You are on page 1of 21

ANG MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK:

GABAY SA PAMIMILI NG PAKSA AT PAGUO


NG SUIRANIN NG PAG-AARAL
GROUP 3
Ayon kay Susan B. Neuman (1997) na binanggit nina Evasco et. Al (2011)
sa aklat na “Saliksik: Gabay sa Pananaliksik sa Agham Pnlipunan, Panitikan
at Sining” ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga kasgutan sa
mga partikularna katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o
kapaligiran. Patuloy ang pananaliksik sa iba’t ibang paksa at phenomenon
dahil patuloy na inuunawa ng tao ang mg apangyayari at pagbabago sa
kaniyang paligid kasabay ng pagunawa, tumutuklas ang tao ng iba’t ibang
imbensiyonat kaalaman.
KAHULUGAN AT KABULUHAN NG MAKA-
PILIPINONG PANANALIKSIK

• Dakila na ang pananaliksik sa sarili nitong kahulugan at


kabuluhan.Mailalatag ang halaga ng pananliksik kung isaalang-alang ang
pangangailangan ng lipunang kinaluluguran nito.Sa Pilipinas na dumanas
ng mahabang kasaysayan ay nanatiling bansot at nakaasa ang mga
siyentipikong pananaliksik sa mga banyagang kaalaman.Hamon para sa
mga Pilipinong iskolar at mananaliksik ang pagbuo ng kalinangan sa
pananaliksik na nagmula sa at ginabayan ng sariling karanasan, umuugat
sa aral ng kasaysayan, at nagsisilbi para sa sambayanan. Sa ganitong
konteksto, malaki ang pangangailangang paunlarin ang maka-Pilipinong
pananaliksik na naiiba sa tradisyunal na pananaliksik sa kanluran.
• Ang maka-pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang
Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa
mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan.
Hindi maiiwasan na nasa wikang ingles o iba pang wika ang isang pananliksik,
kailangan pa rin isalin ito sa Pilipino upang mas mapakinabangan. Mahalaga
ang pamimili ng mananaliksik sa wika at paksang gagamitin sa pananaliksik.
Ang mahusay na pamimili ng wika at paksa ang nagtatakda sa bigat at halaga
ng pananaliksik.Maisasagawa ang mahusay na pamimili kung isasa-alang alang
ang kontekstong panlipunan at kultura ng lipunang kinabibilangan.
Makabuluhan ang naging pagninilay ni Dr. Bienvenido Lumbera (2000),
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, sa kanyang aklat na “Writing the
Nation, Pag-akda ng Bansa,” hinggil sa usapin ng pamimili ng paksa sa
pananliksik.
Bakit hindi paksaing Pilipino? Tanong ito ng isang kababayang kararating
lamang sa Indiana University mula sa Pilipinas. Ginulantang ako ng tanong. Sa
loob kasi ng talong pagkakalayo sa sariling bayan, hindi sumagi sa isipan ko na
importante pala na iugnay ko ang aking mga plano para sa sariling hinaharap sa
mga pangngailangan ng aking bayang tinubuan. Taong 1959 noon, at simula iyon
ng aking re-edukasyon bilang intelektwal na ang kamalaya’y hinubog ng kulturang
kolonyal.
• Ang pagninilay na ito ni Lumbera ang tuluyang nagbunsod ng desididong pagkiling
niya bilang iskolar na itanghal ang wikang Filipino at paksang Pilipino sa kaniyang
pananaliksik sa kultura at panitikan. Mula noon, “Itinaguyod niya ang posisyon na ang
wikang pambansa ay wika ng marunong at wikang hindi naghihiwalay sa intelektwal
sa sambayanan.
• Ayon kay Rosario Torres-Yu sa aklat niyang “Kilates: Panunuring Pampanitikan ng
Pilipinas.” Para sa kaniya, Malinaw na ang intelektwal na gawain ay hindi pansarili
lamang, bagkus ay kailangang iugnay ito sa pangangailangan ng bayan. Ang pagpili ng
paksa at wika sa pananaliksik ay pamimili rin kung para kanino ang gagawing
pananaliksik. Kung para ito sa bayan, nararapat na it ay nasa wika at karanasang
nauunawaan.
• Malinaw na tinutukoy sa karanasan ni Lumbera na ang maka-Pilipinong pananaliksik
ay gumagamit ng wikang Filipino sa pagpapaliwanag at pagpapakahulugan, pumapaksa
ng karanasan, asspirasyon ng mga Pilipino sa iba’t-ibang larang at disiplina at
naisasakonteksto sa kasaysayn at lipunang Pilipino.
Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong
pananaliksik ang pagpili ng paksang naayon sa interes at kapaki-
pakinabang sa sambayanang Pilipino.
- Bago magdesisyon sa paksa, mahalagang tanungin muna ng mananaliksik ang
bigat at halaga ng pananaliksik [ara sa kalahok nito o pinatutungkulan ng
pananaliksik.
- Ayon kay Virgilio Enriquez (1976), proponent ng Sikolohiyang Pilipino,
kailangang “ibatay sa interes ng mga kalahok ang pagpili ng paksang
sasaliksikin.
- Kilalanin munang mabuti ang mga kalahok at hanguin sa kanila ang paksa,
nang ganoon ay may kaugnayan ito sa kanilang pamumuhay.
- Kalimutan ang sariling hangarin at ituon ang pag-aaral sa pangangailangan at
hangarin ng kalahok.
Upang maisagawa ito mahalaga anng pakikipamuhay at pag-alam sa
kanilang kondisyon. Pinaunlad ni Enriquez ang iba’t iabang metodong angkop
sa kultura at pagpapahalagang Pilipino gaya ng pagmamasid, paggamit sa
pakiramdam, pagtatanong-tanong, pagsubok, pagdalaw-dalaw, pagmamatiyag, at
pagsubaybay. Tinukoy rin niya na mahalaga sa pananaaliksik ang pakikilahok at
pakikisangkot. Kung talagang pag-aaralan ang interes ng masa, mauunawaan ng
isang mananaliksik ag tinatanggap ng karaniwang Pilipino at matutunghaan ang
lalim ng kaalamang galling sa kanilang karanasan.
KOMUNIDAD ANG LABORATORYO NG MAKA-PILIPINONG
PANANALIKSIK.

Dahil sa lumalawak ang agwat o pagkakahiwalay ng karaniwang


mamamayang Pilipino sa akademya at edukado,mahalagang tungkulin din
ng pananliksik na pawiin ang pagkakahiwalay na ito. Mahalagang
tungkulin din ng mga mag-aaral, sa gabay ng kanilang mga guro, na
lumabas at tumungo sa mga komunida bilang lunsaran ng maka-
Pilipinong pananaliksik. Sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga pag-
aaral sa komunida, nakakakuha ng tunay na karanasan at kaalaman ang
mga mag-aaral mula sa masa. Naisisistema nila nag mga karanasang ito at
muling naibabalik para sa kapakinabangan ng komunida. Sa ganitong
paraan ay nagiging dinamiko rin ang mga unibersidad at paaralan sa
pagtugon sa mga pagbabago at pangangailangan ng lipunan.
KALAGAYAN AT MGA
HAMON SA MAKA-
PILIPINONG PANANALIKSIK
GROUP 3
ILAN LAMANG ANG SUMUSUNOD NA HAMON NA
DAPAT KILALANIN AT PANGIBABAWAN NG ISANG
MANANALIKSIK SA WIKANG FILIPINO.

1. Patakarang Pangwika sa Edukasyon.


Nakasaad sa Konstitusyong 1987 ang mga
probisyon kaugnay ng pagpapaunlad at
pagpapayabong ng Filipino bilang wikang pambansa
sa pamamagitan ng paggamit nito bilang midyum ng
pagtuturo sa Sistema ng edukasyon at
pamamahala.
Gayunpaman, tila tumataliwas ang
kasalukuyang kalagayan ng wikang pambansa
lalong-lalo na sa Edukasyon. Kasabay sa
pagpapawalang-bisa and Executive Order 210
na ipinatupad ng dating Pangulong Gloria
Macapagal Arroyo noon Mayo 2003 at ang
tangkang lehislasyon ng Gullas Bill 4710 o mas
kilala sa tawag na English Bill, ay pananatiling
etsa-puwera ng wikang Filipino sa patakarang
pangwika ng eduksayon.
2. Ingles bilang Lehitimong Wika. Ingles
pa rin ang lehitimong wika ng Sistema ng
Edukasyon at lakas –paggawa. Nagiging
tuntungan ang pagpapaigting ng globalisadong
kaayusan sa lalong pagpapalakas nito bilang
wika ng komunikasyon, komersyo, at
pagkatuto lalong-lalo na sa pananaliksik. Ang
katastasan sa Ingles ay nagiging batayan sa
pagkakaroon ng disenteng trabaho.
Ayon kay Gonzalo Compoamor II sa
artikulong “The Pedagogical Role of English in
the Reproduction of Labor,” neoliberal ang
katangian ng polisyang pangwika sapagkat
umaayon ito sa pangangailangan ng ibang
bansa habang tinatalikdan ang batayang
tungkulin sa pambansang industriyalisasyon.
Daang taon pa ang lalakbayin upang makamit
ang kritikal na pananaw sa pagpaplanong
pangwika sa bansa, ngunit kailangang maging
ahente ng pagkuwestiyon ang mga guro at
mag-aaral ng pananaliksik sa kalakarang ito.
• 3. Internasyonalisasyon ng Pananaliksik.
Dahil sa daluyong ng globalisasyon, maging
pamantayan sa pananaliksik ng mga unibersidad at
kolehiyo ay umaayon na rin sa istandard ng
internasyonalisasyon na pananaliksik, ngunit
nalalagay sa alanganin ang mga guro at mag-aaral
na nais na magpakasalubhasa sa pananaliksik sa
araling Filipino.
• 4. Maka-Ingles na Pananaliksik sa iba’t ibang
Larang at Disiplina. Sa kasalukuyan, wala pang
malinaw na batayan sa paggamit ng wika kay halos
hindi pa ginagamit na wikang panturo ang wikang
Filipino sa iba’t ibang larangan tulad ng agham
panlipunan, agham at teknolohiya, matematika,
pagsasabatas at pamamahala, medisina, at iba pa. Ingles
pa rin ang namamayaning wika sa mga akademikong
larangan at maganit pa rin ang pagsasalin ng mga
pananaliksik labas sa humanidades, panitikan, at agham
panlipunan.
MGA GABAY SA PAMIMILI NG PAKSA AT PAGBUO
NG SULIRANIN SA PANANLIKSIK

• 1. May sapat bang sanggunian na pagbabatayan ang napiling


paksa?
- Kapag bagong-bago ang paksa na nais talakayin,
kadalasang hindi sapat ang nasusulat na mga naunang pag-aaral
at literaturang kaugnay nito. Bagama’t maaring magsilbing
eksplorasyon ng bagong paksa ang pag-aaral, ipinapayo rin sa
mga nagsisimulang mananaliksik na pumili muna ng paksang
may sapat nang pundasyon.
• 2. Paanong lilimitahan o paliliitin ang isang paksa
sa malawak na saklaw?
- Maaaring hatiin ang isang malaking paksa sa
maliliit na bahagi at pumili lamang ng isang aspekto
nito na tiyak na sasaklawin. Nalilimita rin ang
pananaliksik kung tiyak ang magiging kalahok o
populasyon ng pananaliksik. Ang bagong disenyo o
pamamaraan ay makapagbibigay rin ng limitasyon sa
pananaliksik.
• 3. Makapag-aambag ba ako ng sariling tuklas at
bagong kaalaman sa pipiliing paksa?
- Tungkulin ng mananaliksik na bigyan ng
panibagong dimensyon ang isang lumang paksa
upang lagyan ng pagsusuri, kongklusyon at
rekomendasyon batay sa bagong datos na nakalap.
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtiyak na hindi
duplikasyonng mga naunang pananaliksik ang paksa.
• 4. Gagamit ba ng sistematiko at siyentipikong paraan
upang masagot ang tanong?
- Madalas na ipagpalagay ng mga mag-aaral na ang
pananaliksik ay maaaring gawin lamang sa pamamagitan ng
Google, Yahoo, o iba pang search engine sa internet.
Tiyakin na ang tanong ng pananaliksik ay hindi lang basta
masasagot ng mga dati nang pangkalahatang kaalaman o
paliwanag na makukuha sa Internet o nailathala sa libro.
Kung hindi nagagamit ang siyentipikong pamamaraan ang
tanong upang masagot, hindi ito maaring maging tanong sa
pananaliksik.

You might also like