You are on page 1of 15

“Ang Aking Pag-ibig”

Tulang Pandamdamin mula sa England


Isinalin sa Filipino ni Alfonso O.
Santiago
Mula sa Ingles na “How Do I Love
Thee” Sonnet 43 ni Elizabeth Barret
Browning
Ang tula ay isang anyo ng panitikan na may
matalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin.
Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang naglalarawan
ng kagandahan, kariktan, at kadakilaan.
Maitutulad sa isang awit ang tula. Nagsisilbi rin
itong pagpapagunita sa dapat na kaasalan ng mga bata at
kabataan, at naglalayong maipahayag ang karanasan,
damdamin, pananaw, kabayanihan at ang maigting na
pagmamahal sa sariling bansa. Hanggang sa kasalukuyan,
ang pagsulat at pagbigkas ng tula ay nananatiling tulay ng
kaalaman mula sa kasaysayan ng kahapon patungo sa
kasalukuyan.
ELEMENTO NG TULA
1. TUGMA – ang pare-pareho o halos magkakasing tunog sa
dulumpantig ng bawat talutod ng tula. Ang mga
dulumpantig na ito ay maaaring nagtatapos sa patinig o
katinig.
Halimbawa:
May hihigit pa ba sa isang katulad mo
Inang mapagmahal na totoo
Lahat ng buhay ay naroon sa puso
2. SUKAT - Ito’y isa pang mahalagang elemento ng tula. Ito ang
bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong. Ang karaniwang
sukat na gamitin ay ang labindalawa,labing-anim, at labingwalong
pantig. Basahin ang halimbawa sa baba:
Tu – ngo – sa – la – ra – ngan/, a – ko’y – nag – su – mag –
sag/
Ang – na – ta – ta – naw – ko’y/, i - mor – tal – na – si – nag

Ang bawat taludtod ng tula ay may sukat na labindalawang


(12) pantig. Mapapansin ding pagkatapos ng ikaanim na pantig o
sa kalagitnaan ng taludtod ay may saglit na tigil sa pagbasa o
pagbigkas at nilagyan ng panandang / . Ang saglit na tigil na ito ay
tinatawag na sesura.
3. SIMBOLISMO – Ito ang mga simbolo o mga bagay na ginagamit sa
tulang may kinakatawang mensahe o kahulugan at nagpapalalim sa
diwa o esensiyang taglay ng tula.
Halimbawa: Bituin – pangarap Ilaw - pag-asa

4. KARIKTAN – Tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang salita,


mga salitang may malalalim na ibig ipakahulugan at mga tayutay
tulad ng pagwawangis, pagtutulad, at iba pa.
Halimbawa: Rosas ang kagandahan ng Prinsesa sa malaking
palasyo.
Kung mapapansin sa halimbawa ang kagandahan ng Prinsesa
sa malaking palasyo ay tuwirang inihambing sa Rosas.
5. TALINGHAGA – Ito ay lipon ng mga salita na may ibang
kahulugan. Ang mga salitang ginagamit ay hindi pangkaraniwan at
may malalim na kahulugan. Kadalasan ang kahulugan ng pahayag
ay hango sa karanasan ng tao gaya ng mga bagay-bagay sa paligid
o pangyayari sa buhay.
Halimbawa: taimtin – tapat karimlan – kabiguan o
kalungkutan

6. TONO - Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod


ng tula.
Halimbawa: pagkalungkot pagkatuwa pagkagalit
Isang katangian ng tula ang paggamit ng
matatalinghagang pahayag o pananalitang hindi
tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan nito.
Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga
bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa.
Ang talinghaga ang nag-uugnay sa mga karanasan,
pangyayari at bagay-bagay na alam ng taumbayan. Ang
talinghaga ang mismong larawan ng kamalayan ng
manunulat. Isa sa madalas na gamiting talinghaga ang
pagpapahayag na patayutay o tayutay.
TAYUTAY

Ang tayutay ay sadyang paglayo sa


karaniwang paggamit ng mga salita, kung
kaya’t magiging malalim at piling-pili ang mga
salita rito. Tinatawag ding palamuti ng tula
ang tayuytay dahil ito ang nagpapaganda sa
isang tula.
MGA URI TAYUTAY
1. Pagtutulad o simile – isang paghahambing ng
dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo
subalit may mga magkatulad na katangian. Ito’y
ginagamitan ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad
ng, parang, kawangis ng, anaki’y, animo, at iba pa.

Halimbawa:
Ikaw ay kagaya ng ibong lumilipad
Ang kagandahan mo ay tulad ng isang anghel.
2. Pagwawangis o metapora – naghahambing ng
dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang
paghahambing.

Halimbawa:
Ang aking kapatid ay isang maamong tupa.
Kinatatakutan ni Jose ang kamay na bakal ng
kanyang ama.
3. Pagmamalabis o hyperbole – pagmamalabis
sa normal upang bigyan ng kaigtingan ang nais
ipahayag.
Halimabawa:
Handa kong kunin ang buwan at mga bituin
mapasagot lang kita.
Namuti na ang mga mata ni Kyla kahihintay
sa kaibigang si Myla.
4. Pagtatao o personipikasyon – paglilipat ng
katangian ng isang tao sa mga walang buhay.
Halimbawa:
Malamig na hangin ang yumakap sa
kanyang pag-iisa.
Ang mga bulaklak ay sumasayaw sa pag-
ihip ng hangin.
5. Balintuna o Irony – isang tayutay na sa pamamagitan nito
ang kahulugang patitik ng isang anyo ng pananalita ay
kabaligtaran sa tangkang sabihin, dahil sa ang isang bagay na
sinabi ay may ibang pakahulugan at ginamit sa pangungutya o
katuwaan lamang.
Halimbawa:
“Ang tao kung minsa’y batang nagagalak,
Utal pa ang dila, kung mangusap, patas!
Ipako si Kristo ang sabi ng lahat
At ang pakawala’y itong si Barabas . . .!
MGA GABAY NA TANONG

1. Tungkol saan ang tulang binasa?


2. Anong damdamin ang nangibabaw sa tulang
binasa?
3. Ano-anong pangyayari ang ginugunita sa
tula? Ang mga pangyayari bang ito ay
karapat-dapat pang gunitain?
Pangatuwiranan.

You might also like