You are on page 1of 16

8

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Pagsulat ng Dokumentaryong
Panradyo
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Pagsulat ng Dokumentaryong Panradyo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL SA JUNIOR HS


ARALING PANLIPUNAN

Awtor : Honey Lyn G. Tolentino


Ko-Awtor - Editor : Leny M. Caysido
Ko-Awtor - Tagasuri : Elnora F. Tolentino
Ko-Awtor - Tagaguhit : Charito S. Ebuen
Ko-Awtor - Tagalapat : Kenneth I. Guanlao
Ko-Awtor - Tagapangasiwa : Jenrose D. Adraneda

MGA TAGAPAMAHALA SA DIBISYON:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, FILIPINO : Mila D. Calma
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
8

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Pagsulat ng Dokumentaryong
Panradyo
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang


maunawaan ang wastong pagsulat ng dokumentaryong panradyo.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


1. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio
broadcasting. F8PT-IIId-e-30
2. Naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo.
F8PU-IIId-e-31
3. Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng
konsepto o pananaw (ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, iba pa)
F8WG-IIId-e-31

Subukin

Tuklasin mo kung gaano kalawak ang iyong kaalaman sa araling ito. Sa


pamamagitan ng arrow, ikonekta mo ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo
sa larawang nasa gitna. Gayahin at iguhit sa iyong papel ang gaya ng nasa ibaba.

Nagpapahatid ng
mga panawagan
Nagpapalabas
ng pelikula
Nagpapalabas
ng variety show
Nagpapalabas
ng teledrama
Naghahatid
ng musika

Nakikinig ng
mga awit
Nagpapakilala
ng isang
produkto
Nagbibigay ng
opinyon kaugnay
Naghahatid ng sa isang paksa
napapanahong
balita
Naghahatid ng mga
talakayan/pulso ng
bayan
1
Balikan

Isa-isahin at suriin ang mga positibo at negatibong pahayag. Isulat lamang


sa patlang ang POSITIBO o NEGATIBO.

________1. Wala akong nakikitang problema sa iyong pagtatrabaho rito sa aking


kompanya.
________2. Ang sipag mo namang magtrabaho, kapitbahay.
________3. Bakit iniwan mo kami? Paano na kami ngayon ng mga bata ngayong
wala ka na?
________4. Maliit pa ang mga anak ko nang mamatay si Sergio pero nakayanan
ko itong lahat dahil sa tulong ng Diyos.
________5. Magtiwala ka lamang sa ating Panginoon.
________6. Ikaw, Dionisio, sinusunod mong palagi ang luho ni Leona kaya lumala-
king sutil ang anak mo.
________7. Hindi ko sagot ang pambayad mo sa ospital kapag naaksidente ka!
________8. Huwag kang mag-alala, gagaling ako!
________9. Si Mamang talaga super sungit, palibhasa may dugong kastila.
________10. Hanggang dito sa Maynila dala mo pa rin ang pagkasutil mo, kawawa
naman itong tao ipinahiya mo.

Tuklasin

Sa bahaging ito ng aralin, basahin at unawain mo ang komentaryong


panradyo. Narito ang isang bahagi ng pagtatalakayan sa radyo.

KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF


INFORMATION BILL (FOI)

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong


pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky
Francia at ito ang Kaboses Mo.
Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of
Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom Of
Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa
iyan kahit pa nakapikit!

2
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng
kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na
transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga
tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman
yan! Demanda dito, demanda doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t dapat
naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil sila
ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaaring maging “threat” daw yan sa
mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.
Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas
maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na
opisyal.
Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative Lorenzo Tañada
III, ‘pag hindi pa naipasa ang FOI bago magpasko eh mukhang tuluyan
na itong maibabasura.
Roel: Naku! Naloko na!
Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay at Maricar
Francia mula sa:
http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/

Suriin

Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin – Levy, Koordineytor,


ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang
kanilang opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu o sa isyung
kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay ng opinyon ay
makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong
tagapagsalita. Ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at
epektibong komentaryo o dokumentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng
malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o
pananaw.

Pagsulat ng Iskrip ng Programang Panradyo


Iskrip ang taguri sa manuskrito ng isang audio-visual material na ginagamit
sa broadcasting. Ito ay ang nakatitik na bersyon ng mga salitang dapat bigkasin o
sabihin. Ginagamit ito sa produksyon ng programa. Naglalaman ito ng mga mensahe

3
ng programang dapat ipabatid o ipaalam sa mga nakikinig. Napakahalaga nito
sapagkat ito ang nagsisilbing gabay sa mga tagaganap, director, taga-ayos ng musika
(musical scorer), editor, at mga technician.
Sa broadcasting, ang nilalaman ng komunikasyon na gagamitin sa media
tulad ng radyo ay ilalagay muna sa iskrip. Bilang iskrip, ito ay ginagamit muna ng
print medium. Mula sa pormang ito, ang iskrip ay gagawing pasalita at saka
lalapatan o gagamitan ng mga tunog. Ang iskrip ay isang transisyon lamang sa
pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng radyo. Maririnig lamang ng mga
tagapakinig sa pamamagitan ng radyo kung ano ang nakasulat sa iskrip.
Ang iskrip na panradyo ay batay sa tunog. Sa iskrip ng drama, halimbawa,
dapat laging ipakilala ng manunulat ang mga tauhan sa pamamagitan ng kanilang
mga pangalan o katawagan. Ito ay upang malaman ng mga nakikinig kung sino ang
mga tauhang nagsasalita. Sa programang panradyo, kailangang sabihin ng mga
tauhan ang lahat ng nangyayari sa eksena dahil hindi naman ito nakikita ng
nakikinig.

Pormat ng Iskrip

May sinusunod na pormat ang iskrip na panradyo. Narito ang mga tuntuning
dapat ninyong sundin kapag kayo ay susulat ng iskrip na panradyo.

1. Gumamit ng maliliit na titik sa pagsulat ng diyalogo.


2. Isulat sa malalaking titik ang musika, epektong pantunog, at ang emosyonal
na reaksyon ng mga tauhan.
3. Guhitan ang SFX (sound effects) at MSC (music).
4. Hindi lamang ipinakikita ang paggamit ng musika at epektong pantunog
kundi kailangan ding ipakita kung paano gagamitin ang mga ito.
Halimbawa: Kailangan bang naka-FADE UNDER ang musika habang
nagsasalita ang isang tauhan?
5. Kailangan may dalawang espasyo (double space) pagkatapos ng bawat linya
sa iskrip kapag minakilya o kinompyuter.
6. Lagyan ng numero bawat linya. Ilagay ang numero sa kaliwang bahagi bago
ang unang salita ng linya upang maging madali ang pagwawasto kapag
nagrerekording.
7. Ang mga emosyonal na reaksyon o tagubilin ay kailangang isulat sa
malaking titik. Gagamitin lamang ang mga ito upang ipabatid kung paano
sasabihin ang mga linya o diyalogo ng mga tauhan. Ilagay ang mga ito sa
loob ng parentesis o panaklong at isulat sa malaking titik.
8. Gumamit ng mga terminong madaling maunawaan sa pagbibigay ng
indikasyon kung sino ang nagsasalita at anong uri ng tinig ang maririnig.
Halimbawa: Boses 1, 2; Lalaki, Babae 1, 2; Talent 1, 2. Madaling
maintindihan ng tagapakinig at ng mga taong gagamit ng iskrip kung
isusulat ang pangalan ng taong nagsasalita. Halimbawa: Leona, Zosimo.
Gayundin, kailangan maging tiyak ang pangalan o katawagang gagamitin,
tulad ng Announcer.

4
9. Isulat sa malaking titik ang posisyon ng mikropono na gagamitin at ilagay
ito sa parentesis.
10. Maglagay ng tutuldok o kolon pagkatapos isulat ang pangalan ng tauhang
magsasalita o pagkatapos isulat ang SFX o MSC.
11. Sa panibagong pahina ng iskrip, umpisahan ang paglalagay ng numero sa
bawat bilang.

Narito ang halimbawa ng iskrip na nagpapakita ng mga nabanggit na tuntunin.

10 MSC : THEME INTRO UP & OUT… BIZ.. BIRDS…

11 DIONISIO : Leona, anak, pumunta ka ng Agusan del Sur.

12 LEONA : Pupunta po ako sa Agusan? Bakit may problema po ba


Papang?

13 : Ang Rubber production natin doon?


------------------------------------------------------------------------------------------------------
-----------------------
29 DIONISIO : (FADES IN) Ano ka ba naman Jovencia, tigilan mo ang
anak mo.

30 : Huwag mon ang sermunan.

31 JOVENCIA : (FADES IN) O, ayan ka na naman! Magsama nga talaga


kayong

32 : mag-ama, parehong matigas ang ulo!

33 MSC : BRIDGE…
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------
11 LEONA : (GULAT) Ano?! Bakit ibinebenta ni Mamang? E motor ko
iyon! Si

12 : Papang di ba inawat si Mamang?

13 AVELINO : (LAUGHS) Kailan ba umubra si |Papang kay Mamang?


Kailan mo ba

14 : nakitang nasunod sa bahay si Papang? Di ba palagi


namang si

15 : Mamang ang nasusunod. Kaya sori ka na lang, Indan


Leona!

5
16 MSC : BRIDGE… SFX… PIER HARBOR IN MANILA

Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw

Sa pagbibigay ng konsepto ng pananaw ay maaaring banggitin o magpahayag


batay sa sariling damdamin, paniniwala, ideya, kaisipan, o karanasan maging ng
ibang tao. Ang ganitong pahayag ay makikilala sa paraan ng pagkakalahad ng
nagsasalita o nagsusulat. Ilan sa mga ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag ng
pananaw ay ang:

● Alinsunod sa . . .
● Naniniwala ako na . . .
● Anupa’t ang pananaw ko sa bagay na iyan ay . . .
● Batay sa . . .
● Kung ako ang tatanungin, nakikita kong . . .
● Lubos ang aking paniniwala sa . . .
● Palibhasa’y naransan ko kaya masasabi kong . . .
● Para sa akin
● Sa bagay na iyan masasabi kong . . .
● Sa ganang akin . . .
● Sang-ayon sa . . .

Mga Halimbawa:

1. Batay sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang Pambansang wika


at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at Sistema ng edukasyon.
2. Sa ganang akin, wala nang gaganda pa sa lugar na ito.
3. Naniniwala ako na hindi mabubuti kanino man ang kanilang plano.

Pagyamanin

Gawain 1. Sa graphic organizer sa ibaba, bigyang-kahulugan ang ilang mga


salitang ginagamit sa radio broadcasting.

Broadcast
media

Mga salitang
ginagamit sa Audio-visual
radio material
broadcasting

SFX

6
Gawain 2. Ibigay ang iyong konsepto ng pananaw batay sa naging paksa ng isang
programang panradyo na Family Matters ng DZAS na inere noong Disyembre 2011
tungkol sa pag-aasawa.

ABAKADA ng Pag-aasawa

A – Ayon sa panukala ng Diyos Ama ang hanaping daan tungkol sa pagpapamilya.


B – Bahala na/Baka sakali pa ay hindi dapat pairalin. Kailangang siguraduhin ang
lahat ng bagay o lagay.

K – Kristiyano sa Kristiyano ang dapat pairalin at hindi dapat baliin ang


prinsipyong ito.

D – Di dapat papalit-palit ng nobyo o nobya, di palikero o palikera, di agad


nagsasawa at hindi sabay-sabay ha? Gets mo?
E – Edad at ugali ay magka-antabay, di bata pero di matanda, di malayo ang agwat
para talagang bagay.

Isaisip

Panuto: Dugtungan mo ang mga pahayag na nagpapakita ng kabuuan ng paksang


tinalakay.

Ang pakikinig ng mga programang panradyo ay mahalaga sapagkat _________


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Ang komentaryong panradyo ay nagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan


dahil ___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Matutukoy ang mga konsepto ng pananaw o opinyon sa pamamagitan ng


paggamit ng mga salita gaya ng __________________________________________________
__________________________________________________________________________________

7
Isagawa

Lagyan ng tsek (/) ang pangungusap na nagsasaad ng pananaw o konsepto


at ng ekis (x) ang hindi.
____1. Pag-isipang mabuti ang mga bagay-bagay bago ito isagawa upang
maiwasan ang pagkakamali.
____2. Sino ang dapat sisihin sa mga kabiguang dumarating sa buhay ng
isang tao?
____3. Sa aking pananaw, ang buhay ay nakabatay sa mga bagay na iyong
pinipili o pinaniniwalaan.
____4. Sa ganang akin, ang lahat ng bagay ay nakaplano sa kamay ng
Panginoon.
____5. Palibhasa’y naranasan ko kaya masasabi kong ang magandang buhay
ay hindi lamang nakasentro sa ating sarili kundi sa ating kapwa at
Panginoon.

Tayahin

Gamit ang mga ekspresyong nasa ibaba ay ipahayag ang iyong konsepto at
pananaw tungkol sa paksang nakatala sa bawat bilang.

1. Gamit ang ekspresyong alinsunod sa… ay ipahayag ang iyong pananaw


hinggil sa turo ng iyong magulang.
2. Sabihin ang pananaw ng iyong idolo sa kaniyang buhay na naangis mong
tularan gamit ang ekspresyong ayon kay/sa…
3. Sa pamamagitan ng ekspresyong batay sa… ay ipahayag ang pananaw ng
pabrito mong awtor tungkol sa isang aklat na kaniyang ginawa.
4. Sabihin ang iyong pananaw gamit ang ekspresyong Lubos ang aking
paniniwala sa… upang masabi ang pilosopiya o gabay sa buhay na iyong
isinasabuhay.
5. Sabihin ang iyong pananaw tungkol sa mga pagsubok sa buhay na iyong
nalampasan gamit ang ekspresyong Palibhasa’y naranasan ko kaya
masasabi kong…

8
Karagdagang Gawain

May lokal na estasyon ng radyong magbubukas sa inyong rehiyon.


Nangangailangan sila ng manunulat para sa kanilang programa. Isa ka sa mga
aplikanteng napiling sumubok para rito ngunit kailangan mong patunayang
karapat-dapat ka sa nasabing trabaho. Ikaw ay nahilingang sumulat ng isang
dokumentaryong panradyo tungkol sa isa sa mga napapanahong balita sa inyong
lugar ngayon. Gawin mong gabay ang iyong natutuhang wastong pagsulat ng iskrip
ng dokumentaryong panradyo.

Pamantayan sa Pagsulat ng Dokumentaryong Panradyo

1.) Akma sa paksa ang nabuo.

2.) Maayos at kapani-paniwala ang inilahad na konsepto o pananaw sa


dokumentaryong panradyo.

3.) Nakagagamit ng mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto o


pananaw.

4.) Nasunod nang maayos ang mga alituntunin sa pagsulat ng dokumentaryong


panradyo.

9
10
Isaisip Isagawa Karagdang Gawain
Ang sagot ay depende sa 1. X Ang sagot ay depende sa
sagot ng mga mag-aaral. 2. X sagot ng mga mag-aaral.
3. /
4. /
5. /
Tayahin
Ang sagot ay depende sa
sagot ng mga mag-aaral.
Subukin Balikan Pagyamanin
1. Nagpapahatid ng 1. Positibo Ang sagot ay depende sa
mga panawagan 2. Positibo sagot ng mga mag-aaral.
2. Nagpapakilala ng 3. Negatibo
isang produkto 4. Positibo
3. Nagbibigay ng 5. Positibo
opinion sa isang 6. Negatibo
paksa 7. Negatibo
4. Naghahatid ng 8. Positibo
talakayan/pulso ng 9. Negatibo
bayan 10. Negatibo
5. Naghahatid ng balita
6. Naghahatid ng
musika
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/

https://www.depedldnhs.ph/uploads/8/2/0/1/8201356/g8_filipino_3.pdf

Julian, A., Lontoc, N., Del Rosario, M., Dayag, A. Pinagyamang Pluma 8. 2nd ed.
Quezon, City: Phoenix Publishing House, Inc, 2017.

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like