Professional Documents
Culture Documents
Tula Marathon!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng tula. Pagkatapos ay sagutin
ang mga pamprosesong tanong sa ibaba.
NANLABAN
Ni Margarett Manalastas
Sampung taon.
Sampung taon nang nakapiit sa seldang
napakaliit
na walang maski manipis na sinag ng pag-asa ang
makapuslit.
Isang dekada nang nagdurusa ngunit
ano ang dapat pagdusahan?
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang iyong naramdaman matapos mabasa ang mga hinaing ng tauhan sa
tula?
~Sa aking pagbasa sa tula, naramdaman ko ang pighati at pasakit na
nadarama ng lalaki bunsod ng hindi maayos na uri ng sistema ng hustisya.
Sa kanyang pagsasalaysay animo’y daig niya pa ang ninakawan ng mga ari-
arian at kayamanan sapagkat ang ninakaw sa kanya ay ang sampung taong
kalayaan na kaylanan may hindi na mababawi at mamapalitan.
Kalungkutan ang tanging namutawi sa aking puso sa pagbasa ko sa tulang
ito, para bang inilalarawan nito ang bulok na sistema ng ating batas na
nagpapahirap sa bawat tao lalo na sa mga walang kakayahan at alam
pagdating dito. Masakit isipin na maraming buhay ang nasisira, maraming
buhay ang nagdurusa, at maraming buhay ang nawawala dahil sa maling
sistema at maling pamamalakad na nagreresulta ng hindi kanais-nais na
pangyayari na pawang ibon na tinanggalan ng pakpak bunsod ng hindi
pagkakapantay-pantay.
2. Makatarungan ba ang kanyang pagkakapiit sa loob ng isang dekada? Bakit?
Bakit hindi?
~ Base sa aking pagkakaintindi at pagkakaunawa ay siya lamang ay
napagbintangan, kug kaya’t malinaw na hindi ito makatarungan lalo na sa
isang tao na inosente at walang sala, sapagkat ang bawat isa sa atin ay may
taglay na karapatan at dignidad na dapat pahalagahan at igalang bilang
tanda ng atin pagrespeto sa buhay ng bawat isa.
3. Kung ikaw ang nasa kanyang katayuan, ano ang iyong mararamdaman? Ano
ang iyong gagawin?
~ Kung ako ay nasa kanyang katayuan hindi ako susuko sa hustisyang
nararapat kong makamtan sapagkat unang-una, kung malinis ang aking
pagkatao lalo na ang aking konsensya at hangarin wala dapat akong
ikatakot at ikapangamba sapagkat naniniwala ako na sa huli at dulo ng
sitwasyong ito ang kabutihan at tama pa rin ang tanging mananaig at
mamumutawi. Alam kong mahirap ngunit nararapat kong tibayan ang aking
loob upang patunayan na ako ay inosente at malinis ang hangarin kung
kaya’t bilang isang mamamayan sa isang lipunan taglay ko ang mga
karapatan na nararapat ay aking natatamasa ng malaya at hindi ako
mapapagod na ipaglaban ito hanggang sa dulo ng aking yugto bilang isang
tao lalo pa’t kung ako ay nakapanig sa tama at mabuti.