You are on page 1of 11

Filipino 8

Filipino – Ikawalong Baitang


Ikatlong Markahan – Modyul 10: Dokumentaryong Pampelikula

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Maricel M. Licsi at Mylene B. Errua
Editor: Paul John Arellano at Josefina Salangsang
Tagasuri: Salve Regina O. Piezas
Tagaguhit:
Tagalapat: Criselda M. Baccay at Evangeline G. Morales
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 8
Ikatlong Markahan
Modyul 10 para sa Sariling Pagkatuto
Dokumentaryong Pampelikula
Manunulat: Maricel M. Licsi at Mylene B. Errua
Tagasuri: Salve Regina O. Piezas/ Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Modyul 10 para sa
araling Dokumentaryong Pampelikula !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 Modyul 10 ukol sa Dokumentaryong
Pampelikula !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto. 

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Sa araling ito ang sumusunod na mga kasanayang pampagkatuto ay iyong
maisasakatuparan.
Kasanayang Pampagkatuto:
Natatalakay ang kaligirang kasaysayan at elemento ng pelikula.
Mga Layuning Pampagkatuto:
1. Nailalahad ang kaligirang kasaysayan ng Dokumentaryong Pampelikula.
2. Naiisa-isa ang Elemento ng Dokumentaryong Pampelikula.
3. Naihahayag ang sariling pananaw sa mahalagang isyung tinalakay ng
dokumentaryo.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Kumpletuhin ang letra sa mga patlang upang matamo ang mga sagot sa
bawat bilang.
1. Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuha ng mga pangyayari upang
higit itong mas maging makatotohanan. D _ _ U _ _ _ T _ _ Y _
2. Mga pelikulang gawa ng mga mag-aaral na inilalahok sa mga patimpalak.
S__D__T I______D_N__I_M
3. Elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena ng dayalogo ng
mga tauhan at artista. I _ _ _ I _
4. Isa sa kinikilala at tinitingalang pangalan sa paggawa ng Independent Film
ay si B _ _ L L _ N T _ _ E _ D O _ A
5. Si _ O _ _ M _ R _ _ N ay isa sa pinakamahusay na actor sa kasalukuyan
at produkto ng Indie Film.

Sadyang di maikakaila ang laki ng impluwensya ng pelikula sa


buhay nating mga Pilipino at di maitatangging kabilang ka rito. Ipagpatuloy mo
na ang pag-aaral ng araling ito. Natitiyak kong lubos kang masisiyahan. Tayo
na!
BALIK-ARAL

Panuto: Tukuyin kung anong konsepto o kaugnayang lohikal ang ipinapakita sa


bawat pangungusap.

1. Nag-aaral siyang mabuti kaya natuto siya nang husto.


2. Nagsikap siyang mabuti sa pag-aaral upang mabago ang kanyang
buhay.
3. Sa sipag niyang magtrabaho, nagustuhan siya ng kanyang amo.
4. Kung magsisikap ka sa buhay hindi ka mananatiling mahirap.
5. Ang maaga niyang pag-aasawa ay bunga ng kahirapan.

ARALIN

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA

https://www.youtube.com/watch?v=kHRjNscl2K0

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1: Sa tulong ng Hagdan ng Kaalaman, isa – isahin ang mahahalagang


detalye na iyong natutuhan sa kasaysayan ng Dokumentaryong Pampelikula.

Pagssanay 2: Piliin sa Hanay B ang inilalarawan sa Hanay A.

HANAY A HANAY B

1. Pagkakasunud-sunod ng mga a. Tunog at Musika


pangyayari sa isang kuwento sa
Pelikula.
2. Pagkuha ng wastong anggulo upang b. Pananaliksik o
maipakita sa manonood ang tunay riserts
na pangyayari sa pamamagitan
ng wastong timpla ng ilaw
at lente ng kamera.
3. Mga pamamaraan at diskarte ng c. Sequence Iskrip
direktor kung paano patatakbuhin
ang kuwento sa telebisyon o
Pelikula.
4. Isang mahalagang sangkap sa d. Sinematograpiya
pagbuo at paglikha ng dokumentaryo
dahil sa pamamagitan nito ay naiha-
harap nang mahusay at makatoto-
hanan ang mga detalye ng palabas.
5. Pagpapalutang ng bawat tagpo at e. Pagdidirehe
pagpasidhi ng ugnayan ng tunog
at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw
ang interes at damdamin ng manonood.

PAGLALAHAT

PANUTO: Isulat sa loob ng kahon ang nangibabaw na damdamin gamit ang


emoticon matapos maunawaan ang nilalaman ng aralin.

https://emojipedia.org/facebook/

PAGPAPAHALAGA
Matapos mong malaman ang kaligirang pangkasaysayan ng
dokumentaryong pampelikula, nakaramdandam ka ba ng kasiyahan o
kalungkutan? Ibigay mo ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagbibigay ng
puntos mula 1-5. Lima (5) ang pinakamataas at isa (1) naman ang
pinakamababa. Isulat mo sa ibaba kung bakit ito ang puntos na iyong
ibinigay.

Puntos: _______
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na sagot na hinihingi sa


bawat bilang. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
a. Pag-eedit b. Katutubo c. Manoro

d. Dokumentaryong Pampelikula e. Disenyong Pamproduksyon

___1. Elemento ng pelikula na nagpapanatili sa kaangkupan ng lugar,


eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal
na pagkukuwento.
___2. Ito ang pagpuputol, pagdurugtong-dugtong muli ng mga negatibo
mula sa eksenang nakunan na.
___3. Sila ang isa sa mga unang nagpasimula ng ating kabihasnan at kung
anong klase at pamamaraan ng pamumuhay mayroon tayo.
___4. Isa sa halimbawa ng dokumentaryong pampelikula.
___5. Ito ay isang ekspresyong biswal na nagtatangkang makita ang realidad
at katotohanan.
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian
Mga Aklat:

Dayag, Alma G. et al., Pinagyamang Pluma 8 (K to 12)


Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2015
Website:

https://www.youtube.com/watch?v=kHRjNscl2K0

USULIT

You might also like