You are on page 1of 7

Sabjek: EsP Baitang: 10

Petsa Sesyon: 1 , Quarter 1


Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto
Pangnilalaman tungkol sa paggamit ng isip sa paghahanap ng katotohanan at
paggamit ng kilos-loob sa paglilingkod/pagmamahal.
Pamantayang Nakagagawa ang mag-aaral ng mga angkop na kilos upang
Pagganap maipakita ang kakayahang hanapin ang katotohanan at
maglingkod at magmahal
Kompetensi Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at
kilos-loob. (ESP10MP-la-1.1)

Nakilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at


nakagagawa ng mga konkretong hakbang upang malampasan
ang mga ito. (ESP10MP-la-1.2)

I. LAYUNIN:
Kaalaman Natutukoy ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa
angkop na sitwasyon
Saykomotor Nasusuri kung ginagamit nang tama ang isip at kilos loob ayon
sa tunguhin ng mga ito

Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin

Apektiv Naisabuhay ng mag-aaral ang tamang paggamit bg isip at


kilos loob

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob
B. Sanggunian Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob
(Linggo: Una)
C. Kagamitang Modyul,
Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda Pangmotibeysyunal na Tanong
Aktiviti/Gawain Tunghayan ang dalawang larawan sa ibabaw ng box at
pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong sa loob
ng box.
Tanong Tao Aso
1. Ano ang
mayroon sa
bawat isa upang
makita ang
babala?
2. Ano ang
mayroon sa
bawat isa upang
maunawaan ang
sinasabi ng
babala?
3. Ano ang
kakayahang
taglay ng bawat
isa upang
sundin ang
sinasabi ng
babala?
4. Ano ang
inaasahang
magiging tugon
ng bawat isa sa
babala?
5. Saan binatay
ang pagtugon
ng bawat
babala?
Ipaliwanag.

Pagsusuri/Analysis Mula sa Gawain 1, sagutin ang sumusunod.

1. Ano ang pagkakatulad ng hayop at tao?

2. Ano ang pagkakaiba ng hayop at tao?

3. Paano kumilos ang hayop? Ang tao?


4. Ano ang natuklasan mo tungkol sa hayop at tao batay sa
pagsusuri ng larawan?

5. Kung ikaw ang tao na nasa larawan ano ang iyung


gagawin?

B. Paglalahad Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos na


Abstraksyon nangangahulugang ang tao ay may katangiang katulad ng
(Pamamaraan ng katangiang taglay Niya. Binigyan niya ang tao ng kakayahang
Pagtalakay) mag-isip, pumili at gumusto. May kakayahang alamin kung ano
ang mabuti at masama.
Ayon sa pilosopiya ni Santo Tomas de Aquinas, ang tao
ay binubuo ng ispiritwal at materyal na kalikasan. Kakabit ng
kalikasang ito ay ang dalawang kakayahan ng tao.(E.Esteban,
1990, ph.48)
1. Ang pangkaalamang pakultad (knowing faculty) dahil sa
kanyang panlabas at panloob na pandama at dahil sa
isip kaya’t siya ay nakauunawa, nanghuhusga, at
nangangatwiran.
2. Ang pagkagustong pakultad (appetitive faculty) dahil sa
mga emosyon at dahil sa kilos-loob

Ipinakita ito ni Esteban gamit ang tsart sas ibaba:

Ang Kabuuang Kalikasan ng Tao


Kalikasan ng Tao Pangkaalamang Pagkagustong
Pakultad Pakultan
Materyal Panlabas na Emosyon
(Katawan) Pandama
Panloob na
Pandama
Ispiritwal Isip Kilos-loob
(Kaluluwa)
(Rasyonal)

Ayon naman kay De Torre(1980) ang isip ay ang


kaalaman o impormasyong nakalap ng pandama ng tao ay
pinalalawak at hinahatid sa isip upang magkaroon ito ng mas
malalim na kahulugan. Nangangahulugan lamang na
magsisimulang gumana ang isip kapag nalinang na ang
pandama ng tao. Ang isip ay walang taglay na kaalaman o
ideya mula sa kapanganakan ng tao. Nakukuha niya ito sa
ugnayan niya sa reyalidad sa pamamagitan ng mga panlabas
na pandama. Samakatuwid and kakayahang ito na nakakabit
sa materyal na katawan ang nagbibigay ng kaalaman sa isip.
Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto
sa isip. Ang kilos-loob ay umaasa sa isip. Ibinigay ng isip ang
katwiran bilang isang kakayahan upang maimpliwensiyahan
ang kilos-loob.

Tayong mga ato ay nilalang ng Panginoon na may likas


na kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Ang kakayahan na
gumawa ng malayang pagpili ay isa pang sumasalamin sa
paglalang ng tao na kawangis ng Diyos. Mayroon din siyang
tungkulin upang sanayin, paunlarin at gawing ganap and isip at
kilos-loob. Tayong mga tao ay biniyayaan ng napakalaking
handog at iyong ang kalaayang mag-isip at magdesisyon sa
kung ano ang ating gagawin at gugustohin sa ating sarili. Ang
handog na ito ay maaring magamit ng tao sa maling paraan
ngunit kung gagamitin ang isip ng buong ingat , maaari tayong
makaiwas sa maling kilos na magiging resulta nito. Kaya bago
gawin ang isang bagay dapat isiping mabuti kung nakakabuti
ba ito sayo, sa kapwa, sa pamilya at lalong lalo na hindi ba ito
taliwas sa gusto ng Panginoong Maykapal.

Ayon kay Santo Tomas ang Kilos-Loob ay isang


makatuwirang pagkagusto (rational appentency) sapagkat ang
tao na may kilos-loob ay naakit sa mabuti at kusang lumalayo
sa masama. Halimbawa ang galit na aso ay maaring
mangagat ngunit ang tao na may Kilos-Loob gagamitin niya
ang kanyang isip upang kumuha nag buod o esensiya sa mga
bagay na umiiral, maaring ang emosyon at ang kilos-loob na
magkaroon ng magkaibang pagkilos.

Mga gawain na ginagamit nang tama ang isip at kilos-loob,


maaring magagamit mo ang iyong isip at kilos-loob kung
patuloy mong pinapanigan ang wasto at naayon sa katwiran.

1. Huwag gumawa ng pandaraya sa iyong kapwa


2. Kahit na ikaw ay nasa gipit na kalagayan ay patuloy na
tumulong sa nangangailangan.
3. Tumulong sa pamayanan upang malutas ang mga
suliranin
4. Maging maingat sa pagpili ng mga kakandidato sa
gobyerno na may kakayahang pamunuan an gating
pamahalaan.

Ipinanganak man tayo na magkaiba, ngunit wag


kalimutan tayo ay nilikha na kawangis ng Diyos may isip at
kilos-loob upang tayo ay maging malaya na ukitin ang ating
magiging kapalaran. Nakasalalay ang magiging bukas sa kung
papaano natin gagamitin ang ating isip at kilos-loob. Sa
panahon ngayon ng pandemiya nararapat mas kailangan
nating gamitin ang ating isip at kilos-loob kung ano ang
tamang gawin. Halimbawa sa ilalim GCQ (General Community
Quarantine) bawal lumabas o gumala ang may edad 20
pababa at 60 pataas ngunit si Pablito na 15 taong gulang ay
patuloy pa ring gumagala , at sa kanyang paggala nahawa
siya ng COVID 19. Sa kanyang pag uwi sa bahay nahawaan
din niya ang kanyang pamilya. Sa iyong palagay nagamit ba ni
Pablito ang isip at kilos-loob sa tamang paraan? Laging isipin
kung ano ang magiging kahinatnan ng iyong ginagawa,
gamitin sa mabuti ang Isip at Kilos-loob.

C. Pagsasanay Punan ang loob ng kahon ng hinihinging sagot tungkol sa


(Mga Paglilinang mataas na gamit at tungkulin ng isip at kilos-loob at sagutin
na ang mga tanong sa ibaba ng kahon.
Gawain) Pamatayan sa Pagmamarka
Katiyakan ng sagot 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

Mahalagang gamit Kahalagahan nito


ngayong panahon
ng pandemic
Isip

Kilos-loob

1. Ano ang nauunawaan mo sa isip at kilos loob?


2. Bakit mahalagang gamitin ang isip at kilos-loob sa mataas
na uri na gamit nito?

D. Paglalapat Mag-isip ng pangyayari o senaryo na kung saan ay ginamit ng


(Aplikasyon) tama ang isip at kilos-loob.

Pamatayan sa Pagmamarka
Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

Mga senaryo Pangangatwiran Repleksyon sa


iyong sarili
1.

2.

3.

4.

5.

E. PAGLALAHAT Ang tao ay nilalang ng Panginoon na may likas na kaalaman


(Generalisasyon) tungkol sa mabuti at masama. Ang kakayahan na gumawa ng
malayang pagpili ay isa pang sumasalamin sa paglalang ng
tao na kawangis ng Diyos. Mayroon din siyang tungkulin
upang sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip at
kilos-loob.
IV.PAGTATAYA I. Tukuyin ang sumusunod na pahayag kung ang
sitwasyon ay nagpapakita ng tamang paggamit
ng isip at kilos-loob. Isulat ang TP sa patlang
kapag tama ang paggamit ng ist at kilos-loob,
HTP naman kapag hindi.
__1. Patuloy na nagsisikap ni Sandra sa
pag-aaral upang makamit niya ang kaniyang
pangarap sa buhay.
__ 2. Pinili ng magkaibigan na tatawid sa kalsada
kaysa sa umakyat pa sa overpass upang
mas mabilis makarating sa pupuntahan.
__ 3. Gabi nang umuwi si Miko at hindi
nagpaalam sa kanyang mga magulang kung
saan siya pupunta.
___ 4. Uminum si Justin ng Juice, nang maubos
ito ay wala siyang makitang basurahan
kaya’t itinapon na lang iya ito sa
lansangan.
___ 5. Tumulong sa mga gawain sa bahay at sa
paaralan si Maria na hindi na naghihintay
na pagsabihan pa siya.

II. Sagutin ang mga sumusunod.


Pamatayan sa Pagmamarka
Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

1. Ano ang mga mahahalagang sangkap ng tao?

2. Bakit mahalagang sanayin ng tao ang kanyang


kilos-loob?

V. KARAGDAGANG 1. Magbigay ng limang sitwasyon kung saan ginagamit nang


GAWAIN tama ang isip at kilos loob ayon sa tunguhin ng mga ito.

VI.
PAGNINILAY-NILAY

You might also like