You are on page 1of 14

KAGAWARAN NG EDUKASYON

REHIYON VII
DIBISYON NG MANDAUE
Plaridel St., Mandaue City

Para sa Filipino 10
IKATLONG MARKAHAN-LINGGO 1

SARILING LINANGAN KIT

1
PANIMULA

Ang Republika ng Kenya ay isang bansa sa Silangang Africa. Napalilibutan ito ng


Ethiopia sa Hilaga, Somalia sa Hilagang-Silangan, Tanzania sa Timog, Uganda sa
Kanluran, at Sudan sa Hilagang Kanluran. Kasama ang karagatang Indian sa Timog-
Silangan. Mayaman ang bansa sa mga akdang pampanitikan, sining sa inukit na bato,
arkitektura ang mga palasyo, at museo na yari sa putik, may musika, at sayaw na ritmo
ng pananampalataya ng kanilang lahi. Masasalamin natin ang kanilang mga literatura sa
pamamagitan ng kanilang mga mitolohiya na higit na magpapakilala sa atin ng kultura at
tradisyon ng bansang Kenya.

Ang Aralin 3.1 ay isang mitolohiya mula sa Kenya, bahagi ng araling ito ang
pagtatalakay sa mga pamantayan sapagsasaling-wika. Inaasahang masasagot mo ang
mga pokus na tanong na: Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya
na may iba’t ibang batayan?; Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa
pagsasalingwika?

Gayundin, inaasahang makapagsasalin ka ng alinmang akdang pampanitikan


mula sa bansang Africa at Persia batay sa sumusunod na pamantayan: katapatan at
kawastuhan.

2
MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng pag-aaral na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na:

❖ Maunawaan ang mitolohiya ng Persia;


❖ Makapaglahad ng sariling kaisipan at reaksyon sa akda at sa tauhan nito; at
❖ Maging isang mahusay na tagapagsalin gamit ang mga pamantayan sa
pagsasaling-wika.

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA IKATLONG


KWARTER
ARALIN 3.1

F10PN-IIIa-76 Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng


mitolohiya ng Africa at Persia

F10PB-IIIa-80 Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: - suliranin
ng akda - kilos at gawi ng tauhan -desisyon ng tauhan

F10PD-IIIa-74 Nabibigyang-puna ang napanood na video clip

F10PS-IIIa-78 Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa


pamamagitan ng debate/pagtatalo

F10WG-IIIa-71 Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika

3
ANO ANG NANGYARI?

Ngayon ay handa ka nang simulan ang mga gawain upang malaman ang mga sagot sa
mga pokus na tanong: Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya na
may iba’t ibang bayani?; at Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa
pagsasalarawan?

GAWAIN 1: Magagawa Natin

Basahin ang kasunod na mitolohiya mula sa Africa. Suriin ito bilang pagpapahalaga at
sagutin ang kasunod na mga tanong sasagutang papel.

Mashya at Mashyana: Mito ng Pagkalikha

Mula sa primebal na hayop na Gayomard na hindi lalaki at babae. Nagmula ang


ikaanim na paglikha ni Ahura Ohmuzd. Sa kabilang banda, si Ahriman Mainyu na
sinasabing espiritu ng masama at naninirahan sa kadiliman ay naghangad na wasakin
ang lahat ng nilikha ni Ahura Ohmuzd.

Inisip naman ni Ahura Ohmuzd napatayin si Gayomard kaya nagpadala siya ng


demonesa sa katauhan ni Jeh.

Nagtagumpay ang demonesa, subalit nabihag siya ng buwan na si Mah. Mula sa


binhi ni Gayomard bago siya namatay ay lumago at mula sa kaniyang bangkay ay may
tumubong isang puno na pinagmulan ng lahat ng may buhay na halaman. At ditto
nanggaling sina Mashna at Mashyana.

Tumulong si Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay Ahriman Mainyu.


Nagkaroon ng mga anak sina Mashya at Mashyanana tig-15 kambal na kumalat sa buong
daigdig at maging mga lahi ng sangkatauhan.

-Mula sa Elements of Literature nina Holt et. Al. 2008. Texas, USA

4
Mga Tanong Mga Sagot
1. Tungkol saan ang mitolohiya?
2. Ilarawan ang ginawa ni Ahriman Mainyu at
ang ginawa ni Ahura Ohmuzd?

3. Ang pagpatay ba ni Ahura Ohmuzd kay


Gayomard ang pinagmulan ng suliranin ng
kuwento? Patunayan.
4. Bakit tumulong sina Mashya at Mashyana sa
pakikipaglaban kay Ahriman Mainyu?

GAWAIN 2: Piliin Natin

Piliin ang angkop na salin sa salitang nakaitalisado sa loob ng panaklong. Isulat sa


sagutang papel ang tamang sagot.

Noong unang (1.) ____Time____ (Bagyo, Oras, Panahon,) ang kalangitan at ang
kalupaan ay mag-asawa. Sila ay may dalawang anak na sina Langit at Tubigan. Sila ay
may kaniya-kaniyang (2.) _____Covered_______ (palaruan, nasasakupan, palayan). Si
Langit ay diyosa ng (3.) ________Galaxy________ (kalawakan, lupain, kalangitan), at si
(4.) _______Pond_____ (Kalikasan, Katubigan, Tubigan) naman ay diyosa ng katubigan.
Sina Langit at tubigan ay
(5.) ____Married______ (nagiibigan, nagpakasal, magkababata) at ang nagging anak
nila ay apat, tatlo ang lalaki at isa ang babae. Si Dagat ay (6.) ____Chick_____ (makisig,
mayabang, mabait) malakas na lalaki at ang katawan ay mulato. Si Adlaw ay (7.)
______Cheerful______ (masayahin, masigla, mainam) na lalaki na ang katawan ay ginto.
Si Bulan ay isang (8.) _____Weak______ (maginoong, mahinang, matabang) lalaki na
ang katawan ay ginto. Si Bulan ay isang mahinang lalaki na ang katawan ay kulay tanso.
Si Bitoon ang (9.) ___Only_____ (tanging, marami, grupo) babaena maganda ang
katawan at kulay (10.) ___Silver____ (pilak, ginto, tanso).

5
ANO ANG DAPAT MALAMAN?

Linangin

Basahin ang isang mitolohiya mula sa Kenya upang malaman mo kung masasalamin ba
dito ang kanilang kultura.

Liongo
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying-dagat ng Kenya. Siya


ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar.
Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng anomang
mga armas. Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay
siya. Tanging si Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito. Hari siya
ng Ozi at Ungwanasa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate.

Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa kanyang


pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna-unahang namuno sa Islam. Ang
pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng mga kababaihan
tungo sa Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni
Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si
Lionggo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng mga nasa
labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay.
Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit. Tumakas siya at nanirahan sa
Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa
paghawak ng busog at palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana.
Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas.
Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa
digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kanyang anak na
dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kanyang pamilya. Nang lumaon
si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa kaniya.

-Mula sa http://www.agallery.de/docs/mythology.htm

6
ANO ANG NATUTUNAN?

GAWAIN 1: Paglinang ng Talasalitaan

Sa pamamagitan ng salita na nasa loob ng kahon ay tukuyin ang pinagmulan nito


na may kaugnayan sa mitolohiya.

Matrilinear Ozi
________________________________ _____________________________
________________________________ _____________________________
________________________________ _____________________________

Patrilinear Faza
________________________________ _____________________________
________________________________ _____________________________
________________________________ _____________________________

Gala
___________________________
___________________________
___________________________

GAWAIN 2: Pag-unawa sa Akda

A. Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang suliranin ng tauhan?


2. Makatuwiran ba ang kaniyang naging desisyon? Patunayan.
3. Sumasang-ayon ka ba sa naging desisyon ni Liongo? Ipaliwanag.
4. Ano ang naging kilos at gawi ni Liongo?
5. Anong mahalagang aral ang nais nitong ipabatid mula sa iyong
binasang akda?

7
B. Panoorin ang video ng Liongo sa https://www.youtube.com/watch?v=jRsKxsLf4ks. Ibigay ang
mga pangyayaring kaugnay ng mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa
suliranin ng akda, kilos, at gawi ng tauhan. Gawin ito sa pamamagitan ng story board.
Ilagay sa sagutang papel.

1 2

4 3

5 6
..

Ilipat

Ngayon na naunawaan mo na ang akda, pangatuwiranan mo ang iyong sariling


reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa pamamagitan ng argumentativ na sanaysay.
Isaalang-alang ang pamantayan na nasa ibaba.

Pamantayan Bahagdan
Paglalatag at Pag-aanalisa ng 35%
Katibayan
Pangangatuwiran at Panunuligsa 30%
Organisasyon ng mga ideya 20%
Mekaniks at gamit 15%

Kabuuan 100%

8
Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Alam mo ba na…
ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng
pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin? Ang
isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito.
(Santiago, 2003).

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya ang


kahulugan ng kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na kumokunsulta sa
diksyonaryo. Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng kahulugan at halagang
pandamdamin taglay ng mga salitang gagamitin.

2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.


Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin ay kailangang-
kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng dalawang nais ipabatid ng awtor,
gayundin sa wastong paggamit ng mga salita, wastong pagkakabuo, at
pagsusunod-sunod.

3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang


kakayahang magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin at kaalaman
sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung ang lahat ay salin ay
patas, nagiging higit na mahusay na tagapagsalin ang manunulat.

4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay may higit


na kaalaman sa paksa. Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at nakauunawa sa
mga konseptong nakapaloob dito.

5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.

Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling
bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at
ng ibang bansa.

9
Gabay sa Pagsasaling-wika

Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuuang diwa nito.
Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na magkaroon ng malawak na kaalaman sa
wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan. Mahalaga rin ang kakayahang magsulat nang
maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng pagsulat sa dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin.

1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at


hindi salita.

2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang pagdaragdag,


pagbabawas, pagpapalit o pagbabago sa orihinal na diwa ng isinasalin nang
walang napakalaking dahilan ay isang paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin.

3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin ang
bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan. Bigyang-pansin din ang
aspektong panggramatika ng dalawang wikang kasama sa pagsasalin.
Kung gagamit ng diksiyonaryo ay isaalang-alang ang iba’t ibang kahulugan ng isang
salita. Kakailanganin ng isang mag-aaral ang pagsasanay upang makuha ang
kahulugang angkop sa konteksto ng pangungusap.

PAGSASANAY 1:Isalin mo

A. Isalin mo sa Ingles ang sumusunod na salita.

Tagapagbantay ___________________
Misteryo ___________________
Nagpagulong-gulong ___________________
Mahika ___________________
Kumikinang ___________________

B. Isalin sa Filipino ang sumusunod.

1. The Kikuyos are large tribe. They speak 2. The Yoruba believe that
a beautiful Bantu language and lived on there is a god, Ori, who
the slopes of Movement Kenya. supervise people’s
choice in heaven.
Kikuyo Literatura ng Africa
(Destiny Yoruba)
Literatura ng Africa

3. In the days of King Solomon, three thousand years ago, there lived in Ethiopia a
dynasty of Queen, who reigned with great wisdom.

The Queen of Ethiopia (Literatura ng Africa)

10
PAGSASANAY 2: Suriin mo

Suriin ang salin ng mitolohiyang “Maaring Lumipad ang Tao” gamit ang kasunod
na talahanayan. Lagyan ng tsek (/) ang mapipiling eskala : 5 - Napakataas, 4 –
Mataas, 3 Mataas-taas, 2 – Hindi mataas, at 1 – Paunlarin pa.

The Overseer rode after her, Ang bantay ay nagronda


hollerin,” Sarah flew over the fences. habang humihiyaw, sumisigaw.
She flew over the woods, tall trees Samantalang si Sarah at ang
could not snag her. Nor could kaniyang anak ay lumilipad sa
the Overseer. She flew like an eagle. bakuran, sa mga kahoy,
Now, until she was gone from sight sa mga nagtataasang puno na
No one dared speak about it. hindi siya nakikita maging
Couldn’t believe it. But it was, ng tagapag- bantay. Lumilipad
because they that was there saw, siyang tulad ng isang agila.
that it was. Hanggang sa unti-unti na silang
makita ng taong nasa ibaba.
Walang sinuman ang
Makapagsalita tungkol dito.
Hindi makapaniwala subalit
nakita nila ito.

Katangian 1 2 3 4 5
Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang
kasangkot sa pagsasalin.
Sapat na kaalaman sa uri ng panitikang isasalin.
Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansa kaugnay
sa pagsasalin.

Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang masasabi mo sa pagkakasalin ng teksto? Angkop ba ang mga ginamit


na salita sa pagsasalin? Tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya?
Patunayan.
2. Paano nakatulong sa iyo ang binasang teksto na nakasalin sa Filipino?

3. Kung ang bersyong nasa Ingles lang ang binasa mo, ganito rin kaya ang
pagkaunawa mo sa teksto? Pangatuwiran.

4. Paano nakatutulong ang pagsasaling-wika ng mga akda sa pagpapahalaga ng


pampanitikan?

11
12
ANO ANG NANGYARI?
Gawain 1 Magagawa Natin
1. Tungkol sa pagkalikha ni Mashya at Mashyana at ng kanilang lahi
2. Si Ahriman Mainyu ay isang masamang nilalang na siyang bumabalakid sa
lahat ng plano ni Ahura Ohrmuzd. Kapwa sila ay
ay may mga balak.
3. Oo, sapagkat sa gayong pagpatay nagsimula ang pagkalikha ng iba pang
nilalang.
4. Dahil siya ay isang espiritu ng masama na naghahangad na wasakin ang lahat
Gawain 2 Piliin Natin
1. Panahon 2. Nasasakupan 3. Kalawakan
4. Tubigan 5. Nagpakasal 6. Makisig
7. masayahin 8. Mahinang 9. Tanging 10. Pilak
ANO ANG NATUTUNAN?
Gawain 1 Paglinang ng Talasalitaan
Matrilinear- pamamahala ng mga kababaihan
Ozi- kaharian na pinaghaharian ni Liongo
Patrilinear- pamamahala ng kalalakihan
Faza- isla ng Pate
Gala- naging kalaban ni Liongo sa isang digmaan sa Wagala
Gawain 2 Pag-unawa sa Akda
A.
1. Nais siyang ipapatay ni Haring Ahmad o nais ni Haring Ahmad na mawala si
Liongo sa kanyang landas
2. Oo, makatwiran naman ang kaniyang naging desisyon upang matakasan o
malabanan ang kasamaan ni Haring Ahmad
3. Oo, pinatutunayan lamang niya na isa siyang katangi-tanging hari na gagawin
ang lahat upang maibangon ang kanyang kaharian
4. Siya ay naging mautak. Nakaisip siya ng isang awit ng pagpupuri na siyang
nagpatakas sa kaniya at nagsanay siya upang maging mas malakas.
5. Kahit gaano ka pa kalakas ay may natatangi kang kahinaan.; Marami mang
pagsubok na dumating ay huwag agad susuko sapagkat ang lahat
malalampasan rin.
B.
1. Isinilang si Liongo na siyang may natatanging lakas at kagalingan ngunit may
kahinaan na siyang maari niyang ikamatay.
2. Sinakop niya ang iba’t ibang kaharian na siyang ikanagagalit ni Haring Ahmad.
Mula sa Matrilinear na pamamahala ay nagging Patrilinear and pamumuno.
3. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito.
4. Nakawala si Liongo sa pagkakakulong sa pamamagitan ng awit sa pagpupuri.
5. Tumakas siya at nagsanay nang mabuti. Siya ay nagwagi sa digmaan laban sa
mga Gala.
6. Naging asawa niya ang anak ng Hari ng mga Gala at nagkaanak ng isang lalaki
na nagtraydor at pumatay sa kanya.
SUSI SA PAGWAWASTO
13
Ilipat
• Argumentative na sanaysay ng mag-aaral
PAGSASANAY 1 : Isalin Mo
A. Tagapagbantay- keeper; guard/guardian; attendant; supervise
Misteryo- mystery
Nagpagulong-gulong- rolled over; tumbled down
Mahika- magic; spell; charm
Kumikinang- shining; sparkling; aglow; glowing
B. 1. Ang mga Kikuyos ay malaking tribo. Nagsasalita sila ng isang magandang wika ng
Bantu at nanirahan sa mga dalisdis ng Kilusang Kenya.
2. Naniniwala ang Yoruba na mayroong diyos, Ori, na nangangasiwa sa pagpili ng
mga tao sa langit.
3. Sa mga araw ni Haring Solomon, tatlong libong taon na ang nakalilipas, doon
nanirahan sa Etiopia isang dinastiya ng isang Reyna, na naghari nang may malaking
karunungan.
PAGSASANAY 2: Suriin Mo
Sa talahanayan= ibase ang sagot ng mag-aaral
Mga katanungan:
1. Ibase ang sagot/opinyon ng mag-aaral
2. Mas naintindihan ang pahayag
3. Maaaring hindi magkatulad ang pagkakaindi nito sa teksto sapagkat may salita sa
Inglis na higit pa sa isa ang salin sa Filipino
4. Mas nauunawaan ang ibig ipahiwatig ng akda o ng panitikan
SUSI SA PAGWAWASTO
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

NIMFA D. BONGO, Ed.D., CESO V


Schools Division Superintendent

ESTELA B. SUSVILLA, Ph.D., CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

JAIME P. RUELAN, Ed.D.


Chief Curriculum and Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE, Ed.D.


LRMDS, Education Program Supervisor

FELICITAS C. MAGNO, MAEd


Education Program Supervisor in Filipino

JESSEL C. OSTRIA
Writer

DEPARTMENT OF EDUCATION REGIONAL OFFICE

SALUSTIANO T. JIMENEZ, Ed.D. JD, CESO VI


Regional Director

DR. EMELIANO B. ELNAR, JR.


Chief, Curriculum and Learning Management Division

MAURITA F. PONCE
LRMDS-Education Program Supervisor

DR. ELAINE PERFECIO


Filipino Regional Education Program Supervisor

14

You might also like