You are on page 1of 9

1

Aralin
Mga Salitang Ginagamit sa Panghihikayat
5

Mga Inaasahan

Binabati kita at nasa Aralin 5 ka na! Handa ka na ba sa panibagong


hamon na inihanda ko para sa iyo?

Nasubukan mo na bang magsalita sa harap ng maraming tao? Paano mo


nahihikayat ang iyong mga tagapakinig? Sa bahaging ito ng iyong modyul,
tatalakayin natin ang mga salitang ginagamit sa panghihikayat lalo na sa
pagtatalumpati.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang


sumusunod na kasanayan:

1. Nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat; (F8WG-IVf-g-38)


2. Nakasusulat ng sariling talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung
pinapaksa sa binasa. (F8PU-IVf-g-38)

Naniniwala akong nasasabik ka na para sa araling ito, ngunit bago mo


simulan ay may inihanda muna akong gawain para sa iyo.

Paunang Pagsubok

Basahin ang maikling usapan sa ibaba. Tukuyin kung anong salita ang ginamit
sa panghihikayat sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Agnes: Maganda ang plano sa ngayon ng pamahalaan, nararapat lang talagang


tutukan ang pagkakaroon ng edukasyon ng lahat at maging ng mga katutubo.
2. Mariz: Totoo iyan, Agnes. Naniniwala akong ang edukasyon ay nakakatulong
para malaman nila hindi lamang ang kanilang mga karapatan kundi maging
mga bagay tungkol sa pag-unlad.
3. Ben: Ang edukasyon din kasi ang nagbibigay liwanag sa buhay ng mga
kabataang nangangarap maabot ang kanilang mga mithiin sa buhay. Kaya’t
mas makabubuti kung maipaliliwanag sa kanila ang halaga nito.
4. Mariz: Kung ako ang tatanungin, mas mainam na hikayatin ang isang batang
maging masigasig sa pag-aaral lalo na iyong mga nakalilimot.
5. Ben: Tunay nga at mas makabubuti na ang isang bata ay nagagabayan nang
tama sa kaniyang pag-aaral para makamit ang kanilang mga karapatan ayon sa
itinatadhana ng batas 8371.

Modyul sa Filipino 8
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
2

Ngayon naman bago ka magpatuloy ay nais kong magbalik-tanaw


ka sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong kaugnay ng nakalipas na
aralin.

Balik-tanaw

Suriin ang ugnayan ng mga salita. Piliin ang angkop na salitang kukumpleto
sa analohiya.

1. Ibong Adarna : korido ; Florante at Laura : ___________________


A. tula B. epiko C. awit D. dula
2. Florante : Duke Briseo ; Adolfo : ______________
A. Haring Linceo B. Konde Sileno C. Osmalik D. Miramolin
3. Flerida : Aladin ; Laura : ____________
A. Menandro B. Adolfo C. Menalipo D. Florante
4. Florante : Kristiyano ; Aladin : _____________
A. Katoliko B. Hinduismo C. Moro D. Budismo
5. dalawang leon : mabangis ; gubat : _____________
A. madamo B. mainit C. mapanglaw D. malayo

Pagpapakilala ng Aralin

Hindi maikakaila na minsan sa buhay ng isang tao pagdating sa pagdedesisyon


ay nagkakaroon ng pagkakamali sa pagpili kung ano ba ang mahalaga at mabuti para
sa kaniya at sa kung ano naman ang hindi. Sa pagdedesisyon, maaari itong magdala
ng kalituhan kung ano ang dapat piliin. Kung kaya’t sa pagnanais natin na gabayan
ang mga nalilitong pumili ay nakapagbibigay tayo ng mga pahayag na mas nararapat
upang sila ay mahikayat.

Ang pagnanais na makakumbinsi at makahikayat ng iyong tagapakinig o


kausap sa iyong pananaw o paninindigan ay isang hamon. Nakatutulong ang
paggamit ng wasto at tamang salitang nanghihikayat.

Ilan sa mga salitang nanghihikayat ay:


 kung ako sa iyo…
 mas makabubuti kung…
 mas nararapat…
 naniniwala akong…
 kaya mong maging… at marami pang iba.

Gamit ang mga salitang naghihikayat magagawa natin ang mga sumusunod:
 mapapaniwala ang tagapakinig
 mapagtibay ang isang katotohanang pinaniniwalaan
 mapakilos ang tagapakinig o tagabasa.
 sumang-ayon sa pananaw tungkol sa isang isyu o pangyayari

Modyul sa Filipino 8
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
3

Layunin din ng mga salitang nanghihikayat na maglahad ng isang opinyon na


kailangang mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong
datos upang mapaniwala o makumbinsi ang mga mambabasa o tagapakinig.
Isa sa pinakamainam na paraan upang makapanghikayat at magamit ang mga
salitang naghihikayat ay ang talumpati. Ang talumpati ayon sa wikepedia ay isang
buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na ipinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong
humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala. Ayon naman kay Mangahis et.al (2008), masusukat sa
sining na ito ang katatasan, husay, at dunong ng mananalumpati sa paggamit ng wika
at katatagan ng kaniyang paninindigan.
Ang pagtatalumpati ay maituturing na isang uri ng sining. Makikita rito ang
katatasan at kahusayan sa paghihikayat. Layunin din nitong makapagpahayag ng
pangangatwiran sa paksang tinatalakay. Iba ito sa ginagawa nating pakikipag-usap at
pagpapahayag sa araw – araw at sa iba pang anyo ng panitikan. Ang pagtatalumpati
ay pinaghahandaan bago bigkasin sa harap ng madla. Kung kaya’t narito ang ilan sa
mga hakbangin sa paggawa ng talumpati.

1. Pagpili ng paksa -kailangang saklaw ito ng iyong sariling kaalaman,


karanasan at interes.
2. Pagtitipon ng mga materyales –kung sigurado na sa paksang napili,
kailangan naming humanap ng materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga
impormasyon sa talumpati. Maaaring kumuha ng mga impormasyon sa
iyong dating kaalaman, mga karanasan, mga babasahing may kaugnayan sa
paksa.
3. Pagbabalangkas ng mga ideya- kailangang nahahati ito sa tatlong bahagi
panimula, katawan at pangwakas.
4. Paglinang ng mga kaisipan- kailangang nakapaloob dito ang mahalagang
impormasyon na susuporta sa pangunahing kaisipan na inilahad sa iyong
balangkas.

Naging malinaw ba sa iyo kung paano gamitin nang wasto ang mga
salitang nanghihikayat lalo na sa pagtatalumpati? Madali lang hindi ba?

Upang mas lalo mong maunawaan ang talumpati sa panghihikayat,


maaaring sumangguni sa link na ito para sa isang halimbawa na isinulat ni Jam
Canlas Jumawas para sa mga kabataan.
https://mahiwagangisip.wordpress.com/2012/10/21/isang-talumpati-para-sa-
mga-kabataan/

Sa pagkakataong ito, maaari mo nang sagutin ang mga gawaing inihanda


ko para sa iyo.

Mga Gawain

Gawain 1.1 TUMPAK O SABLAY. Basahing mabuti ang bawat pahayag, isulat
ang TUMPAK kung ang pahayag ay nagsasaad ng panghihikayat, at SABLAY
naman kung hindi.

Modyul sa Filipino 8
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
4

1. Ito na ang tamang panahon upang tayo ay magtulungan.


2. Kung ako sa iyo, mas pipiliin kong lumaban kaysa sumuko.
3. Wala na tayong magagawa sa bagay na iyan, huwag mo nang subukang isalba.
4. Mas nararapat na maging matatag tayo sa lahat ng pagsubok na ating
pinagdadaanan sa panahong ito.
5. Naniniwala akong mahalaga ang pakikiisa upang makamit ang tagumpay ng
ating bansa.

Gawain 1.2 Pagsagot ng mga tanong. Bumuo ng mga pahayag gamit ang mga
salitang nanghihikayat base sa mga sumusunod na sitwasyon.

1. Isa kang guidance counselor.


Paano mo hihikayatin ang mga tin-edyer na piliin ang pangangailangan
kaysa mga bagay na gusto lang?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Isa kang kapitan ng barangay.


Paano mo mapaniniwala ang iyong nasasakupan na sumunod sa batas ng
iyong barangay?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Isa kang pulis.


Paano mo hihikayatin ang isang tao na piliin ang gumawa ng mabuti sa
kabila ng kasamaang kaniyang kinagisnan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Rubrik:
♣ Naipahahayag ang panghihikayat na naaayon sa sitwasyon --------- 3 puntos
♣ Malinaw ang pahayag sa pangungusap na ginamit ----------- 2 puntos
( Maari ding idagdag ang paggamit ng mga salitang nanghihikayat)
KABUOAN ----------- 5 PUNTOS

Kahanga-hanga! Natapos mo ang mga gawaing aking ibinigay. Patuloy


mo pang palawakin ang iyong kaalaman.

Modyul sa Filipino 8
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
5

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang wastong gamit ng salitang nanghihikayat,


narito ang mga dapat mong tandaan.

1. Sa panghihikayat ay maaari nating mabago ang isipan, damdamin o kilos ng


isang tao.
2. Gumagamit ng wastong salita sa panghihikayat upang mapaniwala ang
mambabasa o tagapakinig.

Ngayon ay ilalapat mo na ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng pagsulat


ng iyong pananaw o kaisipan hinggil sa isyung nasa ibaba.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Ang patalastas ay isang uri ng pagpapahayag na ginagamit upang


makahikayat o makahimok, magbigay impormasyon tungkol sa isang serbisyo,
produkto o paniniwala.
Sa puntong ito bumuo ng isang patalastas na nanghihikayat hinggil sa
napapanahong isyu sa lipunan partikular sa mga kabataan. Gamitin ang
sumusunod na mga salitang nanghihikayat sa ikalawang hanay ng kahon sa
gagawing patalastas.

Maaaring pumili ng alin mang paksa Gamitin ang mga sumusunod


sa ibaba: na salita sa panghihikayat
 Kung ako sa iyo…
 Programang Pangkalusugan  mas makabubuti kung…
 Pagkahumaling sa Online Games/
 mas nararapat…
social media
 Cyber bullying  naniniwala akong…
 kaya mong maging…
Mga Pamantayan:

1. Ang patalastas ay binubuo nang maayos at magkakaugnay na mga


detalye
2. Naaayon at angkop ito sa paksa
3. Nagamit ang mga salitang nanghihikayat na ibinigay
5 – taglay ang 3 sa mga pamantayan
4 – taglay ang 2 sa mga pamantayan
3 – taglay ang 1 sa mga pamantayan

Modyul sa Filipino 8
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
6

Pangwakas na Pagsusulit

Punan ng angkop na salitang nanghihikayat ang patlang upang mabuo


ang talata. Piliin ang sagot sa loob ng kahon

naiintindihan kita marahil nga ay tama ka

naniniwala ako walang duda

kung iyong susuriin kaya kung nais mong

kaya mong maging magtiwala ka

tunay nga mas makabubuti

Ang Kayamanan
Orihinal na likha ni : Ailyn B. Balmes

(1)________________________ na isa ka rin sa nahihirapan na bumangon sa


umaga at sabayan ang pagputok ng iyong alarm clock o hindi naman kaya ay ang
tilaok ng manok ng iyong kapitbahay, (2)________________________, subalit ikaw ay
isa sa mga kabataang inaasahan ng hinaharap na magtataguyod sa pagpapalago
ng ating bayan; ikaw ang pag-asa ng ating bayan kaya anumang hamon ng
pagbangon sa umaga– marapat mo itong labanan, dahil ito ang unang hamon na
dapat mong mapagtagumpayan sa susubok sa iyong kagustuhang magpursigi at
magpatuloy sa pag-aaral. (3) ___________________________sa iniisip mo; kung saan
ka kukuha ng iyong pantustos sa iyong online class – subalit, kailanman ang
pinansiyal na suliranin ay hindi dahilan upang ikaw ay huminto sa pangangarap;
sapagkat pagsisikap ang susi ng tagumpay at determinasyon ang tangi nitong
pundasyon.
(4) ____________________na higit ano pa man, ang salapi ay hindi kayamanan; ito ay
isa lamang pangangailangan habang tayo ay nabubuhay – hindi mo ito madadala
sa iyong huling hantungan. Hindi mo ito mayayakap o masasamba kapag
pumanaw ka na. (5) _____________________, ano ang kayamanang matuturing? Ito
ay walang iba kundi ang edukasyon, na siyang bubuo sa iyong karakter. (6)
___________________ na edukasyon ang tanging kayamanang hindi mananakaw
nino man, at ang iyong karakter ang nagsisilbi mong pagkakakilanlan hanggang
sa iyong paglisan sa mundong ibabaw. Sa ngayon, kinahaharap natin ang isang
malaking hamon ng ating panahon – ngunit alam ko, (7) _____________________na
bilang kabataan ay manindigan upang magpatuloy kahit ano pa mang daluyong
ang iyong kaharapin o ano mang hirap ang iyong danasin dahil lahat tayo ay may
pangarap na ninanais tuparin. (8) ____________________ mabigyang katuparan ang
pinapangarap mo sa buhay, simulan mo ito sa pagbangon sa umaga bilang
pagtupad sa iyong unang misyon – lagi mong iisipin, na (9) ___________________
matagumpay sa larangang iyong minimithi; ngayon o kailanman, maaabot mo ang
tagumpay. (10) ___________________ lang. Kaya mo ito.

Modyul sa Filipino 8
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
7

Pagninilay

Sumulat ng isang talumpating nanghihikayat sa mga mag-aaral na nawawala sa


tamang landas at pagdedesisyon sa buhay. Isaalang-alang ang paggamit ng wastong
salita sa panghihikayat. Ang isusulat mong talumpati ay tatayain sa pamamagitan ng
sumusunod na pamantayan. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Mga Pamantayan:

 Ang mensahe ng talumpati ay naiparating nang malinaw at hindi maligoy


 Organisado at may kaisahan
 Gumamit ng salitang nakahihikayat sa kabataan
 Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:

5 – Napakahusay (taglay ang 3 pamantayan)


4 – Mahusay (taglay ang 2 pamantayan lamang)
3 – Katamtamang husay (taglay ang 1 pamantayan lamang)

Mahusay ang ipinamalas mong pagtitiyaga at kahusayan. Binibigyan kita


ng isang malaking bituin na siyang gagabay sa iyo sa susunod pang aralin.
Maaari ka nang magpatuloy.

Modyul sa Filipino 8
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
8

SAGUTANG PAPEL
FILIPINO 8
Ikaapat na Markahan- Ikalimang Linggo

Pangalan: _________________________________Guro: ______________

Baitang at Seksyon: _______________________Iskor: ________________

PAUNANG BALIK-
PAGSUBOK TANAW
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.

5. 5.

GAWAIN1.1
1.
2.
3.
4.
5.

GAWAIN 1.2

Modyul sa Filipino 8
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
9

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

PAG-ALAM SA NATUTUHAN:

PAGNINILAY

__________________________________________

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 8
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo

You might also like