You are on page 1of 18

Araling Panlipunan

Kontemporaryong Isyu
Ikaapat na Markahan-Modyul 4
PANSIBIKONG PAKIKILAHOK
10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Aralin 3- Pansibikong Pakikilahok
Araling Panlipunan – Ikasampu na Baitang
Ikaapat na Markahan- Modyul 4: Pansibikong Pakikilahok
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module

Writers: Dr. Rosana J. Garbo, MT1 AP Dept.


Editors: ___________________
Reviewers: ___________________
Illustrator: ___________________
Layout Artist: Gerald L. Bernardo
Management Team:

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Office Address: _____________________________________________________


_____________________________________________________
Telefax: _____________________________________________________
E-mail Address: _____________________________________________________
Paunang Salita

Ang modyul na ito sa Araling Panlipunan-Kontemporaryong Isyu ay suplementaryong


materyal na nakabatay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) na magagamit ng
mag-aaral sa ikasampu na baitang upang matutunan ang mga paksa sa Ikaapat na Markahan.

Nilalaman ng Modyul na ito ang kahalagahan ng pag-aaral ng Isyung Panlipunan na nakatuon


sa Kasanayang Pagkatuto- Aralin 3. Ito ay ang kahalagahan at epekto ng pakikilahok ng
mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika at lipunan.

Sa paggamit ng modyul na ito ay inaasahang matututunan ang mga itinadhana ng Kagawaran


ng Edukasyon tungo sa pagkamit ng mga kasanayang pang-21 siglo at mga pamantayang
itinakda ng K-12 kurikulum.

Para sa Magulang/Tagapatnubay ng Mag-Aaral:

Malaki ang bahaging ginagampanan ng magulang sa pagkatuto ng mag-aaral. Ang inyong


paggabay sa bawat aralin at mga gawaing nasa modyul na ito ay lubos na napakahalaga.
Bilang magulang o tagapatnubay ng mag-aaral kayo rin po ay magsisilbing guro ng inyong
anak katuwang ng guro sa Araling Panlipunan. Sa panahong ito ng pandemya, na kung saaan
ang buong mundo ay humaharap sa napalaking hamong ito sa larangan ng Edukasyon. Ang
pagtutulungan at bukas na komunikasyon ay inaasahan upang makamit ang mga kasanayang
dapat matutunan ng mag-aaral sa modyul na ito. Kung may mga paksa at gawaing hindi
maunawaan kung paano ito isasagawa, huwag mag atubiling makipag- ugnayan sa guro ng
inyong anak sa asignaturang Araling Panlipunan.

Para sa Mag-aaral:

Inaasahan na pag-aaralan at uunawaing mabuti ang mga paksang nakapaloob sa modyul na


ito. Sikaping masagutan ang mga gawain ng tapat at seryoso upang matugunan ang mga
kailangang kasanayang pampagkatuto. Gayunpaman, sakaling mahirapan sa pag-unawa sa
mga konseptong pang ekonomiya huwag mag-atubiling lumapit sa iyong guro sa Araling
Panlipunan.

Layon ng may-akda na mapagtagumpayan at matutunan mo ang mga paksa o aralin sa


modyul na ito. Nawa’y makatulong sa iyong pag-aaral ang modyul na ito upang kahit ikaw ay
nasa tahanan lamang dahil sa pandemyang nararanasan ay mangibabaw ang karunungang
magagamit mo sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Narito ang mga dapat tandaan sa paggamit ng modyul:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
ARALING PANLIPUNAN 10
KONTEMPORARYONG ISYU

Aralin
3
Pansibikong Pakikilahok

PANIMULA
Ang modyul na ito ay tungkol sa papel ng mamamayan para sa pagbabagong
panlipunan. Malalaman mo rin dito na ang mamamayan ay bahagi at haligi ng lipunan.
Ang katayuan at kaanyuan ng lipunan ay larawan ng mga mamamayang bumubuo nito.
Sa araling ito ay iyong mauunawaan ang mga paraan ng pansibiko na pakikilahok.
Ang mga paraang ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mamamayan para makamit ang
minimithing kaunlaran ng bansa.

ALAMIN

Inaasahang makakamit sa modyul na ito ang sumusunod na pamantayan sa pagkatuto:

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap


Ang mga mag-aaral ay may pag- Nakagagawa ng pananaliksik tungkol
unawa sa kahalagahan ng sa kalagayan ng pakikilahok sa mga
pagkamamamayan at pakiki-lahok sa gawaing pansibiko at politikal ng mga
mga gawaing pansibiko at politikal mamamayan sa kanilang sariling
tungo sa pagkakaroon ng pamayanan pamayanan.
at bansang maunlad, mapayapa, at
may pagkakaisa.

MGA TIYAK NA LAYUNIN


• Naipaliliwanag ang kahulugan ng pansibikong pakikilahok.
• Natutukoy ang mga katangian ng isang aktibong mamamayan.
• Nauunawaan ang kahalagahan at epekto ng pakikilahok ng mamamayan sa mga
gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika at lipunan.

SUBUKIN
Gawain: IS IT A FACT OR BLUFF?
Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Isulat ang FACT kung ito ay tama at BLUFF
kung ito ay mali. Ilagay ang iyong sagot sa isang buong papel.

1. Ang civil society ay isang sektor ng lipunan na bahagi ng estado kung saan
maaaring maiparating ng mamamayan ang kaniyang pangangailangan sa
pamahalaan.

1
2. Ang mga frontliners sa ilalim ng covid 19 pandemic ay bahagi ng political
participation.
3. Isang uri ng Civil Society ang Non-Governmental Organization na naglalayong
suportahan ang mga programa ng People’s Organization.
4. Si Abraham Lincoln na dating pangulo ng Estados Unidos ang nagpasikat ng
katagang “Don’t ask what your country can do for you, but ask yourself what
you can do to your country’.
5. Sa Pilipinas hindi pinahihintulutang makilahok ang civil society sa mga gawaing
pang-ekonomiya o pangkabuhayan.
6. Ang mamamayan ang katuwang o best partner ng pamahalaan sa pag-unlad ng
isang bansa.
7. Sinasabi na sa Pilipinas ang lahat ng indibiduwal ay maaaring makilahok sa mga
pansibikong gawain.
8. Ayon kay Henry Sy “If you born poor it’s not your fault but if you die poor it’s your
big fault”.
9. Ang grassroots organization ay kilala rin sa tawag na Non-governmental
Organization.
10. Ang GMA Kapuso Foundation ay isang halimbawa ng NGO’s.
11. Ang NGO’s at People’s Organization ay kaagapay ng pamahalaan sa mga
suliraning pang-ekonomiya.
12. Ang civil society ay isang samahan na humahadlang sa pag-unlad ng isang bansa.
13. Ang mga ecclesiastical group ay maaaring maging bahagi din ng NGO’s at ng
People’s Organization.
14. Ang pagiging makabayan ay isang katangian ng aktibong mamamayan.
15. Ang pagbibigay ng serbisyo o pinansyal na tulong sa panahon ng kalamidad ay
isang halimbawa ng pakikilahok pansibiko.

BALIKAN
Gawain: BUUIN MO!
Panuto: Isulat sa kahon ang mga nawawalang letra upang mabuo ang salita, pagkatapos
ay ipaliwanag ang kahulugan nito sa patlang. Ilagay ang iyong sagot sa isang buong
papel.

I R S L R T N

O U A I T

______________________________________________________________

______________________________________________________________

2
______________________________________________________________

TUKLASIN

GAWAIN: K-W-L-S Chart


Panuto: Masdan mo ang K-W-L Chart sa ibaba. Sikaping makapagtala ng tatlong sagot
sa bawat hanay. Iwan munang blangko ang bahagi ng “Learned” sapagkat ito ay
sasagutan lamang sa sandaling matapos na ang aralin. Gamiting gabay ang mga
pamprosesong tanong sa talakayan. Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.

(KNOW) (WANT) (LEARNED)


Mga Bagay na Alam Ko Na Mga Gusto Kong Malaman Mga Natutunan ko

_______________ ________________ _________________


_______________ ________________ _________________
_______________ ________________ _________________

_______________ ________________ _________________


_______________ ________________ _________________
_______________ ________________ _________________

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pagkakatulad ng iyong sagot sa hanay ng KNOW at WANT?
2. Sa iyong palagay, marami ka pa bang dapat malaman tungkol sa paksa na
pansibikong pakikilahok?

Ang bahaging ito ng aralin ay tumatalakay sa mga paraan kung paano aktibong makikilahok
ang mamamayan sa mga gawaing magpapabuti sa pamamalakad ng pamahalaan at ng
kapakanan ng buong bayan.

SURIIN
Kahulugan ng Pansibikong Pakikilahok at Civil Society

Ang pakikilahok pansibiko o civic participation ay tumutukoy sa kolektibong gawain


tungo sa paglutas ng mga isyung pampubliko. Ang kagalingan ng ating bansa ay

3
nakasalalay sa atin. Tungkulin natin ang makilahok sa mga gawaing pansibiko upang
makatugon tayo sa pangangailangan ng ating pamayanan at bansa. May mga katangian
na dapat taglayin bilang aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga gawaing pansibiko.
Una ang pagiging makabayan, isang katangian na dapat nating taglayin na kung saan
bilang mamamayan ng bansa ay sikapin ang pagbubuklod at pagkakaisa. Sa ating
pagsisikap maipapakita natin ang tunay na pagmamahal sa bayan at pagbubuklod sa
ating mga kababayan. Ikalawa - makatao, ang bawat tao ay may karapatan na dapat
igalang, isaalang-alang at protektahan. Bilang mga mamamayan dapat nating itaguyod
ang karapatan ng bawat isa. Ikatlo - produktibo, ang aktibong mamamayan ay
nagtatrabaho sa maayos at tamang paraan, pinabubuti niya ang anumang gawain sa
abot ng kanyang makakaya at ng may pagkukusa. Sa pagiging produktibo ng mga
mamamayan ito ang magiging daan sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Ikaapat –
matulungin sa kapwa, ang aktibong mamamayan ay tumutulong sa kapwa upang
makapamuhay ng marangal, payapa at masagana. ikalima– makasandaigdigan, ang
aktibong mamamayan ay mamamayan ng kanyang bansa gayon din ng mundo.
Isinasaalang-alang niya ang kagalingan ng kanyang sariling bansa pati na ang buong
mundo.
Sa pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko ay lubhang
makakatulong para maging maunlad ang ating pamayanan at bansa, ito ang binigyan
diin sa kasabihan na nilikha ni John F. Kennedy dating pangulo ng Estados Unidos “
Don’t ask what your country can do for you, but ask yourself what you can do for
your country”. Kaugnay sa kasabihan na ito, isang paraan ay ang pagsali sa mga civil
society na kung saan ito ay isang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado, ito ay binubuo
ng mga mamamayan nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos at mga Non-
Governmental Organization/People’s Organization. Nilalayong ng civil society na maging
kabahagi sa pagbabago ng mga polisiya at maggiit ng accountability (kapanagutan) at
transparency (katapatan) mula sa estado. Ang samahan na tinatawag na Non-
Governmental Organizations (NGOs) at People”s Organization ( PO”s) ay mahalagang
bahagi ng civil society. Ayon kay Horacio Morales (1990) “People empowerment entails
the creation of parallel system of people”s organizations as government partner in
decision making.” Ibig sabihin mahalaga ang pagbuo ng mga organisasyon ng
mamamayan dahil ito ang magiging katuwang ng pamahalaan sa pagbuo ng mga
programa para sa ikakauunlad ng bayan. Ayon naman kay Randy David (2008), sa
pamamagitan ng civil society ang mga mamamayan ang pinanggagalingan ng soberenya
ng isang estado. Sa pamamagitan ng paglahok sa civil society ang mga mithiin ng mga
mamamayan ang magiging batayan ng buong estado sa pamamhala ng isang bansa.Sa
katunuyan kinilala ng saligang batas ng 1987 ang kahalagahan ng samahan na ito sa
pagtaguyod ng kaunlaran “ the state encourage non-governmental, community based, or
sectoral organization to effective and reasonable participation at all levels of social,
political and economic decision making.

4
Ipinaliwanag ni Constantino-David (1998) ang mga bumubuo sa civil society. Ito
ay binubuo ng mga kilos protesta, mga lipunang pagkilos, at mga voluntary
organization.Ang huli ay nahahati sa dalawang kategorya: ang mga grassroots
organizations o people’s organizations (POs); at ang mga grassroot support
organizations o non-governmental organizations (NGOs). Ang mga POs ay naglalayong
protektahan ang interes ng mga miyembro nito.Dito nahahanay ang mga sectoral group
ng kababaihan, kabataan, magsasaka, mangingisda, at mga cause-oriented group. Sa
kabilang banda, ang mga NGOs ay naglalayong suportahan ang mga programa ng mga
people’s organization. Magkaiba man ang layunin ng dalawang uri ng samahan,
nagkakapareho naman ang mga ito sa mga gawain tulad ng pagsusulong ng mga
adbokasiya, pagsasagawa ng mga kampaniya at lobbying, at pakikilahok sa mga gawain
sa lipunan.
Sa Pilipinas, tinatayang noong
dekada 1960 nagsimulang mabuo ang
Mga Halimbawa ng NGOs mga NGO sa kasalukuyan nitong anyo
Operation Smile Foundation
(Constantino-David, 1998). Ang mga
“to mobilize a world of generous hearts to heal NGO na nabuo sa panahong ito at sa
children’s smiles and transform lives; and to
provide free constructive surgery to indigent
sumunod na dekada ay naglalayong
Filipino children afflicted with cleft lip, cleft palate, tuligsain ang mga hindi makataong
and other facial deformities”
patakaran ng pamahalaan at tulungan
Haribon Foundation for the Conservation of ang mamamayan na makaahon sa
Natural Resources
“to contribute to national development through kahirapan. Ibig sabihin, ang mga NGO ay
pure and fundamental and / or applied research nabuo bilang tugon ng mamamayan sa
and/or creative work in environmental protection,
natural resources conservation, wildlife kabiguan ng pamahalaan na tugunan
management, and tribal culture.” ang mga suliranin ng mamamayan at sa
pananaw na ang pamahalaan ay isa sa
mga dahilan ng paghihirap nila.
Kasabay ng pag-usbong ng maraming mga NGO ay ang paglawak ng kanilang
kahalagahan sa lipunang Pilipino. Ang Local Government Code of 1991 ay isang
mahalagang patunay sa papel na ginagampanan ng mga NGO. Ayon dito, kailangang
magkaroon ng konsultasyon sa mga NGO at PO ang mga ahensya ng pamahalaan para
sa mga programang ilulunsad nito. Nakasaad din sa batas na ito ang pagbuo ng mga
local development council sa bawat lokal na pamahalaan. Ang layunin nito ay bumuo ng
isang komprehensibong plano para makamit ang kaunlaran sa mga bayan, lungsod, o
lalawigan. Hindi dapat bumaba sa 25% ng mga miyembro ng local development council
ang manggagaling sa mga NGO at PO. Dahil sa mga probisyong ito, binigyan ng
pagkakataon ang mamamayan na makibahagi sa mga pagbuo at pagpapatupad ng mga
programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga NGO at PO. Isa itong patunay na
hindi lamang nalilimitahan sa pagboto ang maaaring gawin ng mamamayan para
pagbutihin ang kalagayan ng bansa.

5
Tungkulin ng NGO at PO
Maraming iba’t ibang uri ng NGO at PO ang makikita sa Pilipinas at bawat isa ay may
kani-kaniyang tungkulin sa bayan. (Putzel, 1998)
• TANGOs (Traditional NGOs) – nagsasagawa ng mga proyekto para sa mahihirap
• FUNDANGOs (Funding-Agency NGOs) – nagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga
people’s organization para tumulong sa mga nangangailangan.
• DJANGOs (Development, justice, and advocacy NGOs) – Nagbibigay suporta sa
mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng ligal at medikal na mga
serbisyo.
• PACO (Professional, academic, and civic organizations) – binubuo ng mga
propesyonal at ng mga galing sa sektor ng akademiya.
• GRIPO (Government-run and inititated POs) – mga POs na binuo ng pamahalaan
• GUAPO (Genuine, autonomous POs) – ito ay mga POs na itinayo mula sa
inisyatibo ng mamamayan at hindi ng pamahalaan.
• Bakit mahalagang makilahok ang mamamayan sa mga ganitong uri ng samahan?
Ayon kay Larry Diamond (1994), ang paglahok sa mga ganitong samahan ay isang
mahusay na pagsasanay para sa demokrasiya. Sa pamamagitan ng paglahok sa
mga NGO at PO ay mas napaghuhusay ng mamamayan ang kanilang kakayahan
para sa mas aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlipunan. Pinagyayaman din
ng mga samahang ito ang pagiging bukas ng mga tao sa paniniwala ng iba, at
pagkilala at pagrespeto sa karapatang pantao; ito ay mahahalagang katangian ng
isang mabuti at aktibong mamamayan na lubhang napakahalaga sa isang
demokrasiya.
Sa kabuuan, ang civil society ay nakabubuti sa isang demokrasiya. Binibigyan ng civil
society ang mga mamamayan ng mas malawak na pakikilahok sa pamamahala ng isang
bansa. Sa pamamagitan ng pag-enganyo sa mga mamamayan sa mga gawain ng civil
society, masisiguro na magkakaroon ng pananagutan ang bawat opisyal ng pamahalaan
sa kanilang tungkulin (Bello, 2000).

PAGYAMANIN

GAWAIN 1: GRAPHIC ORGANIZER


Panuto: Tapusin ang graphic organizer at ipakita ang mga mabuting katangian ng mga
mamamayan para makalahok sa mga gawaing pansibiko. Maaaring magdagdag ng mga
guhit. Ilagay ang iyong sagot sa isang buong papel.

6
Mga Katangiang Dapat
Taglayin

Pamprosesong Tanong:
Paano makakatulong ang mga katangian ng isang aktibong mamamayan sa pag-unlad
ng isang bansa?

GAWAIN 2.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga proyekto at programa na maaari mong salihan at
suportahan na magpapatunay ng pagiging aktibong mamamayan. Lagyan ng tsek (/)
ang hanay na nagpapakita ng iyong damdamin sa pagsasagawa ng mga sumusunod.
Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.

PROGRAMA

1. Pagboboluntaryo bilang assistant sa Day


Care Center

2. Nagbabahagi ng kaalaman (libreng tutorial)

3. Reforestation Program

4. Pagsasaayos ng basura/waste management

5. Clean and Green Campaign

6. Feeding Program

7. Programang Pangkabuhayan

8. Programang Pangkalusugan

7
9. Rehabilitation Program (Manila Bay)

10. Sagip Bata Program (Laban sa Iligal na


Droga)

Pamprosesong Tanong:

Paano mo maipapakita ang iyong aktibong partisipasyon bilang mamamayan ng bansa?

Mga Epekto ng Pakikilahok ng Mamamayan sa mga Gawaing Pansibiko

Sa Kabuhayan
Madaling maisasagawa ang mga gawain at proyekto kung lahat ng mga
mamamayan ay nakikilahok sa mga gawaing pansibiko at nagtutulungan.
Ang pagtutulungan ay nakapagbubuklod sa atin. Nagiging daan ito upang tayo ay
magkaisa. Sa ganitong paraan, mas madaling makamit ang mithiing umunlad ang
pamumuhay sa bansa.

Sa Lipunan
Magiging maayos at tahimik ang ating pamayanan at bansa kung nakikilahok tayo
sa mga gawaing pansibiko, nagtutulungan, at tumutupad sa mga batas. Mas matiwasay
at masaya ang mga naninirahan dito.

Sa Politika
Makakamit ang maayos at matapat na pamahalaan kung pipiliin natin ang mga
manunungkulan sa ating pamahalaan.
Mithiin nating mga Pilipino ang magkaroon ng matapat na pamahalaan. Ayaw natin
na tayo ay dinaraya at inaabuso. Kung ang katiwalian sa pamahalaan ay masusugpo,
magiging mabilis ang pag-unlad sa bansa.

GAWAIN 3. MAY MAGAGAWA AKO!


Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang iyong sagot
sa isang buong papel.

SITWASYON 1 SITWASYON 2 SITWASYON 3

Napanuod mo sa
Ang inyong barangay
telebisyon na marami Marami sa mga ay may ordinansa
ang naging biktima ng kababayan nating tungkol sa pagsuot
pagputok ng Bulkang Pilipino ang ng face mask bilang
Taal sa lalawigan ng nakaranas ng gutom proteksyon laban sa
Batangas na nagdulot dahil sa pagkawala COVID-19 ngunit
ng pagkasira ng ng trabaho na napansin mo na
kabuhayan at ilang epekto ng COVID-19. marami ang hindi
ari-arian ng mga Ano ang magagawa sumusunod. Ano ang
kababayan natin doon. mo? magagawa mo?
Ano ang magagawa mo?

8
Pamprosesong Tanong:

Bakit mahalaga ang aktibong pakikilahok ng mamamayan sa paglutas sa mga suliranin


ng isang bansa?

GAWAIN 4. TILAMSIK KAALAMAN


Panuto: Gumawa ng isang editorial cartoon na nagpapakita ng kahalagahan ng
pansibikong pakikilahok ng mga mamamayan sa pag-unlad ng isang bansa. Iguhit ang
iyong ideya sa bond paper.

Pamprosesong Tanong:

Ipaliwanag kung bakit kailangang malaman at maunawaan ng bawat indibidwal ng bansa


ang katagang ito “Don’t ask what your country can do for you but ask yourself what
you can do to your country”.

ISAISIP

• Ang Pakikilahok Pansibiko ay tumutukoy sa kolektibong gawain tungo sa paglutas


ng mga isyung pampubliko na lubhang nakatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.

• Ang kagalingan ng ating bansa ay nakasalalay sa bawat indibiduwal ng bansa, na


may tungkuling makilahok sa mga gawaing pansibiko at pampolitika na
makatutugon sa pangangailangan ng ating bansa.

• Ang isang aktibong mamamayan ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian


tulad ng pagiging makabayan, makatao, produktibo, matulungin, at
makasandaigdigan.

• Ang mga nabanggit na katangian ang magsisilbing mahalagang sandata ng isang


bansa tungo sa kaunlaran.

9
ISAGAWA
Magtala ng mga gawaing pansibiko na isinasaad sa loob ng kahon at magbigay ng
paliwanag. Ilagay ang iyong sagot sa isang buong papel.

Namasid sa inyong
Napanood sa Telebisyon
Komunidad
______________________________ ____________________________
______________________________ ____________________________
______________________________ ____________________________
______________________________ ____________________________
______________________________

TAYAHIN
Panuto. Suriin ang pangungusap at isulat ang T kung ito ay tama at kung mali palitan
ang mga salitang may salungguhit upang maging tama ang pahayag. Ilagay ang iyong
sagot sa isang buong papel.

1. Ang civil society ay isang sektor ng lipunan na bahagi ng estado kung saan
maaaring maiparating ng mamamayan ang kaniyang pangangailangan sa
pamahalaan.
2. Ang mga frontliners sa ilalim ng COVID-19 pandemic ay bahagi ng political
participation.
3. Isang uri ng Civil Society ang Non-Governmental Organization na naglalayong
suportahan ang mga programa ng People’s Organization.
4. Si Abraham Lincoln na dating pangulo ng Estados Unidos ang nagpasikat ng
katagang “Don’t ask what your country can do for you, but ask yourself what
you can do to your country’.
5. Sa Pilipinas hindi pinahihintulutan makilahok ang civil society sa mga gawaing
pang-ekonomiya o pangkabuhayan.
6. Ang mamamayan ang katuwang o best partner ng pamahalaan sa pag-unlad ng
isang bansa.
7. Sinasabi na sa Pilipinas ang lahat ng indibiduwal ay maaaring makilahok sa mga
pansibikong gawain.
8. Ayon kay Henry Sy “If you born poor it’s not your fault but if you die poor it’s your
big fault”.
9. Ang grassroots organization ay kilala rin sa tawag na Non-governmental
Organization.
10. Ang GMA Kapuso Foundation ay isang halimbawa ng NGO.
11. Ang People’s organization ay kilala din sa tawag na grassroot support
organizations.
12. Ang civil society ay isang samahan na humahadlang sa pag-unlad ng isang bansa.
13. Ang mga ecclesiastical group ay maaaring maging bahagi din ng NGO’s at ng
People’s Organization.
10
14. Ang pagiging makabayan ay isang katangian ng aktibong mamamayan.
15. Ang pagbibigay ng serbisyo o pinansyal na tulong sa panahon ng COVID-19
pandemic ay isang halimbawa ng pakikilahok pansibiko.

KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Buuin ang talaan ng mga gawaing pansibiko batay sa iyong sariling karanasan.
Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.

Nagawa Ko Na…. Mga Dahilan

Balak Kong Gawin…. Mga Dahilan

Hindi ko Mga Dahilan


Magagawa….

1. Paano nakatutulong ang pakikilahok sa mga gawaing pansibiko sa kaunlaran ng


bansa?
2. Ano ang maaaring mangyari kung hindi lumalahok ang mga mamamayan sa mga
gawaing pansibiko?

11
III. SUBUKIN
Gawain: IS IT A FACT
OR BLUFF? IV. BALIKAN PAGYAMANIN 1: GRAPHIC
1. BLUFF Gawain: BUUIN MO! ORGANIZER
2. BLUFF Sagot: Universal Declaration of Sagot: Makabayan, Makatao,
3. FACT Human Rights Produktibo, Matulungin sa
4. BLUFF Paliwanag kapwa, Magkansandaigdigan
5. BLUFF (Depende sa sagot ng Mag- Pamprosesong Tanong
6. FACT aaral) (Depende sa sagot ng Mag-
7. FACT aaral)
8. BLUFF
9. BLUFF V. TUKLASIN
10. FACT Gawain: K-W-L-S Chart PAGYAMANIN 2
11. FACT (Depende sa sagot ng Mag- (Depende sa sagot ng Mag-
12. BLUFF aaral) aaral)
13. FACT Pamprosesong Tanong Pamprosesong Tanong
14. FACT (Depende sa sagot ng Mag- (Depende sa sagot ng Mag-
15. FACT aaral) aaral)
VIII. ISAGAWA X. KARAGDAGANG
PAGYAMANIN 3. MAY
(Depende sa sagot ng Mag-aaral) GAWAIN
MAGAGAWA AKO!
(Depende sa sagot ng
(Depende sa sagot ng Mag-aaral)
Mag-aaral)
Pamprosesong Tanong
(Depende sa sagot ng Mag-aaral)
IX. TAYAHIN
1. Hiwalay
2. Civic Participation
PAGYAMANIN 4. TILAMSIK 3. T
KAALAMAN 4. John F. Kennedy
(Depende sa sagot ng Mag-aaral) 5. Pinahihintulutan
Pamprosesong Tanong 6. T
(Depende sa sagot ng Mag-aaral) 7. T
8. Bill Gates
9. Grassroot Support Organization
10. T
11. T
12. Sumusuporta
13. T
14. T
15. T
SUSI SA PAGWAWASTO:
SANGGUNIAN:
Antonio, Dallo, Imperial, Samson at Soriano 2017. Kayamanan: (MgaKontemporaryong
Isyu) Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan, BinagongEdisyon. Quezon City
Rex Bookstore, Inc (RBSI)
Grade 10 Araling Panlipunan Learning Materials Teacher’s Guides

ELEKTRONIKONG SANGGUNIAN:

Bello, W. (2000, May). Civil Society as Global Actor: Pitfalls and Promises. Retrieved
February 15, 2017, from Global Policy:
https://www.globalpolicy.org/component/content/article/177/3163 1.html Blair, H. (2012).
Constantino-David, K. (1998). From the Present Looking Back: A History of the Philippine
NGOs. In G. S. Noble, Organizing for Democracy: NGOs, Civil Society, and the Philippine
State (p. 6). Honolulu: University of Hawai'i Press.
https://www.google.com/search?q=blackboard%20clipart&tbm=isch&tbs=rimg%3ACYK
yA3qb5l0nYRKLkKa7mjOx&hl=en&sa=X&ved=0CBwQuIIBahcKEwi4rueS0-
jqAhUAAAAAHQAAAAAQCQ&biw=1082&bih=507#imgrc=6TVK-B4ABtW6GM
https://www.dreamstime.com/illustration/kid-idea.html
https://www.pinterest.ph/pin/798192733933282769/
https://www.pinterest.ph/pin/752453050226132297/
Putzel, J. (1998). Non-Governmental Organizations and Rural Poverty. In G. S. Noble,
Organizing for Democracy: NGOs, Civil Society, and the Philippine State (pp. 77-79).
Honolulu: University of Hawai'i Press.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Kagawaran ng Edukasyon- Justice Cecilia Munoz Palma High School
Molave St. Payatas B, Quezon City
Telefax:
E-mail Address: rosana.garbo@depedqc.ph

You might also like