You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

PANGATLONG MARKAHAN

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga panloob na salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng mga
pagpapahalaga.
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng mga hakbang sa pagpapaunlad ng mga panloob na salik na
nakaiimpluwensya sa paghubog ng mga pagpapahalaga.

I. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO


EsP7PBIIIe-11.1: Nakikilala ang mga panloob na salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng mga
pagpapahalaga
EsP7PBIIIe-11.2: Nasusuri ang isang kilos batay sa isang panloob na salik na nakaiimpluwensya sa
paghubog ng mga pagpapahalaga
EsP7PBIIIf-11.3: Nahihinuha na ang paglalapat ng mga panloob na salik sa pang-araw-araw na
buhay ay gabay sa paggawa ng mapanagutang pasiya at kilos
EsP7PBIIIf-11.4: Naisasagawa ang paglalapat ng mga hakbang sa pagpapaunlad ng mga panloob na
salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng mga pagpapahalaga

LAYUNIN
1. Nasusuri ang mga Panloob na Salik na Nakaiimpluwensiya sa Paghubog ng mga Pagpapahalaga
2. Nagbibigay ng puna sa mga kilos na nakikita mula sa mga tao sa kanilang paligid
3. Nasusuri ang kilos ng mga tao sa iba’t ibang yugto
4. Nasusuri ang mga epekto ng negatibong paggamit ng panloob na salik na nakaiimpluwensiya sa
paghubog ng pagpapahalaga
5. Naisasagawa ang mga tiyak na hakbang na ilalapat sa pang-araw-araw na buhay at pagpapasya
na makatutulong sa paghubog ng mga panloob na salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng
halaga

I. NILALAMAN:
Modyul 11: Mga Panloob na Salik na Nakaiimpluwensiya sa Paghubog ng mga Pagpapahalaga

II. KAGAMITANG PANTURO


Edukasyon sa Pagpapahalaga 7, p. 203-
Aklat at visual aids.

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
 Pambungad na Panalangin
 Pagbati pagpuna sa kalinisan ng silid aralan
 Verse of the day
 Pag-uulat/pagtatala ng liban

1|Page Prepared by: Marc Ryan M. Salvador


November 18-22, 2019
B. Pagganyak

 Ipaskil ang mga larawan ito sa ganitong ayos sa pisara upang makita ng buong klase.
 Atasan ang ilang mag-aaral na isa-isa nilang ipaliwanag ang kahulugan ng mga nakikita
nila sa larawan.
 Pagkatapos ay ipanood ang proseso ng pagbabago nito. Waring napanoo na nilaito
ngunit mas masayng balikan ang aralin na ito para mas maunawaan ng mga mag-aaral.
 Tanungin ang kanilang pag-unawa sa pinanood:
1. Ano ang nangyayari sa tilas sa loob ng kukun?
2. Ano ang nakatulong upang maganap ito sa loob ng kukun? Ipaliwanag.
3. May pagkakatulad kaya ito sa tao? Pangatuwiranan.
 Pagkatapos ng talakayan, ipagawa ang kasunod na gawain sa pahina 221- 222
 Tumawag ng limang mag-aaral na magtungo sa pisara upang punan ng sagot ang pahina
10. Ipatalakay ang naging sagot nila sa bilang 3.

C. Paglalahad
 Pangkatin ang mga mag-aaral sa anim na pangkat. Hayaang magtalaga sila ng lider,
tagasulat at tagaulat.
 Ibigay ang bahaging ito ng babasahin sa pahina 225-226 sa unang pangkat. Atasan silang
ipaliwanag ang konseptong kanilang naunawaan mula sa kanilang binasa.
 Atasan ang mga mag-aaral na kabilang sa ikalawang pangkat na talakayin ang mga
konseptong nakapaloob sa babasahin sa pahina 227-228.
 Ang pahina 228-229 ng babasahin ay ipatatalakay sa pangkat 3 .
 Ang ikaapat na salik sa pahina 229 ay tatalakayin ng ikaapat na pangkat.
 Ibigay ang ikalimang salik sa ikalimang pangkat.
 Ang huling salik ay ibigay sa ikaanim na pangkat.
 Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito. Matapos ang mga
pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang mga mahahalagang konseptong
hindi naipaliwanag nang wasto at sapat.

D. Paglalapat
 Ihanda ang 3 case study bago pa ang pagtatalakay at pagpapagawa ng bahaging ito. Ang
bawat case study ay isulat sa meta card.
 Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng tatlong pangkat . Bigyan ng tagiisang meta card
na kinasusulatan ng case study ang bawat pangkat.
 Ipatalakay sa bawat pangkat ang situwasiyon ng bawat case study. Pasagutan ang
tanong na ito sa kanilang talakayan.
 Atasan ang klase na muling paghambingin ang 3 situwasyon at itanong: Ano ang
pagkakaiba ng tatlong tauhan sa bawat situwasyon? Sa tatlong tauhan sino ang may
positibong pagkakaiba? Ipaliwanag.
 Ipatalakay ang sagot ng mga mag-aaral sa tanong bilang 2-3 sa pahina 10.

2|Page Prepared by: Marc Ryan M. Salvador


November 18-22, 2019
E. Paglalahat
Tayain natin ang iyong pag-unawa:
Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong
kuwaderno:
1. Bakit mahalagang maunawaan ang mga panloob na salik na nakaiimpluwensiya sa
paghubog ng mga pagpapahalaga?
2. Ano-anong mga kasanayan ang dapat na matutuhan ng tao upang mapatibay ang
pundasyon ng kaniyang mga pagpapahalaga?
3. Ano ang maitutulong ng paghubog ng mga panloob na salik na nakaiimpluwensiya sa
paghubog ng pagpapahalaga sa isang tinedyer na katulad mo?

IV. PAGTATAYA
Pasagutan ang bahaging ‘Pagganap.’

3|Page Prepared by: Marc Ryan M. Salvador


November 18-22, 2019

You might also like