You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10

JUNE 22, 2022

Pinakamahalagang Kasanayang Pagkatuto: Pagsusulong ng Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian na


Nagtataguyod ng Pagkakapantay-pantay.

I Layunin:
1. Naipapaliwanag ang Same-sex Marriage bilang pagkakaroon ng Pagkakapantay-pantay ng
bawat isa.
2. Natutukoy ang mga daahilan kung bakit hindi pinapayagan ng ating bansa ang same-sex
marriage
3. Nakagagawa ng mga hakbang upang matugunan ang mga isyu ng same-sex marriage.

II Nilalaman:
A. Paksa: Same-sex marriage bilang hakbang sa pagkakapantay-pantay
B. Sanggunian: Ikatlong MArkahan- Modyul 4: Mga Hakbang na Nagsusulong ng Pagtanggap at
Paggalang sa Kasarian na na Nagtataguyod ng Pagkakapantay-pantay.
C. Kagamitan: Printed Modyul ng Araling Panlipunan 10, Ikatlong Markahan, modyul 4

III Pamamaraan:
1. Pang araw-araw na Gawain
a. Pagdarasal
b. Pagbati
c. Attendance Checking
2. Balik-Aral
1. Ano ang ibig sabihin ng LGBT?
2. Ano ang kaibahan ng Sex sa Gender?
3. Magbigay ng mga halimbawa ng Grupo ng LGBT
3. Panlinang na Gawain:
PADDLET Playing
Kunin ang telepono at buksan ang application na paddlet. Sagutin ang tanong..
Sang-ayon ba kayo sa Same sex Marriage? Oo at Hindi ang isagot at magbigay ng dahilan kung bakit kayo
sang-ayon o hindi. Sa pulang kulay ng padlet, isulat kung kayo ay sang-ayon at sa berde naman kung
kayo ay hindi sang-ayon.
Take note: huwag kalimutan na isulat ang inyong pangalan sa ibaba ng inyong sagot.

IV. Paghahabi sa Layunin:

Homosekswalidad (homosexual) ay tumutukoy sa romantikong atraksyon, atraksyong sekswal, o


gawaing sekswal ng mga kabilang sa magkaparehong kasarian.
Ito ay pinaniniwalaang bunga ng kombinasyon ng mga salik na biyolohikal at pangkapaligiran.
May mga naniniwala na ang gawaing homosekswal ay hindi natural o dysfunctional at may naninindigan
naman na ito ay isang normal at natural na kaurian ng sekswalidad ng tao at hindi sa isang epekto ng
negatibong pag-iisip.

Same-sex marriage ang pag-iisang dibdib ng dalawang tao na may magkatulad na kasarian.
Hunyo 2015- naglabas ng makasaysayang desiyon ang Korte Suprema ng United States na kumikilala sa
legal na karapatan ng mga same sex couple.
Dahilan ng kanilang desiyon ay ang pagbibigay ng patas na karapatan at proteksyon para sa lahat. Ang
desisyong ito ay sinuportahan ng dating president na Si Barack Obama.

Mayo 2015 hiniling sa Korte Suprema ni Jesus Nicardo Falcis III na baguhin ang bahagi ng Artikulo 1 at 2
ng Executive Order 209 o Family Code of the Phillipines, na nagtatakda at naglilimita sa kasal na para
lang sa lalaki at babae.
Nais din ng nagpepetisyon na alisin ang bahagi ng mga artikulo 46 (4) at (6) ng Family Code na
nagsasaad na maaring maging basehan ng annulment at legal separation ang lesbianism, gay at
homosexuality.
Pinapayagan ni Benigno Aquino III ang karapatan ng gay couple.
House Majority Leader Neptali Gonzales II naniniwalang hindi pa panahon para payagan nag gay at
lesbian marriage sa Pilipinas dahil ang Pilipino ay generally conservative.
House Speaker Feliciano Belmonte Jr. naniniwalang hindi pa handa ang bansa para sa same sex
marriage.

Mga Bansa na pinapayagan ang same-sex marriage

Netherlands (2000)
Belgium (2003)
Canada (2005)
Spain (2005)
South Africa (2005)
Norway (2009)
Sweden (2009)
Iceland (2010)
Portugal (2010)
Argentina (2010)
Denmark (2012)
France (2013)
Brazil (2013)
United States of America (2015)

Analisis
Gawain 2. Buksan ang inyong Jumpboard App magbigay ng mga pananaw sa Same-sex Marriage.
Pwedi ring pumasa ng mga larawan galling sa internet na nagpapahayag ng inyong pananaw.

Abstraksyon:
Ang Same sex Marriage ay ang pagsira sa tradisyonal na kahulugan ng kasal at pamilya na binubuo ng
ama, ina at ng anak.

Ang same sex marriage ay isang karapatang pantao at hindi nagdudulot ng pinsala sa lipunan.

V. Ebalwasyon.
_______________1. ay tumutukoy sa romantikong atraksyon, atraksyong sekswal, o gawaing sekswal ng
mga kabilang sa magkaparehong kasarian.
_______________2. Kailan hiniling sa Korte Suprema ni Jesus Nicardo Falcis III na baguhin ang bahagi ng
Artikulo 1 at 2 ng Executive Order 209 o Family Code of the Phillipines, na nagtatakda at naglilimita sa
kasal na para lang sa lalaki at babae?
_______________3.tawag sa pag-iisang dibdib ng dalawang tao na may magkatulad na kasarian.
_______________4. Kailan naglabas ng makasaysayang desiyon ang Korte Suprema ng United States na
kumikilala sa legal na karapatan ng mga same sex couple?
_______________5. Sino ang naniniwalang hindi pa panahon para payagan nag gay at lesbian marriage
sa Pilipinas dahil ang Pilipino ay generally conservative?
6-10. Isulat ang mga bansang pinapayagan ng same-sex marriage.

VI. Takdang Aralin:


“Resolve that Same-sex Marriage be legalized in the Philippines”
Paghandaan ang susunod na pagkikita para sa isang debate.

Prepared by:

Jeanecil F. Naol
Master Teacher I
Observer:

Alexander M. Caya
Teacher In-Charge
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10
MARSO 21, 2022

Pinakamahalagang Kasanayang Pagkatuto: Naipapaliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu


ng paggawa sa bansa.

I Layunin:

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

1. natutukoy ang mga suliranin sa paggawa


2. naipapaliwanag ang mga epekto ng iba’t-ibang suliranin sa paggawa
3. nabibigyang halaga ang mga kapakanan ng maggagawang Pilipino

II Nilalaman:

A. Paksa: Mga Isyu sa Paggawa


B. Sanggunian: Ikalawang Markahan-Modyul 2: Mga ISyu sa PAggawa pp. 8-16
C. Kagamitan: Modyul sa kontemporaryong isyu, projector, laptop, manila paper at pentel pen

III Pamamaraan:

1. Pang araw-araw na Gawain


a. Pagdarasal
b. Pagbati
c. Attendance checking

2. Balik aral
1. Ano ang ibig sabihin ng Globalisasyon?
2. Bakit mahalaga itong mapag-aralan?

3. Panlinang na Gawain
Pagganyak:
Gawain 1. Iguhit mo, kapalaran mo!
Iguhit ng mga mag-aaral ang kanilang gusting trabaho pagkatapos ng sampung taon. Limang
minuto para gawin ito. Ibigay ito sa kabilang mag-aaral.

IV. Paghahabi sa Layunin

a. Pagtatakay sa mga suliranin sa Paggawa at Epekto nito.


- Konstraktuwalisasyong Endo
- Job-Mismatch
- Mura at flexible labor
- Mababang pasahod
- Pandemyang Covid 19
-Unemployment
-Underemployment

Gawain 2. Aksyon ko, Hulaan Mo!


Pumili ng isang mag-aaral na taga aksyon sa harap. Hatiin ang klase sa dalawang grupo. Paunahan ng
sagot.

Analisis
Ang mga mag-aaral ay nakakaunawa sa kalagayan ng mga maggagawang Pilipimo.

Abstraksyon
Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga mas maiging hakbang sa kanilang gusting marating
na trabaho balang –araw.

V. Ebalwasyon:
Ibigay ang mga suliranin ng mga epektong makikita sa screen.

VI Takdang Aralin
Sa inyong ariling barangay, makipanayam ng isang manggagawa o may trabaho.

Mga suhestiyong tanong:

1. Ano ang iyong trabaho?


2. Ano ang epekto ng pandemya sa iyong trabaho?
3. Ano ang epekto nito sa iyong pamilya?

Note: Optional ang paglagay ng pangalan ng taong inyong makikipanayam.

Prepared by:
Jeanecil F. Naol
Master Teacher I

Observer:

Alexander M. Caya
Head Teacher I

You might also like