You are on page 1of 29

Aalamin natin sa araling ito ang mekanismo ng

pagbabago at pag-unlad ng kulturang Pilipino sa


pamamagitan ng Broadcast Media.

Mapapalalim ang inyong kaalaman kaugnay ng


gampanin ng radyo sa pagkakaroon ng kamalayang
panlipunan ng mamamayan. Madali mong matutukoy ang
kahalagahan ng radyo at malaking bahagi nito sa
kasalukuyan bilang midyum ng pagpapalaganap ng
panitikang popular.
BROADCAST MEDIA
PANIMULANG PAGTATAYA:
Panuto: Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng balitang
napanood sa TV o sa social media at sa balitang napakinggan
sa radyo.

Pagkakaiba Pagkakatulad

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
Pagkakatulad Pagkakaiba

 parehong naghahatid radyo- naglilikha lamang ng


tunog, tunog, naririnig lamang hindi
ng impormasyon/balita nakikita ang pangyayari
MAHAHALAGANG TERMINO SA RADIO
BROADCASTING/MGA FORMAT NG
 magkatulad naPROGRAMANG
media telebisyon- audio-biswal,
PANRADYO nakikita
 may programang balita at naririnig mo at mas malinaw na
naiintindihan ang balita
 may mga sitwasyon kung
saan may nagaganap na social media- maaari mo pa ring
trahedya o mga pangyayari panoorin/pakinggan kahit tapos na,
na hindi inaasahan pwede mo pang balikan
ALAM MO BA?

Radyo – ay isang teknolohiya na pinapahintulutan ang


pagpapadalaMAHAHALAGANG
ng mga hudyat (signals)
TERMINO sa tulong ng
SA RADIO
BROADCASTING/MGA FORMAT NG
Modulation PROGRAMANG
ng Electromagnetic
PANRADYOWaves na may mga
Frequency na mas mababa kaysa liwanag. Ito ay isang
uri ng isang mekanismo na pinapatakbo ng kuryente o
baterya. Dito mo maririnig ang mga iba’t ibang mga
balita sa mundo.
Kasaysayan at Pag-imbento ng
MAHAHALAGANG TERMINO SA RADIO
mga Radyo
BROADCASTING/MGA FORMAT NG
PROGRAMANG PANRADYO
Sino ang nag-imbento ng radyo?

MAHAHALAGANG TERMINO SA RADIO


Ayon saBROADCASTING/MGA
kasaysayan, walang siyentipiko
FORMAT NG o espesyal
PROGRAMANG PANRADYO
na isang tao na "nag-imbento" ng radyo, ngunit mahalagang
mapansin na sa maagang pag-unlad ng mga radyo,
maraming pangunahing mga natitirang siyentipiko ang
gumampan ng isang hindi matunaw na papel sa
pagpapaunlad ng radyo, at sila ay sina:
Pinalawig pa ang
teoryang sinimulan nina Joseph
Henry at Michael Faraday.
Malaki ang kanyang ambag sa
pananaliksik sa
electromagnetism. Nahulaan
niya ang pagkakaroon ng
Magnetic Waves at ang bilis ng
kanilang galaw ay Constant.
Sino si Mahlon Loomis? Ano ang Ginawa ni
Mahlon Loomis?
Noong 1868,
MAHAHALAGANG TERMINO SA RADIO
pinakita
BROADCASTING/MGA FORMAT NG niya ang isang
PROGRAMANG PANRADYO Wireless Communication

System sa pagitan ng 2
sites na malayo sa isa’t-
isa.
Siya ang kauna-
unahang gumamit ng teorya
ng Wireless Technology.
Taong 1985 pinadala niya
ang unang signal ng radyo na
binubuo ng isang letrang “S”.
Dahil dito nagawaran siya ng
unang patent sa buong
mundo para sa radyo.
Isang Engineer kaya’t noong
1893 siya ay nagpakita ng Wireless
Transmission sa publiko.
Isang tanyag na imbentong
henyo, lalo na sa larangan ng
paggawa, paghahatid, at mga
aplikasyon ng kuryente. Inimbento
rin niya ang Tesla Coil at ang
unang AC motor at ang developer
ng AC power generation at
transmission technology at
gumawa ng mga kahanga-hangang
tagumpay sa maraming larangan.
Isa siyang tanyag na
Pisiko sa Aleman, natuklasan niya
na ang Electromagnetic Waves of
Energy ay sobrang dami na kaya
nitong maglakbay sa bilis ng
liwanag. Ang kanyang pangalan
ay ginamit bilang batayan para sa
radio frequency na kung tawagin
ay Hertz.
Isang imbentor na Canadian,
kinilala rin siya sa kanyang mga
nagawa sa radyo.
1. Ang unang radio transmission ay
sa pamamagitan ng radyo.
(1900’s)
2. Ang unang Two-way Radio trans-
Atlantic na paghahatid. (1906)
3. At ang unang Radio Broadcast
ng entertainment at musika.
(1906)
Ito ay tatlong makabuluhang
kaganapan sa radyo.
Tandaan:

Ang radyo ang pinakamalaki ngunit pinakakontrobersyal na


pagtuklas sa kasaysayan. Ang tanong sa kung sino ang
nakaimbento ng radyo ay walang tiyak na kasagutan. May mga
teorya at patent na kinilala. Sa kaso naman ng pagkakatuklas nito,
ito ay kontribusyon ng hindi lamang iisa, kundi maraming
mananaliksik at hindi imbensyon ng isang imbentor.

Sa lalong madaling panahon ang radyo ay naging laganap sa


buong mundo sa malaking ambag ng mga imbentor at teknolohiya.
Radio Broadcasting
Isang pamamaraan ng pagsasahimpapawid ng
mga impormasyon o balita sa pamamagitan ng
paggamit ng mga radio waves. Ang layunin nito ay
ang pagpapalaganap ng impormasyon sa mas
nakararaming makikinig.
MGA SALITANG GINAGAMIT SA RADIO BROADCASTING

Airwaves - midyum na dinadaanan ng signal ng radyo

Amplifier - kakayahang baguhin ang lakas ng tunog

Band - Broadcasting range o lawak na naaabot ng


pagbobroadcast o haba ng waves ng isang
tunog (wavelengths of sound)
Feedback - hindi kaaya-ayang tunog na dulot ng ispiker
o mikropono
Mixing - pagtitimpla o pagtitiyak ng tamang tunog
na gagamitin sa programa
MGA SALITANG GINAGAMIT SA RADIO BROADCASTING

Open Mic - live ang broadcast, Nakabukas na mike sa


particular na oras
Playlist - opisyal na talaan ng kantang patutugtugin
ng isang estasyon sa takdang araw ng linggo

Queue - hanay ng patalastas na pinagsunod-sunod

Rating - tantiya ng dami ng tagapakinig


Sign On - ang oras na ang estasyon ng radyo ay
magsisimula na sa pagbobroadcast
MGA SALITANG GINAGAMIT SA RADIO BROADCASTING

Announcer - tinatawag na on-air talent na nagbabasa


ng iskrip, balita o anunsyo sa radio
Sound Byte - maikling bahagi ng interbyu na isinasama
sa isang balita
Teaser - ito ay ginagamit upang maganyak ang pag
iisip ng mga tagapakinig at manatili sa pi-
nakikinggang programa
Streaming - paglilipat ng audio patungong digital
data at pagsasalin nito sa internet
Bumper - ginagamit sa pagitan ng balita at ng pata
lastas
3 URI NG BROADCAST MEDIA

1. Komentaryong Panradyo
2. Dokumentaryong Pantelebisyon
3. Dokumentaryong Pampelikula
Komentaryong Panradyo

Ayon kay Elena Botkin-Levy, Koordineytor, Zumix


Radyo, ito ay pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na
maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay
sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang
napiling talakayin at pagtuunan ng pansin.
Isang uri ng salaysay na naglalaman ng mga opinyon
sa mga kasalukuyang isyu sa lipunan. Ito ay dapat na angkop
at sumusunod sa pamantayan ng radio broadcasting.
Ilan sa mga paksang madalas na talakayin ay ang
sumusunod:

a. Politika
b. Mga pangyayari sa isang espisipikong lugar
c. Mga pagdiriwang sa Pilipinas
d. Katayuan ng ekonomiya ng Pilipinas
e. Mga interes at makabuluhang bagay para sa mga
inaasahang tagapakinig
Positibong Pahayag
Naglalaman ng mabuti at magandang pahayag hinggil sa
isang paksa.

Halimbawa:
1. Ang mga mag-aaral ay nakakapag-aral pa rin kahit nasa
kani-kanilang tahanan lamang.
2. Dahil sa Online Classes maaari pa ring may matutunan ang
mga estudyante kahit na may krisis pang nagaganap sa
kasalukyan.
3. Mas komportable ang bawat isa dahil nasa bahay lamang
sila.
Negatibong Pahayag
Tumutukoy sa hindi kaaya-ayang hatid ng pahayag.
Kadalasan natin itong mararanasan sa tuwing tayo ay manonood o
makakapakinig ng balita sa radyo man o telebisyon.

Halimbawa:
1. Ang ilang estudyante ay hindi nakapokus o sa isang bagay
nakatuon ang atensyon.
2. Mas mahirap para sa isang guro ang magturo dahil hindi
niya kaharap ang kanyang mga estudyante.
3.Limitado lamang ang mga gawaing maari nilang magawa,
sana mas lalo pang maintindihan ang aralin.
Ang Radyo ay:

• Naghahatid ng musika
• Nagpapahatid ng panawagan
• Nagpapakinig ng mga awit
• Naghahatid ng napapanahong balita
• Nagbibigay ng opinyon kaugnay ng isang paksa.
• Nagpapakilala ng isang produkto
• Naghahatid ng mga talakayan at pulso ng bayan
Karagdagang Kaalaman:
Katangian ng Dokumentaryong Pantelebisyon
1. Paksa - Ito ang pokus ng dokumentaryong pantelebisyon kung saan
tinatalakay ito sa kabuuan.
2. Layunin - Ito ang gustong sabihin ng mga nasa likod ng paksa ng
dokumentaryong pantelebisyon.
3. Anyo - Naghuhugis habang nasa proseso na kung saan ang mga
diskusiyon ay orihinal at ang mga tunog at tanawin ay pinipili kung akma o
karapat-dapat dito.
4. Estilo/Teknik – Tumutukoy ito sa tanawin ng bawat pagkuha ng kamera at
sa panahon ng pag-eedit nito.
5. Uri ng Karanasan – May dalawang bahagi ito: estetiko at ang epekto nito
sa tao na maaaring magtulak sa kanya upang gumawa ng aksiyon.
1.Paano nakatutulong ang broadcast media sa pagpapalaganap
ng kulturang Pilipino?
“Sa pamamagitan ng broadcast media naipaaabot nito sa buong bansa
ang mga kaganapan sa kasalukuyan na siyang umiiral na kultura ng bansa.”

2.Malaki ba ang naging bahagi ng kasalukuyang mga


programang panradyo bilang midyum ng pagpapalaganap ng
panitikang popular?
Oo, dahil naipalalaganap nito ang mga mahahalaga at napapanahong
impormasyon tungkol sa isang isyung panlipunan hanggang sa malalayong
lugar na hindi na abot ng telebisyon. Pinaiigting din nito ang kamalayang
panlipunan at nakapagbibigay ito ng kawilihan sa mga tagapakinig bilang
pagpapalit pili at pagpapalaganap ng pagbabago ng panitikan o ang panitikang
popular sa kasalukuyan.
Mga Positibong Pananaw:
1. Pero Pards, may sinasabi nga yung Mitsubishi na human error lang daw yung
nangyari. Malay mo, human error nga lang talaga.
2. Ang totoo eh masasabi naming Human Error lamang ang biglang pagharurot
ng mga Montero.
3. Ukol diyan, kung gusto niyong makasigurong walang problema ang inyong
Montero, you should make it check. May nagaganap na libreng pagtingin sa
mga sasakyang Montero kaya kung kayo po ay nangangamba ay mas maigi
nang ipa-check ang sasakyan mo.
4. Sa ngayon po, sinisiyasat po ang aming Montero. Pansamantala naming
itinigil ang aming pagbenta nito.
5. Sa mga may-ari ng Montero na nangangamba, kami po ay may proyekto
kung saan puwede niyo pong patignan ang inyong Montero sa amin nang
walang bayad.
Mga Negatibong Pananaw:
1. Sa totoo Pards, nangangamba ako eh. Madami na kasing kaso yung SUA o
Sudden Unintended Acceleration laban sa Montero. Pinangangambahan kong
baka mamaya mangyari pa sa akin yang SUA na yan. Baka mamaya may
dugong dumanak kapag nangyari iyang SUA na yan.
2. Uhmm, Ms. Sarte ako po ay may Montero at kahit ako po mismo ay
natatakot nang gamitin ito dahil sa isyu ukol dito. Pati nga mga magulang ko
takot ng sumakay at hindi sila naniniwalang human error lamang ito.
3. Pero kidding aside po Bb. Sarte, ngayon nga po’y may malaking problema
ang kinakaharap ng inyong Montero, tuloy pa din po ba ang bentahan nito sa
ngayon?.
Tandaan:

Sa pamamagitan ng pakikinig marami tayong natututuhan


at napag-aaralan.

Sa panonood naman ito ay isang kasanayang


pinakamadaling gamitin sa larangan ng komunikasyong sosyal
na maaaring mailapat sa anumang larangan. Sinasabing “Ang
ating mata ay bintana ng ating kaluluwa”.Mula sa nasasagap ng
ating paningin, mga nakikita, tinitingnan at napagmamasdan ;
sinasalamin ng ating mga mata ang bukal nating pagkatao at
kamalayan.

You might also like