You are on page 1of 3

ICCT COLLEGE FOUNDATION INC.

V.V Soliven Avenue Cainta Rizal


Kolehiyo ng Edukasyon
3nd Trimester S.Y 2020-2022

BANGHAY-ARALIN

I. Layunin

Sa pagtatapos ng talakayan, inaasahang ang mga mag-aaral ay:

a. Nalalaman ang kahalagahan at importansya ng pagkakaroon ng isang ama sa pamilya


b. Nababatid ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa o pagbuo ng maikling kwneto.
c. Naipapamals ang kahusayan sa pagbuo ng sariling kwento batay sa sariling karanasan
gamit ang elemento ng maikling kwento.

II. Paksang Aralin

a. Paksa: “Ang Ama” Maikling kwento mula sa Singapore.


sinalin sa Filipino ni Mauro P. Avena.
b. Sangunian: Ang Pitak Bolyum 1, Blg, 1. Pahina 4-6.
c. Kagamitan: Laptop, projector, mga larawan at rubriks.

III. Pamamaraan

]A. Panimulang gawain


1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pag-aayos ng silid
4. Pagtala ng liban
5. Balik-aral

B. Pagganyak

 PAGLARAWAN
Ang klase ay hahatiin sa apat na pangkat, bawat pangkat ay magbibigay ng maikling
paglalarawan patungkol sa larawan na nakatalaga sakanila.

PANGKAT 1 PANGKAT 2

PANGKAT 3 PANGKAT 4
C. Aktibiti

https://m.youtube.com/watch?v=-xQiTscAbfI

 May ipapanood ang guro sa mga mag-aaral na bidyo Pagkatapos maipanood ang bidyo,
sasagutan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na katangungan:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Saan ang tagpuan ng kwento?
3. Ano-ano ang mga katangian ng ama na nangibababaw sa kwento?
4. Sa paanong paraan nagbago ang ama ni Mui-mui?
5. Ano ang mensahe na nais ipahatid ng kwento?

D. Analisis

 REAKSYON
Guamawa ng reaksiyong papel base sa napanood na bidyo na may pamagat na “Ang
Ama” isang maikling kwneto sa Singapore na isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena.

E. Abstraksyon
 Ipapaliwanag ng guro ang kahulugan ng maikling kwento at ilalahad ang iba’t-ibang
elemento nito. Ituturo ng guro kung ano ang mga dapat tandaan isaalang-alang sa
paggawa ng isang maikling kwento.

Maikling Kwento
Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip
na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay na nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi
ng buhay ng tao. (Edgar Allan Poe)

Elemento ng Maikling Kwento


1. Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.

2. Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang


masasangkot sa suliranin.

3. Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.

4. Tunggalian- Ang naglalabang pwersa sa akda. May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban
sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.

5. Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang


ipinaglalaban.

6. Kakalasan- Tulay sa wakas.

7. Resolusyon- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.

8. Tauhan – sila ang nagsisipag-ganap sa kwento.


9. Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente,
gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kwento.

10. Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kwento.

11. Kaisipan- mensahe ng kwento.

12. Banghay- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento

F. Aplikasyon

 ROLE PLAY:
Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa apat na pangkat, magbibigay ang guro ng apat
na paksa na nakasulat sa maliliit na pirasong papel at ilalagat sa isang kahon. Bawat
grupo ay pipili n glider na pupunta sa unahan upang bumunot. Ang paksang mapipili ay
gagawan ng senaryo , may 5 minuto lamang upang magprepara at 2-3 minuto ang
pagpepresenta sa unahan.

PAMANTAYAN
Nilalaman 35%
Kaugnayan sa paksa 15%
Kaayusan ng presentasyon 15%
Ginamit sa presentasyon 15%
Koopersayon ng bawat miyembro 20%
KABUUAN 100%

IV. Pagtataya

 Sa isang buong papel sagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang ama?


2. Ano-ano ang mga tungkulin ng isang ama sa kaniyang pamilya?
3. Nailahad ban g maayos ang mga element ng maikling kwento? Ipaliwanag
4. Maayos ba ang naging paglalahad ng bawat bahagi sa kwento? Ipaliwanag
5. May kaayusan ba ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayare?

V. Takdang aralin

Maghanap at magbasa ng isang maikling kwento at tukuyin ang mga sumusunod:

 Tauhan
 Tagpuan
 Paksa
 Banghay
 Mensahe

You might also like