You are on page 1of 9

Aralin Pagpapasiya....

Hindi
3 Basta-basta

Paano gamitin ang modyul na ito?


● Ang modyul ay isang kagamitan sa pagtuturo na buo at ganap sa kaniyang sarili at naglalahad
ito ng mga tiyak na takdang gawain sa sistematikong pamamaraan.

● Ito ay naglalayong matulungan ang mga mag-aaral na makapag-aral sa kaniyang sarili nang
walang aklat at walang paggabay ng guro.
● Ito ay maaaring gawin sa bahay o alinman lugar sa labas ng paaralan.

● Ang modyul ay naglalaman ng mahahalagang konsepto at mga piling gawain na makatutulong


sa mag-aaral upang maunawaan ang paksa ng aralin:

Paunang Pagsubok - ito ay mga katanungan na susukat sa kaalaman ng mga-mag-aaral


bago talakayin ang aralin.

Panghuling Pagsusulit - ito naman ay mga katanungan na susukat sa kaalaman ng mga


mag-aaral matapos matalakay ang aralin.

Gawain 1: Jumbled Letters - ito ay pagsasaayos ng mga salita upang mabuo ang mga
salitang may kaugnayan sa paksang tatalakayin.

Gawain 2: Bawal Judgmental - ito ay gawaing susukat sa pag-aanalisa o pagbibigay ng


husga sa ikinilos ng mga tauhan at galing sa pagpapaliwanag.

Gawain 3: Larawan Suri - ito ay pagbibigay ng interpretasyon sa ipinakikita ng larawan at


paglalapat sa sariling karanasan.

Gawain 4: Kung Maibabalik ko lang -ito ay pagbabalik alaala sa ginawang pagpapasiya


na nakaapekto sa ugnayan sa kapwa at naging realisasyon sa naging kilos at pagpapasiya.

Sa mga mag-aaral na gagamit ng modyul na ito, makabubuting unawain ang bawat panuto,
gawin ang mga gawain sa sariling pagsisikap at pag-isipan ang mga gabay na tanong na
hahamon sa iyong kakayahan at talino sa larangan ng pagpapasiya.

Mga Inaasahan

Sa maraming pagkakataon sa buhay mo, ikaw ay nahaharap sa mga sitwasyon na


nangangailangan ng pagdedesisyon. Kadalasan, di mo na nagawang pag-isipan ito dahil sa
kakulangan ng sapat na panahon para gawin ito. Sa nakaraaang aralin, natutuhan mo rin ang mga
maaaring makaapekto sa mga ginagawa mong pagpapasya tulad ng kamangmangan, masidhing
damdamin, takot, karahasan, at sa ugali sa pananagutan mo sa iyong ginagawang pagpapasya. Sa

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikalawang Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
pagkakataong ito, nilalayon ng modyul na ito na mas maging mapanagutan ka sa iyong mga
gagawing pagpapasya at ang masusing paggamit ng isip at kilos-loob.

Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos;
2. natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng makataong
kilos;
3. naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng
deliberasyon ng isip at kilos - loob sa paggawa ng moral na pasya at kilos; at
4. nakapagsusuri ng sariling kilos at pasya batay sa mga yugto ng makataong kilos at
nakagagawa ng plano upang maitama ang kilos o pasiya.

Sa bahaging ito, sagutan ang maikling pagtataya upang masukat ang iyong kaalaman sa
paksang tatalakayin.

Paunang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang at piliin at bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon ang pagpapasiya?
a. Magsilbing paalala sa gagawin
b. Maging gabay sa buhay
c. Maging pamantayan sa pagpili
d. Mapagnilayan ang bawat panig ng pagpipilian

2. Anong bahagi ng hakbang sa moral na pagpapasiya ang pagsusuri ng konsensya?


a. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos
b. Tingnan ang kalooban
c. Maghanap ng ibang kaalaman
d. Isaisip ang mga posibilidad

3. Kung ikaw ay may nais na bilhin at di sapat ang iyong pera na pambili at inisip mo kung
saan ka kukuha ng pambili, saang yugto ka na ng makataong kilos?
a. Praktikal na paghuhusga sa pagpili c. Pagkaunawa sa layunin
b. Nais ng layunin d. Intensyon ng layunin
4. Sa mga gagawing pagpapasya, ano ang iyong pinakahuling hakbang?
a. Tingnan ang kalooban c. Isaisip ang mga posibilidad
b. Maghanap ng ibang kaalaman d. Umasa at magtiwala sa Diyos

5. Bakit kailangang isaalang-alang na isipin at timbangin ang mga masasamang maidudulot


ng pasya?
a. Makatutulong sa pagkakaroon ng mabuting kilos
b. Ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan
c. Nagdudulot ito ng kaseguruhan sa pagpili
d. Nagsisilbing gabay sa bawat pagpapasiya

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikalawang Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
6-10. Punan ang mga patlang ng mga angkop na salita upang mabuo ang mahalagang konsepto.
Piliin ang mga salita mula sa loob ng kahon.

kamalayan mabuting pagpapasya sapat na panahon


epekto isip at kilos - loob pagninilay

1. Mahalagang maunawaan ang tamang paggamit ng __________ at ___________ sa


pagsasagawa ng moral na pagpapasiya.
2. Ang paglalaan ng ______________________ sa pagpapasya ay makatutulong upang
mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.
3. Ang bawat kilos ng tao na bunga ng kaniyang pagpapasya ay may malaking
_____________ sa kaniya at sa kaniyang kapwa.
4. Kinakailangan ang masusing ________________________bago isagawa ang pagpili
ng pasya.
5. Ang ____________________ ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o
nakikita ng isang tao ang pagkakaiba ng mga bagay bagay.

Pagpapakilala ng Aralin

Sa nakaraaang aralin, natutuhan mo na ang makataong kilos ay isinasagawa ng tao nang may
kaalaman, Malaya, at kusa, Ito ay bunga ng paggamit ng isip at kilos-loob kung kaya may
pananagutan ang tao sa pagsasagawa nito. Samakatuwid, anumang pangyayari sa buhay ng isang
tao ay bunga ng kaniyang mga pagpapasya na may epekto sa kaniya at sa kaniyang kapwa kung
kaya kinakailangan niyang maging maingat upang maging makabuluhan ang isasagawang kilos.
Sa pagkakataong ito, tutulungan ka ng araling ito na matukoy ang mga yugto ng makataong kilos
upang maging gabay sa pagpapasya na pinaglalaanan ng sapat na panahon at may kamalayan sa
maaaring kahihinatnan ng kilos.
Halina’t tuklasin natin ang mundo ng pagpapasya!

Gawain 1: JUMBLED LETTER

Panuto: Isaayos ang mga titik upang mabuo ang mga salita na may kaugnayan sa
paksang tatalakayin. Isulat ang salitang nabuo sa bawat aytem.

P I S I
1..
L A K M A A Y A N
2-
I .̅ P L P I G A
3.
L O I K S L B O O
4.
O
P A G A P A S Y A P I
5.

Nasiyahan ka ba sa gawain? Naging madali ba sa iyo ang pagsasaayos ng mga letra?


Markahan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pamantayan sa pag-iskor:

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikalawang Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
5 - Napakahusay
4-3 Mahusay
2- 0 Mapaghuhusay

Gawain 2 “ Bawal Manghusga”


Panuto: Basahin at pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Magbigay husga sa naging kilos ng
mga tauhan sa bawat sitwasyon. Sagutin ang mga gabay na tanong.

Sitwasyon A

Si Mang Jose ay nakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan noong may


Enhanced Community Quarantine. Sa halip na gamitin upang ipambili ng mga
pangunahing pangangailangan, ito ay ginamit niya sa hindi magandang
paraan.

Sa iyong palagay, nagpakita ba ng makataong kilos si Mang Jose? Oo ( ) Hindi ( )


Bakit? :_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
Sitwasyon B

Sa tuwing lalabas ng bahay si Aling Petra para bumili ng pagkain at iba pang
pangunahing pangangailangan, siya ay nagsusuot ng face mask at
pinapanatili ang ‘social distancing” bilang pagsunod sa alintuntuning
pangkaligtasan sa panahon ng pandemya.

Sa iyong palagay, nagpakita ba ng makataong kilos si Aling Petra? Oo ( ) Hindi ( )


Bakit? :_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Sitwasyon C

Si Michael ay kasama sa listahan ng barangay para sa Social Amelioration


Program ng pamahalaan, ngunit sa kasamaang palad hindi siya nabigyan sa
kadahilang naubusan ng pondo ang DSWD at hindi pa alam kung kailan
siya mabibigyan. Sa galit niya nakapagsalita siya ng masama sa mga
opisyales ng barangay.

Sa iyong palagay, nagpakita ba ng makataong kilos si Michael? Oo ( ) Hindi ( )


Bakit? :_____________________________________________________________

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikalawang Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
Sitwasyon D
Nang dahil sa pandemya, ang 17 taong gulang na si Arthur ay di
nakakalabas ng bahay. Ginamit niya ang pagkakataon na tumulong sa mga
gawaing bahay at matuto ng ibang kasanayan tulad ng pagluluto at
pagtugtog ng gitara.

Sa iyong palagay, nagpakita ba ng makataong kilos si Arthur? Oo ( ) Hindi ( )


Bakit? :_____________________________________________________________
Sitwasyon E

Naging aktibo si Aling Juana sa inilunsad na proyektong “Gulayan sa


Tahanan” ng kanilang barangay. Batid niya na ito ay makatutulong sa
kaniyang pamilya at maging sa kaniyang mga kapitbahay.

Sa iyong palagay, nagpakita ba ng makataong kilos si Aling Juana? Oo ( ) Hindi ( )


Bakit? :_____________________________________________________________
Mga gabay na tanong:

1. Naging madali ba sa iyo ang pagbibigay husga sa mga naging kilos ng mga
tauhan sa bawat sitwasyon? Bakit?
___________________________________________
__________________________________________________________________
Ano ang iyong mga naging batayan upang masabing makatao ang isang kilos?
__________________________________________________________________
2. Para sa iyo, ano ang makataong kilos?
___________________________________
__________________________________________________________________
Rubrik sa Pagmamarka
5 3 1
Galing sa Napakahusay sa Mahusay na Hindi napamalas
Pagpapaliwanag pagpapaliwanag sa naipaliwanag ng husay sa
ginawang paghusga ang paghusga pagpapaliwanag

Nakabuo ng tamang Nakabuo ngunit may Hindi nakabuo ng


Pagbuo ng konsepto kakulangan sa konsepto
konsepto konsepto

Gawain 3: “Larawang Suri”


Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba at sagutin ang mga tanong.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikalawang Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang ipinakikita ng larawan?
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Naging madali ba sa taong nasa larawan ang pagpapasiya? Ipaliwanag
________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Bakit may mga pagkakataon na nahihirapan ang tao na makabuo ng desisyon o
pagpapasiya? ____________________________________________________________
_______________________________________________________________________
4. Ikaw ba ay nalagay na rin sa katulad na sitwasyon? Anong sitwasyon ito? Paano mo ito
hinarap?
________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Tandaan

Mga Yugto ng Makataong Kilos at Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasya

Sa mga nagdaang aralin, natutunan mo na ang makataong kilos ay bunga ng pagsasagawa


ng tao ng kilos nang may kaalaman, kalayaan, at pagkukusa tungo sa kaganapan ng ating
pagkatao. Ang pagiging makabuluhan ng ating bawat kilos ay nakasalalay sa mga pagpapasyang
gagawin sa tulong ng mga kakayahang ipinagkaloob sa atin ng Diyos. May mga pagpapasya na
pinag-iisipang mabuti, maingat na pagtitimbang sa mga pagpipilian at naayon sa moral na
pagpapasya at pagiging mapanagutan. Kung kaya’t napakahalagang mapalalim pa ang ating
pang-unawa sa prosesong nabanggit.

Para kay Sto. Tomas De Aquino, may 12 yugto ang makataong kilos. Nahahati ang
dalawang kategoryang ito sa isip at kilos-loob.

ISIP KILOS-LOOB

1. Pagkaunawa sa layunin 2. Nais ng layunin

3. Paghuhusga sa nais makamtan 4. Intensyon ng layunin

5. Masusing pagsusuri ng paraan 6. Paghuhusga sa paraan

7. Praktikal na paghuhusga sa pinili 8. Pagpili

9. Utos 10. Paggamit

11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin 12. Bunga

Upang mas maunawaan mo ang mga yugtong nabanggit, magbigay ng halimbawang


sitwasyon upang mailapat ang nangyayari sa bawat yugto.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikalawang Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
Sitwasyon

Si Ana ay mag-aaral sa ikasampung baitang. Siya ay magaling sa ICT kaya't Tech-


Voc ang nais niya sa Senior High School, ngunit gusto ng kaniyang magulang na
makapagtapos siya ng kursong Narsing.

Suriin ang paglalalapat ng makataong kilos sa sitwasyong ito:

1. Pagkaunawa sa layunin. Ang pagnanais mo at ng iyong mga magulang na


makapagtapos ng pag-aaral.
2. Nais ng Layunin. Ang kagustuhan mo na kumuha ng kursong bokasyonal at ang nais
ng magulang mo pang - akademiko.
3. Paghuhusga sa nais makamtan. Pagpapaliwanag sa magulang kung bakit nais mong
kunin ang kursong bokasyonal.
4. Intensyon ng Layunin. Pagkilala sa sariling kakayahan at interes sa kursong ninanais.
5. Masusing pagsusuri ng paraan. Pag-alam ng mga karagdagang impormasyon hingil sa
kursong nais at ang kagustuhan ng mga magulang.
6. Paghuhusga sa Paraan. Pagtimbang sa dalawang pagpipilian: kagustuhan mo at ng
iyong mga magulang.
7. Praktikal na Paghuhusga sa Pinili. Ang interes at kakayanan ng mag-aaral ay lubhang
mahalaga na isaalang alang sa kursong kukunin.
8. Pagpili. Ang malayang pagpili sa kursong nais.
9. Utos. Mag enrol sa kursong bokasyonal sa Senior High School.
10. Paggamit. Pagpapakita ng sipag sa pag-aaral.
11. Pangkaisipang Kakayahan ng Layunin. Pagkakaroon ng kasiyahan at kapanatagan ng
kalooban.
12. Bunga. Pagiging masigasig sa pag-aaral.

Maaaring hindi tayo palaging may kamalayan sa mga yugtong ito o sa


pagkakasunud sunod nito ngunit mahalaga na malaman ang bawat yugto upang maging
gabay sa araw-araw na buhay. Ang mga yugtong ito ay maaari ding ilapat ayon sa mga
Hakbang sa Moral na Pagpapasya tulad ng mga sumusunod:

1. Magkalap ng patunay
2. Isaisip ang mga posibilidad
3. Maghanap ng ibang kaalaman
4. Tingnan ang kalooban
5. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos
6. Magsagawa ng pasiya

Brizuela, M., Arnedo, P., & et. al. (2015). Modyul para sa mag-aaral - ikasampung baitang ikalawang markahan
Modyul 8. FEP Printing Corporation: Pasig, pp. 152.

Gawain 4: " Kung Maibabalik Lang"

Ngayong naunawaan mo na ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting pagpapasiya


sa pamamagitan ng paglalaan ng sapat na panahon, wastong pagpili at ang pagkilala sa maaaring
kahinatnan nito. Ngayon naman, hinahamon kita na sagutin ang gawain.
Panuto:

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikalawang Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
1. Isipin ang pangyayari sa buhay mo na nakagawa ka ng maling pagpapasiya.
2. Punan ang talahanayan sa ibaba upang ilarawan ang mga naging realisasyon mo at mga
paraan kung paano mo ito iwawasto.

Sitwasyon Pagkilos o Epekto ng Realisasyon Paano ito


Tugon Pasiya Iwawasto?

Pag-alam sa Natutuhan

Exit Card

Larawan mula sa https://www.paperblogging.com/stories/37-uses-for-an-index-card

Sa loob ng limang (5) pangungusap, magtala ka ng mahahalagang konsepto na natutunan mo sa


araling tinalakay (1 pangungusap ay katumbas ng 1 puntos)

Pangwakas na Pagsusulit

Basahing mabuti ang bawat bilang at piliin ang pinakatamang sagot.

1. Bakit kailangang isaalang-alang na isipin at timbangin ang mga masamang maidudulot


ng pasya?
a. Makatutulong sa pagkakaroon ng mabuting kilos
b. Ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan
c. Nagdudulot ito ng kaseguruhan sa pagpili
d. Nagsisilbing gabay sa bawat pagpapasya

2. Sa mga gagawing pagpapasya, ano ang iyong pinakahuling hakbang?


a. Tingnan ang kalooban. c. Isaisip ang mga posibilidad.
b. Maghanap ng ibang kaalaman d. Umasa at magtiwala sa Diyos
3. Anong bahagi ng hakbang sa moral na pagpapasya ang pagsusuri ng konsensya?
a. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos c. Maghanap ng ibang paraan
b. Tingnan ang kalooban d. Isaisip ang mga posibilidad.

4. Kung ikaw ay may nais na bilhin at di sapat ang iyong pera na pambili at inisip mo kung
saan ka kukuha ng pambili, saang yugto ka na ng makataong kilos?
a. Praktikal na paghuhusga sa pagpili c. Pagkaunawa at layunin
b. Nais ng layunin d. Intensyon ng layunin

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikalawang Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
5. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon ang pagpapasya?
a. Magsilbing paalala sa gagawin.
b. Maging gabay sa buhay
c. Maging pamantayan sa pagpili
d. Mapagnilayan ang bawat panig ng pagpipilian

6-10. Punan ang mga patlang ng mga angkop na salita upang buuin ang
mahalagang konsepto. Pumili mula sa mga salita sa loob ng kahon

6. Ang ____________________ ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o


nakikita ng isang tao ang pagkakaiba ng mga bagay bagay.
7. Kinakailangan ang masusing ________________________bago isagawa ang pagpili
ng pasya
8. Mahalagang maunawaan ang tamang paggamit ng __________ at ___________ sa
pagsasagawa ng moral na pagpapasya.
9. Ang bawat kilos ng tao na bunga ng kaniyang pagpapasya ay may malaking
_____________ sa kanyia at sa kaniyang kapwa.
10. Ang paglalaan ng ______________________ sa pagpapasya ay makatutulong upang
makapaglaan ng oras upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.

Pagninilay

Panuto: Sumulat ng iyong repleksyon sa natapos na aralin hinggil sa kahalagahan ng mabuting


pagpapasya at ipahayag ang personal na komitment ng pagsasabuhay nito. Lagyan ito ng angkop
na pamagat.
sapat na panahon epekto kamalayan
____________________________
mabuting pagpapasya isip at kilos loob
______________________________________________________________________________
Pagninilay isip at kilos loob
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikalawang Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo

You might also like