You are on page 1of 14

Nakalaan at Inaasahang Gawain sa Pagtuturo ng Asignaturang

Filipino sa Baitang 10
UNANG MARKAHAN

MODYUL 1 MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG MEDITERRANEAN


Paksa: Cupid at Psyche / Angkop na Gamit ng Pandiwa

1. Kilalanin ang kayarian ng mga salitang may salungguhit sa sumusunod na mga pangungusap.
Isulat sa patlang kung ito’y payak, maylapi, inuulit o tambalan.
__________a. Marami ang umaasang matutupad ng pangulo ang kanyang mga plano para sa
mamamayang Pilipino.
__________b. Maiwasan din sana ang malawakang pagtatanggal sa trabaho na nagdudulot ng
labis-labis na kahirapan.
__________c. Pasisiglahing muli ang mga bahay-kalakal sapagkat ang mga ito ay nagbibigay
ng trabaho sa mga mamamayan.
__________d. Tumulong tayong lahat upang matupad ang mga programang ito ng
pamahalaan.
__________e. Marami-raming tao ang inaasahang magkakaroon ng matatag na trabaho sa
susunod na anim na taon.
2. Pagtapat-tapatin..
Basahin sa Kolum B ang bawat pahayag na naglalarawan ng katangian ng mga diyos na
nakatala sa Kolum A. Isulat ang letra ng angkop na sagot sa patlang sa tapat ng Kolum A.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
KOLUM A KOLUM B
______1. Venus A. Diyosa ng kagandahan at kalapati ang
sagisag niya
______2. Cupid B. Diyos ng propesiya, araw at musika
______3. Mercury C. Kapatid ni Jupiter at panginoon ng
kaharian sa ilalim ng lupa
______4. Pluto D. Hari ng mga diyos at kalawakan
______5. Jupiter E. Diyos ng pagmamahal at sinasabing
anak ni Venus
F. Mensahero ng mga diyos at kilala rin sa
tawag na Hermes ng mga Greek

3. Batay sa naunawaan mong mensahe mula sa mitolohiyang “Cupid at Psyche,” paano mo ito
maiuugnay sa:
a. sarili
b. pamilya
c. pamayanan
d. lipunan
4.Ilahad ang mga mensahe at layunin na nakapaloob sa pinanood na mitolohiya. Gamitin ang
H-Chart para sa gawaing ito.
5. Sumulat ng sariling kathang mitolohiya gamit ang iba’t-ibang anyo ng pandiwa.
6. Sipiin ang sumusunod na pangungusap sa sagutang papel. Isulat sa patlang kung ang
pandiwang may salungguhit ay ginamit bilang aksiyon, karanasan, o pangyayari.
_______a. Ginawa ni Psyche ang lahat upang maipaglaban ang kaniyang pagmamahal kay
Cupid.
_______b. Lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche.
_______c. Dahil sa paghihirap natukso siyang tumalon.
_______d. Hindi nasiyahan si Jupiter sa ginawang pagpapahirap ni Venus kay Psyche.
_______e. Umibig ang lahat ng kababaihan kay Bantug
Paksa: Ang Tusong Katiwala / Mga Piling Pang-ugnay
7. Maglahad ng tig-5 na kaugalian nating mga Pilipino na nagpapakita ng mga sumusunod:
KATOTOHANAN KABUTIHAN KAGANDAHANG-ASAL

8. Ang parabula ay naglalahad ng makatotohanang pangyayari na naganap. Nagsisilbing


patnubay at lumilinang sa mabuting asal ang aral na mapupulot dito. Ang mensahe ng
parabola ay isinulat sa patalinghagang pahayag. Suriin ang mga pangyayari sa parabola batay
sa:
a. Nilalaman
b. Elemento
c. Kakanyahan
9. Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresyong ginamit sa
pamamagitan ng pagkilala sa damdaming ipinahahayag sa bahagi ng parabola. Hanapin sa
loob ng kahon ang damdaming angkop sa pahayag.
________________a. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa
kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.”
________________b. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda moa ng ulat ng iyong
pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.”
________________c. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa.
Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos.”

________________d. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong


ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin
naman kayo sa tahanang walang hanggan.”

________________e. “At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba , sino ang
magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?”
lungkot galit panghihinayang

pagtataka pagkaawa pag-aalinlangan

10. Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.


a. Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng katiwala.
b. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang utang ng mga taong may
obligasyon sa kaniyang amo?
c. Kung ikaw ang may-ari ng negosyo, kukunin mob a ang ganitong uri ng katiwala para sa
iyong negosyo?
d. Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin kung mabalitaan mong nalulugi ang iyong
negosyo dahil sa paglustay ng iyong katiwala?
e. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing mensahe ng parabula?
11.Sumulat nang maayos na paliwanag tungkol sa alinman sa mga paksa. Gumamit ng mga
pang-ugnay sa puntong pinag-uusapan o paksa. Pumili lamang ng isa.
12. Punan ng wastong pang-ugnay ang sumusunod na mga patlang. Piliin ang tamang sagot
sa kahon. Isulat ang sagot sa patlang.
alinsunod sa dahil sa labag sa para sa sa halip
a._________hindi nila pag-iingat sa paggawa ng desisyon ay lalo silang nabaon sa hirap.
b._________karapatang pantao ang pananakit ng mga taong inosente’t walang kasalanan.
c._________batas ay dapat nating matamasa an gating mga karapatang pantao.
d._________na batikusin ay intindihin natin an gating mga pinuno, suportahan natin sila.
e.Ang lahat ng ginagawa ng pamahalaan ay__________mga taong-bayan.
laban sa kundi na ng ukol sa
f.Isang payapa____________mundo ang pinapangarap ng bawat mamamayan.
g. Basta’t_____________kabutihan ng mga mamamayan ang lahat ng tao ay handing
sumuporta sa proyektong iyan.
h.Maraming tao ang nag-alsa____________kamay na bakal na pamamalakad ng pinuno.
i. Naayos n asana ang hinaing ng mahihirap sa mahinahong usapan__________nag-alsa ang
mainit ang ulong mga manggagawa.
j. Sa ating bansa, ang mga batas_________umiiral ay dapat na ipatupad sa lahat ng uri ng
tao.
13.Piliin sa talaan ng mga salita ang katulad na kahulugan ng salitang nasa loob ng kahon.
Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot.
nakulong naloko mailap kawala
pain mahirap hulihin silo bilanggo
takas preso pugante nabihag

a. Alpas
b. Bitag
c. Bihag
d. Liwag ng bansa

14. Sagutin ang mga tanong.

a. Paghambingin ang butil ng kape sa carrot at itlog nang ang mga ito ay inilahok sa
kumukulong tubig.

b. “Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang nagging reaksiyon.”
Paano mo maiuugnay ang pahayag na ito sa buhay ng tao?

c. Mabisa ba ang naging representasyon ng ama upang magkaroon ang anak ng maliwanag na
pananaw sa kahirapang kanilang kinakaharap? Patunayan.

d. Kung ikaw ang anak, paano mo haharapin ang hirap ng buhay?

e. Bigyang-kahulugan ang sinisimbolo ng butil ng kape sa kuwento.

15. Magbigay ng reaksiyon sa bawat diyalogo na hango sa akda.

a. “Walang ibang babae akong minahal.”

Halaw sa nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame”

b. ”Hindi ako pumupunta sa bahay ng isang lalaking estranghero sa akin,” sabi ng babae.

Halaw sa nobelang” Isang Libo’t isang Gabi”

( Thousand and One Nights ) Saudi Arabia


c. ”Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian nap o ako
ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa baling araw kapag ako’y nawala.”
Halaw sa kuwentong “Nang Minsang Naligaw si Adrian”
LM Grade 9, pp.15

16. Magtala ng mga nabasang akdang pampanitikan at magbigay ng isang katangian ng


akdang binasa. Gamitin ang talahanayan sa pagsagot at sagutin ang gabay na tanong.

Akdang Pamagat Pinagmulang Katangian ng


Pampanitikan Bansa Akda
Maikling Kuwento
Sanaysay
Nobela

17. Sagutin ang mga sumusunod:

a. Paano nakatulong ang akdang pampanitikan sa pagkilala sa bansang pinagmulan?

b. Anong pagkakatulad/pagkakaiba ng mga katangian ng akdang pampanitikan?

c. Ibigay ang naidulot ng pagbabasa ng iba’t ibang akdang pampanitikan sa iyo bilang
mambabasa. Ipaliwanag ang sagot.

Paksa: Ang Alegorya ng Yungib / Mga Ekspresiyon sa Pagpapahayag ng mga


Pananaw
18. Punan ng angkop na ekspresiyon ang bawat pahayag upang mabuo ang Konsepto ng
Pananaw sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Sa ganang akin Batay sa Sa tingin ng

Sa palagay ng Ayon sa Pinaniniwalaan ko

a.______Counsels on Diet and Food ay binanggit na ang mga tinapay na tatlong araw nang
nakaimbak ay mas mabuti sa ating katawan kung ihahambing sa bagong luto at mainit na
tinapay.
b.______maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao ang kaniyang karera sa
pagboboksing.

c.______Ang mga Pilipino ay higit na magiging mapanuri sa mga proyekto ng pamahalaan

matapos mabatid ang matinding korapsiyon ng ilang politiko.

d.______Department of Social Welfare and Development, mapanganib din sa mga bata ang

paglalaro ng mga marahas na internet game lalo na’t nasa developmental stage pa

lamang ang isang bata.

e.______mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang pinakabatang miyembro ng

komunidad sa posibleng epekto ng climate change sa sangkatauhan upang

magkaroon ng kamalayan sa tamang pangangalaga ng mundo.

19. Para sa iyo, ano-ano ang katangian ng isang huwarang babae o lalaki? Magbigay ng tatlong
katangian at isulat sa loob ng hugis puso.
20. Magbigay ng reaksiyon sa ideya ng bawat pahayag sa loob ng kahon.

a.

Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila


makagalaw.
b.

Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala.

c.

Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang


panginoon.

21. Lagyan ng tsek (√ ) ang nagpapahayag ng katotohanan tungkol sa tula.

_____salamin ng buhay

_____maaaring may sukat at tugma

_____nahahati sa iba’t ibang kabanata

_____ginagamitan ng tayutay o matatalinghagang pahayag

_____naglalaman ng masisidhing damdamin

22. Punan ang patlang ng angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng pangyayari.

( sa madaling sabi, saka,dahil,kung,bukod sa)

Sa Amanda Bartolome ay isang babaeng nagsisikap matunton at maunawaan ang tunay


na kahulugan ng pagiging isang babae sa gitna ng masalimuot na kalagayan ng bansa noong dekada
’70 sa ilalim ng Batas Militar. (a)_____isang babae, kumikilos siya bilang isang ina (sa limang anak na
pulos lalaki) at asawa ayon sa dikta ng lipunan at ng asawa niyang si Julian. Bagaman tradisyonal,
umiiral sa pamilyang Bartolome ang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin(b)_____kaya’t lumaki
ang kanilang mga anak na mulat ang kamalayan sa nangyayari sa lipunan.(c)_____dito’y sumali sa
kilusang makakaliwa ang kanilang panganay na si Jules,(d)_____naging makata at manunulat naman
si Emman, at nahilig sa musikang rock n roll si Jason. Si Gani naman ay malayang pinasok ang
pagiging US Navy bagaman taliwas ito sa paniniwala ng mga kapatid.(e) katatagan ng pagsasama
nina Amanda at Julian, kung saan si Amanda ay nagnais na matunton ang sarili bilang isang babae,
malayo sa dikta ng lipunan, at ng asawa.

23. Suriin kung anong damdamin ang nais palutangin ng may-akda sa bawat pahayag. Piliin at
salungguhitan ang salitang nagpapahayag ng damdamin sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang sa
unahan ng bilang kung anong damdamin ito.

___________a. “Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-
hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay,
ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakakahiya ang
pagkamatay.

___________b. “Ako ang pumutol ng Punong Cedar, ako ang nagpanatag ng kagubatan, ako ang
nakapatay kay Humbaba, at ngayon tingnan mo ang nangyari sa akin?”

___________c. “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan


24. Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel.

a. Bakit mahalagang mapag-aralan ang panitikan at kultura ng ibang lahi?

b. Paano naimpluwensiyahan ng mga panitikan sa Mediterranean ang sarili nating panitikan?

c. Bilang isang Pilipino, sa iyong palagay anong mabubuting bagay ang dapat tularan kaugnay ng
paraan ng pamumuhay, paniniwala, o kaugalian ng mga taga-Mediterranean na makatutulong sa
pag-unlad ng ating bayan?

Paksa: Ang Tinig ng Ligaw na Gansa (Tula ) / Pagpapahayag ng Emosyon

25. Basahin at unawain ang pangungusap sa bawat bilang at ibigay ang kahulugan ng mga salitang
initiman batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

a. Sinubok niyang isuot ang hiyas sa harap ng salamin, nagbabantulot siya at hindi
mapagpasyahan kung ang mga iyon ay isasauli o hindi.

b. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan kaya’t
ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan.

c. Sa harap ng gayong nakagigimbal na pangyayari, si Matilde ay maghapong naghihintay na


sapupo ng di-matingkalang pangamba.

d. Labis ang pagmimithi niyang masiyahan siya, maging kahali-halina, kaibig-ibig, maging tampulan
ng papuri at pangimbuluhan ng ibang babae.

e. Nagulumihanang napahinto ang lalaki nang Makita niyang umiiyak ang asawa.

26. Itala ang mga impluwensiya ng mga panitikang Mediterranean sa panitikan, pamumuhay,
kaugalian, paniniwala, at kultura sa ating bansa at sa mundo. Gamitin ang Venn Diagram sa
paglalahad.

27. Sumulat ng isang text message na magpapanumbalik ng pag-asa sa iyong kaibigan, kaklase o
kakilalang may pinagdaraanang suliranin. Sikaping ipahayag sa mensahe ang positibong pananaw sa
buhay upang magpatuloy siyang harapin ito. Maaaring patula o tuluyan ang isusulat na mensahe.
Isulat sa sagutang papel o maaaring ipadala sa iyong guro sa pamamagitan ng pag-text.

28. Ibahagi sa iyong kamag-aral ang iyong sagot sa sumusunod na tanong.

a. Paano naiiba ang pastoral sa iba pang uri ng tulang liriko?

b. Bakit mahalagang maipahayag ng tao ang kaniyang damdamin sa kapwa?

c. Paano nakatutulong ang pagbabasa ng tulang pastoral sa mambabasa?

d. Bakit mahalagang unawain ang tulang lirikong pastoral ng mga taga-Egypt?

e. Paano mabisang maipahahayag ang damdamin sa tula?

29. Naririto ang iyong pagkakataong maipahayag ang iyong saloobin. Bumuo ng isang pangungusap
na nagpapahayag ng iyong damdamin sa sumusunod na mga tauhan. Ipahayag ang pangungusap na
tila kausap mo sila. Gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng damdamin.

a. Taong lihim na hinahangaan:___________________________________________

b. Nakilalang may mabigat na suliranin:_____________________________________

c. Taong nais hingan ng paumanhin:_______________________________________


d. Kaklase na hinahangaan mo dahil sa kanyang kabutihan:_____________________

e. Pangulo ng Pilipinas:___________________________________________________

Paksa: Ang Kuwintas / Panghalip bilang Panuring sa mga Tauhan

30. Suriin ang kasunod na talata. Mula sa mga salitang nasa loob ng panaklong, piliin ang angkop na
panghalip.

Ang natural na kagandahan ni Donnalyn ay lalong tumingkad nang a.(siya’y,


ito’y, nito’y) magdalaga. Idagdag pa ang taglay na talino b.(niya,kaniya,siya). Kaya naman alagang-
alaga ni Aling Girlie ang anak. Inaako c.(nito, niya,siya) ang lahat ng gawaing bahay para hindi
masira ang magagandang hubog ng mga daliri ng kaniyang prinsesa. Hindi d. (ito, siya,
niya)tumutulong sa mga Gawain sa bukid para hindi umitim ang makinis at maputing balat e. (nito,
niya, dito). Sa kabila ng f.( kaniyang,kanilang,aming)kahirapan ay iginagapang nilang mag-asawa
ang pag-aaral ni Donnalyn sa isang Catholic School sa bayan.

31. Ayusin ang mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan. Gamitin ang teknik pagkiklino.

a.

Kagunggungan
Kahangalan
Kabaliwan
Kalokohan

b.

Galit
Muhi
Poot
Ngitngit

c.

Kinupkop
Inalagaan
Tinangkilik
Kinalinga

d.

Hapis
Lungkot
Pighati
Lumbay

Paksa: Epiko ni Gilgamesh / Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng Pahayag

32. Suriin ang sumusunod na epiko sa Kolum A. Tukuyin kung sino ang pangunahing tauhan ng mga
ito at isulat sa Kolumn B. Alamin din kung ano ang supernatural na kapangyarihan nito at isulat sa
Kolum C.
Kolum A Kolum B Kolum C
Pamagat ng Epiko Pangunahing Tauhan Supernatural na
kapangyarihan
a. Indarapatra at
Sulayman
b. Ibalon
c. Tuwaang
d. Illiad at Odyssey
e. Divine Comedy
f. Song of Roland

33. Malinaw bang nailarawan sa pamamagitan ng mga pangunahing tauhan sa epiko ang kultura ng
Mesopotamia sa larangan ng paniniwala sa ikalawang buhay? May pagkakatulad ba ito sa kultura
nating mga Pilipino na masasalamin sa ating sariling mga epiko? Patunayan

34. Sa pamamagitan ng Venn Diagram, ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng epiko at


mitolohiya sa paglalarawan ng kultura ng mga tauhan na masasalamin sa akda.

35. Mula sa binasang Kasaysayan ng Epiko, sipiin at uriin ang mga salitang nagpapahayag ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa panahon, nagpapakita ng sanhi at bunga,
paghahambing o kaibahan, pagdaragdag ng impormasyon, nagbibigay-diin, halimbawa at paliwanag,
at mga pangatnig.

Salita Uri

a._____________ a.____________
b._____________ b.____________
c._____________ c.____________
d._____________ d.____________
e._____________ e.____________

36. Balikan ang natalakay na aralin. Isulat ang mahalagang kaisipan hinggil sa panitikan at gramatika
na natutuhan mo sa bawat aralin.

PANITIKANG MEDITERRANEAN

a. Mitolohiya
b. Sanaysay
c. Parabula
d. Tula
e. Maikling Kuwento
f. Epiko
Nakalaan at Inaasahang Gawain sa Pagtuturo ng Asignaturang
Filipino sa Baitang 10
IKALAWANG MARKAHAN

MODYUL 2 MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG SOUTH


AMERICA AT NG MGA BANSANG KANLURANIN

Paksa: Talumapati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon / Kaisahan at


Kasanayan sa Pagpapalawak ng Pangungusap
1. Magbigay ng mga salitang maisasama sa punong salita upang makabuo ng iba pang kahulugan.
Halimbawa:
Tubig ( alat, ulan,kanal,pampaligo )
a. angkan
b. buhay
c. gunita
d. handaan
e. sawi

2. Bigyan ng Opinyon!

Ano kaya ang sasabihin ni Pangulong Rousseff sa kaniyang kababayang Brazilian? Bakit?
Paksa: Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante / Paggamit ng Wastong Pokus
ng Pandiwa
3. Pasusuri sa Elemento ng Mitolohiya
Suriin ang elementong taglay ng binasang mitolohiya ( “Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga
Higante” ni Snorri Sturluson ) sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa flow chart.

ELEMENTO NG MITOLOHIYA

Ilarawan ang taglay na kapangyarihan ni Thor.

Ilarawan ang tagpuan at panahon na pinangyarihan ng akda.

Saan nakatuon ang mga pangyayari o banghay?

Ano ang paksa o tema ng binasang mitolohiya?

4.Opinyon Mo’y Ipahayag

Magbigay ng sariling pananaw o opinyon tungkol sa mga pahayag na binanggit sa talumpati na


tinutukoy sa sumusunod na aytem.

a. Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang labis na kahirapan, gayundin


ang lumikha ng mga pagkakataon para sa lahat.
b. Nananatili sa kahihiyan ang bansa sapagkat hindi nawala ang kahirapan at nagkaroon ng mga
hadlang upang patunayang maunlad na nga tayo bilang mga mamamayan.
c. Hindi ako titigil hangga’t may Brazilian na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga
pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan na ng pag-asa at habang may
mahihirap na batang tuluyan nang inabandona.
d. Matibay ang aking paniniwala sa kasalukuyan na ang inflation ang nagdudulot ng kaguluhan
sa ating ekonomiya at sumisira sa kita ng ating mga manggagawa.
e. Sa buong kasaysayan ng Brazil, pinili nitong itayo ang isang estado na nagbibgay ng mga
pangunahing pangangailangan at kapakanan ng mga mamamayan.

5.Sagutin ang tanong sa tulong ng concept organizer technique.

Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang tuluyan?

1. Ang mga tauhan sa mitolohiya ay pawing…..


2. Kadalasan ang tagpuan ay….
3. Maaaring ang banghay ay tumatalakay sa…..
4. Ang tema naman ay tungkol sa…..

Paksa: Ako Po’y Pitong Taong Gulang / Mga Salitang Nagpapahayag ng Damdamin

6. Paabanikong Pagsusuri

Itala ang mga impormasyon tungkol sa pinagmulan ng Caribbean gamit ang fan fact analyzer.
Gayundin din sagutin ang tanong, ano-anong mahalagang impormasyon ang nakuha mo sa
binasa?

Paksa: Sintahang Romeo at Juliet / Pokus sa Kagamitan at sa Pinaglalaanan ng


Pagpapahayag ng Sariling Damdamin

7.Punan Mo…

Punan ng angkop na pandiwa ang patlang upang mabuo ang diwang ipinapahayag ng bawat
pangungusap. Piliin sa kahon ang sagot.

a. __________ni Romeo ang matatamis na pananalitang binitiwan niya kay Juliet.

b. __________ng tapat na pag-ibig si Juliet ng isang binatang hindi niya kaangkan.

c. Ang prinsesa’y___________ng kapatawaran at ang prinsepe’y____________ng kaparusahan.

d. __________ni Tybalt kay Romeo ang bantang kamatayan ang kapalit ng pag-ibig sa prinsesa.

e. __________ni Romeo ng lason ang apatnapung ducado sa isang butikaryo.

8.Lakbayin Natin…

Magbigay ng impormasyon tungkol sa bansang England batay sa sumusunod na aspekto. Gumamit


ng grapikong representasyon sa pagsagot sa gawain.

ENGLAND

a. Turismo
b. Relihiyon
c. Panitikan/Literatura
d. Kultura/Tradisyon
e. Kaligirang Kasaysayan
f. Mga Tao ( Ugali, Pananaw/Paniniwala,Pamumuhay )

9.Ibigay ang pinag-ugatan ng mga salitang may salungguhit. Gawing batayan ang kasunod na
halimbawa. Pagkatapos gamitin ito sa makabuluhang pangungusap.

a. ang ganitong panghihimasok mapait na lubos

b. sa ngalan ng buwang matimtiman


c. na mamamakay

d. O, gabing pinagpala, ako’y nangangamba

e. Sa tulong ng isang susuguin ko

f. Ang marahas na ligaya

g. Madilim na libingang hinihigan

h. Hahagkan ko iyong mga labi

i. Titingnan kung saan siya uupo

j. Kasiyahang maaari mong makamtan

10.Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

a. Ano ang damdaming namayani kay Romeo nang Makita si Juliet?

b. Ilarawan ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet. Ano ang nakita nilang balakid sa kanilang pag-
iibigan?

c. Paano ipinaglaban nina Romeo at Juliet ang pag-ibig nila sa isa’t-isa?

d. Bakit humantong sa masaklap na trahedya ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet?

e. Kung ikaw si Juliet at alam mong magkagalit ang inyong pamilya sa lalaking iniibig mo, ipaglalaban
mo ba ang pag-ibig mo? Pangatwiranan.

11. Paghambingin Mo…

Ipakita sa pamamagitan ng double cell diagram ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kulturang


nakapaloob sa dulang Romeo at Juliet sa iba pang dulang iyong nabasa .

Paksa: Ang Aking Pag-ibig / Mabisang Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita

12. Basahin ang mga pangungusap at punan ang talahanayan.

a. Ang kapangyarihan niya ay ipinanakot sa mahihina.

b. Ipinangregalo ng pamilya Lopez ang mga natipong donasyon para sa nabiktima ng kalamidad.

c. Ang bitbit ni Tony ay hiningi ng kaniyang pagtatapat sa ina.

d. Ipinagkaloob ng tadhana ang naganap sa Leyte.

e. Ang inabot na salapi ay itinulong sa mga mag-aaral na mahihirap.

PANGUNGUSAP PAKSA PANDIWA POKUS


a.
b.
c.
d.
e.

13. Suriin ang estilong ginamit ng may-akda sa napakinggang tula.


14. Natutukoy ang iba’t ibang element ng nabasang tula.

15. Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula. Isulat sa kasunod
na tsart ang sagot.

a. Lipad ng kaluluwang ibig na marating

Ang dulo ng hindi maubos-isipin

b. Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.
c. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.

Ang Aking Pag-ibig

Titik A Titik B Titik C

16. Suriin ang pagkakabuo ng tula at ihambing sa iba pang uri ng tulang pandamdamin.
17. Sumulat ng may dalawang saknong na tula at taglay ang mga elementong natalakay.
18. Sumulat ng isang talatang naglalarawan na pumapaksa sa pag-ibig ( pag-ibig sa Diyos,
kapwa, at iba pa. ) Gumamit ng matatalinghagang pahayag/pananalita sa iyong susulating
talata. Salungguhitan ang mga ito.
19. Bumuo ng suring-basa ukol sa mahahalagang kaganapan at mensaheng nakapaloob sa
iyong akdang nabasa na hindi mo makalimutan.
20. Ibahagi Mo…
Isa kang binatang lubhang napaibig sa isang dalagang napakahigpit ng magulang? Anong plano
o paraan ang gagawin mo upang maipakilala ang wagas na hangarin mo para sa kaniya. Anong
kultura ang naging batayan mo sa pagbuo ng plano?

ANG IYONG PLANO KULTURANG PINAGBATAYAN

a. Hakbang na gagawin __________________________


b. Kagamitang kakailanganin __________________________

Paksa: Aginaldo ng mga Mago ( Maikling Kuwento ) / Pokus sa Kaganapan / Pokus sa


Sanhi

21. Bigyang-kahulugan ang mga sumusunod na salitang may salungguhit.

a. inihanda niya ang salapang kahulugan:_____________

b. at siya ang pinakamalaking dentuso na nakita ko kahulugan:_____________

c. hindi nilikha ang tao para magapi kahulugan:_____________

d. magkabilang gilid ng kaniyang prowa kahulugan:_____________

e. nagpapahinga sa popa kahulugan:_____________


22. Alamin, Suriin, Tuklasin

Isa-isahin ang mga elementong ginamit sa napanood na akda at ang mga patunay ukol nito.

23.Ikuwento Mo

Magsalaysay ng isang pangyayari mula sa napanood na palabas o nabasang kuwento na may


kinalaman sa kulturang umiiral sa pagbibigayan ng regalo.

a. Pamagat
b. Pangyayari
c. Reaksiyon

24. Baguhin Mo..

Baguhin mo ang anyo ng pandiwa batay sa salitang ugat na nasa loob ng panaklong upang
mabuo ang diwa ng mga pahayag.

a. Ang tindahan ni Madame Sofronie ay (bili) ni Della ng kadena ng relos na ipanreregalo sa


asawang si Jim.
b. (Sanla) naman ni Jim ng kaniyang gintong relos ang bahay-sanlaan sa bayan.
c. (Bahala) ni Della ang bagong ayos ng buhok na nilikha ng kagustuhang makabili ng regalo sa
asawa.
d. Pihong(tuwa) ni Jim kapag nakita niya ang magandang aginaldong ibibigay sa kaniya ni Della.
e. (Lungkot) ng mag-asawa ang pangyayaring iyon nang malaman na hindi nila
mapakikinabangan ang mga regaling kaloob para sa isa’t-isa.

25. Tayo na’t Magkuwentuhan

Magsalaysay ng kuwentong nabasa, napanood, narinig at nasaksihan na humantong sa trahedya


ang wakas.

26. Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang magkakatulad o magkakaugnay ng kahulugan.

sumalagmak hagulgol walang katinag-tinag humagibis


hilam silakbo lumandi simbuyo
tangis umalembong panlalabo tumulin
kulabo lagablab halughugin lumuklok
halukayin malakas na iyak halungkatin humaruro
napaupo sobrang bilis umapoy napatigil

27. Sumulat ng sariling wakas ng isang paboritong teleserye na napanood na.

Paksa: Ang Matanda at ang Dagat ( Nobela ) / Paggamit ng Pahayag na Pagsang-ayon at


Pagtutol

28. Mula sa nobelang, ( “Ang Matanda at Ang Dagat” ni Jesus Manuel Santiago) gumawa ng
maikling balangkas hinggil dito. Sundan ang dayagram sa ibaba.

a. Simula

b. Suliranin

c. Papataas na Pangyayari

d. Tunggalian

e. Kasukdulan

f. Kakalasan
g. Wakas

29. Subukin Natin…

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong:

a. Bakit kailangang pag-aralan ang mga akda sa Kanluran?


b. Naimpluwensiyan ba ang iyong pananaw pagkatapos mong pag-aralan ang kultura ng mga
bansang kanluranin? Paano?
c. Ihambing ang kultura ng Pilipinas sa mga bansang pinagmulan ng mga saling akdang
pampanitikang pinag-aralan. Ano ang mga pagkakahalintulad? Ano ang pagkakaiba

30. Ipaliwanag Mo!

Ano ang iyong pananaw sa sinabi ng sumulat na “Ang unang hakbang para malutas ang
kahirapan ay ang pagtanggap na ito ang suliranin ng bansa?”

31. Unawain Mo

Magbigay ng reaksiyon ukol sa lathalain na isinulat ni Manny Villar na pinamagatang, “Kahirapan:


Hamon sa Bawat Pilipino”. Ilahad ang pananaw ng sumulat tungkol sa pagbabago sa pagsukat
ng kahirapan sa Metro Manila.

32. Masasalamin bas a talumpati ang kalagayang panlipunan ng bansang pinagmulan nito?
Patunayan.

33. Magbigay ng mga salitang maiuugnay sa salitang nasa loob ng diagram ( Word
Association )

Brazil Pamumuhunan Ekonomiya


34. Umisip ng isang balita na napakinggan na at may kaugnayan sa mga isyung
panlipunan na binanggit sa Inagurasyong Talumpati ni Pangulong Rousseff. Suriin ang
sumusunod:
a. Paksa b. nilalaman ng balita c. kaugnayan sa tinalakay na talumpati
35. Mula sa nakatalang paksa, bumuo ng mga pangungusap. Sikaping mapalawak ito sa
tulong ng panaguri o paksa. Ipaliwanag ang paraang ginamit sa pagpapalawak ng
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
a. Pagkakaisa ng mga bansa
b. Pag-unlad ng ekonomiya
c. Pagdami ng skilled workers
d. Pag-aagawan ng teritoryo
e. Drug-trafficking
36. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salitang karaniwang nakikita sa social
media.
a. Weblog
b. Twitter
c. Facebook
d. Youtube
e. Hashtag
f. Likes
g. Instagram
h. Comment
i. Tag
j. Share

You might also like