You are on page 1of 8

8

Filipino 8
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
DOKUMENTARYONG
PANTELEBISYON
Filipino – Ikawalong Baitang

Alternative Delivery Mode

Ikatlong Markahan – Modyul 4: DOKUMENTARYONG


PANTELEBISYON

Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad .
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon . Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones

Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Mary Cherrie C. Carbonell

Editor : Ferdinand A. Torres, Melchora N. Viduya

: Ferdinand A. Torres, Melchora N. Viduya


Tagasuri Roberto Z. Barongan, Magdalena C. Manaoat
Catalina H. Casillan, Helen O. Custodio, Wilma D. Macatbag
Tagaguhit
: Amado II A. Caragay, Mary Cherrie C. Carbonell

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education - Rehiyon ng Ilocos (Calasiao, Pangasinan)


Modyul 6 DOKUMENTARYONG
Ikatlong PANTELEBISYON
Markahan

ALAMIN
Magandang araw! Binabati kita at nakarating ka sa bahaging ito. Ang modyul
na ito ay tungkol sa mundo ng media kung saan napapabilang ang telebisyon.
Alam kong pamilyar ka na sa telebisyon, pero sa modyul na ito pag-uusapan
natin ang kahalagahan nito at ang iba’t ibang programa na kasama nito.
Handa ka na ba?

Pero bago tayo tuluyang magsimula, pagkatapos mong pag-aralan ang modyul
na ito, inaasahan na ikaw ay:

Makasusuri ng isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang


mga pamantayan. F8PD-IIIe-f31

Tara simulan na natin!

SUBUKIN
PANUTO: Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ito ay isang kuwadradong elektroniko na naghahatid ng tunog at gumagalaw na


imahe.
a. Radyo b. telebisyon c. komputer d. cellphone
2. Mga programang ang layunin ay magbigay ng mahahalagang kaalaman at
impormasyon.
a. News program b. educational program c. children show d.magazine show
3. Siya ay isa sa mga sikat na mamamahayag ng dokumentaryong pantelebisyon.
a. Kara David c. Noli De Castro
b. Regine Velasquez d. Sarah Geronimo

11
TUKLASIN
Ang telebisyon (TV) o tanlap (tanaw + diglap) ay isang sistemang
telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na mga
larawan at tunog sa kalayuan. Naging patungkol sa lahat ng aspeto ng programa at
pagpapadalang pantelebisyon ang katagang ito. Isa itong pamamaraang
telekomunikasyon na ginagamit upang makapaghatid ng tunog at gumagalaw na imaheng
may iisang kutis ng kulay, may ibat-ibang kulay, o may tatlong sukat. Pwede itong
tumukoy sa set ng telebisyon, isang programa sa telebisyon, o ang pamamaraan ng
paghatid sa telebisyon. Ang telebisyon ay pangmasang panghatid, ng libangan,
edukasyon, balita o pag-alok. (https://tl.wikipedia.org/wiki/Telebisyon)

Suriin
Programang Pantelebisyon- Mga Programang Pantelebisyon

1. Art Angel (Children Show) - mga programa o palabas sa telebisyon na ang


pangunahing mithiin ay makuha ang atensyon ng mga bata sa paraang sila ay
masisiyahan at mabibigyang impormasyon.
2. i-Witness (Documentary Program) - programang naglalayong maghatid ng
komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay.
3. Matanglawin (Educational Program) - tumatalakay sa mga bagay na noong una ay
pinag-aaralan lamang sa pamamagitan ng mga nakalimbag na impormasyon.
4. Rated K (Magazine Show) - isang programang pantelebisyon na nagpe-presinta
ng iba’t ibang isyung napapanahon, may kaunting panayam at komentaryo.
5. Umagang Kayganda (Morning Show) - tinatawag din na breakfast television kung
saan nag-uulat nang live tuwing umaga ang mga mamamahayag na naglalayong
makapaghatid ng mga napapanahong impormasyon.
6. TV Patrol (News Program) - naghahatid ng napapanahong kaganapan o
pangyayari sa loob at labas ng bansa, may mga ilang panayam din at komentaryo.
7. XXX (Public Service Program) - naghatid ng tulong sa mga mamamayan o maging
daan sa pagpapahatid ng tulong.
8. Weekend Getaway (Travel Show ) - naglalahad ng paglalakbay sa iba’t ibang
bayan o bansa at pagpapakilala sa mga produkto na matatagpuan dito.
9. Talentadong Pinoy (Variety Show) – nagbibigay ng tuon sa patimpalak sa pag-
arte, pag-awit, pagsayaw at pagpapalabas ng isang comedy skit.

1 2
10. Teen Gen (Youth Oriented Program) –nakatuon sa pagtalakay sa isyu ng
kabataan. Karaniwang tema nito ay ang kanilang buhay pag-ibig. Ngunit hindi
nawawala ang pagbibigay o paglalaan ng eksenasa pagpapahalagang
pangkatauhan o moral values.
(https://www.coursehero.com/file/31971823/Mga-Programang-Pantelibisyondocx/)

Dokumentaryong Pantelebisyon- ito ay isang programa sa telebisyon o pelikula na


naglalahad ng mga katotohanan at impormasyon tungkol sa isyu o problemang
panlipunan, politikal o historikal. Nilalayon ng dokyumentaryo na irekord ang ilang aspeto
ng katotohanan para makapagbigay ng aral o makagawa ng isang pangrekord ng
kasaysayan.

KATANGIAN NG DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON


1. Paksa– tumatalakay sa nilalaman ng dokyumentaryo kung saan nagpopokus
ito sa pagkilos ng tao sa lipunang kanyang ginagalawan at kung papaano siya
kumilos sa buhay. Ang mga tao, lugar at pangyayari ay totoong nagaganap at
kadalasang napapanahon.Ito rin ay naglalahad ng katotohanan sa mga
nagaganap sa loob ng isang lipunan halimbawa ng paksang ukol sa kahirapan.

2. Layunin– ito ang gustong sabihin ng mga nasa likod paksa ng dokyumentaryo.
Layunin nitong irekord ang panlipunang kaganapan na itinuturing nila na
mahalagang maipaalam sa lipunan. Sa pamamagitan nito, layunin din nilang
mapataas ang pagkaunawa sa mga isyu, mga tinatangkilik at marahil ang ating
simpatya sa isyung ito. At dahil din dito ay may kakayahan silang maipaalam sa
atin ang nagaganap sa ating lipunan upang magkaroon tayo ng aksyon ukol
dito. Halimbawang layunin nito ay mamulat tayo sa iba pang buwis buhay na
hanapbuhay ng mga Pilipino dahil sa kahirapan.
3. Anyo- ang anyo ng dokyumentaryo ay nahuhugis habang nasa proseso na
kung saan ang mga diskusiyon ay orihinal at ang mga tunog at tanawin ay
pinipili kung akma o karapat-dapat dito. May mga pagkakataon na ang iskrip
dito at ang mga aksyon ay mula sa mga umiiral na mga pangyayari.
4. Estilo at/o Teknik- tumutukoy ito sa tanawin ng bawat pagkuha ng kamera at
sa panahon ng pag-eedit nito. Ang isa sa mga mahalagang sangkap ay ang
mga nonactors o ang mga ‘totoong tao’ sa paligid na walang ginagampanang
anomang karakter. Ang lugar din ay aktwal na hindi gaya ng mga nasa pelikula
na nasa loob ng studio. Maaaring tingnan ang iba’t-ibang Uri ng anggulo sa
Dokyumentaryong Pampelikula.
5. Uri ng karanasan- Ang dalawang bahagi nito ay ang pang aestetiko at ang
epekto nito sa tao na maaaring magtulak sa kanya upang gumawa ng aksyon.
Ninanais ng mga nasalikod ng dokyumentaryo sa mga makakapanuod nito ay
hindi magpokus sa mga artista kundi sa pinapaksa nito. Maaaring maiugnay ito
sa paksa kung saan ninanais ng mga nasa likod ng kamera na alamin ng
manunuod ang kanilang layunin. Maaari itong maging uri ng karanasang
tumulong sa mga batang nasa lansangan, at iba pa.
(https://filipinomatuto.wordpress.com/tag/dokyumentaryong-pantelebisyon/)

1 3
PAGYAMANIN
PANUTO: Basahin ang isang halimbawa ng dokumentaryong pantelebisyon.
Pananakit sa Bata Bilang Pagdidisiplina Dapat Bang Ipagbawal?
GMA News TV: Balitanghali Balitang-ulat ni Kara David

Agosto nang mamatay ang isang batang babae sa Cebu matapos pinagmalupitan
daw ng kanyang madrasta. Anim na estudyante naman sa Santiago, Isabela ang pinakain
umano ng chalk ng kanilang guro ilang linggo na ang nakararaan. Ilan lamang ito sa mga
kaso ng pang-aabuso sa mga bata na naging laman ng balita.
Sa isang pag-aaral, lumalabas na 82% ng mga bata sa Pilipinas ang nakaranas na ng
pisikal na pananakit sa kamay ng kanilang magulang. Ayon naman sa UNICEF, 60% ng
mga nanay sa Pilipinas ang umaming pinarurusahan nila ang kanilang mga anak at 3% sa
kanila ay gumagamit ng matinding pananakit. Ito rin ang dahilan kung bakit isinusulong ng
ilang mambabatas ang pagbabawal sa corporal punishment o pananakit sa mga bata bilang
paraan ng pagdidisiplina. Sa Kongreso, nasa 3rd Reading na ang House Bill 4455 na
nagbabawal sa corporal punishment at nagsusulong ng alternatibong paraan ng
pagdidisiplina.
Sa Quezon City naman balak ihain ni Councilor John Ansel de Guzman ang
ordinansa kung saan maaaring makatulong ang magulang, guro, yaya, guardian, at ipa
bang nakakatanda kapag sinaktan nila ang bata bilang paraan ng pagdidisiplina.
Sa ilalim ng ordinansa, matatawag na corporal punishment ang pamamalo,
panununtok, pananadyak, at paggamit ng iba’t ibang bagay tulad ng baston, sapatos,
sinturon, at iba pa. Bawal ang pamimingot, pananabunot, at pagpipilipit ng kamay. Ganoon
din ang mga parusang pagpapaluhod sa asin, pagkulong, pagkakait ng pagkain, pagtatali,
pagbitin at iba pang gawaing nakakasakit sa bata. Pati ang paninigaw, pagmumura,
pagpapahiya at pagbabanta ay balak ding ipagbawal.
Maaaring makulong nang hindi hihigit sa anim na buwan o multang P1,000 ang lalabag
dito.
Aminado si De Guzman na siya mismo ay nakaranas rin ng corporal punishment
noon. At aniya, minsan daw lalo lang nauuwi sa pagrerebelde ang bata kapag sinaktan sila
ng magulang o guro.
“Sa akin po,hindi naman po yun tamang pagtrato sa kanilang anak. Dapat po tratuhin
natin sila nang maayos din po. Baka po bastusin din po sila.” (pahayag ni De Guzman)
Pero may agam-agam ang ilang guro sa panukalang ordinansa ng Quezon City.
Bagamat sang-ayon silang di dapat saktan ang bata, masyado naman daw mabigat na
kasuhan o tingnan bilang isang criminal ang mga guro o magulang na magsasagawa nito.
Baka rind aw mas maging pasaway ang mga bata dahil ditto.
“Ang fear namin, baka kaunting taas ng boses naming mayroong batang kakasuhan
kaagad. Na-diminish siguro ang aming authority at saka baka masobrahan ang karapatan
ng bata na hindi alam yung responsibilidad nila.” (Paliwanag ni Evangeline Abubakar, isang
guro)
Taliwas naman ito sa pananaw ng NGO na Plan International. Anila kapag sinaktan
ang mga bata lalo raw itong magiging bayolente.
“The problems of bullying , the problems even of the children in conflict with the law,
various problems involving children are related to their experiences at home. They have all
14
experienced some form of violence in the home,” pahayag ni Airah Cadiogan, media
relations at anti corporal punishment project campaign coordinator ng Plan International.
Magkakaiba naman ang opinyon ng ilang magulang sa naturang ordinansa. (Narito
ang kanilang mga pahayag).
“Pangaralan mo siya, huwag paluin kasi pag pinalo lalong magiging rebelde ang
bata.”
“Paano kung gumawa ng kalokohan, hindi mo ba papaluin? O papaluin diba!
Depende lang sa pagpalo.”
“Pagsabihan mo lang ng magandang katuturan ang bata. Kasi kapag pinalo mo
gaganti yun.”
“Kapag hindi rin patikimin ang bata ng pagkurot nang kaunti, hindi rin
matatauhan ang bata. Kailangang ding mayroong respeto ang bata sa magulang, ang
magulang kailangan ding may respeto sa mga anak.”
Ayon naman kay De Guzman, Hindi raw agad ikukulong ang lalabag sa ordinansa.
Isasailalim daw muna ang guro o magulang sa counseling at assessment.
Oktubre 5, 2011, BALITANGHALI
GMA NEWS TV, Channel 11

GAWAIN:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa binasang programang
pantelebisyon.
1. Ano-ano ang mga halimbawa na nagpakita ng pang-aabuso at pagmamalupit
sa bata?
____________________________________________________________
__________________________________________________________
2. Sang-ayon ka ba na ipagbawal ang corporal punishment? Bakit?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Bilang isang kabataan, sa palagay mo, paano ang tamang pagdidisiplina sa
mga bata at kabataan sa kasalukuyan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang batas na
mangangalaga sa karapatan ng mga bata o kabataan, ano kaya ito at bakit
mo ito bubuuin?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

ISAGAWA
PANUTO: Bilang isang kabataan, magtala ka ng mga paksang sa palagay mo ay
maaring maging paksa ng isang dokumentaryong pantelebisyon at ilagay ang iyong
dahilan bakit mo napili ito.

5
1
Mga Paksa ng Dokumentaryong
Dahilan ng Pagpili
Pantelebisyon
1.
2.
3.
4.
5.

TAYAHIN
Panuto: Hanapin sa hanay B ang halimbawa ng programang pantelebisyon na
nasa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
HANAY A HANAY B
_______1. News Program a. TV Patrol
_______2. Children Show b. Art Angel
_______3. Educational Program c. Talentadong Pinoy
_______4. Travel Show d. Rated K

_______5. Magazine Show e. I witness

_______6. Morning Show f. Twin Hearts

_______7. Variety Show g. Unang Hirit

_______8. Documentary Program h. Matanglawin


_______9. Youth Oriented Program i. Byahe
_______10. Public Service Program j. Bantay Bata
____

SUSI NG PAGWAWASTO

SUBUKIN
1. B
2. B
3. A

PAGYAMANIN
Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring TAYAHIN
magkakaiba. 1. A 6. G
2. B 7. C
ISAGAWA 3. H 8. E
Ang mga sagot ng mga mag-aaral ay maaaring 4. I 9. F
magkakaiba. 5. D 10. J

16

You might also like