You are on page 1of 1

Summative Test ( Filipino 10)

Ebalwasyon
Panuto: Tukuyin ang titik ng angkop na kasagutan .
1. Isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang
kilala, sikat o tanyag na tao.
a. anekdota c. kata-kata
b. kwento d. makatotohanan
2. Siya ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa.
a. Saadi c. Liongo
b. Nassreddin d. Faza
3. Ito ang katangiang taglay ni Mullah na tinataglay kahit saan man magpunta.
a. mahusay na magpatawa
b. magaling umawit
c. mataas na tulad ng higante
d. di nasusugatan ng ano mang armas
4. Paano naiiba ang anekdota sa iba pang kauri nito?
a. pagpapahalaga sa kapangyarihan
b. nagdudulot ng ganap na pagkakaunawa sa kaisipang nais ipabatid
c. traydor sa kalaban upang magtagumpay
d. paglilihim ng taglay na kapangyarihan
5. Ang kaisipang nais bigyang pansin sa akdang “Mullah Nassreddin”?
a. Ang oras at panahon ay napakahalaga at hindi dapat sangayin.
b. Ang kapangyarihan na nakamit sa di makatwirang paraan ay nawawala sa gayunding kaparaanan.
c. Dapat matutong maging matyaga sa lahat ng oras.
d. Pagsasabi ng makatotohanan bagay.
6. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat o epiko at mga
kuwentong bayan ng ninunong mga Pilipino maging sa ibang bansa man.
a. kwento c. talumpati
b. pagsasalaysay d. tulang pasalaysay
7. Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa
pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay
a. sariling karanasan c. napanood
b. narinig d. likhang isip
8. Nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang
pangyayari sa buhay ng tauhan.
a. nobela c. dula
b. tula d. maikling kwento

9-10 Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) kung tama ang tinutukoy sa bawat bilang at itama kung mali ang ipinapahayag.
9. Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon
at pook na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong sakop ng salaysay
at pagbangggit ng napakaraming pook na nangyarihan ng salaysay.

10. Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniya pansariling kasiyahan at kapakinabangan kundi para sa
kanyang mga mambabasa.

You might also like