You are on page 1of 15

10

Filipino
Kwarter 1 – Modyul 5:
SARILING OPINYON, IPAHAYAG MO!
Filipino – Baitang 10
Kwarter 1 – Modyul 5: SARILING OPINYON SA PAKSANG TINALAKAY: IPAHAYAG

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Arlin A. Jardin

Tagaguhit: Jotham D. Balonzo


Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi
at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito,
ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang
tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka
habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
SARILING OPINYON, IPAHAYAG MO!

Panimula:

Magandang araw!
Kumusta ka?
Mabuti naman at maayos ang iyong kalagayan!
Sabik ka na ba sa bago nating aralin?
Halika! umpisahan na natin.

Sa gawaing ito, ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong


maipahayag nang malinaw ang iyong sariling opinyon.

Sa modyul na ito, inaasahan


na naipahahayag mo nang
malinaw ang sariling opinyon sa
paksang tinalakay.

Layunin

1
Ito ang mga bagong salita na dapat
mong kilalanin para sa araling ito.

Basahin natin.
Talasalitaan
PANUTO: Punan ang dalawang patlang sa bawat pangungusap ng dalawang salitang
magkasingkahulugan na makikita sa kahon.

opinyon – kuro – kuro malaswa – imoral

naglilingkod – nagsisilbi may kapangyarihan – may poder sa lipunan

Ano ba ang alam mo na sa ating aralin,


subukin mo nga?

Panimulang Gawain

Basahin ang mga pangungusap. Pagkatapos ipahayag kung ikaw ay sang ayon o di –
sang – ayon sa nakasaad sa pangungusap. Isulat ang sagot sa papel.

____________1. Pagkagalit ni Venus kay Psyche.


____________2. Pakikinig ni Psyches sa sulsol ng kanyang
mga kapatid.
____________ 3. Pagdala ng ama ni Psyche sa kanya sa
tuktok ng bundok upang ihatid sa kan –
yang mapapangasawa.

____________ 4. Pagsuway ni Cupid sa kanyang ina dahil


sa pag – ibig.
____________ 5. Pagpapahirap ni Venus kay Psyche

2
Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.
Alamin natin sa pahina 11 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

O, diba kayang-kaya mong magpahayag


ng iyong saloobin.

Halika, may inihanda pa akong babasahin


para sa iyo.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo basahin ang talata, alamin mom una sa loob ng kahon ang mga pahayag na
makatutulong sa iyo sa paghahayag ng sariling opinion.

Ang sumusunod na mga pahayag ay ginagamit sa paglalahad ng sariling opinyon:

PAGSANG – AYON PAGSALUNGAT


Naniniwala ako na Di – Hindi ako naniniwala na
Sang- ayon/Umaayon Hindi ako sumasang - ayon
ako na Hindi Totoo na
Sa palagay/Paki wari ko ay Hindi ako naniniwala na
Wari ko ay Hindi nararapat na
Totoo/Tunay/Talaga Na

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga tanong.

3
Ganoon nga na
Pumapayag ako na
Marahil nga na
Nararapat/Dapat
nga na
Pumapanig ako na
Tunay na karapat –
dapat na
Talagang marapat na

Tinig ng Mamamayan:

Naniniwala ako na hindi lahat ng mga naglilingkod sa pamahalaan ay masama.


Masasabing malaking bahagdan pa rin ng lingcod – bayan ang matapat sa kanilang
panunungkulan at paglilingkod.”
Sinasang – ayunan ko ang kuro – kuro ng marami na ang malaking populasyon ang
sanhi ng kahirapan ng kabuhayan. At mga dumaraming krimeng nagaganap sa bayan.”
Hindi ako sumasang – ayon na malulutas sa paggawa ng karumal – dumal na krimen
ang naaprubahang parusang kamatayan.
Naniniwala ako na talagang may masamang impluwensiya sa kabataan ang mga imoral
na panoorin at babasahin.”
Maraming taong naniniwala na ang buhay ng tao ay pahirap nang pahirap.

Pansinin ang mga salitang may salungguhit, ito ay mga salitang ginamit sa paglalahad ng
opinyon. Sa pamamagitan ng mga ekspresiyong ito, naihuhudyat sa pangungusap ang sariling
opinyon at higit na nagiging malinaw ang mensahe sa tulong nito.

4
Ipagpatuloy mo.

Malinaw bang naipahayag ang tinig ng mga ________________________


mamamayan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
________________________
________________________

Masasabi bang mga suliraning


panlipunan ang mga paksang nakapaloob sa
mga opinyon? Pangatwiranan sa
pamamagitan ng pagbibigay rin ng sariling
opinyon.

___________________________
___________________________
___________________________
Alin sa mga tinig ng mamamayan ang iyong
pinahahalagahan?Pangatwiranan.

Yehey! Nagawa mong magpahayag ng iyong sariling opinyon kaugnay sa mga ibinigay
na tinig ng mga mamamayan, maaari mo nang gawin ang sumusunod na
mga pagsasanay.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

5
Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Basahing mabuti ang mga pangungusap sa


ibaba.
___________________________________ Pagsasanay 1
Panuto: Punan nang angkop na pahayag na
naglalahad ng sariling opinyon ang talata. Isulat
sa papel ang iyong sagot.

1.______________________ tatahimik din ang ating bayan sa pakikipagtulungan na rin ng


mga mamamayan at ng maykapangyarihan.

2.___________________ ang ilang mamamayan na gawing parlamentaryo ang ating


pamahalaan.

3._________ ang maraming magulang na dagdagan pa ng isang taon ang haiskul.

4.______________, ang kawalan ng disiplina ng taong bayan ang malaking dahilan ng


problema sa ating bansa.

5._______________ na gawin nating pansariling pananagutan ang pagiging responsableng


mamamayan.

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 11.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang muli
at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

6
Dahil madali mo lang nasagutan ang unang
pagsasanay, heto pa ang isa pang gawaing
magpapatibay ng iyong kaalaman.
Pagsasanay
2

Panuto: Mula sa pagsasanay 1, sagutin ang sumusunod na mga tanong upang maipahayag
mo ang iyong sariling opinyon. Gumamit ng mga pahayag na ginagamit sa pagpapahayag ng
opinyon.

MGA TANONG MGA SAGOT


1. Naniniwala ba kayo sa mga
ipinahayag ng mga mamamayan?
Pangatwiranan.
2. Ano – ano sa palagay mo ang
mga napapanahong isyu sa ating
bayan ang dapat bigyang kuro –
kuro o palagay? Bakit?
3. Bakit labis mangatwiran ang mga
kabataan ngayon at lantad
magbigay ng opinyon sa mga
isyu.

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.


Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

7
Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga
gawain upang masagutan ang sumusunod na
pagsasanay.

Panuto: Basahin ang mga pahayag o kaisipang


nasa kahon. Magpahayag ng sariling opinyon Pagsasanay 3
kaugnay nito.

Hindi pangkaraniwan ang pag – iibigan nina Pygmalion at Galatea kaya’t naging
tampulan sila ng usap – usapan.
Ano naman ang magiging pananaw o opinyon mo kung may makita kang magkasin-
tahang sa tingin ng lipunan ay hindi magkabagay tulad ng:

- ang babae ay ubod ng ganda samantalang ang lalaki ay hindi gwapo


- ubod ng yaman ang lalaki subalit napakahirap ng babae
- malaki ang agwat ng edad ng babae sa mas bata niyang kasintahan
Pumili lamang ng isa

Ang unang naiisip ko ay Ang opinyon ko sa sa sitwasyon nila


ay:
___________________________ ____________________________
__________________________ ____________________________
__________________________ ____________________________
__________________________ ____________________________
__________________________ ____________________________

Ang sasabihin ko sa mga taong nanghuhusga ay _______


___________________________________________________________________________
_____________________________________

8
Ang ipapayo ko sa magkasintahan ay ____________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 11.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo


sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-
kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong
sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Ipahayag ang iyong sariling opinyon sa sumusunod na mga paksa.

PAKSA SARILING OPINYON

1. Hindi mabubuhay ang pag – ibig


kung walang pagtitiwala

9
2. Ang pag – ibig ng magulang ay
walang katulad

3. Ang pagtanggap sa kamalian ay


mahalagang matutunan ng isang
nilalang

Ang ganda ng aralin natin.


Ang dami kong natutuhan.
Na-enjoy ko rin ang mga gawain at
pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto ko pa
ng karagdagang Gawain.

Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba.

1. Paano mo magagamit ang kaalamang iyong natutuhan?


2. Ipahayag ang sariling opinyon sa kasalukuyang sitwasyon na sinasabing
“ang bagong karaniwan” (the new normal).

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kid!

10
Susi sa Pagwawasto

Panimulang Pagsubok Pagsasanay 3


Tanggap ang lahat ng opinyon ng mga Pamantayan sa Pagwawasto:
mag – aaral.
4 Tamang sagot –Napakahusay

Pagsasanay 1 3 Tamang sagot –Mahusay

1. Naniniwala ako 2 Tamang sagot- Mahusay


2. Sumasang – ayon 0 -1 Tamang Sagot – Pagbutihin pa
3. Tutol
4. Sa palagay ko Panapos na Pagsubok
5. Talagang marapat na Pamantayan sa pagwawasto

Pagsasanay 2 Pamantayan Puntos


Kahusayan sa paglalahad ng 5
Pamantayan sa Pagwawasto: opinyon sa paksa
Paggamit ng mga pahayag 5
3 Tamang sagot –Napakahusay sa paglalahad
2 Tamang sagot – ng sariling opinyon
Kabuoan 10
Mahusay
0 -1 Tamang sagot- Pagbutihin pa

11
Para sa iba pang tanong at puna maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like