You are on page 1of 12

10

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 4- MODULE 4
Ang Pakikilahok ng Mamamayan
at Aktibong Pamamahala
ALAMIN

Sa araling ito, mauunawaan mo ang kahalagahan ng papel ng mamamayan sa


pagkakaroon ng mabuting pamamahala. Masusuri at matutukoy mo ang iyong mga gawain o
tungkulin sa pakikibahagi mo sa iba’t ibang gawaing panlipunan. Magkakaroon ka ng mga
ideya kung paano ka makatutulong sa pag-unlad ng bansa at sa mabuting pamamahala.

(MELC) Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto

Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan.

Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod

a. nauunawaan ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan;

b. nasusuri ang tungkulin at gampanin ng isang mabuting mamamayan;

c. napapahalagahan ang mga pamamaraan ng pamahalaan sa pagkakaroon


ng mabuting pamamahala.

TUKLASIN AT SURIIN

PAPEL NG MAMAMAYAN SA PAGKAKAROON NG MABUTING PAMAMAHALA

Bakit mahalaga para sa atin ang paglahok sa mga nagaganap sa ating pamahalaan o
lipunan sa kabuuan? Ano ba ang kalagayan ng ating demokrasiya sa kasalukuyan?

Maaaring sagutin ang mga katanungang iyan ng mga pag-aaral tungkol sa ating bansa.
Ang Democracy Index at Corruption Perceptions Index ay dalawa lamang sa mahahalagang pag-
aaral tungkol sa estado ng demokrasiya ng ating bansa. Ang una ay binubuo ng Economist
Intelligence Unit. Pinag-aaralan nito ang kalagayan ng demokrasiya sa 167 bansa sa buong
daigdig. Limang kategorya ang pinagbabatayan ng index na ito: electoral process, civil liberties,
functioning of government, political participation, at political culture.

Ayon sa Democracy Index 2016 ang Pilipinas ay pang-limampu sa kabuuang 167 na


bansa. Sa kabila ng ating deklarasyon na tayo ay isang demokratikong bansa, ang Pilipinas ay
itinuturing na flawed democracy, na ang ibig sabihin ay may malayang halalan at nirerespeto
ang mga karapatan ng mamamayan nito. Ngunit, may mga ibang aspekto ng demokrasiya ang
nakararanas ng suliranin tulad ng pamamahala at mahinang politikal na pakikilahok ng
mamamayan. Ayon sa index, hindi tayo maituturing na ganap na demokrasiya. Sa katunayan,
labingsiyam na bansa lamang ang maituturing na may ganap na demokrasiya at nangunguna
rito ang bansang Norway. Malaki na ang itinaas ng marka at rango ng Pilipinas. Noong 2012 ay
nasa 69 ang ranggo na naging bansa sa Index na ito. (Draft Kontemporaryong Isyu p. 410).
2
Ang marka ng ating bansa para sa 2016 ay ang pinakamataas nating nakuha sa
nakalipas ng 10 taon. Wala namang bansa sa Asya ang nakapasok sa klasipikasyon bilang
ganap na demokrasiya. Ang mga bansang Japan at South Korea ang itinuturing na may
pinakamalakas na marka sa index bagamat at kapwa, ay itinuturing na flawed democracy.

Maituturing ding isa sa pinakamalaking hamong kinakaharap ng mga Pilipino sa


kasalukuyan ay ang katiwalian, ayon sa Transparency International, isang pangkat na
lumalaban sa katiwalian “corruption ruins lives”. Tumutukoy ang korapsyon o katiwalian sa
paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes. Ayon kay Co
at mga kasama (2007), ang katiwalian ay ang pagpapalawig ng interes ng pamilya, mga
kasamahan, mga kaibigan, at sarili ng mga nanunungkulan sa pamahalaan. Ayon naman kay
Robert Klitgaard (1998), batay kay Co at mga kasama (2007), nagkaroon ng katiwalian bilang
bunga ng monopolyo sa kapangyarihan, malawak na pagbibigay ng desisyon, at katiwalian ng
kapanagutan. Kaya naman naging laganap ang mga katiwalian sa mga bansang dating kolonya,
dahil ginamit ito bilang instrumento ng pananakop (Scot, 2000, C0 at mga kasama, 2007)

Hindi maganda ang estado ng Pilipinas kung katiwalian ang pag-uusapan. Ang
Corruptions Perception Index ay naglalalaman ng pananaw ng mga eksperto tungkol sa lawak ng
katiwalian sa isang bansa. Ang isang bansa ay maaaring makakuha ng marka na 0
(pinakatiwali), hanggang 100. (pinakamalinis na pamahalaan). Sa kanilang ulat para sa taong
2016, ang bansang Denmark at New Zealand ang may pinakamababang marka na 10/100.
Noong 2016 ay nakakuha na markang 35/100 at ika-101 sa 176 bansa sa mundo. Hindi
maganda ang markang ito spagkat kasama ang Pilipinas sa 120 bansa na ang marka ay hindi
man lang umabot ng 50. Ayon pa sa datos na ito, ang karamihan ng mga bansa sa Asya-
Pasipiko ay nasa pinakamababang mga rango. Makikita sa kanilang listahan na 19 mula sa 30
bansa sa rehiyon ang nakakuha lamang ng markanag 40 pababa mula sa pinakamataas na
marka na 100. Ayon sa pagsusuri ng Transparency International sa datos na ito, maituturing na
dahilan ng mababang markang ito sa Asya-Pasipiko ay ang sumusunod: hindi pagiging
accountable ang pamahalaan, kawalan ng sistema ng pagtingin sa gawain ng pamahalaan, at
lumiliit na espasyo para sa civil society.

Ang Global Corruption Barometer naman ng Transparency International ay ang kaisa-isang


pandaigdigang survey na nagtatanong ng opinyon ng mga tao tungkol sa katiwalian. Ayon sa
ulat nitong 2013, 19% ng mga respondent ang nagsabing lumala nang husto ang katiwalian sa
Pilipinas; 12% naman ang nagsasabing lumawak nang kaunti ang katiwalian; 31% ang
nagsasabi na walang pinagbago sa katayuan ng katiwalian sa bansa; 35% ang nagsabing
nabawasan ng kaunti; 12% ang nagsasabing malaki ang ibinaba ng katiwalian.

Hindi natin maipagkakailang malaki ang problema ng ating bansa kung demokrasiya ang
pag-uusapan. Kaya naman mahalaga ngayong kumilos ang mamamayan para tugunan ang mga
isyu at suliraning ito. Nararapat na hingin ng mamamayan sa pamahalaan ang pagbabagong
ating hinahangad. (Draft Kontemporaryong Isyu, p. 411-412)

3
Participatory Governance

Ang participatory governance ay isang mahalagang paraan ng mamamayan para


maisakatuparan ang ating iginigiit na pagbabago sa pamahalaan. Ito ay isang uri ng pansi-
bikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan
sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng solusyon sa suliranin ng bayan. Dito ay aktibong
nakikipag-ugnayan ang mamamayan sa pamahalaan upang bumuo ng mga karampatang
solusyon sa mga hamon ng lipunan.

Ang ganitong uri ng isang tahasang pagtaliwas sa tinatawag na ‘elitist democracy’ kung
saan ang desisyon para sa pamamahala ay nagmumula lamang sa mga namumuno. Ngunit may
mga namumuno sa pamahalaan na ang iniisip lamang ay ang kanilang sariling interes at hindi
ng buong bayan. Kung ang kapangyarihan ng isang estado ay tunay na nagmumula sa mga
mamamayan, mahalagang makisangkot ang mga mamamayan sa pamamahala dahil mas
magiging matagumpay ang isang proyekto kung malaki ang partisipasyon dito ng mamamayan
(Koryakov & Sisk, 2003). Ang participatory governance ay magdudulot ng pagbuo ng social
capital o ang pagbuo ng tiwala sa pagitan ng pamahalaan, civil society at mamamayan, na isang
mahalagang elemento sa isang demokrasiya at mabuting pamamahala.

Maraming paraan ang participatory governance na maaaring gawin upang mapaunlad ang
isang bansa. Isang paraan ng pagsasagawa ng participatory governance ay ang pangangalap at
pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan. Ang mga halimbawa nito ay ang pagdalo sa mga
public hearing at pagsasagawa ng mga survey. Maituturing din bilang paraan ng participatory
governance ang pagsama ng mga mamamayan sa mga consultation tungkol sa mga isyung
mahalaga para sa bayan. Dito hinihingi ng pamahalaan ang opinyon ng mamamayan sa
napapanahong mga isyu at sa mga programang ipatutupad nito. Ayon sa ilang eksperto, mas
magiging aktibo ang paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan kung sila ay kasama mismo sa
pagbuo ng mga programa at paggawa ng mga desisyon ng pamahalaan. Sa paraang ito, hindi
lamang hinihingi ng pamahalaan ang opinyon ng mamamayan kundi ay magkatuwang nilang
ginagawa ang mga programa nito. Sa kabila nito, maituturing na ang pinakamataas na paraan
ng pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala ay kung kasama sila ng pamahalaan sa
mismong pagpapatupad ng mga programa nito (Koryakov & Sisk, 2003).

Pagsasagawa ng Participatory Governance

Ang participatory governance ng lungsod ng Naga ay nakaangkla sa sumusunod na


prinsipyo (ANGOC, 2006)

• Proressive development perspective- tumutukoy ito sa paniniwalang kayang magbago ang


mga lumang sistema ng pamahalaan para sa ikabubuti ng mamamayan, pagbuo at
pagkuha ng tiwala ng mamamayan, pagpapatatag ng kakayahan ng pamahalaan.

Functtional partnerships- walang monopolyo ang lokal na pamahalaan lalo na ang mga
opisyal nito sa pagbuo ng mga isinangkot ang mga NGOs at POs para sa produktibong
serbisyo sa mga Nagueno .(Draft Kontemporaryong Isyu p. 412 &418).

4
People’s Participation- Kinikilala nito ang napakahalagang papel ng mamamayan sa
pamamahala. Hindi magiging matagumpay ang anumang programa kung walang suporta
ng mamamayan..

PARTICIPATORY GOVERNANCE

PIGURA 1.

https://www.google.com/search?q=political+activities+in+the+philippines&tbm=isch&ved
= https://www.eaglenews.ph/pagmamahal-sa-kalikasan-at-kapuwa

PIGURA 2.

http://criss103.blogspot.com/2017/11/cagayahttps://www.google.com/search?q=political+
activities+in+the+philippines&tbm=isch&ved= n-farmer-leaders-attend.html

MGA GAWAIN

GAWAIN 1. PUSO KO, PULSO MO:

Panuto: Balikan ang pigura 1- Participatory Governance (pahina 4). Ipaliwanag sa isang (1)
pangungusap ang bawat katanungan sa sagutang papel.

1. Paano makatutulong ang pakikilahok ng mga mamamayan sa pag-unlad ng


bansa?
________________________________________________________________________

2. Para sa iyo, ano ang tungkol sa pigura 1?


________________________________________________________________________

5
GAWAIN 2: PAGHAHAMBING

Panuto: Paghambingin ang Flawed Democracy at Elitist Democracy.Tukuyin ang


kanilang pagkakaiba at pagkakatulad.

FLAWED ELITIST
DEMOCRACY DEMOCRACY DEMOCRACY

Pamprosesong Gawain

1. Ano ang Flawed Democracy at Elitist Democracy?


__________________________________________________________________

2. Paano sila magkatulad sa pamamahala?


__________________________________________________________________

3. Ipaliwanag kung saan sila magkaiba.


__________________________________________________________________

GAWAIN 3. MISSING LETTERS

Panuto: Punan ng wastong letra upang mabuo ang konsepto ng bawat pahayag. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. Pananaw ng mga eksperto tungkol sa lawak ng katiwalian sa isang bansa.

C _ R _ U P_ I _ N P E_ C E_ T I _ N IN_E_

2. Electoral process, civil liberties at functioning of government ay halimabawa ng:

DE_O__A_Y _N_EX

3. Paraan upang maisakatuparan ang iginigiit ng mga mamamayan na pagbabago.

_ A R _ I C _ P A _O R _ G _ V _ R _ A _C _

4. Kaisa-isang pandaigdigang survey na nagtatanong sa opiniyon ng mga tao tungkol sa


katiwalian sa kanilang bansa.

G_OB_L C_RR_PT_O_ B_ R _ M _ T _ R

5. Ang pamamahala ay nasa taong bayan, may partisipasyon ang taong-bayan.

D_M_CR_CY

6
TAYAHIN
I. Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Tumutukoy sa paniniwalang kayang magbago ang mga lumang sistema ng


pamahalaan para sa ikabubuti ng mamamayan, pagbuo at pagkuha ng tiwala
ng mamamayan, pagpapatatag ng kakayahan ng pamahalaan.
a. Proressive development perspective
b. Functional partnership
c. People’s Participation
d. People’s Organization

2. Ang lokal na pamahalaan ay nagpatupad ng mga programang mas nagpalakas sa


mekanismo ng participatory governance sa lungsod ng Naga. Ang isa rito ay ang
productivity improvement program. Ano ang layunin nito?
a. nag-aayos sa benepisyong nakukuha ng mga kawani sa lokal na pamahalaan.
b. upang maalis ang patronage system o padrino.
c. mas mapaayos ang serbisyong kanilang ibibigay sa mamamayan ng Naga.
d. Isang gabay na aklat na nagbibigay-impormasyon sa mamamayan tungkol sa
serbisyong pinagkakaloob ng lokal na pamahalaan.

3. Ang Participatory governance ay paraan upang maisakatuparan ang iginigiit ng


mga mamamayan na pagbabago. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan
sa Participatory Governance?
a. Ang mga mamamayan ang palaging nasusunod sa paggawa ng proyekto.
b. mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa pagbalangkas at
pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan.
c. Ang taong-bayan ang nag-iisip ng solusyon at hindi ang pamahalaan.
d. Ang pamahalaan lamang ang karapat-dapat na gumawa ng paraan o solusyon sa
mga isyung panlipunan.

4. Kinikilala ang napakahalagang papel ng mamamayan sa pamamahala. Alin dito


ang magpapatunay dito?
a. Tama ang pahayag dahil kung walang mamamayan, walang pamahalaan.
b. Mali dahil nakakaya ng pamahalaan ang pamamahala sa bansa na mag-isa.
c. Tama dahil ang tagumpay ng isang programa o proyekto ay responsibiidad ng
mamamayan at pamahalaan.
d. Mali dahil mamamayan lamang ang dapat na gumawa at mapatupad sa programa
ng pamahalaan.

7
5. Paano maisasakatuparan ang participatory governance upang mapaunlad ang isang bansa?
a. Pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mga tumutuligsa sa pamahaalaan.
b. Pakikilahok ng mga mamamayan mismo sa mga proyekto, programa at desisyon ng
pamahalaan.
c. Pagsama sa mga kumakalaban sa pamahalaan sa mga consultation tungkol sa
mahalagang isyu sa bayan.
d. Makibahagi sa mga proyektong nakabubuti sa sariling kapakanan.

6. Mahalaga ang pakikilahok ng mga mamamayan sa pagpapatupad ng mga programa at


proyekto ng pamahalaan. Paano maisasakatuparan ang participatory governance
upang mapaunlad ang isang bansa?
I. Pangangalap at pagbabahagi ng impromasyon sa mamamayan.
II. Pagsama sa mga mamamayan sa mga consultation tungkol sa mahalagang isyu
sa bayan.
III.Pakikilahok ng mga mamamayan mismo sa mga proyekto, programa at desisyon
ng pamahalaan.
IV.Maging aktibo sa pakikilahok sa mga organisasyon na taliwas sa mithiin
ng pamahalaan.
a. I, II, IV b. I, II, III, IV c. I, III, IV d. I, II, III

7. “Ang Pilipinas ay maituturing na Flawed Democracy na ang ibig sabihin ay may


malayang halalan at nirerespeto ang mga karapatan ng mamamayan nito ngunit
may mahinang politikal na pakikilahok ng mamamayan.” Ano ang ipinahihiwatig
ng pahayag?
a. Ibig sabihin ang Pilipinas ay hindi ganap na deomokratikong bansa.
b. Malaya ang mga mamamayan na gumalaw ng kanilang gusto.
c. Umaasa ang mga mamamayan sa mga halal na pinuno.
d.Ipinauubaya ang lahat ng pamamahala sa mga pinuno ng bansa.

8. Naging huwarang lungsod ang Naga dahil_____.


a. ito ay malawak na lungsod.
b. sa mga programa ng lokal na pamahalaan para sa ikauunlad ng bayan at ng
mga mamamayan nito.
c. sikat at magaling ang pinuno ng lungsod.
d. maraming populasyon.

9. Ano ang mahalagang epekto ng participatory governance?


a. magdudulot ng pagbuo ng tiwala sa pagitan ng pamahalaan, at mamamayan.
b. magbibigay ng kaniya-kaniyang desisyon tungkol sa pamamamahala.
c. magkakaroon ng malawakang pag-alsa.
d. magiging aktibo ang mamamayan sa pakikilahok laban sa pamahalaan

10. Kinikilala nito ang napakahalagang papel ng mamamayan sa pamamahala.


a. Functional Partnership c. Progressive Development Perspective
b. People’s Participation d. Non-Government Organization

8
II. Panuto: Suriin ang larawan sa pigura 2. Sagutin ang mga katanungan sa isang (1)
pangungusap. (5 puntos)

1. Paghambingin ang dalawang larawan.

________________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, anu-ano ang pinakamahalagang ipinapakita ng mga larawan, paano ito
makatutulong sa pagpapatupad ng mga gawain, programa at proyekto ng bansa?
_____________________________________________________________________

3. Bakit mahalaga ang Good Governance?


_____________________________________________________________________

III. Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang isa sa mahalagang katangian ng good governance ay ang maipatupad ang mga batas at
igalang ang karapatang pantao nang patas at walang kikikilingan.Ito ay tumutukoy sa:
a. governance b. good governance c. Participation d. Rule of Law

2.Maraming paraan ang participatory governance na maaaring gawin upang mapaunlad ang
isang bansa. Paano maipapakita ang paraan ng participatory governance?
a. Pagsama sa mga mamamayan sa mga consultation tungkol sa mga isyung mahalaga
para sa bayan.
b. Pagdalo sa mga kasiyahan kasama ag mga politiko.
c. Pagbigay ng mga tulong sa mga napiling nangangailangan.
d. Makilahok sa mga programa na may bayad o suweldo.

3. Ang good governance ay tumutukoy sa proseso kung saan ang mga pampublikong institusyo
ay naghahatid ng kapakanang pampubliko. Ang pahayag na ito ay ayon sa ___________.
a. Office of the Higher Comissioner of Human Rights (OHCHR)
b. Office of the Ombudsman
c. Office of Disaster Risk Reduction Management
d. Office of the President

4. Ang mahalagang katangian ng good governance maliban sa isa ay


a. Effectiveness b. Transparency c. Participatory d. Monopoly

5. Ayon sa pinuno ng Local Governance Citizens and Network, ang katangian ng mga ahensiya
at opisyal ng pamahalaan sa corporate sector, civil society organizations at partido politikal
ay _____________.
a. good attitude b. participatory c. governance d. magandang pakikisamuha

9
6. Ang sumusunod ay mahalagang tungkulin ng mga Non-Government Organizations (NGOs) at
People’s Organization (PO) sa Pilipinas sa kasalukuyan, maliban sa ____________.
a. Paglulunsad ng mga proyektong naglalayong paunlarin ang kabuhayan ng mga
mamamayan na hindi natutugunan ng pamahalaan.
b. Nagsasagawa ang NGO ng mga pagsasanay at pananaliksik tungkol sa adbokasiyan
kanilang ipinaglalaban upang magising ang kamalayan ng mamamayan.
c. Direktang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang maiparating sa kanila ang
hinaing ng kanilang sektor.
d. Pinapahalagahan lamang ng NGO at PO ang programa ng pamahalaan.

7. Sa pagkamit ng good governance, mahalagang katangian ang partisipasyon ng mamamayan.


Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng mabuting pamamahala?
a. nararapat na ipatupad ang mga batas at igalang ang karapatang pantao para sa
mayayaman,
b. pagbibigay sa bawat mamamayan ng pagkakataon na mapaunlad ang kanilan
kagalingan,
c. kakayanin ng pamahalaan ang epektibong pamamahala nang walang stakeholder
pampubliko o pribado
d.pinahahalagahan ang pag-iral ng kabutihan sa isang komunidad, organisasyon o bansa
para lamang sa mga mahihirap.

8. May limang kategorya ang pinagbabatayan ng Democracy Index na binubuo ng Economist


intelligence. Alin sa mga sumusunod na kategorya ang kabilang sa Index na ito?
a. civil society b. electoral process c. culture d. tradition

9. Isang pandaigdigang institusyong pinansyal na nagpapautang sa mga papaunlad na bansa.


a. Commercial Banks b.International bank c. World bank d. Land bank

10. Nagbibigay suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng legal at medikal


na mga serbisyo.
a. Traditional NGO (TANGO)
b. Development, Justice and Advocacy NGOs (DJANGOs)
c. Genuine, Autonomous POs (GUAPO)
d. Professional Academic and Civic Organization (PACO)

10
SAGOT SA MGA GAWAIN

5. Democracy
GAWAIN 1. PUSO KO, PULSO (Base sa guro) 4. Global Corruption Index
3. Participatory Governance
2. Democracy Index
1. Corruption Perception Index
GAWAIN 3. MISSING LETTERS
GAWAIN 2. PAGHAHAMBING (Base sa guro

SANGGUNIAN

https://www.google.com/search?q=political+activities+in+the+philippines&tbm=isch&ved=

https://www.google.com/search?q=political+activities+in+the+philippines&tbm=isch&ved=

https://www.eaglenews.ph/pagmamahal-sa-kalikasan-at-kapuwa

http://criss103.blogspot.com/2017/11/cagayan-farmer-leaders-attend.html

Draft Kontemporaryong Isyu, Yunit IV: Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamamayan p. 410, 411,
412, 413,418

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL

Manunulat Zenaida T. Celis


Tagasuri
Dr. Marilex A. Tercias Dr. Alberto O. Rabang
Ma. Jocelyn J. Sotong Aloha P. Molina
Jo Ann B. Domaoal Nelson T. Ocasion
Tagalapat Geni M. Sarmiento
Tagapamahala
Dr. Danilo C. Sison Dr. Arlene B. Casipit
Dr. Cornelio R. Aquino Dr. Jerome S. Paras
Dr. Maybelene C. Bautista

11
12
III. TAYAHIN
1. B 2.A 3.A 4.D 5.C
6.D 7.A 8.B 9.C 10.B
II. TAYAHIN (BASE SA GURO)
I. TAYAHIN
1.A 2.A 3.B 4.C 5.B
6.D 7.A 8.B 9.A 10.B
SAGOT SA TAYAHIN

You might also like