You are on page 1of 7

BACOLOD CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

Values Education Department


Banghay-Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10
October 23, 2019

GRADING PERIOD: IKATLONG MARKAHAN

Learning Competencies 12.1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan; 12.2. Natutukoy


ang mga paglabag sa pangangalaga sa kalikasan na umiiral sa lipunan; 12.3. Napangangatwiranan na: a. Lahat tayo ay
mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa iisang kalikasan (Mother Nature) b. Inutusan tayo ng Diyos na
alagaan ang kalikasan (stewards) at hindi maging tagapagdomina para sa susunod na henerasyon. c. Binubuhay tayo
ng kalikasan 12.4. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pangangalaga sa kalikasan.

I. LAYUNIN:

1. Nakakapagpaliwanag ng kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.


2. Napapahalagahan ang pangangailangan sa pangangalaga ng kalikasan.
3. Nakakagawa ng mga angkop na kilos upang maipamalas ang pangangalaga sa kalikasan

II. NILALAMAN:

A. Paksa: Pangangalaga Sa Kalikasan


B. Kagamitan: laptop, projector, ballpen, cartolina, pinta,
C. Sanggunian: ESP Module – Grade 10, pages 209-234

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:
1. Balik-Aral:
Tinalakay natin sa nakaraang module ang tungkol sa pagmamahal sa bayan. Doon natutunan natin
ang mga tunay na indikasyon na nagpapatunay ng totoong pagmamahal sa bayan. Ilan dito ay ang
pagpapahalaga sa buhay, pagbibigay halaga sa katotohanan, pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa
at iba pa…. Nahuhusgahan natin ang mga angkop na kilos o tugon sa mga sitwasyon na nangangailangan
ng mapanuring pag –iisip bilang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

Isa sa pinakamalaking indikasyon ng ating pagmamahal sa bayan ay ang patunay ng ating


pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran. Ayon kay Pope Benedict XVI, “ The planet you do not save is the
earth you will not live upon”.

2. Pagganyak (Use of song with video)


Atin munang panoorin, pakinggan, at sabayan sa pagkanta ang isang awiting patungkol sa kalikasan
na isinulat ni Ginoong Oliver Narag na pinamagatang “Kalikasan at Pag-ibig”, bago tayo magpatuloy sa
ating aralin.

(Isinasalarawan ng awitin ang biyayang ipinagkaloob sa atin ng Maykapal, isang mala-paraisong


kapaligiran, hitik at sagana sa yaman, mapa-ilog, dagat, gubat man, o kabundukan. Punong-puno ng
buhay, sumisimbolo ng kaginhawaan at kapayapaan, na maari lamang magpatuloy ng kanyang
kagandahan kung may pag-ibig sa puso ng bawat isa.)

Mga Tanong:
1. Ano ang pagsasalarawan ng awit na ito sa kalikasan? (Ang kalikasan ay isang kayamanan na iniregalo
at iniwan sa atin ng Diyos; Ang kagandahan ng kalikasan ay nagdadala ng kaligayahan at kapayapaan.)
2. Ano ang nagiging pangamba ng manunulat ng awiting ito? (Na unti-unti ng nawawala at nabubura
ang kagandahan ng kalikasan).
3. Sa anong kadahilanang nabuo ang pangambang ito? (Dahil sa kapabayaan ng tao).
4. Ano ang kanyang apila sa nakikinig? (Ang Kalikasan huwag hayaang masira at dapat pangalagaan;
Ating ingatan ang napakagandang regalo sa atin na ito ng Diyos).
5. Paano mapapanatili ang pagyabong ng kalikasan? (Kong may pag-ibig sa bawat isa).
6. Ano ang mas malalim na ibig ipakahulugan ng pamagat na Kalikasan at Pag-ibig? ( Ang totoo lamang
na pagmamahal o pag-ibig sa inang kalikasan ang maaring makapagpanatili ng kagandahan nito).

B. Gawain ( Powerpoint Presentation-Lecture)


Ipakita sa mag-aaral ang sumusunod na video clip patungkol sa isang dokumentaryo ng Matanglawin
sa, “Philippines Growing Problem With Plastic, hosted by Kuya Kim Atienza”.

Bagamat napakaraming suliranin ang kinakaharap sa ngayon ng ating bansa kong pag-uusapan ang
mga isyung pangkapaligiran, isa sa mga nangingibabaw na problema at hamon dito ang lumalalang
pamamahala ng solid waste, partikular na ang maling paggamit ng plastic. Ano nga ba ang plastic? Ano ang
mga katangian nito? Ano ang mga problemang maari nitong idulot?

Ang plastic ay nabubuo sa pamamagitan ng “bonding” ng “oil” at saka “gas molecules” na pinagsama-
sama para magiging “monomers” o ”polyethelyne terephthalate. Ang mga “monomers” na ito ay pomoporma
ng mahabang polymers para makabuo ng plastic. Para ma iporma naman ang mga bagay bagay kagaya ng
bottles, silya, mesa, sachets, fishing nets, at iba pa, milyu-milyong pellets ng plastic ang tinutunaw sa
pamamagitan ng init at minomolde sa disenyong naaayon para mabuo ang mga ito.

Paano ito nagiging pabigat sa kalikasan? Ang hindi maayos na pag-sesegregate at pag-rerecycle nito
ang naggiging sanhi ng pagkakalason ng mga “underground water table”, lupa, ilog, at sa kalaunan ay ng
karagatan dahil sa “leachate” o tagas na nagmumula sa pagsanib ng likido mula sa ulan, tubig at kemikal sa
lupa, at ng sangkap ng plastic. Pangalawang sanhi ito ng pagkasira ng ating “ecosystem” at kalaunan
pagkamatay ng “wildlife”.

Ang isang plastic bottle at mga katulad nito ay nalulusaw sa loob ng 1000 taon. Tonetonelada sa mga
basurang ito ay ibinaon sa mga landfills. Ang mga hindi naibaon sa lupa ay inaanod at nagbabara sa lagusan
ng mga tubig. Ang iba ay diretsong sa karagatan dahil sa ocean current, nata-trap at na-iipon sa “The Great
Pacific Garbage Patch”. Sa kasalukuyan ay may limang “major” ocean patches kung saan naggiging
pangunahing sanhing kamatayan ng mg marine life at ng mga migratory birds.

Ito pa ang ibang mga datos na halaw sa dockumentaryong ito:

1. 1 million plastic bags ay ibinabasura kada minuto dito sa Pilipinas.


2. 2.7 millions tonelada kada taon o 6 millions kilograms kada araw ng basurang plastic ay
nanggagaling sa Pilipinas.
3. 3rd largest plastic waste producer ang Pilipinas kasunod ng China at Indonesia.
4. 4 plastic bags; 115 plastic cups, 25 plastic bags; 1000 pieces of plastics ay nakita sa isang patay na
sperm whale sa Indonesia. Ganoon din ang nangyari sa isang whale shark na nakitaan ng iilang
mga plastic material sa loob ng kanyang bituka.
5. 5% lang ng mga plastic ang na rerecycle natin.
 Dahil sa hindi wastong pagtapon o paghihiwalay ng nabubulok sa hindi nabubulok.
 Pagtatambak nito kung saan-saan.
 Ayon sa U.N. report, sa taong 2050 ay posibleng mahigitan ang bilang ng mga isda ng basura
kung hindi maitama ang kaugaliang ito.

Ayon kay Kuya Kim, “unlimited” ang pamamaraan para maayos ang problema sa basura. Isa dito ay
ang kahangahangang inisyatibong binuo ng Barangay Manggahan sa Pasig sa kanilang programang “Kolek,
Kilo, Kita”, bilang kanilang tugon sa “Zero Waste Management” ng pamahalaan. May karampatang kapalit ang
mga “properly segregated waste” ng bawat tahanan sa mga kinakailangang kagamitang pambahay kagaya ng
sabon at iba pa. Sa ganitong pamamaraan, unti-unti nalulunasan ang suliranin sa solid waste, nakapag dagdag
budget pa sa bawat pamilya.

Ano ang nangyayari sa mga plastic waste na ito? Dinadala ito sa isang melting plant, tinutunaw na
hindi ginagamitan ng kemikal, ni-rerecycle, at ginagawang gamit katulad ng upuan para sa silid-aralan at iba
pang kagamitan.

C. Pagsusuri:
1. Ayon kay Kuya Kim, ilan ang plastic bags na tinatapon kada minuto? 1 million plastic bags
2. IIang tonelada kada taon ang plastic waste na nanggaling sa Pilipinas? 2.7 million tonnes
3. Pang-ilan ang Pilipinas bilang waste producer? Pangatlo kasunod sa China at Indonesia.
4. Ilang plastic bags ang nakita sa sperm whale na namatay sa Indonesia? Apat (4)
5. Ilang porsiyento ng plastics waste ang na rerecycle sa Pilipinas? 5%
6. Anong inisyatibo ang maaaring gawin ng local na pamahalaan sa pamamahala ng plastic?
7. Bakit kinakailangang pangangalagaan ang kalikasan?
8. Bilang mag-aaral, may mga naisip ka bang paraan para maibsan ang problema sa basura?
9. Sa kabuuan, ano ang maari mong maitulong para maitaguyod ang pangangalaga sa kalikasan?

IV. Paghahalaw (Abstraction)

Sa paglikha ng Diyos ng sanlibutan, kasama dito ang may buhay at wala, ang tao ang binigyan nya nang
pinakamataas na katungkulan na mangangalaga dito. Pinagkalooban niya ito ng isip, puso, kamay at katawan para
mapangalagaan at igalang ito ayon sa kanyang tungkulin at pananagutan bilang isang katiwala o “steward” (Genesis
Kabanata 1, Talata 27-31). Kung tunghayan natin ang kaganapang ito sa Genesis, ang katawagan nito ay paraiso, sa
ngayon kalikasan ang tawag dito. Ang kalikasan ay kaloob sa atin ng Diyos upang tayo ay patuloy na mabuhay. Kung
ano ang trato natin sa ating kapuwa at Diyos, ganoon din sana ang trato natin sa kalikasan.

Ngunit sa pagdaan ng panahon, naggiging ganid ang tao, ginawa niyang sentro ang kaniyang sarili sa lahat ng
nilikha ng Diyos. Dahil dito, inabuso nya ang kalikasan. Ilan sa mga porma ng pagmamaltrato nito ay ang mga
sumusunod: (sabay sa pagpapakita ng mga halimbawa o larawan sa screen)

Maling pagtatapon ng basura

Iligal na pagputol ng mga puno

Polusyon sa hangin, tubig, at lupa


Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan

Malabis at mapanirang pangingisda

Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan, iligal na pagmimina, at quarrying

Global warming at climate change


Komersiyalismo at urbanisasyon

Sa kabila ng destruksiyong at pagmamaltratong ito, hindi pa huli ang lahat. May magagawa pa tayo.

Ang tunay na pangangalaga sa kalikasan ay pagpapakita ng paggalang sa kabutihang panlahat na siya namang
layunin kung bakit nilikha ng Diyos ang kalikasan.

V. Paglalapat (Application)

a. Pangkatang Gawain.
Pangkatin ang mga mag-aaral ayon sa kanilang talento o hilig?
* Pangkat ng mga singers o rappers
* Pangkat ng mga artists
* Pangkat ng mga interpretative dancers
* Pangkat ng stage actors and actresses/skit experts
* Pangkat ng mga slogan makers/writers

b. Sa loob ng sampung (10) gumawa ng pagsasalarawan o adbokasiya o tips ng mga tamang pangangalaga sa
kalikasan sa pamamagitan ng napiling hilig o talent. Ipresenta ito ng hindi hihigit sa 3 minuto.

c. Rubrics sa pagprepresenta:

Participation/Cooperation------------------- 20 %
Creativity---------------------------------------- 20 %
Enthusiasm-------------------------------------- 20%
Relevance--------------------------------------- 40%
T O T A L ------------------------------ 100%
d. Presentasyon
e. Feedbacking / pagpapaalam ng puntos

VI. EBALWASYON :
Sagutin sa ½ lengthwise intermediate pad: (10 puntos)
1. Magbigay ng anim na halimbawa ng pang-aabuso ng tao sa kalikasan. (1 punto sa bawat tamang sagot)
*Maling pagtatapon ng basura
*Iligal na pagputol ng mga puno
*Polusyon sa hangin, tubig, at lupa
*Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan.
*Malabis at mapanirang pangingisda.
*Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan, iligal na pagmimina, at quarrying.
*Global warming at climate change.
*Komersiyalismo at urbanisasyon.
2. Ano ang pangunahing rason ng pagmamaltrato ng tao sa kalikasan? (2 puntos sa tamang sagot)
*Naggiging ganid o makasarili ang tao
*Ginawa niyang sentro ang kaniyang sarili sa lahat ng nilikha ng Diyos
3. Anu-ano ang wastong pamamaraan sa pangangalaga sa kalikasan? (2 puntos sa tamang sagot)
*Itapon sa tamang kalalagyan ang basura
* Pagsasabuhay ng 4R’s (Refuse, Reuse, Reduce, Recycle).
* Pagtatanim ng mga puno.
* Sundin ang batas at makipagtulungan sa mga tagapagtupad nito.
* Mamuhay ng simple.

VI. TAKDANG ARALIN:


Alamin at pag-aralan ang sampung utos ng kalikasan.

Prepared & Submitted by: Rater:

CARLO T. MANZAN LARRY N. ALVAREZ


T2, BCNHS Head VI, Values Educ. Dept.

You might also like