You are on page 1of 4

KOMENTARYONG PANRADYO

Layunin:

 Nabibigyang-kahulugan ang gampanin ng radyo bilang midya.


 Naiisa-isa ang ilan sa mga kilalang istasyon sa radyo.
 Natutukoy ang kahalagahan ng komentaryong panradyo at mga paksang ginagamit sa
pagsulat nito.
 Nakikilala ang survey at panayam sa pagsasaliksik ng mga programang panradyo.
 Nagagamt ang mga ekspresiyong nagpapahayag ng positibo at negatibong pananaw o
"point of view" sa pagsulat ng komentaryong panradyo.

 Broadcast Media
 Ito ay paghahatid ng impormasyon
audio o biswal man, sa pamamagitan ng
Si Guglielmo Marconi ay isang
midyang pangmasa tulad ng radio,
Italyanong Imbentor, na higit na kilala
telebisyon, internet o iba pang bagay sa
dahil sa kanyang pagpapaunlad ng
tulong ng network.
sistemang radyo-telegrapo. Siya ang
 May tatlong (3) uri ito:
ang tagapagsimula ng komunikasyon
1. Komentaryong Panradyo
sa radyo. 2. Dokumentaryong Pantelebisyon
3. Dokumentaryong Pampelikula

 Radyo
 Naghahatid ng musika
 Nagpapahatid ng panawagan
 Nagpapakinig ng mga awit
 Naghahatid ng napapanahong balita
 Nagbibigay ng opinion kaugnay ng isang paksa

Mga Piling Istasyon sa Radyo (AM) Mga Piling Istasyon sa Radyo (PM)

 DZBB Super Radio  97.1 Barangay LS


 DZMM Radyo Patrol  NU 107
 DZRH Nationwide  101.9 For Life
 DZXL RMN 558  90.7 Love Radio
 Veritas 846  101.1 Yes FM
 Veritas 846  96.3 WRock
 Bombo Radyo Philippines  Home Radio 97.9
 DZRB Radyo ng Bayan  Magic 89.9
 DWIZ Todong Lakas  Mellow 94.7
 DWAD Radyo Ngayon  91.5 Energy FM
 MMDA Traffic Radio
 DZPS Ganti ng Api

 Komentaryong Panradyo
 Ayon kay Elena Botkin- Levy, Koordineytor, Zumix Radyo, ito ay pagbibigay ng oportunidad sa
kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinion at saloobin kaugnay sa isang
napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin.
 Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan
ay higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kanya, ang unang hakbang
upang makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang
pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng sanaysay na naglalahad ng opinyon
o pananaw.

 Ilan sa mga paksang madalas na talakayin ay ang sumusunod:


a. Politika
b. Mga pangyayari sa isang espisipikong lugar
c. Mga pagdiriwang sa Pilipinas
d. Katayuan ng ekonomiya ng Pilipinas
e. Mga interes at makabuluhang bagay para sa mga inaasahang tagapakinig

 Ilan sa maaaring gamitin sa pagsasaliksik tungkol sa mga gustong mapakinggan ng mga


tagasubaybay ay ang survey at panayam.
A. Survey:
Gumagamit ng survey upang malaman ang mga ito tungkol sa kanilang mga
programa.
Ang sumusunod ang ilan sa mga posibleng lamanin ng isang survey:
1. Multiple Choice - ito ang mas mabilis na paraan ng pagpapasagot sa isang
survey. Mas madali itong sagutin kumpara sa iba dahil sa pipili lamang ang
tinatanong ng sagot sa iilang titik.
2. Pagkilala sa mga sinasang-ayunan – Bukod sa simpleng multiple choice maaari
ring maglagay ng listahan na nagpapahayag ng kanilang mga sinasang-
ayunan at di sinasang-ayunan.
3. Likert Scale – Ito ay isa sa mga paraan kung papaanong sinusukat ng isang tao
ang sarili niya.
B. Panayam:
Ang mga gawaing ito ang mga pangunahing batis o impormasyon. Maaaring
kumunsulta sa mga libro o sa internet subalit mas makatotohanan ang
impormasyon na manggagaling mismo sa isang mapagkakatiwalaang batis.

 Bago makasulat ng isang Dokumentaryong Panradyo, narito ang mga dapat tandaan:
1. Magsaliksik ng mga impormasyon.
2. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa mga detalye
upang ipakita ang kredibilidad ng iyong sinulat.
3. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa.

 Mga ekspresiyong naghahayag ng konsepto ng pananaw o "point of view"

May mga ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at nagpapahiwatig ng


pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw

1. Mga ekspresiyonng nagpapahayag ng pananaw. Kabilang dito ang ayon, batay, para,
sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko, ni/ng, at iba pa.
Inihuhudyat ng mga ekspresiyong ito ang iniisip, sinasabi o pinaniniwalaan ng isang tao.

Halimbawa:

a. Ayon, Batay, Sang-ayon sa


 Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20: Series of 2013 ng Commission On Higher
Education na pinagtitibay ang pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa
ilalim ng General Education Curriculum o CEG sa taong 2016.
 Batay sa Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa ng PIlipinas
ay Filipino.
 Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
 Ayon sa tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, “Habang may sariling wika ang isang
bayan, taglay niya ang kalayaan.”

b. Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay, ni/ng


 Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay
isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng
isang masaganang ekonomiya.
 Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating kabataan sapagkat ito ang
kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan.
 Sa tingin ng maraming guro na ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi lamang
nakasalalay sa kanila kundi maging sa mga magulang sa pabbibigay patnubay at
suporta sa kanilang mga anak.
c. Inaakala. Pinaniniwalaan, Iniisip
 Pinaniniwalaan kong dapat pagtuunan ng pamahalaan ang isyu tungkol sa
lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.
 Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpataw ng kaparusahan ang DENR kaya
patuloy silang lumalabag sa batas pangkalikasan.
d. Sa ganang akin, Sa tingin, Akala, Palagay ko
 Sa ganang akin, kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal ang
pagbabantay sa kabataang nasa lansangan tuwing hatinggabi dahil sa lumalalang
krimen.
 Sa palagay ko, kailangan ang malawig na programa ng DSWD para sa mga batang
lansangan na karaniwang sangkot sa maraming krimen sa kalsada.

2. May mga ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw.


Gayunman, mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na tumiyak kung sino ang
pinagmulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang
sumusunod na halimbawa:
a. Sa isang banda, Sa kabilang dako
 Sa isang banda, mabuti nan gang nalalaman ng mamamayan ang mga anomaly sa
kanilang pamahalaang lokal nang gayo’y masuri nila kung sino ang karapat-dapat na
ihalal para mamuno rito.
 Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika hindi tuloy malaman
ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa kamay ng mga plitikong
pinagkatiwalaang mamuno rito.

b. Samantala
 Samantala mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano nila nais makita
ang kanilang bansa sa susunod na taon. Matalinong pagpapasya ang kailangan kung
sino ang karapat-dapat pagkatiwalaan ng kanilang boto.

RADYOMENTARYONG MAKABAGO

Tandaan:

Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa kulturang popular kung saan ang
mga bagay na pawang gumagamit ng mga bagong kasangkapan, imahe, diwa at iba pang
kaugnay na paksa, upang maitanghal ang isang uri ng kulturang kakaiba sa dating nakagisnan ng
mga Pilipino.

You might also like