You are on page 1of 24

10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Mga Isyu at Hamong Pangkasarian
Subject: Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Pamagat: Mga Isyu at Hamong Pangkasarian
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Andrew James B. Buenavista
Editor:
Tagasuri: Geselle B. De Leon, Jed I. Bete
Tagaguhit: Alexander Gokotano
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Jinky B. Firman
Marilyn V. Deduyo
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Davao City


Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph
10
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Mga Isyu at Hamong Pangkasarian
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat pahina
nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga kasagutan mula sa
iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa susunod na
gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot at
pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa susunod na
gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng mga
gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang gawain, huwag
mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-
iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay
mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-
unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Isang mapagpalang araw sa iyo! Nakapagpasalamat ka na ba sa Diyos sa araw


na ito na ikaw ay nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral muli? Sabik ka na ba
para sa panibagong aralin na iyong sasanayin? Sa araling ito ay matutukoy mo ang
mga mahahalagang paksa tungkol sa Mga Isyu at Hamong Pangkasarian (Kasarian
sa Iba’t Ibang Lipunan). Ano ang konsepto at kaibahan ng gender at sex? Ano-ano
ang mga gender roles sa kasaysayan ng Pilipinas? Paano nagbago ang gender roles
sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng bansa pati na rin sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig?

Ang araling ito ay nakabatay sa Most Essential Learning Competency para sa


Baitang 10 na: Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles
sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aaralan mo ang sumusunod na paksa:

Paksa 1: Konsepto ng Kasarian at Sex


Paksa 2: Gender Roles sa Kasaysayan ng Pilipinas
Paksa 3: Gender Roles sa Iba’t ibang Bahagi ng Daigdig

Ang sumusunod naman ay ang mga layuning nararapat mong maisagawa


pagkatapos mong mabasa at masagutan ang mga gawain sa modyul na ito:

1. naipaliliwanag ang kaibahan ng kasarian (gender) at sex;


2. natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex;
3. natatalakay ang iba’t ibang gender roles sa Pilipinas at iba’t ibang bahagi
ng daigdig; at
4. napahahalagahan ang dignidad ng pagkatao ng isang indibidwal anuman
ang kasarian nito.

1
Subukin Natin

Handa ka na bang magsimula? Sa bahaging ito ay susubukin ang lawak ng


iyong kaalaman tungkol sa mga isyu ng kasarian at lipunan na nangyayari sa ating
bansa. Isulat ang titik ng sagot na iyong napili sa sagutang papel.

Gawain 1: Paunang Pagtataya

______1. Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa


biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba sa babae at
lalaki?

A. sex C. bi-sexual
B. gender D. transgender

_____2. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinakda


ng lipunan para sa mga babae at lalaki.

C. sex C. bi-sexual
D. gender D. transgender

_____3. Alin sa sumusunod na kontinente talamak ang Female Genital Mutilation?

A. Europa C. Africa
B. Australia D. South America

_____4. Ito ay tawag sa taong nakaramdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan


at ang nararamdaman na ang kanyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi
magkatugma.

A. gay C. lesbian
B. transgender D. homosexual

_____5. Ano ang tawag sa artifact na nagsalaysay na ang mga kalalakihan ay


maaaring magkaroon ng maraming asawa bago pa dumating ang mga Espanyol?

A. Revised Penal Code C. Civil Code of the Philippines


B. Code of Canon Law D. Boxer Codex

2
_____6. Alin sa sumsusunod na pahayag ang TOTOO ukol sa Boxer Codex?

A. Pantay ang pagtingin ng batas sa mga babae at lalaki noong panahon ng


pananakop ng mga Espanyol.
B. Ang mga magulang ng lalaki ang nagtatakda ng mapapangasawa ng
kanilang anak.
C. Ang mga babae ay kinakailangang makapag-aral at makapagtrabaho bago
magpakasal.
D. Ang mga lalaki ay pinapayaganag magkaroon ng maraming asawa.

_____7. Alin sa sumusunod ang HINDI naglalarawan ng katangian (characteristics)


ng sex?

A. Ang lalaki may testicle (bayag) samantalang ang babae ay hindi


nagtataglay nito.
B. Ang babae nagkakaroon ng buwanang regla samantalang ang mga lalaki
ay hindi.
C. Ang babae at lalaki ay may kakayahan sa produksyon at magkaroon ng
mga anak.
D. Ang babae at lalaki ay may panlipunang gampanin, kilos, at gawain na
itinatakda ng lipunan

_____8. Ano ang samahang politikal na itinatag ng mga kasapi ng LGBT na lumahok
sa halalan noong 2010?

A. Ang Ladlad C. Pro Gay Philippines


B. UP Babaylan D. Lesbian Advocates Philippines

___9. Alin sa sumusunod ang dala ng mga Amerikano nang masakop nito ang
Pilipinas?

A. Malupit na pagtrato sa mga kasapi ng LGBT


B. Pang-aapi at pang-aalipin ng mga kababaihan
C. Ideya ng kalayaan, karapatang at pagkapantay-pantay
D. Mariin na pagtutol sa mga sinaunang paniniwala/tradisyon ng mga Pilipino.

______10. Alin sa sumusunod na pahayag ang TOTOO ukol sa homosexual?

A. Ang mga lalaki ay maituturing na homosexual.


B. Ang mga homosexual ay maituturing na bisexual.
C. Ang mga homosexual ay may atraksyon sa salungat na kasarian.
D. Ang mga homosexual ay may atraksyon sa kaparehong kasarian.

3
Aralin Natin

Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan

Ang kasarian ay natural na bahagi ng kabuuan ng pagkatao ng isang


indibidwal. Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya sa larangan ng medisina, maaari nang
matukoy ang kasarian ng isang sanggol na nasa sinapupunan ng ina kung ito ay lalaki
o babae sa pamamagitan ng ultrasound. Nakasaad sa Birth Certificate ng isang
indibidwal ang kanyang kasarian.

Sa paglipas ng panahon at dulot na rin ng iba’t ibang salik, may mga tao ang
nagkaroon ng ibang oryentasyong sekswal. Marahil, hindi na bago sa ating paningin
kung may makita tayong lalaki na nakasuot ng damit pambabae at kumikilos na
parang babae. Minsan nakakasalubong natin sila sa daan, pasyalan o nakikita sa mga
palabas sa telebisyon o sa social media. Tunghayan natin ang mga uri ng sex at
gender, mga kaibahan nito pati na rin ang gender roles sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig.

Paksa 1: Konsepto ng Kasarian at Sex

Magkaiba ang kahulugan ng gender at sex. Kung isasalin ang dalawang salita sa
wikang Filipino ay katumbas ito pareho ng salitang kasarian. Tatalakayin natin ang
mga konsepto na may kinalaman sa pag-aaral ng kasarian. Upang maunawaan
mo ang konseptong ito, lalo na ang pagkakaiba ng gender at sex, basahin mo ang
sumusunod na teksto.

4
Konsepto ng Gender at Sex

Sa bahaging ito ay matutunghayan mo ang pagkakaiba ng mga salitang gender


at sex na minsan nagagamit sa maling paraan. Sa pamamagitan nito, mas
maiintindihan mo ang pagkatao ng isang indibidwal batay sa oryentasyong sekswal
na kanyang taglay at mas lalawak pa ang iyong pag-iisip sa sekswalidad ng isang tao
na bahagi ng lipunan na ating ginagalawan.

Sex – Biyolohikal at pisyolohikal na katangian at nagtatakda ng pagkakaiba ng babae


sa lalaki.

Gender – Panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinakda ng lipunan para sa mga


babae at lalaki.

SEX GENDER

MALE FEMALE MASCULINE FEMININE


(LALAKI) (BABAE)

Katangian ng Sex
1. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla (menstruation)
samantalang ang mga lalaki naman ay hindi nakararanas nito.
2. Ang mga lalaki ay may bayag (testicle) samantalang ang mga babae ay hindi
nagtataglay nito.

Katangian ng Gender

Ayon sa website ng Medical News Today, ang gender ay tumutukoy sa papel


na ginagampanan ng isang indibidwal bilang tugon sa kanyang paligid, pakikipag-
ugnayan sa pamilya at mga kaibigan, impluwensiya ng media at edukasyon.
Sa paglipas ng panahon, mas lumawak pa ang nasasaklaw ng oryentasyong
sekswal. Hindi katulad sa sinaunang panahon na kung oryentasyong sekswal ang
pag-uusapan, ito ay sa pagitan lang ng babae at lalaki. Mababasa mo sa susunod na
pahina ang mga termino na may kinalaman sa oryentasyong sekswal ng isang
indibidwal.

5
Oryentasyong Sekswal (Sexual Orientation) - kakayahan ng isang tao na
makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim
na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa
kanya, o kasariang higit sa isa.

Pagkakakilanlang Pangkasarian (Gender Identity) - kinikilala bilang malalim na


damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring
nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya ay ipanganak, kabilang ang
personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang
pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan
ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian,
kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.

Sa madaling salita, ang oryentasyong sekswal ay tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong


makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o pareho. Ang oryentasyong sekswal ay
maaaring maiuri bilang heterosekswal, homosekswal, at bisekswal.

Heterosekswal – may pagnanasang sekswal sa kabilang kasarian, mga lalaki na ang


gustong makatalik ay babae at mga babae na gusto naman ay lalaki.

Homosekswal – may pagnanasang sekswal sa kaparehong kasarian. Mga lalaki na


nais makatalik ang kapwa lalaki at babae sa ka kapwa babae.

Bisexual – may pagnanasang sekswal sa kabila at kaparehong kasarian. Lalaki na


nais makatalik ang isang babae at kapwa lalaki. Babae na nais makatalik ang lalaki at
kapwa babae.

Bukod sa lalaki at babae, may mga tao na nabibilang sa pangkat ng LGBT na


nangangahulugang lesbian, gay, bisexual at transgender

Lesbian (tomboy) – mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng
may pusong lalaki at umiibig sa kapuwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas
na tibo at tomboy)

Gay (bakla) – mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki ,


may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang
bahagi ng Pilipinas na: bakla, beki, at bayot)

Bisexual – mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian

Transgender – nakararamdam na siya ay nasa maling katawan, ang kanyang isip at


pangangatawan ay hindi magkatugma

6
Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksyon sa anumang kasarian

Queer – terminong sumasaklaw sa mga LGBT na may negatibong impresyon sa iilang


mga kasapi nito.

Paksa 2: Gender Roles sa Pilipinas

Sa bahaging ito ng aralin ay matutunghayan mo ang katayuan at gampanin ng


babae at lalaki sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas.

Ayon sa Boxer Codex, bago pa dumating ang mga Espanyol, ang mga lalaki
ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki
ang kaniyang asawa kapag nakita niya itong kasama ang ibang lalaki. Maaaring
hiwalayan ng lalaki ang asawa nito at maaari nitong bawiin ang mga ari-arian na
naibigay niya sa kanyang naging asawa. Subalit kung ang babae ang may nais na
hiwalayan ang kanyang asawa ay wala siyang makukuhang anumang pag-aari.
Makikita sa mga halimbawang ito ang hindi pantay na pagpabor sa lalaki kung
ikukumpara sa babae.

Ayon sa pag-aaral ni Emelina Ragaza Garcia na binanggit sa learning material


ng Araling Panlipunan 10 (2017) na limitado pa rin ang karapatang taglay ng mga
kababaihan sa panahon ng mga Espanyol. Ito ay dahil ang sistemang legal na dinala
ng mga Espanyol sa bansa ay nakabatay sa kanilang batas na tinitingnan ang
kababaihan na mas mababa kaysa sa kalalakihan.

Noong Panahon ng Pag-aalsa, ipinamalas ni Gabriela Silang ang katapangan


ng isang babae nang siya ay nag-alsa laban sa mga pang-aabuso ng mga Espanyol
nang namatay ang kanyang asawa na si Diego Silang. May mga Katipunera rin tulad
ni Marina Dizon na tumulong sa adhikain ng mga Katipunero na labanan ang mga
Espanyol. Naging katuwang ang ilang mga kababaihan sa rebolusyon na
pinangunahan ng mga kalalakihan.

Dinala ng mga Amerikano ang ideya ng kalayaan, karapatan at pagkakapantay-


pantay. Itinaguyod ang mga pampublikong paaralan na bukas sa mga kababaihan at
kalalakihan, mahirap man o mayaman. Namulat ang mga kababaihan na hindi lang
pala sa bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan. Sa pamamagitan ng
isang plebisito, naipahayag at nakamit ng mga kababaihan ang karapatang bumoto at
makilahok sa mga isyu na may kinalaman sa pulitika. Ang mga kalalakihan naman ay
inaasahang magtrabaho sa gobyerno at pribadong sektor.

Kabahagi ng mga kalalakihan sa pakikipaglaban sa mga Hapones ang mga


kababaihan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang ibang mga kababaihan
naman ay innasahang gumawa ng mga gawaing pambahay.

7
Sa kasalukuyan, maraming kababaihan ang nakapagtapos ng pag-aaral at
nakapagtatrabaho sa iba’t ibang kompanya o tanggapan ng gobyerno. May mga
kababaihan din na naihalal bilang mga lider sa iba’t ibang sangay sa nasyonal o lokal
na pamahalaan. Isa na rito si Mayor Inday Sara Duterte na kasalukuyang Mayor ng
Davao City.

Paksa 3 : Gender Roles sa Iba’t Ibang Bahagi ng Daigdig

May mga papel kang ginagampanan sa inyong tahanan kung mga gawaing
bahay ang pag-uusapan. Sa tradisyunal na tahanan, madalas na katuwang ng tatay
ang lalaking anak sa pagsasaayos sa pisikal na estruktura ng bahay at katuwang
naman ng nanay ang anak na babae sa mga gawaing pambahay. Ganoon din ang sa
konteksto ng lipunan. May mga papel na ginagampanan bawat tao batay sa kanyang
kasarian na nakatutulong sa kaunlaran ng lipunan at sa bansa sa kabuuan.

Africa at Kanlurang Asya

Mahigpit ang batas para sa mga babae at mga kasapi ng LGBT sa mga
rehiyong ito. Nito lamang ikalawang bahagi ng 20 siglo kinilala ng ilang mga bansa sa
mga naturang rehiyon ang karapatan ng mga kababaihan na makaboto.

Mga Bansa na Nagbigay ng Karapatang Bumoto sa Mga Kababaihan

Kanlurang Asya Aprika

Syria (1949) Egypt (1956)

Lebanon (1952) Tunisia (1959)

Yemen (1967) Mauritanina (1961)

Iraq (1980) Algeria (1962)

Kuwait (1985, 2005)* Morocco (1963)

Oman (1994) Libya (1964)

Sudan (1964)

Pinagkunan: Araling Panlipunan Learning Material: Mga Kontemporaryong Isyu, Department


of Education 2017, pp.74-75

* Binawi ng Kuwait ang karapatang bumoto ng mga babae at muling naibalik noong
2005.

8
Bukod sa walang karapatang bumoto, bawal din sa mga babae ang
magmaneho ng sasakyan nang walang pahintulot sa kamag-anak na lalaki (asawa,
magulang o kapatid). Ang paglalakbay ng mga babae nang mag-isa ay hindi rin
pinapayagan o kung papayagan man, ang babae ay nahaharap sa malaking banta ng
pang-aabuso (pisikal at seksuwal).

May mga nangyayaring gang rape sa mga lesbian (tomboy) sa ilang bahagi ng
Aprika sa paniniwalang maaaring mabago ang kanilang oryentasyong seksuwal ng
mga ito. May mga ulat rin ng karahasan sa mga kasapi ng LGBT sa kanilang mismong
pamilya ayon sa ulat na mula sa United Nations Human Rights Council noong 2011.

Rehiyon ng Pasipiko – Papua New Guinea

Noong 1931, pinag-aralan ng antropologong si Margaret Mead at asawa nitong


si Reo Fortune ang kultura ng ilang mga pangkat sa Papua New Guinea na
matatagpuan sa rehiyon ng Pasipiko. Ang isang antropologo ay bihasa sa
Antropolohiya o pag-aaral ng tao at ang kanyang pinagmulan at kultura ng mga tribo
o pangkat. Pinag-araln nila ang gampanin ng mga babae at lalaki ng mga sumusunod
na pangkat: Arapesh; Mundugamur at Tchambuli.

Ang literal na kahulugan ng Arapesh ay tao. Nalaman ng nga mananaliksik na


ang mga kasapi ng natuang pangkat ay walang mga pangalan. Kanilang
naobserbahan na ang mga babae at lalaki ay kapwa maalaga, mapag-aruga sa mga
anak, matulungin, mapayapa at kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat.

Sa pangkat naman ng Munddugumur (kilala rin sa tawag na Biwat), ang mga


babae at lalaki ay kapwa matatapang, agresibo, bayolente at naghahangad ng
kapangyarihan o mataas na posisyon sa kanilang pangkat. Samantalang sa pangkat
ng Tchambuli (o kilala rin sa tawag na Chambri), ang mga babae at lalaki ay magkaiba
ng gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga babae ay higit na dominante kaysa mga
lalaki. Ang mga babae ang naghahanap ng pagkain para sa pamilya, samantala ang
mga lalaki naman ay inilarawan na abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa
mga kuwento.

9
Gender Roles ng mga Kasapi ng Tribong Bagobo sa Bansalan, Davao Del Sur
Sa kanlurang bahagi ng Davao Gulf maraming mga pamayanan sa dulo ng
Lungsod ng Dabaw hanggang sa Bansalan, Davao del Sur na itinatag ng mga
Bagobo. Ang mga babae ang nangangasiwa sa mga gawaing pambahay at pagluluto
ng kakainin. Sila rin ang kumukuha ng tubig, mga kahoy at naglalaba ng mga damit.
Sila rin ang gumagawa ng mga basket.

Ang malaking bahagi ng oras ng mga lalaki ay nauubos sa pangangaso at


pakikipaglaban. Bukod ditto, sila ang inaasahang magtatrabaho sa mga sakahan at
pagpapatayo ng mga bahay.
Source: Fay-Cooper Cole The Wild Tribes of Davao District, The R.F. Cummings Philippine
Expedition, 2006, http://www.gutenberg.org/files/18273/18273-h/18273-h.htm

Gawin Natin

Gawain 2: Gender Timeline


Panuto: Talakayin ang gampanin ng mga kababaihan at kalalakihan sa
iba’tibang yugto sa kasayasayan ng Pilipinas.

Yugto ng Kasaysayan Mga Kababaihan Mga Kalalakihan


Panahong Pre-Kolonyal

Panahon ng Espanyol

Panahon ng Amerikano

Panahon ng Hapon

Kasalukuyang Panahon

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mahalagang pagbabago sa papel ng mga babae at lalaki sa
paglipas ng panahon?
2. Nakakaapekto ba ang gampanin/katatayuan ng babae at lalaki sa
lipunan/pamayanan? Pangatwiranan

10
Gawain 3: Pagkukumpara: Lokal – Dayuhan

Panuto: Talakayin ang mga gampanin ng mga babae at lalaki ng sumusunod na


pangkat: Arapesh at Tchambuli ng Papua New Guinea, at Bagobo ng Davao.

Pangkat Gampanin ng mga Gampanin ng mga


Babae Lalaki

Arapesh

Tchambuli

Bagobo

Sanayin Natin

Gawain 4: Sagutin Mo!


A. Katotohanan o Opinyon
Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba at isulat sa patlang ang titik T king
ang pahayag ay TOTOO at titik O kung ang pahayag ay OPINYON lamang.

____1. Pareho ang kahulugan ng gender at sex.

____2. Batayan ng pagtukoy ng sex ng isang indibidwal ay ang sex organ na gamit
sa reproduksiyon.

____3. Mas maraming kategorya ang gender kaysa sex.

____4. Kapag ang isang indibidwal ay lalaki batay sa sex, tiyak na ito ay may
atraksyon sa babae.

____5. Tiyak ang husay ng isang bakla sa larangan ng pulitika dahil sa pagkataguyod
ng mga samahan.

11
B. Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at piliin ang wastong sagot sa
kahon. Isulat ang napiling sagot sa patlang.

Gender Asexual Heterosexual

Sex Bisexual Homosexual

____________1. Taong may sekswal na atraksiyon/pagnanasa sa parehong


kasarian.

____________2. Biyolohikal na katangian na nagtatakda kung ang indibidwal ay


babae o lalaki.

___________ 3. Taong may pagnanasa sa kapareho at salungat na kasarian.

___________ 4. Taong may pagnanasa sa salungat/kabilang kasarian.

___________ 5. Taong walang nararamdamang atraksyon sa anumang kasarian.

12
Tandaan Natin
Nararapat mong tandaan ang sumusunod na mahahalagang konsepto:

• Ang konsepto ng gender at sex ay magkaiba. Ang sex ay tumutukoy sa


kasarian – kung lalaki o babae. Ito rin ay maaaring tumukoy sa gawain ng
babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao. Ayon sa World
Health Organization (2014), ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at
pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
Samantalang ang gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang
gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at
lalaki.

• May mga ibat ibang gampanin ang mga kalalakihan, kababaihan at LGBT
sa lipunan o gender roles. Mahalagang mapahahalagahan ang dignidad ng
pagkatao ng isang indibidwal kahit anuman ang kasarian nito

• Ang Oryentasyong Sekswal (Sexual Orientation) ay ang kakayahan ng


isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal,
sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay
maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.

• Ang Pagkakakilanlang Pangkasarian (Gender Identity) ay kinikilala bilang


malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang
tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya ay
ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan
(na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung
ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o
iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang
pananamit, pagsasalita, at pagkilos.

13
Suriin Natin

Gawain 5: Panghuling Pagtataya

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at isulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel.

_____1. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinakda


ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
A. sex C. bi-sexual
B. gender D. transgender

______2. Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa


biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba sa babae at
lalaki?
A. sex C. bi-sexual
B. gender D. transgender

_____3. Ano ang tawag sa artifact na nagsalaysay na ang mga kalalaikhan ay


maaaring magkaroon ng maraming asawa bago pa dumating ang mga Espanyol?
A. Revised Penal Code C. Civil Code of the Philippines
B. Code of Canon Law D. Boxer Codex

_____4. Alin sa sumusunod na kontinente talamak ang Female Genital Mutilation?


A. Europa C. Africa
B. Australia D. South America

_____5. Alin sa sumusunod ang HINDI naglalarawan ng katangian (characteristics)


ng sex?
A. Ang lalaki may testicle (bayag) samantalang ang babae ay hindi
nagtataglay nito.
B.Ang babae nagkakaroon ng buwanang regla samantalang ang mga lalaki
ay hindi.
C. Ang babae at lalaki ay may kakayahan sa produksyon at magkaroon ng
mga anak.
D.Ang babae at lalaki ay may panlipunang gampanin, kilos, at gawain na
itinatakda ng lipunan

14
_____6. Alin sa sumsusunod na pahayag ang TOTOO ukol sa Boxer Codex?
A. Pantay ang pagtingin ng batas sa mga babae at lalaki noong panahon ng
pananakop ng mga Espanyol.
B. Ang mga magulang ng lalaki ang nagtatakda ng mapapangasawa ng
kanilang anak.
C. Ang mga babae ay kinakailangang makapag-aral at makapagtrabaho bago
magpakasal.
D. Ang mga lalaki ay pinapayaganag magkaroon ng maraming asawa.

_____7. Ano ang samahang politikal na itinatag ng mga kasapi ng LGBT na lumahok
sa halalan noong 2010?
A. Ang Ladlad C. ProGay Philippines
B. UP Babaylan D. Lesbian Advocates Philippines

_____8. Tawag sa taong nakaramdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan at


ang nararamdaman na ang kanyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi
magkatugma.
A. gay C. lesbian
B. transgender D. homosexual

_____9. Alin sa sumusunod na pahayag ang TOTOO ukol sa homosexual?


A. Ang mga lalaki ay maituturing na homosexual.
B. Ang mga homosexual ay maituturing na bisexual.
C. Ang mga homosexual ay may atraksyon sa salungat na kasarian.
D. Ang mga homosexual ay may atraksyon sa kaparehong kasarian.

_____10. Alin sa sumusunod ang dala ng mga Amerikano nang masakop nito ang
Pilipinas?
A. Malupit na pagtrato sa mga kasapi ng LGBT
B. Pang-aapi at pang-aalipin ng mga kababaihan
C. Ideya ng kalayaan, karapatang at pagkapantay-pantay
D. Mariin na pagtutol sa mga sinaunang paniniwala/tradisyon ng mga Pilipino.

15
Payabungin Natin

Gawain 6: Kung Ikaw ay Ako


Magbigay ng dalawang advantage at disadvantage sa sumunod na sitwasyon.

Ako si Maria
nakapagtapos ng
kolehiyo. Ikinasal ako
at nanganak anim na
buwan na ang
nakalipas.

Sa usaping gender roles lalo na ng kababaihan talakayin ang magiging


mabuting epekto at negatibong epekto sa sumusunod na sitwasyon: Magbigay ng
tigdadalawang sagot sa bawat kahon.

Sitwasyon Advantage (√) Disadvantage (x)


Si Maria ay magtatrabaho - -

- -

Si Maria ay magiging full- - -


time housewife
- -

16
Pagnilayan Natin
Bawat tao ay may iba’t ibang oryentasyong sekswal na taglay. Bukod sa
babae at lalaki, may mga tao na kabilang sa pangkat ng lesbian, gay, transgender at
bisexual (LGBT). Hindi maipagkakaila na nagiging isyu na ng diskriminasyon ang
gender o oryentasyong sekswal ng isang tao. Nagbago man ang mga gender roles sa
lipunan sa paglipas ng panahon, ngunit ang digndidad at paggalang sa bawat tao
anuman ang kasarian nito o oryentasyong sekswal ay hindi mawawala o
maisasantabi.

Anuman ang kasarian o oryentasyong sekswal ng


isang tao – babae man o lalaki o kasapi ng LGBT,
nararapat itong igalang dahil taglay ng bawat isa ang
dignidad na hindi mabubura. Ito ay pagpapakita ng
ating pagiging Maka-Tao.

17
18
Gawain 5 Gawain 4 Gawain 1
Sanayin Natin
Suriin Natin A. Unang Pagtataya
1. O
Panghuling Pagtataya 2. T 1. D
3. T 2. B
1. B 4. O 3. C
2. D 5. O 4. B
3. D B. 5. D
4. C 1. homosexual 6. D
5. D 2. sex 7. D
6. D 3. bisexual 8. A
7. A 4. heterosexual 9. C
8. B 5. asexual 10. C
9. C
10. c
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Dallo, E., Antonio, E., Imperial, C., Samson, M.C. and Soriano, C. (2016). KAYAMANAN: Mga
Kontemporaryong Isyu Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipinan. Manila City,
Metro Manila, Philippines: Rex Printing Company Inc.

Department of Education. (2017). Kontemporaryong Isyu: Gabay para sa Guro sa Araling


Panlipunan 10 pahina 246-260

Department of Education. (2017). Kontemporaryong Isyu: Modyul para sa Mag-aaral sa


Araling Panlipunan 10 pahina 246-279

“The Wild Tribes of Davao District, Mindanao by Fay-Cooper Cole - Free Ebook.” n.d.
Accessed January 21, 2021. http://www.gutenberg.org/ebooks/18273.

“Types of Gender Identity: Types and Definitions.” n.d. Accessed January 21, 2021.
https://www.medicalnewstoday.com/articles/types-of-gender-identity.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI Davao City Division
DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like