You are on page 1of 6

1

Region I
Division of La Union
BACCUIT NATIONAL HIGH SCHOOL
THIRD QUARTER ASSESSMENT
FILIPINO 10
Parents Signature:________________

Pangalan:______________________Baitang/Seksiyon:___________Petsa:_________Iskor:______
___

Piliin at isulat ang tamang sagot sa papel. Letra lamang.

_____1Sa iyong palagay alin sa mga listahan sa ibaba ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na
katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin?
a. panlapi b.gramatika c. pagpapakahulugan d. pagsasaling-wika
_____2Kung ikaw ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa harap ng
maraming tao at marami ang nakikinig dito ikaw ay nagbibigay ng….
a.tula b.sanaysay c. talumpati d. Balagtasan
3-6 Piliin ang angkop na salin.Pagisipang mabuti kung akma ba ang gagamitin na pagsasalin.
_____3. Noong unang (time) ( a. Bagyo B. Oras C. Panahon) ang kalangitan at kalupaan ay
mag-asawa.
_____4. Sila ay may dalawang anak na sina langit at Tubigan. Sila ay may kaniya-kaniyang
(covered ) (a. palaruan b. nasasakupan c. palaytan )
_____5. Si Langit ay Diyosa ng (Galaxy) (a. kalawakan b. lupain c. kalangitan)
_____6. At si (Pond) (a kalikasan b. Katubigan c. Tubigan) naman ay Diya ng Katubigan.
_____7. Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan dapat isaalang-
alang sa pagsasalin?
“Love excuses everything “Mapagpatawad ang pag-
believe ibig,pinaniniwalaan ang lahat ng
all things,hopes all bagay,puno ng pag-asa sa mga
things,endures bagay, nakakaya ang lahat ng
all things”. bagay.”

a. Basahin nang paulit-ulit.


b. Ikumpara ang ginawang salin.
c. Suriin ang bawat salita sa isinasalin.
d. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.

_____8. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang. “A negative mind will never give you a
positive life”.
a. “Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.”
b. “Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.”
c. “Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang buhay.”
d. “Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay.”
2

_____9. Isang kuwento ng isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang


tao.Layon niya ay makapagbigay ng isang magandang karanasan kapupulutan ng aral.
a. Anekdota b. dula c. kuwento d. sanaysay
_____10. Lahat ng nasa baba ay katangian ng anekdota maliban sa isa.
a. May isang paksang tinatalakay.
b. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa pagsulat ng anekdota.
c. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
d. Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa ideyang nais ilahad.
_____11. Ang akdang Akasya o Kalabasa anong aral ang maaari nating mapulot.
a. Mas magandang magtanim ng akasya kasi may mapagsisilungan.
b. Mas mainam na kalabasa ang itanim dahil mabilis lang itong alagaan at mabenta.
c. Kailangan ng mabilisang pag-aaral para makapagtrabaho ng may mataas na sahod.
d. Kialangan na mahabang panahon ng pagsisikap at pag-aaral upang makamit ang kursong
minimithi para maging mayabong ang kinabukasan.
Para sa bilang 12-16 Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilig sa
pangungusap . Piliin sa loob ng kahon at isulat lamang ang titik ng iyong sagot sa patlang.
a. Lumisan b. nalito c. napahiya d. sayangin e. naimbitahan

_____12. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagugulumihanan.


_____13. Ang mga sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag dapat itong aksayahin.
_____14. Nangimi ang mga nakinig sa kanyang homily.
_____15. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan.
_____16. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao.
______17. Ito ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sarling
kaisipan, kuro-kuro, saloobin, at damdamin na kapulutan ng aral, at aliw ng
mambabasa.
a. Balangkas b. sanaysay c. talumpati d. tula
_____18. Ito ay isang lohikal o kaya’y kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan ng paksang
isusulat. Ito rin ang panukalang buod ng komposisyon.
a. Balangkas b. sanaysay c. talumpati d. tula
_____19. Bayani ng Africa na nagpahayag ng pagkauhaw sa kalayaan, karapatan, at katarungan na
naging bahagi na ng kanilang buhay o kultura.
a. Lionggo b. Mullah Nasredden c. Nelson Mandela d. Oprah Wimfrey
_____20. Ayon sa kanya ang sanaysay ay “pagsasalaysay ng isang sanay.”
a. Alejandro G. Abadilla b. Jose P. Burgos c. Edgar Alllan Poe
____21. Sina Hanna ay naghahanda ng kanyang talumpati. Sa palagay mo ang pagbalangkas ba ay
maaaaring gumamit ng paksa o pangungusap.
a. Tama b. mali c. hindi sigurado d. hindi maaari
Para sa bilang 22-26
Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay nagpapaliwanag sa lalim ng
sakitna dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita natin ang ating bansa na nalulugmok sa di
pagkakasundo,at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas at paghihiwalay ng
mga tao sa mundo, ito aydahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at
pagkakaroon ng rasismo.Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela
_____22. Ang rasismo na binanggit sa bahagi ng talumpati na iyong binasa ay
nangangahulugan____________.
a. pagtanggi at paglaban sa batas
b. pakikipag-unahan ng bawat bansa sa pag-unlad
c. malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso
3

d. hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin sa magkaibang lahi


_____23. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo.
a .pagtanggi sa rasismo
b. pagkalugmok ng sarili
c. espiritwal at pisikal na kaisahan
d. paghihiwalay ng mga tao sa mundo
_____24. Ang isa sa maaaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa ay ang ___
a. pagpapahirap sa mamamayan
b. pagkakaroon ng malupit na pinuno
c. pagpapairal ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa
d. di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa buhay
_____25. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili
siyang matatag at nakakapit sa Diyos. Ang mga salitang may salungguhit ay nagpapahiwatig ng
____________.
a. paghihinuha b.paglalarawan c. panghihikayat. d. pangangatuwiran
_____26. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng damdaming nagbababala?
a. Tara, punta tayo roon.
b. Hindi kita iiwan, pangako iyan.
c. Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin.
d. Makabubuting ipagpaliban mo muna ang iyong pag-alis.
_____27. Kung nakagawa ka ng isang magandang tula at may mga ginamit ka na mga salitang
malalalim ngunit gusto mo na malaman kung pare-parehas ba ang bilang ng mga pantig na ito.
Kailangan mong malaman ang ….
a. Kariktan b. sukat c. talinghaga d. tugma
_____28. Kung magkakatunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.Alin sa mga sumusunod ang
iyong pinanainiwalaan na sagot.
a. Kariktan b. sukat c. talinghaga d. tugma
_____29. Kung ikaw ay pipili at mag-aayos ng mga salitang ilalapat sa tula at sa kabuuan nito. Alin sa
baba ang pipiliin mo na element ng tula para magawa mo ito?
a. Kariktan b. sukat c. talinghaga d. tugma
_____30. Sa palagay mo kapag ikaw ay nakabuo ng tula alin ang pinakapuso ng tula na kung saan
ang kahulugan ng tula o ipinahihiwatig ng may akda ay makikita dito.
a. Kariktan b. sukat c. talinghaga d. tugma
_____31. Basahin ang kasunod na taludturan mula sa tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay,”
ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
Ang poo’y di marapat pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
a. nais b. mithi c. hangad d. pangarap
Para sa bilang 32-35
Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa kaniyang sarili. Nang mawala ang aming ama, ganoon
nalamang ang pag-aalala namin sa kaniya. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal
atespiritwal subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos.

_____32. Anong damdamin ang namamayani sa nagsasalaysay sa talata?


a.pagkalungkot b.pagkabalisa c. paghihinanakit d. panghihinayang
4

_____ 33.Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya
kami kaysa sa kaniyang sarili?
a. Gagawin ng magulang ang lahat para sa mga anak.
b. Alam ng magulang kung ano ang makabubuti sa mga anak.
c. Ibinibigay ng magulang ang mga luho ng anak para sa sarili nitong kapakanan.
d. Ibibigay ng magulang ang mga pangangailangan ng mga anak.
_____34. Anong uri ng ina ang masasalamin sa talata?
a. malulungkutin subalit matatag
b. nangungunsinti sa kakulangan ng mga anak
c. mapagbigay para sa pangangailangang pisikal ng mga anak
d. inang mapagmahal sa mga anak at nagpapahalaga sa Diyos
_____35. Ano ang maaaring maging bunga ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos ng
isang ina?
a. katatagan ng buong pamilya.
b. panghihina ng espiritwal na aspekto.
c. pamumuhay ng masaganang materyal.
d. maraming pagsubok sa bawat miyembro ng pamilya.
_____36. Tinatapos mo ang huling saknong ng isinusulat na tula. Anong matatalinghagang
pananalita ang iyong ilalapat kung nais mong ipahiwatig ang salitang masipag?
a. bukas-palad b.kapos-palad c. sawimpalad d. makapal ang palad
_____37 Panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at nag-iiwan ng
isang kakintalan sa isipng mambabasa.
a dula. b maikling kuwento c. karilyo d. nobela
_____38.Sa maikling kwento na “Ang Alaga” Bakit nagustuhan ni Kibuka ang kanyang alagang baboy?
a. Dahil maaari niyang ibenta ito ng mahal.
b. Dahil ibinigay ito ng kanyang apo.
c. Dahil may nakakasama siyang natutulog at namamasyal.
d. Dahil wala siyang asawa na kasama sa bahay.
_____39. Bakit naniniwala si Kibuka na hindi para sa kanya ang pagreretiro?
a. Isa siyang mapagkakatiwalaan na kawani sa kanilang opisina.
b. Wala na siyang tatanggapin na sahod.
c. Mag-aalaga na siya ng baboy at iba pang mga hayop na ireregalo sa kanya.
d. Masipag at kaya niyang gawin pa ang lahat ng Gawain ng lima.
_____40. Bakit nalungkot si Kibuka nong bumalik siya sa kanilang opisina para tulungan ang kapalit
niya?
a. Dahil nagsasaya na ang kanyang kapalit.
b. Dahil wala na ang kanyang dating kaibigan.
c. Dahil hindi na siya pinapansin ng kanyang dating katrabaho.
d. Dahil pinabayaan ng kanyang kapalit ang mga trabaho na dapat sana niyang asikasuhin.
_____41. Uri ng kwento na ang binibigyang diin ay ang ugali o katangian ng tauhan. Halimbawa
nito ay ang Ang ALaga ni Barbara Kimenye
a. Kuwento ng bayan c. Kuwento ng Pag-ibig
b. Kuwento ng Tauhan d. Kuwento ng pangyayari
______42. Pangunahing tauhan sa Maikling kwento na “Ang Alaga”.
a. Kabuki b. Kibaku c. Kubaki d. Kabiku
______43. Anong nangyari sa kanyang alagang baboy?
a. Naputukan c. nadisgrasya ng jeep
b. nabundol ng train d. nadisgrasya ng motorsiklo
5

______44. Alin sa mga pangyayari ang di- makatototohanan sa kuwentong “Ang Alaga” sa
ating bansang Pilipinas.
a. Pagkain ng sarling alaga
b. Pagpapasyal sa alagang hayop.
c. Katabi sa pagtulog ang alagang baboy.
d. Pagkakatay at pamamahagi ng karne ng alagang hayop.
_____45. Ang mga nasa ibabang salita ay nagpapakilala ng pagsasaad ng opiyon, maliban sa
isa…
a. Sa palagay ko b. siguro c. sa tingin ko d. sigurado ako
_____46. Ano ang tawag sa pag-aanunsiyo ng mga produkto, gawain , hanap-buhay at marami
pang iba.
a. Patalastas b. Billboards c. poster d. magasin
_____47. Pinakatanyag na Epiko ng Africa.
a. Iliad at Odyssey c. Ramayana at Mahabharata
b. Sundiata d. Romeo and Juliet

_____48. 7. Panitikang nasa anyong patula noong sinaunang panahon na kalauna’y naging
tuluyan.
a.epiko b.anekdota c. sanaysay d. mitolohiya
_____49. Isang sining na gantihang katuwiran o matuwid ng dalawa o higit pang magkasalungat na
panig tungkol sa isang kontrobersiyal na paksa.
a. Pagtatalo b. pormal na pagtatalo c. di pormal na pagtatalod. lahat
Para sa bilang 50-54. Saang pangkat maaaring mapabilang ang mga ekspresyong ginagamit sa
pagpapahayag ng layon o damdamin .Pumili sa mga pangkat na nasa baba.
A. Salita /Parirala
B. Matatalinghagang Pananalita
C. Pang-ugnay
D. Patanong/Tanong
_______50. Kung ako ikaw
_______51. Itaga mo sa bato
_______52. Pupulutin ka sa kangkungan
_______53. Mas
_______54. Tignan ang tinatahak
_______55. Isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayaring pinaghabi
sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkalabas
ng hangarin ng tauhan ng katunggali sa kabila.
a. epiko b. Maikling kwento c nobela d.. pagsasalaysay
_____56 Gamit ang ekwe napabalita ang pagkamatay ni Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam ng
kaunting sundot ng budhisi Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya si Ogbuefi
Ezeudu ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si
Ikemefuna. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
a. Ito ay malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria.
b. Ito ay yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Africano.Ginagamit din sa
ritwal at paniniwalang panrelihiyon.
c. Ito ay isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng kahoy.
Isang uri ng tambol namay iba’t ibang uri at disenyo.
d. Ito ay espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng maskara ang tribu at sumasanib sila
kung may naislutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan na ang mga Egwugwu ang
pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria.
6

Para sa bilang 56.-60 Lagyan ng angkop na pang-ugnay ang mga patlang upang mabuo ang
talata.Piliin ang mga sagot sa loob ng kwadro.

a. Na
b. Tulad ng
c. Kung
d. Upang
e. Na

Sa nobelang isinulat ni Chinua Achebe matagumpay na nailahad ang kagiliw-giliw


(56).________ tradisyon ng mga taga-Africa.(57). ________ sa simula ay negatibo ang
ipinamalas na paraan ni Okonkwo, lumilitaw naman na sa kabuuan ng nobela, siya ang
protagonista.(58) ________ susuriing mabuti, kapansin-pansin ang isa pang kultura na
mababanaag sa mga taga-Umuofia. Akala ng mga Kanluranin, ang mga tagaAfrica ay likas
na tahimik(59 )________ malinaw na ipinakita ni Achebe ang kabalintunaan nito sa ugaling
taglay ng Umuofia na sila ay may komplikadong wika, punong-puno ng talinhaga(60.)
________ may masining na paraan ng pamamahayag. Kapansinpansin din ang pagbabalik
loob ni Okonkwo sa kaniyang pinagmulan, pagkilala sa kaniyang pagkagapi, at
pagtanggap sa mga parusang ipinataw sa kaniya sa kabila ng imahe ng katapangan na
siya niyang ipinamumukha sa kaniyang mga katribo.

You might also like