You are on page 1of 8

Aralin

Ang Tamang Paggamit ng Isip at


2 Kilos-loob sa Pagpapasya

Alamin
Sa modyul na ito ay inaasahang maipapamalas mo ang mga
pamantayan sa pagkatuto at mga kasanayanng pampagkatuto:

1.2 Nakilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga


konkretong hakbang upang malampasan ang mga ito.

Subukin

Kumusta, natapos mo ba ang unang aralin? May natutunan ka ba? Ngayon ipagpatuloy
natin ang iyong natutunan sa pamamagitan ng pagbigay pansin sa iyong dating kaalaman.

Pagpili: Basahin ang mga sumusunod na aytem at lagyan ng tsek ang patlang na
naglalarawan sa mga dapat gawin para magkaroon ng mabuting pagpapasya at ekis
naman kung kabaligtaran.

_______1. Upang laging tama ang ginagawang pasya, pinag-iisipan itong mabuti.
_______2. Inuunawa muna ang sitwasyon bago gumawa ng pasya.
_______3. Kung magkamali sa nagawang pasya, dapat may gawin para maitama.
_______4. Ang bawat husgang gagawin ay batay sa tamang katwiran.
_______5. Inuulit ang mga maling nagawa.
_______6. Dapat iisipin ang maaring kalalabasan ng mga paghuhusga.
_______7. Makikinig sa mga tsismis at kuwentong walang batayan.
_______8. Humingi ng payo sa taong eksperto sa kinakaharap mong suliranin.
_______9. Sinasabi agad sa ibang tao ang lahat ng mga iniisip at balakin.
_______10. Marunong magsaliksik ng mga solusyon sa problema.
_______11. Ugaliing magdasal at humingi ng gabay sa Poong Maykapal.
_______12. Kung may taong sumusira sa reputasyon mo agad itong awayin.
_______13. Manahimik nalang at hayaan nalang na inaapi ng ibang tao.
_______14. Laging pilliin kung ano ang tama at mabuti kahit ito ay mahirap.
_______15. Bigyan pansin ang karapatan ng ibang tao kaysa sarili lamang.
Balikan

Napag-aralan mo sa unang modyul ang tungkol sa isip at kilos-loob. Mahalagang


natutunan mo na ang pag-aaral ay susi sa paglinang ng isip upang matuklasan ang
katotohanang kailangan ng tao sa paglinang ng kaniyang pagka-sino. Sa araling ito, ipagpatuloy
mo ang pag-aaral sa mataas na tunguhin ng isip at kilos-loob at kung ano ang papel na
gagampanan nito sa ating pagpapasiya. Dapat mong matutunan sa araling ito ang iyong mga
kahinaan sa pagpasiya upang makagawa ka ng mga hakbang na malampasan ang mga ito.

Tuklasin

Basahin ang usapan sa pagitan ng magkaibigang Buknoy at Tikboy. Pagkatapos


basahin, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

BUKNOY AT TIKBOY
Buknoy: Sa klase namin kanina, nag-iisip ako kung mangongopya ba ako sa pagsusulit
o hindi.
Ang tanong ko kasi sa sarili ko, alin ba dapat? Gawin ang tama at bumagsak o
gawin ang mali o pumasa?
Tikboy: Bagama’t walang kasiyahan sa hindi pinagpagurang tagumpay, gayundin
naman sa bagsak na grado.
Buknoy: Pero sino nga ba ang hindi nandaraya?
Halos karamihan kung hindi man lahat ay nag-aakala na maaari niyang
balewalain ang alituntuning ito. Pero, makatwiran ba itong dahilan para
mangopya?
Tikboy: Iniisip ko, hindi naman malaking bagay ang pangongopya, di ba? Wala namang
masasaktan o siguro nga binibigyan ko lang ng katwiran ang takot kong harapin
ang kahihinatnan ng hindi ko pagbabalik-aral.
Buknoy: Pero para sa ibang tao, mas mahalaga ang tagumpay kay sa prinsipyo.
Tikboy: Yan nga ang dahilan kaya magulo ang buhay, di ba? Dilemma talaga, pumipili
ka sa dalawang bagay na hindi kaaya-aya.
Buknoy: Wala, hanggang sa tumunog na ang bell kaya ipinasa ko na ang aking papel na
blanko.
Tikboy: Eh, ano ang ginawa mo?
Buknoy: Kung sabagay, ang makilala ang moral na isyu ay isa ng tagumpay.
Tikboy: Hindi lang kasi tama ang mangopya sa anumang asignatura.
Hinango at isinalin mula sa aklat ni Astroga, C. Living the Faith Option: Christian Life Education Series.
FNB Educational, Inc.
Tanong:
1. Naranasan mo rin bang mangopya sa pagsusulit? Bakit?
2. Ano ang iyong nararamdaman sa pagsagawa ng pangongopya?
3. Para sa iyo, TAMA o MALI ba ang pangongopya?
Maikling sagot: Mula sa naunawaan sa usapan sa pagitan ng magkakaibigang
Buknoy at Tikboy sa nakaraang gawain, magbigay ng iyong sariling reaksyon hingil sa
mga argumento na nabuo sa kanilang pag-uusap tungol sa pangonopya.

PANGONGOPYA: TAMA O MALI?


Unang Argumento Salungat na Argumento Reaksiyon
Pangongopya: Walang kasiyahan sa __________________________
Walang kasiyahan sa tagumpay na hindi __________________________
pagkakaroon ng bagsak na pinagpaguran. __________________________
grado. __________________________
__________________________

Ikalawang Argumento Salungat na Argumento Reaksiyon


Pero sino ba ang hindi Pero, makatuwiran ba __________________________
nandaraya? Halos karamihan itong dahilan ng aking __________________________
kung hindi lahat, ay nag- pagkopya? __________________________
aakala na maaari nilang __________________________
balewalain ang alituntuning __________________________
ito. __________________________

Ikatlong Argumento Salungat na Argumento Reaksiyon


Maliit na bagay lang ang Marahil binibigyan ko lag __________________________
pangongopya. Wala naming ng katwiran ang __________________________
taong nasasaktan. kahihinatnan ng hindi ko __________________________
pagbalik-aral ng leksiyon. __________________________
__________________________
Ikaapat na Argumento Salungat na Argumento Reaksiyon
Para sa ibang tao, mas Iyan nga ang dahilan __________________________
mahalaga ang tagumpay kaya magulo ang buhay, __________________________
kaysa sa prinsipyo. di ba? __________________________
__________________________
__________________________

Suriin

Para mas lalo mong maintindihan ang aralin na ating tatalakayin, mainam na
basahin at unawain mo ang sanaysay.

Ang tamang paggamit ng Isip at Kilos-loob sa Pagpapasya

Ang tao ay may isip hindi lamang upang makaalam kundi upang makaunawa at
maghusga. Ang makaunawa ay ang kakayahang makakuha ng buod ng karanasan at makabuo
ng kataga upang bigyan ng kahulugan. Ang maghusga ay ang kakayahang mangatuwiran.
Mayroon din siyang malayang kilos-loob bukod sa damdamin at emosyon upang magnais o
umayaw. Nangangahulugan itong dahil may isip at kilos-loob ang tao, magagawa niyang pigilan
ang pandama at emosyon at mailagay ang paggamit nito sa tamang direksyon o tamang
pagpapasya. Maaring piliin ng tao ang kaniyang titingnan o kaya’y pakikinggan at maari niyang
pigilin ang kaniyang emosyon upang hindi ito makasama sa kanya at sa pakikitungo sa kapwa.

Ang isip at kilos-loob ay magiging ganap lamang kung ang tao ay magsasanay at
patuloy na pauunlarin ang mga ito. Kapag napangalagaan ng tao ang kanyang isip at kilos-loob,
hindi magkakaroon ng pagkakataon na masira ang layunin. Ito ang dahilan kung bakit ang mga
ito ay ipinagkaloob sa tao. Mabuti para sa tao ang maging matalino ngunit hindi ito ang batayan
ng pagiging mabuti. Ganunpaman, ito ay dapat na ginagamit upang: paunlarin ang pagkatao,
maglingkod sa kapwa, makibahagi o maglingkod sa pamayanan.

Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? May natutunan ka ba?

Pagyamanin

Maikling sagot: Mula sa naunawaan mo sa sanaysay, basahin mo ang


sumusunod na sitwasyon ni Liza. Ipagpalagay mo na isa ka sa mga tauhan sa sitwasyon.
Sagutan ang mga tanong.

SITWASYON
Magkasama kayo ng mga kaklase na kumain sa kantina. Masaya kayong
nagkukuwentuhan nang biglang napunta tungkol kay Liza, isa rin sa inyong
kaklase. Wala siya sa grupo ninyo nang oras na iyon. Ayon sa isa ninyong
kasama, nakikipagrelasyon ito sa isang lalaking may asawa. Kapitbahay ninyo
si Liza.

Tanong:
1. Ano ang gagawin mo sa sitwasyon?

2. Ano ang magiging epekto ng gagawin mo sa mga kaklase mong nagkukwentuhan tungkol
kay Liza?

3. Ano ang magiging epekto kay Liza ng gagawin mo?

4. Ano ang magiging epekto sa iyo ng gagawin mo?

5. Babaguhin mo ba ang nagging pasya mo? Bakit oo? Bakit Hindi?


Isaisip

Madali lang ba ang gumawa ng pasya? Hindi di ba? Kaya dapat maging maingat
tayo sa lahat ng ating gagawin. Ngayon, punan mo ang patlang para mabuo ang
konsepto ng aralin.
Ang tamang paggamit ng isip at kilos-loob sa pamamagitan ng __________________ at
_____________________ para ang tao ay makakagawa ng tamang
__________________.

Isagawa

Maikling Sagot: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Sagutan ang mga


sumusunod na tanong na nasa tsart sa loob ng isang pangungusap lamang.

SITWASYON
May inirekomendang pelikula ang matalik mong kaibigan na dapat mo
raw panoorin dahil maganda ito ayon sa kaniya. Mag-isa kang nanonood nito sa
inyong bahay ngunit sa kalagitnaan ng pelikula, may isiningit pala na
malaswang eksena PORNOGRAPIYA.
MGA TANONG: Sagot:
1. Ano ang gagawin mo?
Ipaliwanag kung bakit mo ito gagawin.
2. Ano ang magiging epekto sa iyo sa
gagawin mo?
3. Ano ang magiging epekto sa ibang tao
sa gagawin mo?
4. Sino sa tauhan ang nagkaroon ng
kahinaan sa pagpapasya?
5. Anong hakbang ang maari mong
gawin upang malampasan ang kahinaan
sa pagpasya sa sitwasyon?
Tayahin

Pagpili: Basahin mong muli ang mga sumusunod na aytem at lagyan ng tsek ang
patlang na naglalarawan sa mga dapat gawin para magkaroon ng mabuting pagpapasya
at ekis naman kung kabaligtaran.

_______1. Upang laging tama ang ginagawang pasya, pinag-iisipan itong mabuti.
_______2. Inuunawa muna ang sitwasyon bago gumawa ng pasya.
_______3. Kung magkamali sa nagawang pasya, dapat may gawin para maitama.
_______4. Ang bawat husgang gagawin ay batay sa tamang katwiran.
_______5. Inuulit ang mga maling nagawa.
_______6. Dapat iisipin ang maaring kalalabasan ng mga paghuhusga.
_______7. Makikinig sa mga tsismis at kuwentong walang batayan.
_______8. Humingi ng payo sa taong eksperto sa kinakaharap mong suliranin.
_______9. Sinasabi agad sa ibang tao ang lahat ng mga iniisip at balakin.
_______10. Marunong magsaliksik ng mga solusyon sa problema.
_______11. Ugaliing magdasal at humingi ng gabay sa Poong Maykapal.
_______12. Kung may taong sumisira sa reputasyon mo agad itong awayin.
_______13. Manahimik nalang at hayaan na lang na inaapi ng ibang tao.
_______14. Laging pilliin kung ano ang tama at mabuti kahit ito ay mahirap.
_______15. Bigyang pansin ang karapatan ng ibang tao kaysa sarili lamang.

Karagdagang
Gawain

Ngayon para sa iyong karagdagang kaalaman basahin mo ang kwento tungkol sa


babaing mangagatas at pagnilayan ang mga mahahalagang aral na hatid ng kwento sa
iyong buhay.

Ang Babaing Maggagatas

Isang araw ang babaing maggagatas ay nagpunta sa palengke na may bote ng gatas sa
kanyang ulo. Maganda at mabuti ang panahon ng araw na iyon. Habang siya ay naglalakad sa
maruming lansangan, siya ay nagsimula ng mangarap kung ano ang kanyang gagawin sa
perang mapagbibilihan niya ng gatas.

“Marahil,” sabi niya, “bibili ako ng manok sa aking kapitbahay at kapag ito’y nangitlog,
ipagbibili ko at ang perang mapagbibilihan ko ng itlog ay ibibili ko nang magandang damit na
may laso. Baka bumili rin ako ng isang pares ng sapatos. Pagkatapos ay pupunta ako sa
Pistang Bayan at ang lahat ng mga lalaki doon ay magtitinginan sa akin at ako’y susuyuin
ngunit hindi ko sila papansinin at iismiran ko pa sila.”

Nakalimutan niya na may bote ng gatas sa kanyang ulo, kaya’t paggalaw niya sa
kanyang ulo, ang mga bote ay nagsibagsak. Ang mga ito ay kumalat sa kapaligiran. Ang
kanyang mga pangarap ay nagsilaho kasabay ng mga bote ng gatas.

Lungkot na lungkot siyang umuwi at hindi niya malaman kung saan siya kukuha ng
kakainin para sa araw na iyon.

Aral:

 Ituon ang pansin sa kung ano ang kasalukuyang ginagawa ng sa gayon ay magawa ito ng
maayos.
 Hindi masama ang mangarap ng mga magagandang bagay pero mas bigyan halagang at
unahin kung ano ang pinakakailangan.
 Huwag magbilang ng sisiw kung hindi pa napipisa ang itlog.
https://pinoycollection.com/maikling-kwento-tungkol-sa-pangarap/ petsa June 15, 2020
Edukasyon
sa Pagpapakatao 10

Unang Markahan – Aralin 2


Ang Tamang Paggamit ng Isip at
Kilos-loob sa Pagpapasya

(design your own cover page)

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

You might also like