You are on page 1of 6

Tagalog love poem by Jose Corazon De Jesus PAG-IBIG Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha!

Kayat wala kang mabasa kahit isa mang talata. Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata, tumanda kat nagkauban, hindi mo pa maunawa. Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso; pag pinuso nasa isip, kayat hindi mo makuro. Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo. . . naglalaho, layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo. Ang pag-ibig na dakilay aayaw ng matagalan, parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiiman. Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan, at ang ilog kung bumaha, tandaan mot minsan lamang. Ang pag-ibig kapag duwag ay payapat walang agos, walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos. Ang pag ibig na matapang ay puso ang inaanod pati dangal, yamat dunong nalulunod sa pag-irog. Ang pag-ibig na buko pay nakikinig pa sa aral, tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw, ngunit kapag nag-alab nat pati mundoy nalimutan iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang! Kapag ikawy umuurong sa sakunat sa panganib ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip. Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig, pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit. Iyang mga taong duwag na ang pusoy mahihina, umibig man ay ano pa, di pag-ibig, kundi awa. Kailangan sa pag-ibig ay hirap at mga luha at ang duwag ay malayong sa pag-ibig dumakila. Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay di bulag, ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulakiak. Ang pag-ibig ay masakim at aayaw sa kakabyak, o wala na kahit ano, o ibigay mo nang lahat! Akoy hindi makasulat at ang nanay, nakabantay. Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal. Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay minamahal ka na niya nang higit pa kaysa buhay. Kayo mga kabataang pag-ibig ang ninanais, kayoy mga paruparong sa ilawan lumiligid. Kapag kayoy umibig na, hahamakin ang panganib, at ang mga pakpak ninyoy masusunog sa pag-ibig!

Hayan sa Pag-ibig! Hetot iaanak, didito sa dibdib, Ang dakila't wagas na luksong pag-ibig, Pagsalitain dito ay hindi ang bibig, Bagkus ay ang pusong may alsa ng pintig. Patibukin lamang ang kanan, kaliwa, Saka isalamin itong kaluluwa, Kaya bang hamigin -- halakhak at tuwa, Kung may palag namang dusa't mga luha? Pigilin ang hinga't makipaghabulan, Sa mundong ang ikot - singbilis ng orasan, Lumaya sa gapos ng pusot isipan, Kadena'y kalagin, lipad sa ulapan! ; Kung iyong nais at mamatamisin, Iikid nang husto ang taling gupiling, Ipakalimi mo nga ang lasang alipin, Kagyat na manhik sa hagdang may kawing. At huwag kalagin ang bugkos na tali, Ikilos ang tula sa kislap ng gabi, At kahit ang tali'y sagad na maigsi May hihilahin kang pag-ibig sa bunyi! 'Pagkat iba't iba ang guhit ng palad, Ang lubak mo'y baka hindi niya lubak, Isiping mainam - hindi magkatulad, Ang lubid ng iba'y iba ang may hawak! Iyong makikita ang mga pagkaway, Kung nakatingin ka sa dulo ng gabay, At ang ngiti nila't mga bulay-bulay, Hayaang ilibing ng layang mabuhay!

sakripisyo

by: solicita felicio

ang pagmamahal ay lubhang kay saklap sa matinong mundo bakit nalasap biyakin mo man ang puso nag pupumiyos .. ikw parin ang laman.. hapdi sa pag tahak ng landas kay saklap saklap

ginoo,y tinig koy dinggin mo mag kusa ka at akoy daupin mo.. sa habag mo ginoo ako bay hagkan o iyong mapag palang kamay hatid sa akin ay kabiguan

bakit ang buhay ay isang gulong na kung misan akoy na lulubog sa bakong bakong daanan akoy dababaon!! wala na bang pag aahon

isang tala ang nagliwanag sa aking puso't isipan naging gabay sa bawat pag lalakad naging matangumpay ang bawat pag halakhak

ngunit tila bay mawawalan ng saysay lahat ng sakripisyo koy mistulang isang katangahan .sa aking damdamin mistulang hagupit nang karahasan

ako ba ay natatakot o sadyang ayaw sa katotohanan mailap na kasagutan ayokong ipamutawi sa lahat ..

Mas mainam pa palang magbata ng pisikal na paghihirap pagkat ang sakit ng katawan ay dagling nalulunasan samantalang ang paghihirap ng damdamin at isipan ay may katagalan

aking sakripisyo di mo man lang pinahalagahan damdaming bugso ay katangi tangii di mo kayang tumbasan ngunit mag pag gayun paman di kita kayang kalimutan

ang pagibig nga talaga pag pumasok sa puso ninuman hahamakin ang lahat masunod ka lamang kahit masilayana ang mukha ng kabiguan bulag parin ang puso sa katotohanan ikaw at ikaw pa rin ang siyang nilalaman

hayaan mong mag patuloy ako kahit panandalian lamang sa pagkat akoy di na rin mag tatagal

babaunin ko ang mga ngiti sa labi mo gagawing lakas ang mga luha mo di ako malalayo sa tabi mo gagabayan kita hanggang may taong mag pasaya sayo

salamat kahit di mo ako minahal dahil ikw ang naging ilaw ng aking buhay sa aking pag laya wag ka sanang mahahabag kahit konting manlang na awa

ayokong masaktan at pigilan ang sariling lumaban kahit wla na akong dahilan mahal kita .

"Bigong Pag-ibig" Wala ng kwenta mga natatanggap na karangalan dahil wala na ang taong aking pag-aalayan Ang aking buhay ay iikot nalang sa kadiliman At ang pagkatao ko'y mabubuhay sa galit at sukdulan Wala ng pupuna sa mga nagagawa kung mali Lagi kong inaalala ating pinagsaluhan na sandali Ang tanging katumbas nun ay isang libong ngiti Ngunit paano pa ibabalik kung pinalit mo ay puro pighati Ang maghiwalay tayo, yan ang wala sa ating plano At ang mga sumpaan, nasaan na? tila ba lahat napako Ako ay lubos na umasa dahil ikaw ay nangako talaga bang tibok ng puso mo sa akin ay bigla nalang naglaho? Kasing bilis ng pagpatak ng ulan ang iyong pagkawala Sa aking dibdib may isang dragon na gustong magwala hawak ang iyong larawan kausap na mag-isa At itinatatak sa aking sarili ay wala ng ngang pag-asa.

Bigo ni Luis Lansang Lahat ay naglaho na ngayon sa piling ko 'kay wala na Mga pangarap ko naglaho Ngayong ako'y iniwan mo Ano ba ang madadama? Mas lalo pang napasama ngayon ika'y wala na Ngunit sa loob ko'y ikaw parin Bakit ba ikaw pa rin, aking hangarin? Kahit ako'y iyong pinagpalit sa lalaking ako'y minaliit Hahayaan pa bang ako'y iyong bastusin? Puso ko ba'y hayaang lamunin? Ngunit ikaw pa rin hangarin... kahit alam kung di mo ako mamahalin Lahat na ay bigo Lahat ay naglaho

Araw - gabi Bakit naaalala ka't Diko malimot - limot ang Sa atin ay nagdaan Kung nagtatampo ka At kailangan bang ganyan Dingging ang dahilan At ako ay pag - bigyan Kailangan ko Ang tunay na pag - ibig mo Dahil tanging ikaw lang ang Pintig ng puso ko Hahayaan mo ba Na maging ganoon na lang Ang isa't - isay Mayro'ng pagdaramdam Bakit di pagbigyang muli Ang ating pagmamahalan Kung mawawala ay Di bat sayang naman Lumipas natin tila Bat kailang lang At kung nagkamali sayo Patawad ang pagsamo ko Tayo na't ulitin Ang pag - ibig natin Muli ikaw lang at ako

You might also like