You are on page 1of 4

Radyo

· Naghahatid ng musika
· Nagpapahatid ng panawagan
· Nagpapakinig ng mga awit
· Naghahatid ng napapanahong balita
· Nagbibigay ng opinion kaugnay ng isang paksa
Komentaryong Panradyo
· Ayon kay Elena Botkin- Levy, Koordineytor, Zumix Radyo, ito ay
pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga
opinion at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung
kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin.
· Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki
upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin
sa kanya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at
epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na
kaalaman sa pagsulat ng sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.
Ilan sa mga paksang madalas na talakayin ay ang sumusunod:
a. Politika
b. Mga pangyayari sa isang espisipikong lugar
c. Mga pagdiriwang sa Pilipinas
d. Katayuan ng ekonomiya ng Pilipinas
e. Mga interes at makabuluhang bagay para sa mga inaasahang
tagapakinig

Bago makasulat ng isang Dokumentaryong Panradyo, narito ang mga


dapat tandaan:
1. Magsaliksik ng mga impormasyon.
2. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa mga
detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong sinulat.
3. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa.

Mahahalagang Termino sa Radio Broadcasting


Ayon sa Glossary Dictionary of Radyo Terms (huling binisita noong Abril 2015) ang mga
sumusunod ang ila sa mahahalagang terminong gamit sa radio broadcasting.

1. Acoustic – iIto ang linaw ng pagkakarinig sa tunog sa isang isang silid; ang kalidad ng
tunog sa isang lugar.

2. Airwaves - Ang midyum na dinadaanan ng signal ng radyo o telebisyon na kilala rung


spectrum o electromagnetic spectrum. Dumadaan ito sa hangin kaiba sa mga signal na
dumadaan sa mga kable.

3. AM - Nangangahulugang amplitude modulation, tumutukoy ito sa standard radio band


4. Amplifier - Ito ang kakayahang baguhin ang lakas ng tunog, halimbaway ang pagpapalakas
o pagapahina nito, gamit ang isang aparatong elektroniko na nakokontrol.

5. Analog - Isang uri ng waveform signal na diretso o tuwid.


6. Announcer - Ang taong naririnig sa radyo na may trabahong magbasa ng script o mga
anunsyo

7. Backtimming - Ito ang pagkalkula sa oras bago marinig ang isang kanta
8. Band - Ang lawak na naabot ng pagbbroadcast o ang haba ng waves ng iaang tunog
9. Clutter - Lubhang maraming bilang ng palatastas o iba pang elemento na hindi kasama sa
mismong programa na sunod sunod na ipinatutugtog

10. Feedback - Isang nakaiiritang tunog na nililikha ng pagtatangkang palakasin ang speaker
sa paglalapit dito ng mikropono

11. FM - isang paraan ng paglalagay ng datos sa isang alternating current (AC) wave sa pag
iiba iba sa frequency ng wave na iyon

12. Frequency - Ang teknikal na kahulugan nito ay ang electromagnetic wave frequency
13. Interference - Ito ang tunog na tila may naggigisa dahil sa pagb-broadcast ng dalawang
estasyon sa iisang band

14. Mixing - Ito ang pagtitimpla at pagtiyak ng tamang balanse ng tunog, lakas, ganda, at iba
pang katangian ng mga elementong pinatutugtog sa radio

15. Open Mic - Isang mikroponong nakabukas sa partikular na oras


16. Playlist - Opisyal na talaan ng mga kantang patutugtugin ng isang estasyon sa takdang
araw o lingo

17. Queue - Ang hanay ng mga patalastas na pinagsunod-sunod at nakatakdang patugtugin


sa break ng programa

18. Ratings - Tantiya ng dami ng tagapakinig sa isang programa na iinapakita sa anyo ng


porsyento ng mga taong isenerbey

19. Share - Ang bilang ng tao na nakinig sa isang estasyon sa takdang panahon
20. Sign On - Ang oras na ang estasyon ng radyo ay nagsisimula sa pagbbroadcast
nito
21. Sumulcast - Ang pagbbroadcast ng iiaang programa sa dalawa o higit pang magkaibang
estasyon

22. Sound byte - Kapirasong boses ng isang tao na kinuha mula sa isang interbyu na
isinasama sa isang balita; ang karaniwang haba nito ay 5 hanggang 15 segundo

23. Streaming - Ang paglipat ng audio patungong digital data at pagsasalin nito sa internet
24. Transmitter - Ang pinanggagalingan o tagalikha ng signal sa isang transmission
medium
25. Voiceovers - Isang teknik pamproduksyon na pinagsasalita ang isang tao na maaring live
o nirekord

Mga Format ng Programang Panradyo


Ayon kay Michael C. Keith sa kaniyang aklat na The Radio Station: Broadcast, Satellite and
Internet (2010), ang mga sumusunod ang ilan sa mga format ng programang panradyo.

1. Contemporary Hit Radio - Nakikilala rin itong Top 40. Nagpapatugtog ito ng mga usong
awitin o awitong pinakamabili sa kasalukuya. Target nito ang kabataan, gaya ng mga edad 12-
18 taon

2. Easy Listening - Nagpapatunog ito ng mga awiting magaan sa pandinig, gaya ng mga
awiting may instrumental o hindi gaanong maingay gaya ng musikang rock. Karamihan sa mga
nakikig nito ay 50 pataas

3. Rock ang Alternative - Isinilang ito sa huling bahagi ng 1960 bilang paghulagpos sa
contemporary hit radio na masyadong komersyal. Tinatangkilik ang ganitong format sa
kalalakihang may edad 18-34.ang rock music ay isang musikang gumagamit ng electric guitar.

4. News and talk - Ito ang format na nakatuon sa pagbabalita o talakayang panradyo o
kombinasyon ng dalawa

5. All Sports - Nakalaan lamang sa isport ang format na ito


6. FM talk - Ito naman ang format na pinagsama ang musika ng FM at ang usapan ng mga DJ.
Ito rin ang paksang pang-aliwan, gaya ng mga buhay ng mga artista at mang-aawit at
tagapakinig nito ay edad 25-44

7. Classic - nakalaan ito sa pagpapatugtog ng nga lumang awiting sumikat sa kanilang


panahon

8. Religious/Christian - Nakatuon ito sa pagtuturo ng mga aral o pagpapalaganap ng


mensahe sa isang partikular na religion

9. Full Service - Ito naman ang format na tinatangkang ihain ang lahat-balita, talakayan,
isports, musika, serbisyo publiko, at iba pa. Karamihan sa mga tagapakinig nito ay may edad
40 pataas

You might also like