You are on page 1of 5

SANAYANG AKLAT SA FILIPINO

(Batay sa NAT Kompetensi)

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Isulat ang titik ng tamang sagot.
“Aalis na kami, Alice. Maraming salamat sa iyong kagandahang loob,” paalam ni Andres. “Hindi pangkaraniwang
gabi ito sa akin”.

1. Ang salita na nagpapakita ng pagpapatungkol kay ay Alice ay ______________.


a. ito c. akin
b. iyong d. kami
Hindi na mapigilan ang mabilis na pag-inog ng daigdig. Naging marunong ang tao sa tulong ng agham at
teknolohiya. Kapansin-pansin sa kaunlaran sa medisina, pati na rin ang pagdami ng tao.
2. Anong kaisipang ang mahihinuha mula sa binasa?
a. Mabilis umikot ang mundo.
b. Ang karunungan ay nagdudulot ng kaunlaran.
c. Dumarami ang tao dahil sa mabilis na pag-inog ng mundo.
d. Ang kaunlaran ay bunga ng pagpupunyagi ng mga tao.
Ibuhos natin angating kakayahan at gawin ang lahat na magagawa upang ang ating bansa’y maging tunay na
malaya at nagsasarili, at ang mga mamamayang Pilipino’y siyang maging tahas na Panginoon sa kanilang lupain.
(Ang Mga Ibong Mandaragit- Amado V. Hernandez)
3. Ang ibig ituro ng pahayag sa mga Pilipino ay _______________.
a. Pangalagaan ang bansa sa mga dayuhan.
b. Isulong ang kasarinlan ng bansa.
c. Ipagmalaki ang nakamit na kasarinlan sa kamay ng mga dayuhan
d. Makapagtatag ng isang ng isang huwarang pamahalaan ng taong bayan.
Makatarungang demokrasya, pagkakapantay-pantay sa batas at pagkakataon sa buhay. Ito ang ating panata at
hantungan, sukdulan tayo’y magbuwis ng ating buhay.
4. Ipinahahayag ng binasang bahagi na ang _________________.
a. Ang pagbubuwis ng buhay ay isang kabayanihan.
b. Ang pagbubuwis ng buhay ang kasagutan para matamo ang demokrasya.
c. Ang bawat nilalang ang may tinatamasang karapatan.
d. Kapakanan ng mga mamamayan ang dapat pangunahing hangarin.
Palibhasa’y taga bagong panahon si Daniel at palihasa’y may salaping ikinasusunod ng lahat, ang kanyang mga
kilos ay naaalinsunod sa lakad ng kabihasnan.
5. Anong larawang diwa ang ipinakita sa talata?
a. Taong anuman ang naisin ay makamit.
b. Taong kabilang sa bagong henerasyon.
c. Taong madiskarte sa buhay.
d. Taong masalapi.
May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama. Luwalhati. Hinagod-hagod niya ang kamao. Nadama
niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Ang tibay. Ang tatag. Ang kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang
nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa’y nakapikit at nakabuka ang labing nag-aangat siya ng mukha.
6. Anong larawang-diwa ang nakapaloob sa talata? Isang taong:
a. Nagmamalaki
b. Naging mahinahaon
c. May matigas na kalooban
d. Natukalasan ang kanyang kakayahan
Sa unang sandali pa lamang na namalas ng binata ang larawan ng mabait na dalaginding ay ganap ng napag-
unawa na yaon ang gandang kanyang hinaharap, tumugon ang gandang kanyang hinahanap, tumugon sa kanyang
pangarapin at alinsunod sa tibukin ng kanyang puso.
7. Alin sa mga sumusunod ang pinapatungkulan ng salitang kanyang sa pangungusap?
a. puso c. dalaginding
b. pangarap d. binata
Naramdaman kong may nagpupumilit na bumalong sa aking mata. Ngayon ko lamang nadamang kilala ko ang
silid ng aking Ama: dati-rati ko nang napapasok ang kapirasong pook na ito! Lumapit ako kay Ama.
(Halaw sa Dayuhan ni Buenaventura S. Medina, p. 174-181, Daloy ng Diwa IV)
8. Ang wakas ng kuwento ay __________________.
a. Nag-iwan ng katanungan sa isipan ng mga mambabasa
b. Nasa mambabasa kung paano nila ito gustong wakasan
c. Nagpakita ng kalutasan sa suliranin ng pangunahing tauhan
d. May napipinto pang kasunod ang kuwento
Humahangos ang mga tao sa lahat na lansangan ng Maynila. Gumagalaw ang lahat ng bisig, ang lahat ng isip, ang
buong katawan ng Maynila.
9. Ang kaisipang maiuugnay sa nakapaloob na teksto ay _______.
a. Madaling manirahan sa lungsod
b. Daglian ang pag-angat ng buhay sa lungsod
c. Maraming tao ang walang tigil sa pagtatrabaho upang mabuhay sa Maynila
d. Isang malaking pangarap sa lahat ng Pilipino ang manirahan sa Maynila
“Mahalaga sa ilalim ng anumang pamahalaan ang karapatan ng tao sa katarungan. Ngunit sa ibabaw ng
karapatan sa katarungan ay lalong mahalaga ang karapatan ng tao na ipinagsanggalang ang kanyang buhay.
10. Anong kaisipang ang nakapaloob sa talata?
a. Mahalaga ng ipagtanggol ang karapatan.
b. Gamitin ang karapatan upang ipagtanggol ang sarili.
c. Karapatan ng tao ang mabigyan ng katarungan sa lipunan.
d. Ang buhay ng tao ang higit na pangalagaan ng pamahalaan.
“Gaya ng lahat mabait na anak ang laki sa hirap, si Ineng ang tumutulong sa magulang sa lahat na gawain sa
bahay at gayon din naman sa ano pa mang pagsisikap ng kanyang ina na maaaring pagkakakitaan ng salapi upang kahit
papaano’y makatulong sa pamilya.
11. Anong magandang asal ang itinuro nito sa kabataan?
a. Ang bumuo ng pangarap
b. Ang pagtulong sa pamilya
c. Ang pagpapahalaga sa hanapbuhay
d. Ang maagang pagkita ng salapi
Ang katapatan sa kapwa bilang mahalgang katangian ay bihira nang makita sa ngayon. Sinasabi ng matatanda na
lubha na raw mailap ang salitang ito sa ngayon. Higit na madalas daw magtalusira o magtaksil ang karamihan sa atin sa
hirap ng buhay.
12. Ano ang nais ipaliwanag ng talata tungkol sa salitang katapatan?
a. Nababalewala na ito dahil sa kahirapan.
b. Nawawalan na ng tiwala ang bawat isa sa sarili.
c. Nasisira ang samahan ng mga magkakaibigan.
d. Nababago ang pananaw ng tao dahil sa pagbabago ng buhay.
“Ang eskwelahan ang batayan ng isang lipunan, ang eskwelahan ang librong kasusulatan ng kinabukasan ng
mamamayan,” pahayag ni Simon.
13. Mahihinuhang pinahahalagahan na ng mga Pilipino ang edukasyon noon pa man dahil ito ang
_________________.
a. Pinamagandang kontribusyon ng mga Espanyol.
b. Magiging daan sa ikatatag at ikasusulong ng bansa.
c. Magbibigay ng kakayahang maipagtanggol ang lipi mula sa mga abusadong Espanyol.
d. Magiging paraan para makatuklas ng pagbabago at imbensiyon.
“Kayo’y hindi na hinirang ng bayang Pilipinas,” ang sagot ng Mataas na Kawani sa Heneral, kundi ang bayang
Espanya. Ito ang isang dahilan kung bakit dapat ninyong linggapain ang mga Indio upang wala silang maipintas sa
Espanya. Nang pumarito kaysa Pilipinas, ipinangako ninyong ilalagay sa katwirang ang pamamahal.”
14. Isinsaad ng pahayag na _________________________.
a. Dapat ganap nating tinanggap ang pamamalakad ng mga pinunong Espanyol.
b. Ang pamahalaan sa matatag na sandigan ng mga mamamayan.
c. Ang pamamahala ay kailangangmaging pantay para sa interes ng pinuno at ng mga mamamayan.
d. Tungkulin ng mananakop na iayos ang bayang kanyang sinakop.
“May pananagutan kayo sa ilang Pilipino na nais hubugin ang kanyang kabataan, hindi lamang ang isip kundi pati
ang kanilang katawan tungo sa paglikha ng isang bayang marangal, matalino, mabait, dakila at tapat,”ang sabi ni Isagani
kay Padre Florentino.
15. Ang kaisipang ipinahihiwatig ng pahayag ni Isagani ay tungkol sa mga ____________.
a. Di mabuting gawa ng mga prayle sa edukasyon ng mga kabataan.
b. Hiling na pagbabago ng mga estudyanteng Pilipino sa pamahalaang Espanyol.
c. Karapatan ng mga estudyanteng Pilipino na nabigyang halaga sana ng mga namunong Espanyol.
d. Tungkulin ng mga namunong Espanyol na pangalagaan ang interes ng mga mamamayang tao.
“Ako ma’y Kastila rin, ngunit bago ang aking pagka-Kastila ay una ang aking pagkatao; at una sa Espanya ay
minamahalaga ko ang aking karangalan. Hindi ko ibig na balang-araw ay matawag siyang ina-inahan ng mga bansa,”
manlulupig na maliliit na Kawani sa Heneral.
16. Mahihinuha sa pahayag ng mataas na kawani ang kaisipan na kailangan ang ________.
a. Malinaw na programa para sa kailangan ng mamamayang sinakop.
b. Dakilang adhikain upang lubusang makiisa ang nasasakupan.
c. Matalinong pinuno upang mapatakbo ng maayos ang bansa.
d. Pamunuang may mahabang karanasan sa pamamalakad ang bansa.
1. Nakakulapol sa pinagtutuunan niya ng tingin.
2. Nagtatago ang nais niyang makita sa pook na ito.
3. Dinayo pa man din niya ang layong iyo upang upang makita lamang ang kabuuan ng bantog na tulay na ito ang
tinatawag na Golden Bridge ng San Francisco.
4. Unti-unti naming humuhulagpos sa bilangguang ulap ang matayog na palatandaang tulay.
17. Aling bilang ng pangungusap ang nagpapahiwatig ng talinghaga?
a. 1 c. 3
b. 2 d. 4
1. Dahil iyang edukasyon pangunahing prayoridad.
2. Kabataay yumayabong nang mabilis at sagana
3. Kamalia’y sinusugpo sa tibay ng kanyang nasa
4. Nararating pati langit ng magiting na diwa.
18. Ang parirala na nagpapahayag ng larawang-diwa ay nasa bilang ___________.
a. 1 c. 3
b. 2 4. 4
Si Matilde ang ang naging tampok na bituin sa araw na ‘yon. Sa kanyang kariktan at husay sa pagsayaw nilupig
niya ang sa rangya ang lahat ng mga babaeng naroon. Lahat ng lalaki ay nagpako ng tingin sa kanya, nag-usisa ng
kanyang pangalan at gumawa ng paraan upang makadaupang-palad siya.
19. Ang larawang ipinakikita sa akda ay isang babaeng ___________________.
a. kabighabighani c. dalubhasa
b. kagilagilalas d. dakila
Nag-uusap ang mag-asawang Celso at Cita tungkol sa pambayad ng matrikula ng kanilang anak.
“Huwag ka nang mabahala. Ipinag-ipon ko siya nang unti-unti para sa pangangailangang iyon. Ipinangako ni Ina
yang pagtulong niya sa pagtatapos ng anak natin sa hayskul ,” sabi ni Cita.
“Sadyang napakabait sa atin ng Panginoong Diyos. Sa pamamagitan ng patnubay niya sa atin naihahanap ng
kalutasan an gating suliranin sa tulong niya,” sagot ni Celso sa asawa.
20. Bilang isang kabiyak at ama ang katangi-tanging pag-uugali ni Celso ay lubusang pagtitiwala sa Panginoon at
______________.
a. Pagtataguyod sa pag-aaral ng anak niya sa paghihingi ng tulong sa kanayang ina
b. Paghahanda niya sa kinabukasan ng kanyang buong pamilya
c. Pag-iipunan lamang ang mga biglaang pangangailanagan ng kanyang anak
d. Pagpaplano nang nararapat gawin para malutas ang suliranin
Tuwing dadalaw si Dr. Tan ay nakangiti ang munti niyang pasyente.
“Malapit na po akong gumaling. Lagi po akong nagdarasal. Sabi po ni sister Analisa ay wala raw pong imposible
sa dasal.”
Itinuring ni Dr. Tan na isang milagro ang pagkagaling ni Yeye. Pagkaraan ng kalahating buwan ay sinundo na siya
ni sister Analisa.
Bago umalis si Yeye, nagwika ng ganito ang manggagamot, “Ang Teddy Bear na ito ay aginaldo ko sa iyo. Alam
mo, dalawampung taon na akong hindi nagsisismba ni magdasal mula ng namatay ang kaisa-isa naming anak.”
21. Ang angkop na pagwawakas sa akda ay ___________________.
a. Nailigtas sa panganib ang buhay ng batang may sakit sa bahay ampunan.
b. Sabay na nanalangin ang manggagamot at si sister Analisa.
c. Kinuha ng madre ang batang maysakit.
d. Muling nagbalik sa Panginoon ang manggagamot.
Namimili ang kaluluwa ng lipuna’t kaibigan.
At matapos mamimili’y sinasarhan ang pintuan.
Sakaling ma’y may karwaheng tumigil sa trangkahan ay di kikilos,
di titinag sakaling hari man ang lulan.
Sa loob ng isang bansa na maraming mamamayan
siya’y akin nang nakitang pumili ng isa lamang.
22. Ipinahihiwataig ng tula na _________________.
a. Ang tao ay namimili ng lipunang kanyang kinabibilanagan.
b. Ang tao ay may kakayahang pumili ng gusto niyang kaibigan.
c. Kailangang maging tapa tang tao sa kanyang magiging kaibigan.
d. May isang katangi-tanging ugali ang kaibigang pinipili ng mamamayan sa lipunan.
Si Placido ay mag-aaral na mahinahon at matiisin. Ngunit ng araw na iyon, hindi na siya nakatiis sa pahamak at
pangungutya ni Padre Milan. Ibinalibag ni Placido ang kanyang mga aklat. Ipinamukha niya sa guro na wala itong
karapatang siya ang hamakin. Pagkatapos lumabas siya ng silid aralan nang walang paalam.
23. Anong kaisipan ang maiugnay sa edukasyon sa pagpapasyang ginawa ni Placido?
a. Dapat maging mahinahon sa pagpapasya sa gawain ang isang mag-aaral.
b. Ang bawat mag-aaral ang may karapatang ipagtanggol ang kanyang karangalan
c. Ang guro ang dapat tumayong pangalawang magulang ngmag-aaral.
d. Di dapat manghamak at mangutya ang kayang mag-aaral sa isang guro.
“Ang pamahalaan ay itinatag sa ikagagaling ng bayan. Upang makatupad ng lubos sa layunin ay higit na
kailanagang umalinsunod ito sa kahilingan ng mamamayan na nakababatid ng kanilang mga kailanagan.”
24. Ang kaisipang ito ay nangangahulugang __________________.
a. Nararapat magpasaklaw ang mamamayan sa kanilang pamahalaan.
b. Dapat isulong ang katatagan ng pamahalaan kaysa kapakanan ng mamamayan.
c. Masusing pagpapatupad ng mga kautusan ang kailangan para sa kaayusan ng mamamayan.
d. Dapat unahin at bigyang pansinng pamahalaan ang pangangailangan at mga hinaing ng mga mamamayan.
“Marangal na pagmamahal sa bayan ang mamamatay dito.”
25. Ang pahayag ay naglalarawan ng ________________.
a. Marangal na pagsasaayos para sa huling hantungan ng isang bayani.
b. Pagnanais na mamatay sa sariling bayan kaysa ibang lupain.
c. Kahandaan sa pagbubuwis ng buhay para sa kalayaan ng buhay.
d. Pagpapadama ng kabayanihan para sa ikauunlad ng bayan.
“Ang mga tapat na loob at mga karapat-dapat ay kailangan magtiis upang ang kanilang adhikai’y makilala.
Lumaganap at kailangang pingkiin ang bato upang magbigay-ningas.”
26. Ang kaisipang ito ay nangangahulugang __________________.
a. Ang taong may pangarap ay taong may prinsipyo.
b. Kailangang maghirap muna bago makamit ang nais.
c. Dapat panindigan ang mga mithiin at ituon ang pansin sa ikatatagumpay nito.
d. Kahanga-hanga ang mga taong may paninindigan sa kanyang mga gawain.

“Ikaw at ako ay kapwa nauuhaw sa katarungan kaya’t sa halip na tayo’y magbangan ay kailangan tayong
magtulunan.”
27. Ang prinsipyong pinaniniwalaan ng taong nagsasabi nito ay ______________.
a. Makakamit natin an gating adhikain kung tayo ay nagkakaisa.
b. Gaano man kasama ang pag-uugali ng isang tao, ito ay maaari pa ring magbago.
c. Huwag tayong palulupig sa taong kaaway natin bagkus makikipagkaibigan tayo sa kanila.
d. Pahahalagahan natin angating kapwa ng sa gayon matutulungan tayo nila.
1. “Siya ang aking paraluman,” parang nahihibang na nasabi niya.
2. Nang hapong mahipo ang dulo ng dalawang daliri. “O, maganda kong paraluman.”
3. “Kapag natarok mong ikaw ang aking pangarap at ikaw ang pag-uukulang handugan ng lahat kong makakaya,
marahil ay hindi ka magiging akin.
4. Isang bagong mailap na tatalilis pagkarinig sa dalisay na pag-ibig na aking ihahandog.
28. Alin sa may bilang na pangungusap ang nagpapahayag ng talinhaga?
a. 1 c. 3
b. 2 d. 4
Ang magulang ay may malaking pananagutan sa pamahalaan at bayan. Nasa kanila ang bigat ng mga tungkulin at
ang magandang pag-asa sa kinabukasan. Sila ang unang tagahubog ng tao. Mga kamay nila ang pumapanday at kung
hindi ayos ang pagkakalikha sa katauhan ng mga anak, ito’y malaking kapinsalaan sa lipunan, sa pamahalaan at sa bayan
man.
29. Ayon sa binasa, bakit may malaking pananagutan sa lipunan at bayan ang mga magulang?
a. Huwaran sila ng kabataan sa kagandahang asal.
b. Patnubay ng kabataan ang kailangan ng magulang.
c. Sila ang tagahubog ng katauhan ng kabataan na pag-asa ng bayan.
d. Sila ang unang tagapagpatupad ng batas kaya sila ang magiging mamamayan.
Tulad ng kabataan, ang pag-aaral sa hayskul ay minsan lamang dumaraan sa buhay. Ang pagtatapos sa hayskul
na maaaring walang kasing-ligaya at kasing-saya, ay saka lang lubos na mauunawaan na yao’y simula lamang ng
katotohanang pag-aaral sa buhay
30. Aling paliwanag ang inilahad tungkol sa pagtatapos sa hayskul?
a. Pinakamasayang yugto sa buhay ng lahat ang hayskul.
b. Ang karanasan ay magdudulot ng totoong buhay.
c. Ito ang simula ng totoong pakikibaka sa buhay.
d. Ang karunungang matatamo ay magpapatuloy habang buhay.

You might also like