You are on page 1of 3

Mensahe sa sarili - Pag-ibig

Mahal kong sarili,

Ito lamang ang aking masasabi,

Kung kaya wag sanang mabibingi,

Upang sa huli ay hindi magsisi,

Oo, ikaw ay aking naiintindihan,

Na ikaw lamang ay naguguluhan,

Dahil ikaw ay nabubulagan,

Sa "pag-ibig" na iyong nararamdaman,

Ngunit, ano ito'ng nakikita?

Tila ba'y habang buhay ka lamang na aasa,

Sa kanya na hindi makita ang iyong halaga,

Na ikaw ay karapat-dapat ding bigyan ng puwang sa puso niya,

Kung kaya naman sana ikaw ay gumising na,

Sa lovestory mo'ng panaginip lang pa la,

Apat na taong katangahan ay sobra na,

Ano? Hindi ka pa rin ba madadala?

Hanggang kailan mo balak maghintay?

Hanggang sa ikaw ay mangalay?

Hanggang sa ikaw ay nabubuhay?


O hanggang sa ikaw ay mamatay?

Oo, maaaring mahirap kalimutan ang tulad niya,

Ang tulad niya na almost perfect na,

Ang tulad niyang ginusto ka sa una,

Ngunit sa huli'y pinaiyak at pinaasa ka,

Bakit ka iiyak?

Di mo naman ito binalak,

Ikaw lamang ay nahahatak,

Ng lalaking sayo'y walang balak,

Bakit ka pa maghihintay?

Kung siya naman ay walang malay,

Na ikaw ay umiibig sa kanya ng tunay,

Na ikaw ay handang magmahal sa kanya habambuhay,

Ito ay iyong tatandaan,

Pag-ibig mo ma'y hindi niya masuklian,

Sa piling niya ay hindi mo naranasan,

Ikaw ay maghintay at sayo'y may nakalaan,

Isang taong tutulong sayo upang makalimutan siya,

Isang taong mas mamahalin ka kaysa sa mahal mo siya,

Isang taong bibigyan ka ng halaga't puwang sa puso niya,


At isang taong maglalagay ng ngiti sa maganda mong mukha.

You might also like