You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CARCAR CITY
P. Nellas St., Carcar City, Cebu
Telephone No. 4878495

INSTRUCTIONAL PLAN IN FILIPINO GRADE 9

Blg. Ng iPlan.: Asignatura: Baitang: Kwarter: Duration: mins.


Sesyon 1 1.2 Filipino 9 1 60
Mga Kasanayang Code:
Pampagkatuto: Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na F9PD- Ia-b-39
(Hango mula sa Gabay telenobela sa ilang piling kaganapan sa lipunang Asyano sa
Pangkurikulum) kasalukuyan

Nasusuri ang maikling kuwento batay sa: F9PS-Ia-b-41


-Paksa
-Mga Tauhan
-Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
-Estilo sa pagsulat ng awtor
Susing Konsepto / Pag-  Nakikilala ang mga elemento ng maikling kuwento
unawa na Dapat Malinang
Mga Elemento ng Maikling Kuwento:
1. Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin
kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
2. Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin.
3. Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
4. Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban
sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
5. Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan- Tulay sa wakas.
7. Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
8. Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga
insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
9. Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.
10. Kaisipan- mensahe ng kuwento.
11. Banghay- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento

 Nasusuri ang maikling kuwentong makabanghay

I. Mga Layunin
Kaalaman Nasusuri ang maikling kuwentong makabanghay batay sa mga proseso sa paglikha
nito
Kasanayan Nakasisipi ng mga katangian at mga pangyayari mula sa napanood na telenobela sa
ilang piling kaganapan na maihahambing sa akdang tinalakay
Kaasalan Nakakalikha ng pagrespeto at pagmamahal sa kapwa ang pagpapalaki ng mga
magulang na may takot sa Diyos
Kahalagahan Nabibigyang importansiya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang ama
II. Nilalaman/Paksa Elemento ng Maikling Kuwento
(Maikling Kuwentong Makabanghay- Nang Minsang Naligaw si Adrian)

III. Kagamitang LCD projector/monitor, Panitikang Asyano 9 pahina 14-16, manila paper at pentel pen
Pampagkatuto
IV. Pamamaraan
1. Panimulang Gawain Magkakaroon ng isang pagbabalik-tanaw hinggil sa tinalakay at binasang maikling
( 5 minuto) kuwento kahapon na Ang Ama, sa pamamagitan ng isang dugtungang pagkukuwento.
Kasali lahat ng mga estudyante dito dahil bawat isa ay magsasalaysay sa mga
pangyayari sa akda na idadaan sa dugtungang paglalahad.
Note: Hangga’t maaari ay 1 hanggang 2 pangungusap lamang ang ilalahad ng bawat
estudyante.

2. Gawain/Estratehiya Dahil nga naibigay na kahapon sa bahaging takdang-aralin ang pagbabasa ng


(5 minuto) maikling kuwentong, Nang Minsang Naligaw si Adrian, ang grupo ay magkakaroon ng
isang pangkatang gawain.
Pangkatang Gawain: (Mula sa nabasa na bahagi ng maikling kuwento) Hahatiin ang
klase sa 4 na pangkat at pag-usapan ang mga sumusunod na gawain. Isulat ito sa
manila paper.

Pangkat 1: Suriin ang mga sumusunod:


Paksa
Tauhan
Pangyayari

Pangkat 2. Saan kaya napabilang sa mga uri ng maikling kuwento ang paksang
binasa? Bakit?

Pangkat 3: Sipiin ang mga katangian ng isang ama mula sa nabasang kuwento,
“Nang Minsang Naligaw si Adrian” at ihambing ang bahagi nito sa akda na
pinamagatang “Ang Ama” at sa mga kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan.

Pangkat 4: Ihambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng estilo ng awtor sa dalawang


akdang binasa.
3.Pagsusuri
(minuto)  Matapos ang kanilang pag-uusap o pagkakaroon ng brainstorming sa mga
naibigay na mga gawain, sa puntong ito ay magkakaroon na ng isang
malayang pagtatalakay sa klase. Pipili ang bawat pangkat ng isa o dalawang
tagapaglahad.
 Susuriin ng mga naiwang grupo ang kaangkupan o kawastuhan ng mga
impormasyon at paano ito inilahad ng nakaatas na tagapaglahad ang
kanilang paksa.
4. Pagtatalakay Pagkatapos ng malayang pagtatalakay, dito ilalahad ng guro ang paksa sa araw, ang
( 10 minuto) mga elemento ng maikling kuwento.
Mga Elemento ng Maikling Kuwento:
12. Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin
kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
13. Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin.
14. Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
15. Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban
sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
16. Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
17. Kakalasan- Tulay sa wakas.
18. Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
19. Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga
insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
20. Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.
21. Kaisipan- mensahe ng kuwento.
22. Banghay- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento

5. Paglalapat Pangkatang Gawain: Pumili sa 2 nabasa at natalakay na mga maikling kuwento,Ang


(minuto) Ama at Nang Minsang Naligaw si Adrian at gawin ang mga hinihinging elemento ayon
sa mga sumusunod:
Pangkat 1 – Sa pamamagitan ng isang malikhaing presentasyon, ilahad o ipakita ang
panimula, tagpuan at suliranin sa akdang napili.
Pangkat 2 – Isadula ang tunggalian,saglit na kasiglahan at kasukdulan sa napiling
akda
Pangkat 3 – Gamit ang isang pantomina na pagsasadula, ipakita kung ano ang
naging kakalasan, paksang diwa at wakas sa kuwentong napili
Pangkat 4 – Sa pamamagitan ng isang malikhaing presentasyon, ipakita ang naging
kaisipan at banghay ng napiling akda

6. Pagtataya Think-Pair-Share
(minuto) Bawat pares ay pipili ng isang telenobela o teleserye na kanilang napanood. Sila ay
sisipi ng mga katangian at mga pangyayari mula sa napanood na telenobela sa ilang
piling kaganapan na ihahambing sa akdang tinalakay at binasa.
Gumamit ng isang grapikong presentasyon para sa paghahambing. Isulat ito sa isang
buong papel.
7. Takdang-Aralin Isulat sa isangkapat na papel.
(minuto) Ano ang tinatawag na pangatnig? Magbigay ng limang halimbawa nito.
8. Paglalagom/Panapos na Bilang isang anak, paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal at pagpapahalaga
Gawain (minuto) sa iyong mga ama?
Ang bawat ama/magulang ay nagsusumikap para sa kabutihan at kapakanan ng
anak. Ika nga nila, “Walang magulang na naghahangad ng kasamaan para sa anak.”
V. Mga Tala

VI. Pagninilay
Pangalan ng Guro/Tagasulat: Jovelyn S. Amasa Paaralan: Liburon National High School
Position/Designation: Sangay/Tanggapan:
Contact Number: Email Address:

Pangalan ng Guro/Tagasulat: Paaralan:


Position/Designation: Sangay/Tanggapan:
Contact Number: Email Address:

Pangalan ng Guro/Tagasulat: Paaralan:


Position/Designation: Sangay/Tanggapan:
Contact Number: Email Address:

Paalala sa mga Gagamit:Gaamitin ang nakalakip na porma para sa inyong mga puna at mungkahi upang mas
mapalinang pa ang instructional plan na ito.

You might also like