang nabanggit.

Naghanda ako ng ilang katanungan upang masukat natin ang


talas ng iyong isipan ukol sa nakaraang talakayan. Handa ka na ba?

PANUTO: Piliin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat sa


kwaderno ang iyong sagot.

Hanay A Hanay B

___1. Grapikong midyum kung saan A. Tabloid


ang mga salita at larawan ay
ginagamit upang ihatid ang isang
salaysay o kuwento
___2. Babasahing binibigyang-diin ang B. Dagli
karahasan kaya’t tinaguriang
sensationalized journalism
___3. Ang tabloid, komiks, magasin, C. Komiks
internet, radyo at telebisyon ay
tinaguriang _____________
___4. Akdang pampanitikan na hindi D. Wika
kasinghaba ng maikling
kwento
___5. Bahagi ng pakikipagtalasatasan E. K-POP

ARALIN
Mahilig ka bang makinig ng radyo o manood ng telebisyon? Kung oo
ang iyong sagot, isa ka sa maraming tumatangkilik ng broadcast media!

Ayon sa Encyclopedia, ang paghahatid ng mga impormasyon sa


mamamayan sa pamamagitan ng radyo at telebisyon ay maituturing na broadcast
media. Mula noon hanggang sa kasalukuyan, hindi maitatangging malaki ang
papel na ginagampanan nito sa lipunang ating ginagalawan.

Broadcast Media

Ito ay paghahatid ng impormasyon audio o biswal man, sa pamamagitan ng


midyang pangmasa tulad ng radio, telebisyon, internet o iba pang bagay sa tulong
ng network.

May tatlong (3) uri ito:

1. Komentaryong Panradyo
2. Dokumentaryong Pantelebisyon
3. Dokumentaryong Pampelikula

Sa bahaging ito, bigyan muna natin ng


pansin ang "radyo" bilang isa sa mga midyum
ng komunikasyon na naglalayong magbahagi
ng mga kaganapan ng mundo sa mas
malawak na sakop nito. Sa modyul na ito,
matutuklasan mo ang gampanin ng radyo
bilang gabay sa kamalayang panlipunan.

Komentaryong Panradyo

Ayon kay Elena Botkin- Levy, Koordineytor,


Zumix Radyo, ito ay pagbibigay ng
oportunidad sa kabataan na maipahayag ang
kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa
isang napapanahong isyu, o sa isang isyung
kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng
pansin. Ang pagbibigay opinyon ayon kay
Levy ay makatutulong nang malaki upang
ang kabataan ay higit na maging epektibong
tagapagsalita.

Ayon pa rin sa kanya, ang unang hakbang


upang makagawa ng isang mahusay at
epektibong komentaryong panradyo ay ang
pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa
pagsulat ng sanaysay na naglalahad ng
opinyon o pananaw.

Ilan sa mga paksang madalas na talakayin


ay ang sumusunod:
a. Politika
b. Mga pangyayari sa isang espisipikong lugar
c. Mga pagdiriwang sa Pilipinas
d. Katayuan ng ekonomiya ng Pilipinas
e. Mga interes at makabuluhang bagay para sa mga inaasahang
tagapakinig

Basahin at unawain mo ang isang halimbawa ng komentaryong


panradyong ito.

Announcer: Magandang Hapon mga ka Usizero’t Usizera ! Ito po ang Isyu


24/7 ng 139.09 life radio! Nandito na ang tambalang talagang
inaabangan tuwing hapon! Sina Ate Kim at Papa Jack !

Ate Kim: Magandang-magandang hapon sa inyong lahat! Ako po Ate Kim


hindi si Kuya Kim na nagsasabing ang life ay pana-panahon lang!

Papa Jack: Good Afternoon madlang Usizero’t Usizera! Ako po si Papa


Jack! na nagsasabing kung mayroong Mama Jack mayroon ding Papa
Jack!

Ate Kim: So... Partner anong ganap ngayon?

Papa Jack: Naku Pards ang daming ganap ngayon... At isa na rito ay ang
isyu tungkol sa reklamo laban sa Montegro ng Mitshunishi!

Ate Kim: Tama ka dyan Pards! Andami ko ring mga narinig na balita
tungkol dyan!

Papa Jack: At dahil marami ka ngang narinig ukol dyan... Bakit hindi na
lamang ‘yan ang pag-usapan natin!

Ate Kim: Oo nga naman Pards!

Papa Jack: So pards, anong say mo sa mga reklamo laban sa Montegro ng


Mitshubishi na 'yan? Lalo na’t Montegro 'yang sasakyan mo?

Ate Kim: Sa totoo pards nangangamba ako eh. Madami na kasi yung kaso ng
SUA o Sudden Unintended Acceleration laban sa Montero.
Pinangangambahan kong baka mamaya mangyari pa sa akin
yang SUA na yan! Eh dugo’t pawis ko yung perang ginamit ko sa pagbili
nyan eh., baka mamaya may dugo ngang dumanak pagnangyari 'yang
SUA na yan eh!

Papa Jack: Pero pards may sinasabi nga yung Mitshunishi na HUMAN
ERROR lang daw yung nangyari. Malay mo human error nga
lang talaga. Baka mamaya yung driver lang talaga yung may
kasalanan.

Ate Kim: May possibility rin naman , pero pards para malinawan tayo sa
isyung yan eh narito si Mr. Leonel Sarte, isa sa opisyal ng
Mitshunishi Motors! Magandang hapon Ms. Sarte!

Papa Jack: Good Afternoon Mr. Sarte!


Mr. Sarte: Good afternoon din sa inyo Ate Kim, Papa Jack at sa mga
nakikinig dyan sa mga bahay nila.

Papa Jack: Mr. Sarte, ano pong masasabi nyo ukol sa isyung kinakaharap ng
inyong Montegro?

Mr. Sarte: Ang totoo eh base sa aming ginagawang investigation and a


series of test masasabi naming there is no problem with the car model
there is a big possibilities na Human Error lamang ang biglang
pagharurot ng mga Montegro. Dahil ito ay mahigpit na dumadaan sa
aming series of Quality Check and Quality Assurance.

Ate Kim: Uhmm. Mr. Sarte ako po ay mayroong Montegro at kahit ako po mismo
ay nangangambang gamitin ito dahil sa mga nagtrending na isyu,
Maraming naniniwala na ito ay hindi raw sanhi ng human error dahil
sa mga sunod–sunod na mga insedente ng disgrasya sangkot ang
Montegro. Ano po ang inyong reaksyon tungkol dito?

Mr. Sarte: Para sa ikapapanatag po ng aming mga kliyente kasalukuyan pong


nagsasagawa ng car check-up para sa mga nagmamay-ari ng Montegro
kung gusto niyong makasigurong walang problema ang inyong
Montegro, maaari po kayong pumunta sa anumang branch ng
Mitshunishi, wala po itong bayad. Gayun pa man kami po ay
nanindigan na ito po ay cause by Human errors dahil gaya po ng aking
nasabi mahigpit ang aming quality assurance.

Papa Jack: Yun naman pala pards eh! Pa-check mo na ‘yang sasakyan mo!

Ate Kim: Sige nga dadaan ako dyan mamaya! Buti naman ay libre ‘yang
check up na 'yan! Buong akala ko sa panahon ngayon wala ng
libre, meron pa pala! Hahhahahaha

Papa Jack: hahahahhaha. Pero kidding aside po Mr. Sarte, ngayon nga po’y may
malaking problema ang kinakaharap ng inyong, tuloy pa rin po ba ang
bentahan nito sa ngayon?

Mr. Sarte: Sa ngayon po on going pa po for further investigation ang aming


Montegro, pansamantala naming tinigil ang pagbebenta nito.

Ate Kim: Tama yan. Mr. Sarte, ano pong masasabi nyo para sa mga ka-
Usizero’t Usizera nating nakikinig na nag mamay-ari ng mga
Montegro?

Mr. Sarte: Sa mga may ari ng Montegro na nangangamaba, kami po ay


mayroon isinasagawang car checking ang inyong Montegro maaari nyo
pong dalin sa amin ang sasakyan for maintenance and checking ito po
ay walang bayad. At lagi po sana kayong mag-ingat. Yun lamang po.

Papa Jack: Ok, thank you for making it here Mr. Sarte kahit na alam kong
busy po kayo, thank you po! At nawa’y malinawan na tayo
ukol saisyung ito.

Ate Kim: Maraming salamat Mr. Sarte sa pagpapaunlak ng aming


imbitasyon dito, nawa’y malutas na ito lalong madaling panahon.
Papa Jack: At yan po mga ka Usizero’t Usizera may bagong isyu na naman tayong
nausisa, sana nga ay malutas na ito sa lalong madaling panahon. Ito
po si Papa Jack na nagsasabing “kung may Mama Jack ay meron ding
Papa Jack!

Ate Kim: At ito po si Ate Kim na nagsasabing “ang life ay pana-panahon lang!

PJ & AK: Muli ito po ang Isyu 24/7 ng 139.09 life radio! Paalam!

https://www.slideshare.net/christinejoyjubacpilapil/halimbawa-ng-radyo-komentaryo-script

MGA PAGSASANAY
MGA INAASAHAN

Pagsasanay 1. Paborito Ko!

PANUTO: Isa-isahin ang mga programang panradyo na kinawiwilihang


pakinggan at magbigay ng mga dahilan kung bakit mo
kinawiwilihang pakinggan ang mga programang ito. Ilagay sa
kwaderno ang iyong sagot.

Paboritong Programa sa
Radyo: _____________________
_____________________________
Dahilan Kung Bakit
Kinagigiliwan:_______________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_

Pagsasanay 2. RADYOrific Ang Hatid!

PANUTO: Gamit ang palaso, ikonekta ang mga pahayag na may


kaugnayan sa radyo. Nasa loob ng malilit na kahon ang
nasabing mga pahayag. Gawin sa iyong kwaderno. Gayahin
ang pormat.
nagpapalabas nagpapalabas
ng pelikula ng teledrama
naghahatid ng
mga talakayan/
pulso ng bayan
naghahatid ng nagpapahatid
napapanahong ng mga
balita panawagan

nagpapakilala nagpalabas
ng isang ng variety
produkto show

nagbibigay ng
opinyon
naghahatid kaugnay ng nakikinig ng
ng musika isang paksa mga awit

Pagsasanay 3.

PANUTO: Suriin at piliin sa loob ng kahon ang angkop na kahulugan ng


bawat pahayag/salita na binigyang-diin sa pangungusap.
Gayahin ang pormat at isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

 Hindi sinasadya, hindi inaasahan, walang pigil na pagbilis ng isang


sasakyan, na magbubunga ng pagkawala ng preno.
 Pagtirik ng sasakyan sa gitna ng daan bunga ng 'di inaasahang
pagkamatay ng makina
 Isang pagkakamali na pangkaraniwan sa mga tao kaysa sa mga makina
 Isang pagkakamali na pangkaraniwang sa makina kaysa sa tao
"Marami na kasi yung "May sinasabi nga
kaso ng SUA o yung Mitsubishi na
Sudden Unintended Human Error lang
Acceleration laban daw yung nangyari"
sa Montero"

PAGLALAHAT
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong
sagot sa patlang.

 Paano nabago ng broadcast media partikular ng radyo, ang ating


kultura at panitikan?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

 Ano ang gampanin ng mga midyum na ito sa pagpapaigting ng


kamalayan ng mamamayan sa mahahalagang kaganapan sa ating
lipunan?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Masasabi mo bang malaki ang naging bahagi ng kasalukuyang anyo


ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap ng panitikang? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Matapos mong isagawa ang pagsasanay para sa araw na ito at


nagawa mo na rin ang lahat ng mga naunang gawain, panahon na
upang sagutin mo ang panapos na pagsusulit. Ito ang susukat sa
lalim ng iyong kaalaman mula sa ating aralin. Inaasahan kong
buong husay mong sasagutin ang bawat katanungan.

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin sa loob


ng kahon ang hinihinging kasagutan sa bawat bilang.
 Broadcast Media
 Komentaryong Panradyo
 Dokumentaryong Pantelebisyon
 Dokumentaryong Pampelikula
 Elena Botkin- Levy
 Radyo

_____________1. Ito ay paghahatid ng impormasyon audio o biswal man, sa


pamamagitan ng midyang pangmasa tulad ng radio,
telebisyon, internet o iba pang bagay sa tulong ng network.

_____________2. Midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng


mga kaganapan ng mundo sa mas malawak na sakop nito.

_____________3. Ang tatlong uri ng broadcast media.

_____________4. Ayon sa kanya, ang unang hakbang upang makagawa ng


isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay
ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng
sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

_____________5. Pagbibigay-oportunidad sa kabataan na maipahayag ang


kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang
napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling
talakayin at pagtuunan ng pansin.

SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Elektroniko:
https://filipinograde8blog.wordpress.com/2017/02/02/komentaryong-panradyo/

https://www.slideshare.net/may212015/broadcast-media-radyo

http://janahighfilipino8.blogspot.com/2015/01/panitikang-popular.html

http://clipart-library.com/clipart/n892313.htm

https://www.iconfinder.com/icons/4407164/
earth_entertainment_globe_headphones_music_planet_icon

https://www.slideshare.net/christinejoyjubacpilapil/halimbawa-ng-radyo-
komentaryo-script

Aklat/Modyul:

K+12 Modyul sa Filipino

You might also like