You are on page 1of 5

Wastong Gamit ng

Simbolismo at
Matalinhagang
Pananalita
Ang matatalinghagang pahayag o
pananalita ay may malalim o hindi
lantad na kahulugan. Sinasalamin
ng paggamit nito ang kagandahan
at pagkamalikhain ng anumang
wika.
Halimbawa:
1. butas ang bulsa - walang pera
2. ilaw ng tahanan - ina
3. kalog na ang baba - gutom
4. alimuom - tsismis
5. bahag ang buntot – duwag

Bakit kaya rito sa mundong ibabaw


Marami sa tao’y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.
(Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia
Realubit)
Ang simbolismo naman ay
naglalahad ng mga bagay, at
kaisipan sa pamamagitan ng
sagisag at mga bagay na mahiwaga
at metapisikal. Ito ay ordinaryong
bagay, pangyayari, tao, o hayop na
may nakakabit na natatanging
kahulugan.
Halimbawa:
1. silid-aklatan- karunungan o kaalaman
2. gabi- kawalan ng pag-asa
3. pusang-itim-malas
4. tanikalang-bakal-kawalan ng kalayaan
5. bulaklak- pag-ibig

Palay siyang matino,


Nang humangi’y yumuko,
Nguni’y muling tumayo:
Nagkabunga ng ginto!
(Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos)
Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa
taong dumaan sa pagsubok na kaniyang
nilampasan at nagsilbing susi sa kaniyang
pagtatagumpay.

You might also like