You are on page 1of 5

Tula

Ang Matanda at ang Batang Paruparo


Rafael Palma

Isang paruparo na may katandaan,


Sa lakad sa mundo ay sanay na sanay;
Palibhasa’y di nasisilaw sa ilaw
Binigyan ang anak ng ganitong aral:

Ang ilaw na iyang maganda sa mata


Na may liwanag nang kahali-halina
Dapat mong layuan, iyo’y palamara,
Pinapatay bawat malapit sa kaniya.

“Ako na rin itong sa pagiging sabik!


Pinangahasan kong sa kaniya’y lumapit,
ang aking napala’y palad ko pang tikis
nasunog ang aking pakpak na lumiit.”

“At kung ako’y itong nahambing sa iba


na di nagkaisip na layuan siya,
disin ako ngayo’y katulad na nila,
nawalan ng buhay at isang patay na.”

Ang pinangaralang anak ay natakot


at pinangako ang kaniyang pagsunod;
ngunit sandali lang. Sa sariling loob
ibinulong-bulong ang ganitong kutob;

“Bakit gayon na lang kahigpit ang bilin


ng ina ko upang lumayo sa ningning?
Diwa’y ibig niyang ikait sa akin
ang sa buong mundo’y ilaw na pang-aliw.”

“Anong pagkaganda ng kaliwanagan!


isang bagay na hindi dapat layuan,
itong matanda ay totoo nga namang
sukdulan ng lahat nitong karuwagan!”

“Akala’y isa nang elepanteng ganid


ang alin mang langaw na lubhang maliit,
at kung ang paningin nila ang manaig
magiging higante ang unanong paslit.”

“Kung ako’y lumapit na nananagano


ay ano ang sama ng mapapala ko?
Kahit na nga niya murahin pa ako
ay sa hindi naman hangal na totoo.”

“Iyang mga iba’y bibigyan ng matwid


sa kanilang gawa ang aking paglapit,
sa pananakali’y di magsisigasig
sa nagniningningang ilaw na marikit.”

Nang unang sandaliy’ walang naramdaman


kundi munting init na wari’y pambuhay,
ito’y siyang nagpapabuyo pang tunay
upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.

Natutuwa pa nga’t habang naglalaro


ay lapit nang lapit na di nahihinto
sa isang pag-iwas ay biglang nasulo
tuloy-tuloy siyang sa ningas nalikmo.

At siya’y hindi na muling makalipad


hanggang sa mamatay ang kahabag-habag,
ang ganyang parusa’y siyang nararapat
sa hindi marunong sumunod na anak.
Pamagat: Ang Matanda at ang Batang Paruparo
May-akda: Rafael Palma
Anyo: Di-malaya
Blg. Ng. Taludtod: 53

I. Mensahe ng Tula:
Ang mensaheng nais ipabatid ng tula ay higit na nakatuon sa mga anak na kung
saan bilang mga anak, nararapat lamang na hindi lang pinakikinggan ang mga pangaral
ng ating mga magulang bagkus, sundin ang mga ito upang sa huli ay hindi magsisi.
Dapat tandaan na mas alam ng ating mga magulang ang makabubuti sa atin at walang
silang ibang hangarin para sa atin kundi iyon lamang.

II. Mga Linyang Naibigan at Paliwanag:

“Ang ilaw na iyang maganda sa mata


Na may liwanag nang kahali-halina
Dapat mong layuan, iyo’y palamara,
Pinapatay bawat malapit sa kaniya.”

Labis kong naibigan ang mga linyang ito, sapagkat dito ay nakita ko ang
pagmamahal at pagmamalasakit ng isang magulang sa kanyang anak. Isa itong
pangaral at paalala ng matandang paruparo sa kanyang anak hinggil sa mga bagay na
dapat niyang layuan o hindi dapat gawin.

“At kung ako’y itong nahambing sa iba


na di nagkaisip na layuan siya,
disin ako ngayo’y katulad na nila,
nawalan ng buhay at isang patay na.”

Naibigan ko rin ang mga linyang ito, sapagkat nakita ko rito ang labis na pagsisisi
ng matandang paruparo sa hindi pagsunod ng mga pangaral ng mga nakatatanda. Nakita
ko rito na dahil sa pangyayaring iyon ay may natutuhan siyang malaking aral na
kailanma’y hindi niya makalilimutan.

III. Sariling Reaksiyon:

1. Bisang Pampanitikan

1.1 Bisa sa Isip

Ang tula ay nag-iwan sa akin ng kaisipan na anumang pangaral sa atin ng


ating mga magulang o ng mga mas nakatatanda sa atin ay nararapat lamang na
ating sundin, sapagkat ang mga ito ay tama at para lamang sa ikabubuti natin.
Walang masamang mangyayari sa atin kung susundin natin ang payo ng ating
mga magulang.

1.2 Bisa sa Damdamin


Naantig at natuwa ako sa mensaheng hatid ng tulang ito, sapagkat kahit
mahabang panahon na ang nakararaan mula nang ito’y isinulat ng mga may-
akda, ang aral na hatid nito ay napakabisa pa rin sa modernong panahon natin
ngayon. At alam kong mananatili at magiging mabisa pa rin ito sa loob ng
mahaba pang panahon.

1.3 Bisa sa Kaasalan

Bukod sa pagsunod sa payo o pangaral ng ating mga magulang, natutuhan


ko rin sa pagbabasa ng tulang ito na dapat sa lahat ng panahon ay igalang natin
ang ating mga magulang. Hindi katulad sa ipinakitang asal ng batang paruparo
sa tula na pagkatapos lamang magbigay ng payo sa kanya ng kanyang ina ay
kinutya niya na ang mga pangaral nito. Walang pinipiling panahon ang
pagbibigay-galang sa mas nakatatanda.

1.4 Bisang Panlipunan

Ang mensaheng hatid ng tulang ito ay tiyak na mas naaangkop sa uri ng


lipunan mayroon tayo ngayon, kung saan dahil sa modernisasyon halos lahat na
ng kabataan ay hindi na nakikinig o sinusunod ang mga pangaral ng kanilang
mga magulang at mas nakatatanda. Mas pinipili nilang sundin kung ano ang sa
tingin nila ay tama at magpapasaya sa kanila kahit ang katotohana’y ito ay mali.
Malaki ang maitutulong ng tulang ito sa paghubog ng katauhan ng mga kabataan
sa lipunan.

IV. Pagpapahalaga Ayon sa Nilalaman

1. Kalagayang Sosyal
Napakahalaga ng nais ipabatid na mensahe at aral ng tulang ito sa
pakikipag-ugnayan natin sa ating kapwa – katrabaho, kaeskwela, kaibigan,
dayuhan at iba pa. Na kahit anumang estado, pinanggalingan, kasarian, kultura
at iba pa mayroon ang isang tao, nararapat pa rin na igalang natin ang bawat
isa. Sa pamamagitan nito, tiyak na napakaganda ang magiging ugnayan natin
sa isa’t isa.

2. Kulturang Pilipino

Likas na sa kultura nating mga Pilipino ang pagiging magalang at malapit


sa ating pamilya at malinaw na makikita ito sa nilalaman ng tula. Higit na
nangingibabaw sa tulang ito ang kagandahang-asal na dapat taglayin ng isang
Pilipino.

3. Pilosopiyang Pilipino

Makikita sa nilalaman ng tulang ito ang isa sa mga pilosopiya o


paniniwala ng mga Pilipino, na ang pagsunod sa payo ng mga magulang ay
siyang nararapat na gawin ng mga anak. Na kahit anong mga pagbabago
mayroon ang atin panahon ngayon, hinding-hindi pa rin maluluma ang mga
pangaral ng ating mga magulang sa atin.

4. Simbolismong Pilipino

Mga Simbolismo na Napapaloob sa Kahulugan


Akda

1. Ilaw Mga panganib sa ating paligid.

2. Matandang Paruparo Mga magulang

3. Ang batang Paruparo Mga anak

5. Mga Tayutay

You might also like