You are on page 1of 60

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
LIBURON NATIONAL HIGH SCHOOL
Liburon, Carcar City, Cebu

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
LIBURON NATIONAL HIGH SCHOOL
Liburon, Carcar City, Cebu

Pamantayan sa Bawat Baitang

Baitang Pamantayan
7 Pagkatapos ng Ikapitong Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,
mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t
ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang rehiyunal upang maipagmalaki ang sariling kultura,
gayundin ang iba’t ibang kulturang panrehiyon.
8 Pagkatapos ng Ikawalong Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,
mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t
ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang pambansa upang maipagmalaki ang kulturang Pilipino.
9 Pagkatapos ng Ikasiyam na Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,
mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t
ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyano upang mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano.
10 Pagkatapos ng Ikasampung Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,
mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t
ibang uri ng teksto at saling-akdang pandaigdig tungo sa pagkakaroon ng kamalayang global.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
LIBURON NATIONAL HIGH SCHOOL
Liburon, Carcar City, Cebu

Baitang 7

Unang Markahan

Pamantayang Pangnilalaman : Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao
Pamantayan sa Pagganap : Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo
Susing Konsepto :
U R I N G PA N G U N G U S A P N A WA L A N G PA K S A
Eksistensyal– may bagay na umiiral sa himig/tono ng pangungusap sa tulong ng katagang may o mayroon. Na kahit dalawa o tatlong mga
salita ang ginamit may diwang ipinaaabot
Halimbawa: May tumatakbo, May dumating, Mayroong panauhin, Mayroong napapaayon
Sambitla– ito’y isa o dalawang pantig ng salita na nagpapaabot ng diwa/kaisipan. Kadalasan isang ekspresyon ang pahayag.
Halimbawa: Yehey! Yahoo! Wow! Walastik!
Penomenal– nagsasaad ng panahon na kahit ito lamang ang banggitin, may diwa nang ipinaaabot na sapat upang mabigyang kahulugan
ang pahayag.
Halimbawa: Samakalawa. Bukas. Sa linggo. Mayamaya
Pagtawag- ang pagbanggit o kaya’y pagtawag sa pangalan ng isang tao ay may sapat na kahulugang ipinaaabot. Ang tinawagan ay agad
lalapit dahil baka may iuutos ang tumawag.
Halimbawa: Maria!; Bunso!
Paghanga– ito’y parang ekspresyon na nagpapahayag ng paghanga
Halimbawa: Ang ganda nya! Ang talino mo! Galing!
Pautos– salitang pautos na kahit nag-iisa ay may ipinaaabot ay may ipinaaabot na diwa o mensahe kaya’t di pwedeng di sundin lalo na
kung ang pagkakasabi ay medyo madiin.
Halimbawa: Kunin mo. Lakad na. Takbo. Sayaw.
Pormularyong Panlipunan- ito ang mga salitang sadyang itinakda sa sitwasyon: umaga, tanghali, gabi.
Halimbawa: Magandang umaga. Magandang gabi. Magandang tanghali. Paalam. Adyos.
Dalawang Antas ng Wika
•Pormal
•Impormal
A. Pormal- Ito ay istandard, kinikilala at ginagamit ng nakararami sa mga pormal na sitwasyon. Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
1. Pambansa •Tumutukoy ito sa wikang itinuturo at ginagamit sa anumang komunikasyon sa loob ng paaralan.
Ito rin ang istandard na ginagamit sa anumang transaksyong pampubliko.
2. Pampanitikan • Tumutukoy sa wikang ginagamit ng mga manunulat at makata sa larangan ng panitikan.
Kadalasan ay matatalinghaga, nagtataglay ng konotasyon o malalim na kahulugan.

B. Impormal •Ito ay kinabibilangan ng mga salitang karaniwan, palasak, ginagamit sa pang-arawaraw na pakikipag-usap. Kinabibilangan dito ang mga sumusunod:
1. Lalawiganin -Ginagamit ng mga salita sa isang tiyak na pook o lalawigan. Natural itong ginagamit sa mga impormal na usapan at kakitaan ng natatanging punto.
2. Kolokyal -Tumutukoy sa mga salitang pinaikli at madalas maririnig sa pang-araw-araw na usapang impormal. Madalas nagkakaroon ng kolokyal sapagkat likas
sa mga tao na gawing pinaikli at mabilis ang pagbigkas ng mga salita.
3. Balbal -Tinatawag na slang sa wikang Ingles. Ito ang pinakadinamiko sa lahat ng antas ng wika sapagkat bigla na lamang itong sumusulpot at sa kalaunan ay
bigla ring nawawala.

Ponemang Suprasegmental
Diin- bilang ponemang suprasegmental, ito ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas.
Halimbawa: sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/.

Ito rin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay nakapagbabago sa kahulugan nito.

Halimbawa:

1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.


2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing /laMANG/siya.
Hinto o Antala – saglit na pagtigil ng ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig nating ipahayag sa ating kausap.
Halimbawa:

1. Padre, Martin, ang tatay ko. (Ipinakikilala mo ang iyong ama sa isang pari at sa kaibigan mo.)
2. Hindi, si Cora ang may sala. (ipinaalam na si Cora ang may kasalanan.
3. Magalis (puno ng galis)
mag-alis (maghubad, magtanggal at iba pa)
Haba – paghaba o pag-ikli ng bigkas ng nagsasalita sa patinig ng isang pantig sa salita. Ginagamit ang ganitong notasyon /./ at /:/ na siyang
nagsasaad ng kahulugan ng salita
Halimbawa:

a. /asoh/ - usok
/a:soh/ - isang uri ng hayop
b. /pitoh/ - bilang na 7
/pi:toh/ - silbato

Ikalawang Markahan
Pamantayang Pangnilalaman : Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Kabisayaan
Pamantayan sa Pagganap : Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting - bayan gamit ang wika ng kabataan
Susing Konsepto :
Awiting Bayan sa Kabisayaan (Si Pilemon)

Si Pilemon-Cebuano Lyrics
Si Pilemon, Si Pilemon namasol sa kadagatan
Nakakuha, nakakuha ug isda'ng tambasakan
Guibaligya, Guibaligya sa merkado'ng guba
Ang halin puros kura, ang halin puros kura igo ra i panuba.

Pagsasanay
P Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sino ang persona sa awiting bayan na ito?
2. Ano ang nangyari sa kanyang isdang nahuli?
3. Saan niya ito dinala?
4. Naging makabuluhan at nakakaaliw ba ang awit? Patunayan.
5. Ano ba ang ibig sabihin sa pahayag na, “Ang halin puros kura”?
Katangian ng Mito, Alamat, at Kuwentong – Bayan

IkATLONG Markahan
Pamantayang Pangnilalaman : Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap : Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting) tungkol sa kanilang sariling lugar
Susing Konsepto :
PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim

(Sanaysay/Muslim)
Salin mula sa Ingles ni
Elvira B. Estravo
Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan kaya di kailangang binyagan upang ito ay maalis. Ganoon pa man, mayroon silang ilang seremonya na
kahalintulad ng binyag na tinatawag napagislam. Pinaniniwalaang ito ay ang pagbibiyag ng mga Muslim.
Sa katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremonyang panrelihiyon na napapaloob sa pagislam, na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang sanggol.
Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isangpandita ang babasa ng adzan o kang sa kanang tainga ng sanggol. Ito’y ginagawa ipang dito’y ikintal na siya’y
ipinanganak na Muslim at ang unang salitang maririnig ay ang pangalan ni Allah.
Ang pangalawang seremonya ay higit na kilala bilang penggunting o pegubad. Ginagawa ito pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mgamagulang ng kanduli, isang salu-salo bilang
pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Dito’y inaanyayahan ang mga kaibigan, kamag-anakan at pandita.
Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan. Karaniwang nagpapatay ng hayop, kambing o baka. Ang hayop na ito’y tinatawag na aqiqa, na ang ibig
sabihi’y paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat.
Sa okasyong ito, ang binibinyagan o pinararangalan ay binibigyan ng pangalan ng isang pandita pagkatapos na makaputol ng ilang hibla ng buhok ng sanggol. Inilalagay sa isang mangkok
na tubig ang pinutol na buhok. Ayon sa paniniwalang Maguindanao, pag lumutang ang buhok magiging maginhawa at matagumpay ang tatahaking buhay ng bata ngunit kapag ito’y lumubog, siya’y
magdaranas ng paghihikakos at paghihirap. Ang bahaging ito ng seremonya ay di kinikilala ng Islam ngunit dahil bahagi ito ng tradisyon, patuloy pa ring ginagawa ng ilang Maguindanawon. Isa pa
ring bahagi ng tradisyon na kasama ng seremonya ay ang paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kanin, dalawang nilagang itlog ang pinakamata at laman ng niyog ang
ginagawang ngipin. Nilalagyan din ang buaya ng manok na niluto sa gatang kinulayan ng dilaw. Inihahanda ito ng isang matandang babaeng tinatawag nilang walian, isang katutubong hilot na may
kaalaman sa kaugaliang ito. Ginagawa ito para sa kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa tubig. Pinakakain sa mga batang dumalo sa seremonya ang buaya.
Ang ikatlo at huling seremonya ayang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na gawain sa seremonyang ito ang pagtutuli.
Tinatawag na pagislam para sa mga batang lalaki at sunnah para sa mga batang babae. Ginagawa ito upang alisin ang dumi sa kanilang pag-aari. Ang pagislam ay ginagawa ng isang walian, na
karaniwang isang matandang babae na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ang seremonya ay karaniwang ginagawa sa araw ng Maulidin Nabi o sa ibang mahalagang banal na araw ng mga Muslim.

ALAMAT NG ISLA NG PITONG MAKASALANAN


Noong unang panahon, isang matandang mangingisda at ang kanyang pitong anak na dalaga ang
naninirahan sa isang tahanang nakaharap sa baybayin ng Dagat-Bisaya. Ang kanilang tirahan ay
nasa bayan ng Dumangas, isang baying nasas gawing hilagang-silangan ng lalawigan ng Iloilo na
bahagi ng isla ng Panay. Araw-araw makikita ang pitong dalagang masayang nagsasagawa ng
mga gawaing-bahay o kaya nama’y nasa dalampasigan at nagtatampisaw o masayang
lumalangoy, naghahabulan at nagtatawanan. Tila sila mga nimpang kaygaganda habang
nakikipaghabulan sa mga alon sa baybayin.
Ang kagandahan ng pitong dalaga ay bantog hindi lang sa kanilang bayan kundi maging sa
malalayong lugar. Kaya naman, hindi kataka-takang ang kanilang tahanan ay dinarayo ng
maraming binatang naghahangad na makuha ang kamay ng isa sa mga dalagang napupusuan.
Mahal na mahal ng ama ang mga anak at ang labis niyang ikinakatakot ay ang makapag-asawa
ang sinuman sa kanyang mga dalaga ng mga lalaking maaaring maglayo sa kanya. “Sana, kung
makahanap man ng mapapangasawa ang aking mga anak ay tagarito lang sa aming islaupang
hindi sila mapalayo sa akin,” ang naibubulong ng ama sa sarili habang pinagmasdan ang kanyang
mga anak na abala sa mga gawaing-bahay.
Isang araw nga ay isang pangkat ng makikisig na binatang mangangalakal ang dumating sa
kanilang bayan. Nabalitaan din pala ng mga binata ang kagandahan ng mga dalaga kaya’t
nagsadya sila sa baying iyon hindi lang para sa kanilang mga kalakal kundi para makilala rin ang
mga dalaga. Sakay sila ng magagara at mabibilis na bangka.
Mamahaling regalo ang ibinigay ng mga binata sa mga dalaga. Naging mabilis ang pagkakaunawaan ng pitong dalaga at ng pitong binatang
estranghero.Inanyayahan nilang magtungo sa kanilang bayan ang pitong dalaga na agad namang nagsipayag.
Subalit hindi nagging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang ama. “Hindi niyo pa kilala nang lubusan ang mga binatang iyan. Bakit kayo
sasama? Hindi ako papayag.” Ang matigas na wika niya kahit pa nagpupumilit ang kanyang mga anak na sumama sa mga binata.
Isang araw, habang nasa dagat at nangingisda ang ama ay gumawa ng isang mapangahas na pasya ang mga dalaga. “Sasama ako sa aking
kasintahan, sa ayaw at sa gusto ni Ama,” ang wika ng panganay na si Delay.
“Ako man, ako man,” ang sunod-sunod na sabi ng iba pang dalaga. Sinamantala ng magkakapatid ang pag-alis ng ama upang mangisda. Bitbit ang
kani-kanilang mga pansariling gamit ay sumakay ang mga suwail na anak sa tatlong bangkang dala ng mga binata palayo sa kanilang tahanan.
Nang sila’y nasa bahagi na ng baybayin ng Guimaras kung saan nangingisda ang kanilang ama ay natanaw niya ang tatlong bangka ng mga
estranghero lulan ang kanyang pitong anak na dalaga. Buong lakas na sumagwan ang ama para mahabol ang kanyang pinakamamahal na mga
anak subalit lubhang mabagal ang kanyang maliit na bangka kompara sa makabagong bangka ng mga estranghero kaya hindi na niya nahabol ang
mga anak.
Buong pait na lumuha at nagmamakaawa ang ama sa kanyang mga anak. “Mga anak, huwag kayong umalis. Bumalik kayo! Maawa kayo,” ang
walang katapusang pagsigaw at pagmamakaawa ng ama habang patuloy siya sa paggaod subalit hindi siya pinakinggan ng walang turing niyang
mga anak. Laylay ang mga balikat sa matinding pagod sa paggaod at sa labis na kalungkutan sa paglisan ng kanyang mga anak, walang nagawa
ang matanda kundi lumuha nang buong kapaitan. Wari’y nakidalamhati rin sa kanya maging ang kalangitan sapagkat ang maliwanag na sikat ng
araw ay biglang naparam at sa halip ay napalitan ng nagdilim na himpapawid. Gumuhit ang matatalim na kidlat na sinabayan ng malalakas na
dagundong ng kulog. Biglang pumatak ang malakas na ulan kaya’t walang nagawa ang matanda kundi umuwi na lamang.
Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimihik at napakalungkot na tahanan ang kanyang dinatnan. Hindi napigil ng matanda ang muling pagluha
nang masagana. Wari’y sinasabayan din ng malalakas na patak ng ulan sa bubungan ng kanyang ulilang tahanan ang walang katapusang pagluha
ng kaawa-awang matanda. Labi-labis ang kanyang kalungkutan at pangungulila sa kanyang mga anak. Sa kabila ng ginawa ng mga suwail na anak
ay ang kanila pa ring kaligtasan ang inaalala ng ama lalo pa’t masamang panahon ang kanilang nasalubong sa paglalakbay.
Kinaumagahan, hindi pa sumisikat ang araw ay pumalaot na ang matanda. Inisip niyang maaaring sumilong ang bangka ng mga estranghero dahil
sa sama ng panahon nang nagdaang gabi. Baka sakaling mahabol niya pa ang kanyang mga anak. Subalit anong laking pagtataka niya nang siya’y
nasa laot na. Nakatanaw siya ng maliliit na islang tila isinabog sa gitna ng laot sa pagitan ng kanilang isla ng Dumangas at isla ng Guimaras. Sa
lugar na ito siya nangisda kahapon at alam niyang walang islang tulad nito sa lugar nang nagdaang araw.
Kinabahan ang matanda at kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyag puso ang mabilis na paggaod papunta sa mga mumunting isla. Anong laking
panlulumo niya nang makita ang nagkalat na bahagi ng bangkang sinakyan ng kanyang mga anak na nakalutang sa paligid. Binilang niya ang
mumunting isla. Pito! Pito rin ang kanyang mga anak na dalaga. Humagulgol ang matanda. Parang nahulaan niya ang nangyari. Nalunod ang
kanyang mga anak nang ang sinasakyan nilang mga bangka ay hinampas ng malalakas na along dala ng biglang pagsama ng panahon kahapon at
sumadsad sa mga korales at matatalas na batuhan kaya nagkahiwa-hiwalay ang mga ito.
Ang mga mumunting isla ay tinwag na Isla de los Siete Pecados o Mga Isla ng Pitong Makasalanan. Ito ay bilang pag-alala sa pagsuway at
kasalanang nagawa ng pitong suwail na dalaga sa kanilang mapagmahal na ama.

ALAMAT -SI MANGITA AT SI LARINA, SA LAWA NG BAI


MARAMING taon na ang nakaraan mula nuong namahay sa mga pampang ng
Laguna de Bai ang isang mahirap na mangingisda ( pescador, fisherman). Nabalo nang
namatay ang asawang babae, siya na lamang ang tanging nagpalaki sa 2 nilang anak na
babae, sina Mangita at Larina. Kapwa napaka-ganda ng 2 anak.
Si Mangita ay kayumangging kaligatan at ang buhok niya ay kulay ng hatinggabi
(medianoche, midnight). Mapag-bigay siya at mahal ng lahat ng kakilala dahil mabait.
Tinutulungan niya ang kanyang ama sa pagtahi sa mga lambat ( fishnets) at sa pagbigkis
ng mga sulu (torches) - kapwa gamit sa pangingisda gabi-gabi. At araw-araw naman, ang
matamis niyang ngiti (sonrisa, smile) ang siyang nagpapaliwanag sa munti nilang kubo
(cabaña, hut).
Maputi naman si Larina at haling na haling siya sa manilaw-nilaw (dorado, golden)
niyang buhok na pinatubo niyang mahabang mahaba. Kaiba siya sa kapatid, hindi
tumutulong sa bahay at maghapon na lamang nagsusuklay. At malupit. Nanghuhuli siya ng
mga paruparo (butterflies) na tinutusok niya hanggang mamatay at isinasabit na palamuti
(decoration) sa buhok. Tapos, nagpupunta siya sa lawa upang masdan ang sarili sa tubig.
Paminsan-minsan, nakikita niyang nangingisay pa ang paruparo at tuwang-tuwa siya sa
galaw nito sa kanyang buhok.
Dahil dito, ayaw siya ng mga tao na lalong humanga at nagmahal sa kapatid niyang
Mangita. Lalo namang nagselos at nainggit si Larisa kay Mangita.
Isang araw, isang pulubing matandang babae ang lumapit sa kanilang kubo at
humingi ng kaunting kanin (arroz, rice) para sa kanyang maliit na mangkok (cuenco, bowl).
Nagsusuklay ng buhok nuon si Larina sa pintuan, at nasuya sa pag-abala ng pulubi.
Sinigawan niya at itinulak palayo. Natumba ang matandang babae at nabagok ang ulo sa
bato.
Narinig ni Mangita ang ingay at humangos mula sa pagsu-sulsi niya ng isang lambat. Nakita
niya ang sugatang pulubi at maagap na tinulungan. Ginamot niya ang sugat at pinatigil ang
pagdugo. Pagkatapos, sumandok siya ng kanin mula sa palayok (olla, pot) at pinuno ang
mangkok ng pulubi. Nagpasalamat ang matandang babae.
“Hindi ko kalilimutan ang iyong bait at awa,” sabi niya kay Mangita bago ugod-ugod na lumakad paalis. Hindi niya kinibo si Larina na tumawa lamang, at nagsalita pa ng
paghamak. Pinagalitan siya ni Mangita dahil sa kanyang kawalan ng maka-tao subalit sa halip na magsisi, lalo lamang namuhi si Larina.
Pagkaraan ng panahon, namatay ang ama. Lumuwas siya sa lungsod (ciudad, city) sa kanyang bangka, tulad sa madalas na niyang gawa, upang ipagbili ang kanyang
huling isda subalit nuon, laganap ang sakit duon. Siya ay nahawa, nagkasakit at natuluyan. Naiwang lubos na ulila na ang magkapatid.
Upang magkaruon ng hanap-buhay, umukit si Mangita ng magagandang kabibi (conchas, seashells) at ipinagbili. Kumita siya ng sapat lamang pambili ng pagkain.
Nakiusap siya kay Larina na tumulong upang lumaki ang kanilang kita subalit hindi siya pinansin ng kapatid na nagpatuloy na nag-aliw na lamang sa sarili.
Patuloy ang laganap ng sakit at si Mangita ay naratay. Nagma-kaawa siya kay Larina na alagaan siya subalit malaki talaga ang muhi ng kanyang kapatid kaya
pinabayaan siyang lumala.
Nagsimulang maghingalo si Mangita at malapit nang mamatay nang bumalik ang pulubing matandang babae. May dalang supot (bolsa, bag) ng mga buto (semillas,
seeds) ng halaman ang pulubi. Dumukot siya ng isa at isinubo kay Mangita. Ilang saglit lamang, nagsimulang gumaling si Mangita bagaman at lubha pang nanghihina
kaya hindi nakayanang magpasalamat.
“Subuan mo siya ng isang buto oras-oras hanggang pagbalik ko,” habilin ng pulubi kay Larina bago umalis. Naiwan ang mga buto kay Larina subalit hindi niya binigyan si
Mangita. Katunayan, sa laki ng inggit at muhi sa kapatid, hinangad niyang mamatay na si Mangita. Kaya, sa halip na alagaan ang kapatid, itinago ni Larisa ang mga buto
sa sariling mahabang buhok.
Muling lumala ang sakit ni Mangita at humina nang humina ang paghinga. Agaw-buhay na siya nang bumalik ang pulubing matandang babae. Tinanong niya si Larisa
kung sinubuan ng buto ang maysakit tulad ng bilin. “Oo!” sagot ni Larisa, at ipinakita pa ang supot, wala nang laman. Hinalughog ng pulubi ang kubo at bakuran subalit
wala siyang nakitang itinapon o itinagong buto. Muli niyang tinanong si Larisa at muling sumagot ito ng “oo.”
Nuong sandaling iyon biglang sumabog ang liwanag sa luob ng kubo at nasilaw si Larisa tulad ng pagtitig sa araw. Pagbalik ng kanyang paningin, matapos ng ilang saglit,
hindi na pulubi ang nasa harap niya, kundi magandang diwata! Kalong-kalong nito ang may sakit na Mangita.
“Ako ang pulubing humingi ng limos sa inyo,” bigkas ng diwata, “sapagkat nais kong matanto ang inyong kaluoban. Mabait si Mangita kaya isasama ko siya sa aking
tahanan sa pulo nitong lawa. Subalit ikaw ay masama!”
Itinutok ng diwata ang daliri sa mukha ni Larisa, sabay sa paratang at pataw ng parusa.
“Mula ngayon, luluhod ka habang panahon sa ilalim ng lawa at magsusuklay upang masuyod nang walang katapusan ang mga buto mula sa iyong buhok!”
Pumalakpak minsan ang diwata at pumasok ang ilang bulilit (enanos, dwarves) at hinatak paalis ang humihiyaw na Larisa.
“Halika,” bulong ng diwata kay Mangita, “umuwi na tayo!”
At mula nuon, duon sa magandang tahanan ng diwata namalagi si Mangita at nabuhay silang masaya at mapayapa. Si Larisa naman ay nasadlak sa ilalim ng lawa,
walang tigil ang suyod sa buhok. Isa-isa, naalis ang buto at sumibol na luntiang halaman (green plant) na lumutang sa tubig. At tuwing malakas ang ulan at hangin,
inaanod itong halaman pa-agos sa ilog Pasig na, pagkita ng mga tao, ay nagpapa-gunita sa kanila na pinaparusahan si Larisa dahil sa kanyang kasamaan.

IkAAPAT NA Markahan
Pamantayang Pangnilalaman : Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap : Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting) tungkol sa kanilang sariling lugar
Susing Konsepto : ANG IBONG ADARNA

Sa isang mapayapang kaharian ng Berbanya, may isang hari na ang pangalan ay si Don
Fernando, ang kanyang asawa ay si Donya Valeriana. Sila ay may tatlong anak na lalaki. Ang
pinakamatanda ay si Don Pedro, ang ikalawa ay si Don Diego at ang bunso ay si Don Juan.
Isang gabi, samantalang natutulog si Don Fernando, nagkaroon sya ng isang masamang
panaginip at sya ay nagkasakit. Ang kanyang panaginip ay tungkol kay Don Juan na sya daw ay inihagis
sa isang balong malalim ng dalawang lalaki. Kinabukasan, ipinatawag ang lahat ng manggagamot sa
Berbanya upang gamutin ang hari, ngunit walang makapagpagaling sa kanya. Hangga't isang ermitanyo
ang dumating at nagsabi na ang tanging makapagpapagaling sa kanya ay ang pitong awit ng Ibong
Adarna. Ang Ibong Adarna ay matatagpuan sa puno ng Piedras Platas sa Bundok ng Tabor.
Isinugo ng hari ang kanyang dalawang anak na lalaki upang hanapin ang Ibong Adarna, ang una
ay si Don Pedro at sumunod ay si Don Diego, ngunit sila ay nabigo sa paghahanap sa Ibong Adarna.
Dahil sa Labis na pagod, sila ay nakatulog sa ilalim ng isang puno na kumikislap ang mga dahon na
parang diamante. Kapag dumapo ang Ibong Adarna sa kalaliman ng gabi ito ay umaawit at pagkatapos ay
umiipot. Nang mapatakan ng ipot ng ibong Adarna ang dalawang prinsipe, sila'y naging bato.
Lumipas ang tatlong taon ngunit hindi na nakabalik ang dalawang prinsipe, dahil dito natakot si
Don Fernando na isugo ang kanyang bunsong anak na si Don Juan dahil baka magkatotoo ang kanyang
panaginip. Ngunit nagpumilit si Don Juan na hanapin ang Ibong Adarna.
Samantalang si Don Juan ay naglalakbay upang hanapin ang ibon, nakita nya ang isang ketongin
na humingi sa kanya ng pagkain. Dahil si Don Juan ay may magandang kalooban, ibinigay nya ang
kanyang kahuli-hulihang baon na tinapay sa matandang lalaki na ketongin. Dahil dito, tinulungan sya ng
ketongin kung papaano matatagpuan ang Ibong Adarna. Sinabi nito na mayroon isang maliit na bahay
malapit sa bundok kung saan nakatira ang isang ermitanyo na magbibigay sa kanya ng kaalaman kung
papano mahuhuli ang Ibong Adarna. At ibinilin din ng matanda na huwag syang hihimlay sa isang puno na
kaiga-igaya ang anyo.
At nagtungo si Don Juan sa bahay ng ermitanyo, pinatuloy naman si Don Juan sa bahay ng
ermitanyo at inanyayahang kumain. Nagulat si Don Juan nang makita nya na ang pagkain na inaalok sa
kanya ay ang kanyang tinapay na ibinigay sa isang ketongin. Kaya't inisip ni Don Juan na ang ermitanyo
at ang ketongin ay iisa. Binigyan ng ermitanyo si Don Juan ng pitong dayap, matalim na labaha, at gintong
sintas. At kanyang sinabi na tuwing kakanta ang Ibong Adarna, kailangan sugatan nya ang kanyang
katawan at patakan ng katas ng dayap ang sugat upang hindi sya makatulog. Kailangan din nyang
umiwas kung ang ibon ay umipot pagkatapos umawit ng pitong awit. At kapag nahuli na nya ang Ibong
Adarna, dapat talian nya ito ng gintong sintas na ibinigay sa kanya ng ermintanyo.
Naging matagumpay si Don Juan na makita at mahuli ang Ibong Adarna ayon sa bilin ng matanda. Dinala nya ang Ibong Adarna sa bahay ng ermitanyo na doon ay
inilagay sa isang hawla ang ibon. Kanya ring nailigtas ang kanyang dalawang kapatid nang buhusan nya ito ng tubig ayon s autos ng ermitanyo. Ngunit sa kabila ng mga
ito, naiingit si Don Pedro kay Don Juan at sinabi nya kay Don Diego ang kanyang masamang balak kay Don Juan. Sumang-ayon si Don Diego sa masamang balak ng
kanyang kapatid. Kanilang sinaktan si Don Juan hanggang sya ay mawalan ng malay. Kinuha nina Pedro at Diego ang Ibong Adarna at dinala ito sa hari. Gayunpaman,
pagdating nila sa hari hindi humuni at umawit ang ibon.
Samantala, nagdasal si Don Juan dahil sa hindi sya halos makagapang sa bugbog na tinanggap mula sa dalawang kapatid. Isang matanda ang tumulong sa kanya at
sya'y hinilot hanggang gumaling. Dagli-dagli syang umuwi at sa kanyang pag-dating sa kaharian nagpalit agad ng balahibo ang ibon at bigla itong umawit. Ang kanyang
pitong mga awit ay patungkol sa ginawa ng dalawang prinsipe kay Don Juan, na doon din gumaling ang hari.
Nais ni Don Fernando na parusahan ang kanyang dalawang anak dahil sa kanilang ginawa kay Don Juan, nguni't paglao'y nagbago din ang kanyang isip dahil sa paki-
usap na rin ni Don Juan.
Ngunit isang gabi na nagbabantay si Juan sa ibong Adarna, siya ay nakatulog at hindi namalayan na pinakawalan nina Pedro at Diego ang Ibon at lumipad ang ibon
papalayo sa kaharian ng Berbanya. Ipinasya ni Juan na umalis at magpunta sa bundok ng Armenia dahil sa takot na sya ang pagbintangan na nagpalaya sa ibon. Ngunit
sya ay ipinahanap ng hari sa kaniyang dalawang kapatid. Natagpuan ni Don Pedro at Don Diego si Don Juan sa Armenia. Sa kanilang paglalakbay pabalik, isang araw
nakakita sila ng isang balon, sila'y bumaba doon ngunit tanging si Juan lang ang nakaabot sa pondo ng balon at sa ibaba nito nakita nya ang isang napakagandang
ginintuang palasyo. Doon nakita din niya ang mga magagandang prinsesa na si Juana at Leonora, nguni't sila ay binabantayan ng serpente na may pitong ulo at higante.
Napatay ni Juan ang higante at ang serpente. Dahil doon, sumama sila Prinsesa Juana at Leonora kay Juan palabas ng balon, nguni't naiwan ni Leonora ang kanyang
singsing sa isang mesa. Dagling binalikan ni Juan ang singsing, nguni't sampung dipa pa lamang si Juan patungo sa ilalim ng balon ay dagling pinutol ni Pedro ang lubid.
Nahulog si Juan sa ibaba ng balon at sya'y labis na nasaktan. Subalit inutusan ni Leonora ang kanyang alagang lobo upang tulungan si Juan at sila ay umalis na patungo
ng Berbanya.
Nang makarating sa Berbanya, Si Diego ay ikinasal kay Juana, ngunit si Prinsesa Leonora ay humingi ng pitong taon bago magpakasal kay Pedro. Si Don Juan naman
ay nakaligtas na rin mula sa balon sa tulong ng lobong alaga ni Leonora, nakuha na rin nya ang singsing nito. Samantalang sya'y pabalik na sa Berbanya, nakatulog sya
sa ilalim ng isang puno na sya'ng pagdating ng Ibong Adarna. Nguni't sya ay nagising at nirinig ang awit ng ibon tungkol sa isang mas magandang prinsesa na si Maria
Blanca na anak ni Haring Salermo ng kaharian ng Delos Cristal. Nang marinig nya ito, sya ay nagpasya na hanapin ang kaharian ng Delos Crsital. Nguni't hindi nya ito
matagpuan hanggang maglakbay sya sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 500 sunbalit hindi rin alam ng ermitanyong ito ang Delos
Cristal, kaya ipinasya ng ermitanyo na sya'y papuntahin sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 800, sa tulong ng isang agila na
sinakyan ni Juan, siya'y nakarating sa kaharian. Nguni't ang bilin ng agila, sya'y dapat magtago kung ang tatlong prinsesa ay maliligo tuwing ikaapat. Pagkagayon itinago
ni Juan ang damit ni Donya Maria at pagkatapos maligo nito hinanap ni Maria ang kanyang damit ngunit paglipas ng isang oras ay nagpakita na rin si Juan at ipinahayag
ang kanyang malinis na layunin sa prinsesa. Gayunpaman, hindi nagalit ang prinsesa at ibinilin nya ang kanyang gagawin kapag sya ay makita ni Haring Salermo.
Sinubok ni Haring Salermo si Juan, naging mahigpit ang mga pagsubok na ibinigay ni Haring Salermo kay Juan. Ang unang pagsubok ay ang pagtibag ng bundok,
pagpapatag nito at pagtatanim ng trigo na kinakailangan kinabukasan ay may mainit na tinapay na magagawa kaagad si Juan at maibibigay sa hari. Ang ikalawa ay ang
paghuli sa 12 negrito na pinakawalan sa karagatan. Ang ikatlo ay ang paglalagay ng bundok sa gitna ng dagat at gagawing kastilyo, na banding huli ay kanya ring pina-
alis ang kastilyong ito upang makita ang nahulog na singsing ng hari sa karagatan. Ang pinakamahirap ay ang paghahanap nito ng singsing ng hari na kanyang pinaghati-
hati ang katawan ni Maria upang hanapin ang singsing ng hari, dahil dito nawala ang isa sa mga daliri ni Maria. Gayunpaman, lagi nitong napagtatagumpayan ang lahat
ng pagsubok ng hari sa tulong na rin ng Mahika Blanka ni Donya Maria. Dahil doon napilitan si Haring Salermo na ipakasal ang isa sa kanyang mga prinsesa Ang napili ni
Juan ay si Maria kahit hindi ipinakita sa kanya ang mukha ng prinsesa. Dahil na rin sa naputol na daliri ni Maria bilang naging palatandaan ni Juan sa kanya. Nang
malaman ni Haring Salermo na matagal ng magkakilala sila Juan at Maria nagalit sya at kanyang isinumpa ang anak na si Donya Maria. Ang sumpa ay, sya ay
makakalimutan ni Juan at pakakasal sa iba.
Dagling umalis sila Juan at Maria patungo sa Berbanya. Nang malapit na sila Juan at Maria sa kaharian ng Berbanya pansamantalang iniwan ni Juan si Maria sa labas
ng kaharian. Nguni't ng malaman ni Leonora na dumating na si Juan, sya'y lumapit kay Juan at nakalimutan ni Juan si Maria. Doon itinakda ang kasal nila Leonora at
Juan, nguni't nang dumating si Maria, namangha sya sa napipintong kasal ng dalawa kaya sya ay humiling ng isang palaro na naging dahilan upang maalala ni Juan ang
kanilang nakaraan ni Maria. Isang negrito at negrita ang inilabas ni Maria. Sa tuwing papalo ang negrita, hindi nasasaktan sng negrito. Ang nasasaktan ay si Don Juan.
Unti-unting nagbalik ang ala-ala ni Juan at sila ay nagpakasal ni Maria. Samantalng si Leonora naman ay nagpakasal kay Pedro.
Pagkaraan nito umuwi sila Don Juan at Donya Maria sa Delos Cristal at sila ang tinanghal na Hari at Reyna sa kaharian. Pinamunuan nila ang kaharian na makatao,
makatarungan at makaDiyos na pamumuno. Dahil ditto sila'y minahal ng taong-bayan.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
LIBURON NATIONAL HIGH SCHOOL
Liburon, Carcar City, Cebu

Baitang 8

Unang Markahan

Pamantayang Pangnilalaman : Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon

Pamantayan sa Pagganap : Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo

Susing Konsepto :
Mga Karunungang-Bayan – ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan na binubuo ng mga salawikain, sawikain, bugtong,
palaisipan, kasabihan, at bulong na nagsisilbing daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa kultura ng
isang bayan

A. Salawikain – ito ay nakaugalian nang sabihin at sundin bilang tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno na naglalayong mangaral at
akayin ang kabataan tungo sa kabutihang asal.
Hal : Aanhin pa ang damo, Hal: May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
kung patay na ang kabayo.

B. Sawikain o Idyoma – mga salita o pahayag na nagtataglay ng talinghaga. Hindi tiyak ang kahulugang ibinibigay nito sapagkat may natatago pa
itong kahulugan patungkol sa iba’t ibang bagay.
Hal : bagong tao – binata Hal : bulang-gugo – gastador

C. Kasabihan – tugmang sinasambit ng mga bata at matatanda; karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
Hal : Ang batang matalino, nag-aaral nang husto. Hal : Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat.

Paggawa ng Travel Brochures


Pamaraan/ Steps

1. Makiisa sa inyong lokal na pamunuan sa pagkampanya sa mga turistang bibisita sa inyong lugar. Mag-organisa
ng school drive na ang tukoy ay ang kagandahan at pagiging interesante ng isang lugar. Isulat sa isang pirasong
papel at ibigay sa guro at hintayin ang pangkatang bubuuin ng guro.
2. Ang grupo ay pipili ng kategorya na itatampok sa kanilang brochure. Maaaring pagpipilian ang sumusunod:
Natural site, Building Site, Cultural Site o Slice of Life.
3.Ang mga datos na dapat ilalagay sa travel brochure ay maglalaman ng mga mabisang larawan tungkol sa
paksa at ilang mahahalagang impormasyon tungkol dito gaya nang:

Kategorya Deskripsyon
Natural Site Lokal na tanawin na katangi-tangi at interesante sa inyong komunidad.

Building Site Lokal na human-made structure tulad ng bahay, simbahan, gusali, plasa o tulay na may katangi-
tanging kasaysayan o kwento.

Cultural Site Lokal na tao, musika, sining, fashion at isports, mahalagang pagdiriwang na naglalarawan sa uri ng
pamumuhay ng isang komunidad.
Slice of Life Pang-araw-araw na gawaing sosyal/ isyu/ kaugalian / pagkain at iba pang tampok na tanawin na
ikinatatangi (uniqueness) nito.

1. ano-ano ang kahalagahan nito sa kasalukuyan?


2. mabuting araw na ito ay makita o mabisita

3. halagang dapat ihanda upang ito ay makita


4. ano-ano ang dapat iwasan kung sakaling may nakaambang panganib sa lugar?

5. pangalan at numero ng mga taong maaaring kontak; mga larawan

Gamitin ang DRTA approach sa pagtalakay sa alamat.


Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto
Isang Alamat mula sa Lungsod ng Baguio
http://filipino8niwarville.blogspot.com/2014/06/kung-bakit-nasa-ilalim-ng-lupa-ang-ginto.html

Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakamalakas
at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya’t siya ang ginawang puno ng matatandang pantas.
(Sino si Kunto? Ilarawan siya.)
Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik. Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taon-taon ay nagdaraos sila ng
cañao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito.
(Paano namumuhay ang mga taga-Suyok?)
(Bakit sila nagdiriwang ng cañao?)
Kung nagdaraos sila ng cañao ay naghahanda sila linggo-linggo. Pumapatay sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila.
(Paano nila ipinagdiriwang ang cañao?)
Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mangaso. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na
kaniyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kakaiba. Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa
pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil. Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang
tatlong ulit bago lumipad. Matagal na natigilan si Kunto. Bagamat siya’y malakas at matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng
kaniyang nakita.
(Bakit nagtungo si Kunto sa gubat?)
(Paano naiiba ang ibong nakita niya sa pang mga ibon?)
(Kung kayo si Kunto, ano kaya ang inyong mararamdaman at gagawin sakaling ikaw ang makita sa ibon?)
Hindi na niya ipinagpatuloy ang kaniyang pangangaso. Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Sabi ng isang matanda,“Marahil ang ibong
iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin nadapat tayong magdaos ng cañao.”
“Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng cañao,” ang pasiya ni Kunto.
Ipinagbigay-alam sa lahat ang cañao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga
babae naman ay naghanda ng masasarap na pagkain.
Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang baboy na ito ang siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung
ito man ay nagagalit sa kanila.
Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng isang
pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay-lupa na sa katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan. Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki angmga mata sa
kanilang nakita. Natakot sila.
(Anong nangyari sa baboy na kanilang inilagay sa altar?)
Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika ng ganito: “Mga anak,magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may loobsa inyong
bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin.”
“Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi.Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong
cañao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sapook na ito.
Makikita ninyo ang isang punongkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ayhindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga, dahon, atsanga ay
maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.”
(Ano ang mga ipinagawa ng matanda sa mga taga-Suyok?)
Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda. Ipinagpatuloy nilaang kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook napinag-iwanan sa
matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ngmatanda, nakita nila ang isang punongkahoy na maliit. Kumikislap ito saliwanag ng araw—lantay na ginto mula sa
ugat hanggang sa kaliit-liitangdahon.
(Ilarawan ang punong tumubo?)
Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahanglumapit sa punongkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon
kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa ng mga tao.Bawat isa ay pumitas ng dahon.
Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk. Ang dati nilang matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. Ang
punongkahoy naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo nito’y hindi na maabot ng tingin ng mga tao.
Isang araw, sabi ng isang mamamayan, “Kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin na natin
ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian natin.” Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga sibat. Tinaga nila
nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat. Nang malapit nang mabuwal ang punongkahoy ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog
nang ubod-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit.
(Paano ipinakita ng mga taga-Suyok ang pagiging sakim?)
Nabuwal ang punongkahoy. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar nakinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. “Kayo ay binigyan ng gantimpala
sa inyong kabutihan- ang punong-ginto, upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan, kasakiman ang naghari sa inyong mga
puso. Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyongnanaisin ang gintong iyan.”
(Para sa inyo, nararapat bang bawiin ng matanda ang puno? Pangatwiranan ang inyong sagot.)
At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nakukuha lamang ang ginto sa
pamamagitan ng paghukay sa lupa.
Anong magandang aral ang iniwan sa inyo ng akdang inyong binasa? Paano ninyo ito magagamit sa inyong buhay?

Ikalawang Markahan

Pamantayang Pangnilalaman : Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikang lumaganap sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt at
sa Kasalukuyan

Pamantayan sa Pagganap : Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan

Susing Konsepto :
Ang Balagtasan

Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan


Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula. Nakilala ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika,
batay sa mga lumang tradisyon ng patulang pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo.
Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang ating bansa mayaman na sa tradisyong tulang sagutan sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. May
tinatawag na patulang Balitao ang Aklanon maging ang Cebuano, isang biglaang debate ng lalake at babae.
Sagutan naman ng kinatawan o sugo ng dalawang pamilyang nakikipagnegosasyon sa pag-iisang dibdib ng dalaga at binata ang
Siday ng mga Ilonggo at Pamalaye ng mga Cebuano. Sa mga Subanen naman ay sa inuman isinasagawa ang sagutan. Ang unang bahagi
ng ganitong gawain ay pagtikim ng alak kung saan nalalaman ang papel na gagampanan ng bawat isa, ang mga tuntunin at iba pang bagay
na dapat isaalang-alang.
Ang Balagtasan ay isang makabagong duplo. Ang mga kasali sa duplo ay gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang
hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na piskal o tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging debate o sinasabing tagisan ng katuwiran sa panig ng taga-usig at
tagapagtanggol at maaaring paiba-iba ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na debate sa pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay-aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan,
talas ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang dula. Ang Balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong pulitika at nabuo ang konseptong ito
sa isang pagpupulong. Ang nangungunang mga manunulat noong Marso 28, 1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres (Women's Institute), Tondo, Maynila. Ito ay naganap bilang
paghahanda sa pagdiriwang ng kaarawan ng dakilang makata na si Francisco Balagtas o Araw ni Balagtas sa darating na Abril 2. Iminungkahi ni G. Jose Sevilla na tawagin itong Balagtas.
Hinunlapiang “an” ang pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag dito. Ang unang Balagtasan ay nangyari noong Abril 6, 1924. Tatlong pares ng makata ang nagtalo na
gumamit ng iskrip. Ang pinakamagaling sa mga nagbalagtasan ay sina José Corazón de Jesús at Florentino Collantes, kaya naisipan ng mga bumuo na magkaroon ng isa
pang Balagtasan para sa dalawang kagalang-galang na makatang ito, na walang iskrip. Ginawa ito noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium sa Maynila. Si Jose Corazon
De Jesus ang nagwagi bilang unang Hari ng Balagtasan.Nakilala si Jose Corazon de Jesus bilang si "Huseng Batute" dahilan sa kaniyang angking kahusayan sa Balagtasan
noong 1920. Mula noon hanggang ilang taong makalipas ang Ika-2 Digmaang Pandaigdig, naging paboritong aliwan ang Balagtasan. Gumawa pati ang mga makata sa ibang mga wika sa Pilipinas
ng sarili nilang bersyon, gaya ng Bukanegan ng mga Ilokano (mula sa apelyido ng makatang Ilokanong si Pedro Bukaneg at ng Crisostan ng mga Pampango (mula sa pangalan ng Pampangong
makata na si Juan Crisostomo Soto). Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa sumulpot ang mga samahang pampanitikang nakabatay sa paaralan kung hindi magkakaroon ng pagkakatong
mapabilang sa mga samahang pampanitikan. Ang Balagtasan ay karaniwang may mga paksang pinag-uusapan ng tatlo katao. Ang mga kalahok ay inaasahang magaling sa pag-alala ng mga 231
tulang mahahaba at pagbigkas nito ng may dating (con todo forma) sa publiko. Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng bawat panig ( Mambabalagtas). May mga hurado na
magsisiyasat kung sino sa kanila ang panalo ang mas may makabuluhang pangangatuwiran.

Mga Hugyat na ginagamit sa pagsang-ayon at pagsalungat


Ang pagsang-ayon ay ang pagtanggap, pagpayag, pagpatnubay o pagpapabahala sa kausap ng ano mang hinihingi, itinatanong o
sinasabi. Ginagamit ang mga pang-abay na panang-ayon tulad ng : totoo, tunay, siyanga , talaga, naman, hala na, mangyari pa, opo,
bahala at Iba pa,

Halimbawa : Ganyan din ang nasa isip ko.


Maaari ka nang magsimula.

Ang pagsalungat ay ang pagtutol o pagbabawal sa isang gawain, katwiran, paniniwala o panukala. Ginagamit ang mga pang-abay na
pananggi tulad ng : hindi, ayaw, wala, aywan, huwag at iba pa.

Halimbawa : Mainam nga sana, pero ayoko ko talagang sumama sa inyo.


Bakit hindi mo subukang maging guro kaysa maging doctor?
PAGSASANAY
Suriin ang mga pahayag at lagyan ng tsek ang patlang kung sumasang-ayon ka sa paninindigan ng mag-aaral at ekis kung ika’y sumalungat.

_____ 1. Masama ang epekto ng media sa mga kabataang Pilipino.

_____ 2. Dapat na magdagdag ng dalawang taon sa hayskul para maihanda ang mga kabataan sa pagpasok
ng kolehiyo.

_____ 3. Dapat pahintulutang gumamit ng cellphone ang mga bata may edad sampu (10) pababa.

_____ 4. Dapat na magkaroon ng curfew ang mga magulang sa kanilang mga anak.

_____ 5. Dapat patawan ng parusang kamatayan ang mga gumagawa ng terorismo sa ating bansa.

_____ 6. Dapat na magkaroon ng ganap na kalayaan sa pamamahayag ang media.

_____ 7. Hindi dapat pahintulutan ang mahahalay na salita sa text messaging.


_____ 8. Dapat ipagbawal sa mga bata ang paggamit ng Internet dahil sa mga malalaswang larawan na
makikita rito.

____ 9. Dapat ipagbawal ng pamahalaan ang pagpapalabas ng mga malalaswang pelikula sa ating bansa.

____ 10. Dapat na magkaroon ng censorship sa paggamit ng computer ating bansa.

Aspekto ng Pandiwa
Ang aspekto ng pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap ang kilos, at kung
nasimulan na at kung natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa ang pagganap. May apat na aspekto ang
pandiwa: aspektong perpektibo kung ito ay nagsasaad o nagpapahayag na ang kilos na nasimulan na at
natapos na, aspektong imperpektibo kung nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos
at kasalukuyan pang ipinagpapatuloy, aspektong kontemplatibo ay naglalarawan ng kilos na hindi pa
nasisimulan at aspektong perpektibongkatatapos kung saan nagsasaad ito ng kilos na katatapos lamang
bago nagsimula o naganap ang kilos.

PAGSASANAY Basahin ang kwento sa ibaba. Isulat ang mga salitang may salungguhit sa tamang talahanayan nang ayon sa aspekto nito.

Ang Aking Inspirasyon

“Tumayo ang lahat at tayo’y mananalangin.”


Ito ang laging bukambibig ng gurong nagsilbing pangalawang magulang sa aking buhay. Guro siya ng ikalawang taon sa aming paaralan. Lahat ng aking kamag-
aral ay natutuwa tuwing sasapit ang ikawalo ng umaga sapagkat Filipino na. Sa tuwing magtuturo siya, ang lahat ay tahimik na nakikinig, walang dumadaldal. Ang buong
klase ay nag-aabang ng bagong kaalaman na ibabahagi niya sa amin. Gustong-gusto ko ang araling itinuro niya tulad ng akdang pampanitikan. Dito ko natutuhan na ang
panitikan ay salamin ng kultura ng isang bansa. Buong puso at galak siyang nagtuturo at ito’y walang halong pagkukunwari. Kaya marami akong natutuhan sa kanya.
Naunawaan ko na sa iba’t ibang panahon malaki ang naging papel ng manunulat sa pagpapaunlad ng panitikang Filipino.
Parang kailan lang, sampung taon na pala ang nakalilipas. Subalit sa puso’t diwa ko ay parang kahapon lang. Isa ako sa nag-aaral sa kaniyang paaralan. Ngayon,
ganap na akong isang guro ng Filipino na sumunod sa yapak ng isang gurong nagsilbing inspirasyon ng aking buhay. Minsan, pinuntahan ko ang paaralang aking
pinagtapusan kung saan siya nagtuturo upang mabisita at personal na mapasalamatan. Ngunit pagdating ko sa paaralan, ang guwardiya na nagbabantay ang aking
napagtanungan. Ang tanong ko’y “nariyan ba si Ma’am?”. Ang sagot niya “kaaalis lamang niya ng dumating ka.” Hindi man kami nagtagpo sa oras na iyon, subalit sa puso
ko natagpuan ko ang natatanging guro na nagsilbing tanglaw sa landas ko.

Ikatlong Markahan

Pamantayang Pangnilalaman : Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang Pilipino

Pamantayan sa Pagganap : Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media
awareness campaign)

Susing Konsepto :
Paano nabago ang paggamit ng Wikang Filipino sa Edukasyong Panteknolohiya

Aug 26, '08 9:46 AM

for everyone

Ang Wikang Filipino sa Edukasyong Panteknolohiya:

Isang Teknolingguwal na Pagtalakay

Christian George C. Francisco

Tagapangulo, Kagawaran ng Filipino at Panitikan

Pamantasang De La Salle-Dasmarinas

Isandaan at walumpu (180) sa humigit-kumulang na anim na libong buhay na wika sa daigdig ay matatagpuan sa Pilipinas. Ang ganitong
sitwasyon ay maituturing na isang penomenong pangwika na nagaganap sa isang lipunan. Sa katunayan, bawat wika sa mundo ay maikaka tegorya batay sa
uri nito. May mga wikang intelektuwalisado at malawakang ginagamit sa iba’t ibang antas ng komunikasyong pasalitaat pasulat, halimbawa nito ay ang English,
French, Spanish at German. Samantala, may mga wika rin na masasabing intelektuwalisado subalit limitado ang gamit sa mga bansang mauunlad gaya ng wikang
Korean at Niponggo (tonallanguages kung ituring ang mga ito). Higit sa lahat, may tinatawag na papaunlad na mga wika sa mundo na karaniwang matatagpuan sa
Asya gaya ng Filipino, Malay at iba pa. Tinawag itong papaunlad dahil patuloy itong dinedebelop sa pamamagitan ng mga lingguwistikong pag-aaral hinggil sa mga
kalagayang pangwika sa ating bansa. Pinatutunayan lamang nito na bawat wika ay may kani-kaniyang papel na ginagampanan sa tinatawag nating pangkat-wika
o speech community. Kung kaya, sa larangan ng lingguwistiks, walang tinatawag na superyor at/o inferyor na wika. Nangangahulugan lamang na ang isang wika
ay nararapat na mabisang tugunan ang pangangailangan ng mga gumagamit nito.Halimbawa, ang paggamit ng Filipino ay nakatutugon sa mga personal na
pangangailangan ng mga Pilipino. Ang mga pangangailangang ito ay tumutukoy sa kanyang emosyon, paniniwala at mga adhikaing nais niyang personal na
maipaabot sa kanyang kapwa. Sa kabilang banda, ginagamit naman natin ang English (American English ang tinutukoy ko rito at hindi ang ibang varayti ng English
sa mundo) para sa ating instrumental na pangangailangan. Sa pamamagitan nito, malayangnagagawa ng mga Pilipino na makipagtalastasan tungo sa
paghahanap ng trabaho sa ibang bansa.
Nagsisilbi itong instrumento sa pang-empleyong perspektiba gayundin naman sa aspektong pangsosyalisasyon.
Bunsod ng ganitong sitwasyon ang pagpapakita ng halaga sa pagkakaroon ng sarili o pampersonal na wika, pambansang wika at mga wikang global.
Marami man ang wika sa buong daigdig gayundin sa Pilipinas, hindi maaaring pagkumparahin ang bawat isa. Dahil ang WIKA MO, ang tumutulong sa iyo upang
lubos mong maiparamdam ang nais mo sa pinakamabisang paraan. Bukod pa, hatid din nito ang kristalisado at awtentikong mensahe na hindi kayang maibigay
ng kahit na anong banyagang wika. Ang WIKANG FILIPINO naman angnagsisilbing wika ng nagkakaisang bansa. Ito rin angwikang nagiging
daluyan ng mga mahahalagang impormasyong politikal at sosyal na kayang-kayang maipaabot anumang antas ng kabuhayan ang iyong kinabibilangan. Ang
pagsulong at pagtangkilik sa wikang ito ang tutulong sa bawat Pilipino na maunawaan ang mga pinakamahihirap na konsepto ng mundo. Higit salahat, ang WIKA
NG MUNDO ang siyang nagiging tagapag-ugnay samas malawak na impormasyon. Nagagawa nitong maging kongkreto ang global village kung saan bawat
tao ay malayangnauunawaan ang wika, kultura gayundin ang mga paniniwala ng iba’t ibang nasyon.

PAGSASANAY
GAWAIN 3

 Pangkatang Gawain: (pag-uulat sa harap)


P1. Isulat ang mga mahalagang detalye na nakapaloob sa tekstong naibigay.
P2. Pagpili ng mga angkop na kahulugan ayon sa pagkagamit ng mga salitang pang media.(techie, multimedia, cybernetics, hypermedia, global village, www, e-
learning, internet)

P3. Ano ang maipayo mo sa kabataang labis na nauubos o nasasayang ang kanilang oras dahil sa maling paggawa ng teknolohiya sa kanilang buhay? Iuulat ito
sa pamamagitan ng paglalapat ng tono o pag-awit.

P4. Paano nakaka- apekto ang negatibo at positibong dulot ng paggamit ng multimedia sa kulturang PILIPINO?( Iuulat sa paraang pa talk-show)
PAHAYAGAN (tabloid)

Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga balita sa pangaraw-araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa higaan
hanggang bago matulog ay nakatutok tayong mga Pilipino sa nangyayari sa ating paligid. Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng print media ang kailanma’y hindi
mamamatay at bahagi na ng ating kultura. Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez mula sa kaniyang blog sa Sanib-Isip tungkol sa tabloid. Tabloid:
Isang Pagsusuri William Rodriguez II “Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum.

.”Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita
sa mga bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin sa radyo.May sariling hatak ang nasa print media dahil
lahat ay 'di naman naibabalita sa TV at radyo. Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin sa mambabasa ang mga nilalaman nito. Iba't iba ang
dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o 'di kaya'y sumagot ng palaisipan.
Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay
pang masa dahil sa Filipino ito nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum. Hindi katulad sa broadsheet na ang target readers ay Class A at B. "Yun nga lang
sa tabloid ay masyadong binibigyangdiin ang tungkol sa sex at karahasan kaya't tinagurian itong 'sensationalized journalism.' Bihira lamang maibalita ang
magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasa masamang balita?
Sa kasalukuyan ay mayroong humigit sa dalawampung national daily tabloid ang nagsi-circulate sa bansa.
KOMIKS

Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang
salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang
mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang higit na makaapekto nang
may lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng
sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang
sariling ekspresyon.
Kontemporaryong Dagli

Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling kuwento. Bagama’t walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap
ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano.

Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang
maikling kuwento. Kabilang sa kilalang mga manunulat ng dagli sina Iñigo Ed.Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro Almario (Ric.
A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K. Santos. Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na sumulpot ang dagli noong
1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang 1930.

Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang Espanyol at
tinawag na Instantaneas. Gayunman, hindi malinaw kung hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Español dahil hindi pa malinaw
noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa ngunit patula ang himig.

Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento at nobela pagsapit ng 1920, at mula rito’y lalong sumigla ang pagpapalathala ng
dagling nasa ilalim ng sagisag-panulat.

Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila ni Tolentino para sa antolohiyang “Ang Dagling Tagalog: 1903-1936” ang tumatalakay sa
karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na lipunang kanilang ginagalawan. Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng napupusuan subalit may ilan ding
ginamit ito upang ipahayag ang kanilang mga damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa mananakop na Amerikano.

Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap na pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong kuwento sa mga
tabloid o tampok na kuwento (feature story) sa mga kolum, pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at telebisyon. Aniya, “na-transform na ang dagli, hindi na ito
tinawag na dagli at nagkaroon na ng ibang lehitimong pangalan at katawagan-anekdota, slice-of-life, day-in-the-life, at iba pa at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri
ng kwento sa media).”
ANG DAGLI SA KASALUKUYAN

Karaniwang napagkamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa Ingles ang dagli. Ngunit ayon sa panayam kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang
nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man nagkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong noong 1990. Maaari itong nagmula sa anyong pasingaw at
diga ng magbabarkada kung kaya’t masasabing marami sa mga probinsiya at malalayong lugar ang nagkaroon ng ganitong paraan ng kuwentuhan. Noong 2007,
lumabas ang antolohiyang “Mga Kwentong Paspasan” na pinamatnugutan ni Vicente Garcia Groyon. Taong 2011 naman nang mailathala ang “Wag Lang Di Makaraos
(100 Dagli Mga Kuwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)” ni Eros Atalia kung saan, ayon sa blogger na si William Rodriguez, tinatalakay ang “samu’t saring pangyayari
sa lipunan sa paraang madaling unawain dahil simple lang ang paggamit ng wika.” Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga dagli ni Jack Alvarez na
may pamagat na “Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga” na ayon kay Aguila: “Naiangat ni Jack Alvarez ang dagli sa isang sining ng paglikha ng malaking daigdig mula
sa maliit at particular na karanasan…isang makabuluhang kontribusyon ito sa panitikan ng bansa.

Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang tuluyan, pasingaw, at proto-fiction o micro-fiction sa Ingles.

Narito ang isang halimbawa ng dagli na isinulat ni Salvador R. Barros

“Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay may malaking ipinagkakaiba.”

“Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila.”

“Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig.”

“At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa pahayagan.”

(Sampagita, 8 Nobyembre 1932)

Sa pagdaan ng panahon, maraming katawagang nagsulputan na hinango sa flash fiction. Batay sa naging karanasan ni Abdon Balde, Jr., isang manunulat, mula
sa isang pulong ng lupon ng manunulat sa Pilipinas ay pinagtatalunan din kung ano ang itatawag sa higit na pinaikling maikling kuwento. Lumabas ang “Mga Kuwentong
Paspasan”, na inedit ni Vicente Groyon noong 2007; ang mga kuwento ay walang sukat at karamihan ay lampas ng 150 salita. Si Vim Nadera ay nagpanukala na ang
dapat itawag ay Kagyat. Sabi ni Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan ay maigi ang pangalang malapit sa Flash Fiction. Nang magpanukala si
Michael Coroza ng Iglap ay saka naisip ni Abdon Balde, Jr. ang Kislap, Kuwentong ISang igLAP.
Ikaapat na Markahan

Pamantayang Pangnilalaman : Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang dakilang akdang pampanitikan na mapagkukunan ng mahahalagang
kaisipang magagamit sa paglutas ng ilang suliranin sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan
Pamantayan sa Pagganap : Ang mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio broadcast na naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahon ni Balagtas at
sa kasalukuyan
Susing Konsepto :
TALAMBUHAY
Ni
Francisco Baltazar

Isinilang si Francisco Baltazar noong ika 2 ng Abril, 1788 sa nayon ng Panginay(Balagtas) Bigaa, Bulakan. Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Baltazar at
Juana Dela Cruz. Ang pagmamahalan ng dalawang ito ay nagbunga ng apat na supling, sina Felipe, Concha, Nicolasa, at Kiko.
Nabibilang lamang sa maralitang angkan ang mag – anak na Baltazar. Ang kanyang ama ay isang panday at ang kanyang ina ay isang karaniwang maybahay. Si Kiko ay
pumasok sa kumbento ng kanilang kabayanan sa ilalim ng pamamatnubay ng kura – paroko at dito ay natutuhan niya ang Caton, misterio, kartilya at Catecismo.Ang
pandayan ng kanyang ama ay ginagawang tagpuan ng mga kanayon at dito ay naririnig ni Kiko ang mga usapan at pagtatalo tungkol sa sakit ng lipunang umiiral noon.
Malaki ang nagawa nito sa kanyang murang isipan.

Palibhasa’y may ambisyon sa buhay, inakalang hindi sapat ang natutuhan sa kanilang bayan kayat umisip ng paraan kung paano siya makaluluwas ng Maynila
upang makapagpatuloy ng pag – aaral. Ayon sa kanyang ama mayroon silang malayong kamag – anak na mayaman, na naninirahan sa Tondo at maaari siyang pumasok
dito bilang utusan.

Nagustuhan naman ang paglilingkod ni Kiko sa kanyang amo kaya pinayagan siyang makapag – aral. Nagpatala siya sa Colegio de San Jose na noon ay
pinamamahalaan ng mga Hesuwitas. Dito’y natutuhan niya ang Gramatika, Latin at Kastila, Fiska, Geografia at Doctrina Cristiana. Noong 1812 ay ipinagpatuloy niya ang
kanyang pag – aaral sa Colegio de San Juan de Letran at dito’y natapos niya ang mga karunungang Teolohiya, Filosofia at Humanidades. Naging guro niya si Padre
Mariano Pilapil, ang may – akda ng Pasyong Mahal.

Naging tanyag si Kiko sa purok ng Tundo, Maynila sapagkat sumusulat siya ng tula at itinuturing na mahusay na makata. Sa Gagalangin, Tundo ay nakilala niya
ang isang dalagang nagngangalang Magdalena Ana Ramos at ito’y napagukulan niya ng paghanga. Noong panahong iyon ay may isang tagaayos ng tula, si Jose dela
Cruz na lalong kilala sa tawag na Huseng Sisiw sapagkat kung walang dalang sisiw ay hindi niya inaayos at pinag – uukulan ng pansin ang tulang ipinaaayos ng
sinuman. Isang araw ay may dala – dalang tula si Kiko upang ipaayos kay Huseng Sisiw at sa dahilang walang dalang sisiw ay hindi ito inayos ni Jose. Umuwi si Kikong
masamang – masama ang loob kayat simula noon ay hindi na siya humingi ng tulong sa makata ng Tundo.

Noong taong 1853, lumipat siya sa Pandacan at doon niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Sa kabila ng mga paalaala at payo ng mga kakilala at kaibigan na
magiging mahirap para sa kanya ang pamimintuho sa dalaga sapagkat magiging karibal niya si Mariano Kapule, isang mayaman at makapangyarihan sa pook na iyon,
winalang – bahala niya ang mga paalalang ito, Hindi siya tumugot hanggang hindi nakadaupang – palad si Maria at hindi nga nagtagal at naging magkasintahan ang
dalawa.

Palibhasa’y mayaman ginamit ni Nano ang taginting ng salapi upang mapabilanggo si Kiko. Nagtagumpay naman ito. Sa loob ng bilangguan ay nagdadalamhati si
Kiko at lalo itong nalubos nang mabalitaan niyang ikinasal na ang pinag – uukulan niya ng wagas na pag – ibig at si Nano. Maraming nagsasabing sa loob ng bilangguan
niya isinulat ang walang kamatayang Florante at Laura at buong puso niya itong inihandog kay Selya.

Pagkalabas niya sa bilangguan noong 1838 ay minabuti niyang lumipat sa ibang tirahan upang di na magunita ang alaala ni Selya kaya ang alok na puwesto sa
Udyong, Bataan ay buong puso niyang tinanggap. Muling tumibok ang kanyang puso ng makilala niya si Juana Tiambeng, isang anak ng mayaman na naging kabiyak
niya. Nagkaroon sila ng labing – isang supling, limang lalaki at anim na babae sa loob ng labing – siyam na taong pagsasama nila. Pito ang namatay noong mga bata pa
at sa apat na nabuhay isa lamang ang nagmana kay Balagtas.
Dahil sa may mataas na pinag – aralan si Kiko kaya humawak siya ng mataas na tungkulin sa Bataan – naging tagapagsalin, tinyente mayor at huwes mayor de
Semantera.Mainam –inam na sana ang buhay ng mag – anak ngunit nagkaroon na naman ng isang usapan tungkol sa pagkakaputol niya ng buhok sa isang utusan ng
isang mayamang si Alfarez Lucas. Sa pagkakataong ito, namayani na naman ang lakas ng salapi laban sa lakas ng katwiran kaya napiit siya sa Bataan at pagkatapos ay
inilipat sa piitan ng Maynila. Nang siyay makalaya, bumalik siya sa Udyong at dito nagsulat ng awit, komedya at namatnugot sa pagtatanghal ng dulang Moro – moro na
siya niyang ibinuhay sa kanyang pamilya.
Noong ika – 20 ng Pebrero, 1862 si Kiko ay namatay sa Udyong Bataan sa gulang na 74 na taon.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura


Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco “Balagtas” Baltazar noong 1838, panahon ng
pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Sa panahon ito, mahigpit na ipinatupad na sensura
kaya’t ipinagbawal ang mga babasahin at palabas na tumutuligsa sa pagmamalabis at
kalupitan ng mga Espanyol. Dahil sa pagkontrol ng mga Espanyol, ang mga aklat sa
paglalaban ng mga Moro at Kristiyano na tinatawag ding komedya o moro-moro, gayundin
ngmga diksiyunaryo at aklat-panggramatika.
Ang relihiyon at ang paglalaban ng mga Moro at Kristiyano ay siya ring temang ginamit ni
Balagtas sa kanyang awit bagama’t naiugnay niya ito sa pag-iibigan nina Florante at Laura.
Ito ang dahilan kaya’t nagtagumpay siyang mailusot ang awit sa mahigpit na sensura ng
mga Espanyol. Gumamit siya ng alegorya kung saan masasalamin ang mga nakatagong
mensahe at simbolismong kakikitaan ng pagtuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga
Espanyol gayundin ang pailalim na diwa ng nasyonalismo. Ang mga tauhan at ang
pangyayaring nagdulot sa kaawa-awang kalagayan sa kaharian ng Albanya ay
kasasalaminan ng mga naganap na kaliluan, kalupitan, at kawalang katarungan sa Pilipinas
sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol. Masasalamin din sa akda ang tinutukoy ni Lope
K. Santos na “apat na himagsik” na naghari sa puso at isipan ni Balagtas: (1) ang himagsik
laban sa malupit na pamahalaan;(2) ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya;(3)
ang himagsik laban sa mga maling kaugalian; at (4) ang himagsik laban sa mababang uri ng
panitikan.
Ang Florante at Laura ay itinuturing na isang obra-maestra ng panitikang Pilipino at
sinasabing nagbukas ng landas para og noong ika-19 na dantaon. Isinulat niya kasi ang
kanyang akda sa wikang Tagalog sa panahong ang karamihan sa mga Pilipinong manunulat
ay nagsisulat sa wikang Espanyol. Ang awit ay inialay ni Balagtas kay “Selya” o Maria
Asuncion Rivera, ang babaeng minahal niya nang labis at pinagmulan ng kanyang
pinakamalaking kabiguan. Sinasabing isinulat niya ito sa loob ng selda kung saan siya
nakulong dahil sa maling paratang na pakana ng mayamang karibal na si Nano Kapule. Ang
malabis na sakit, kabiguan, kaapihan, himagsikan, at kawalang katarungang naranasan ni
Kiko sa lipunang kanyang ginagalawan ay siyang nagtulak sa kanya upang likhain ang
walang kamatayang Florante at Laura.
Ang awit ay nagsisilbing gabay at nagtuturo sa mga Pilipino ng maraming bagay. Ito ay naglalaman ng mahahalagang aral sa buhay tulad ng
wastong pagpapalaki sa anak, pagiging mabuting magulang, pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan, pag-iingat laban sa mga taong
mapagpanggap o mapagkunwari at makasarili, gayundin ang pagpapaalala sa madla na maging maingat sa pagpili ng pinuno sapagkat napakalaki
ng panganib na dulot sa bayan ng pinunong sakim at mapaghangad sa yaman. Ipinakita rin sa akda ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa
maging doon sa may magkakaibang relihiyon tulad ng mga Muslim at Kristiyano. Binigyang halaga rin sa akda ang taglay na lakas ng kababaihan
sa katauhan ni Flerida, isang babaeng Muslim na sa halip na sumusunod lang sa makapangyarihang kalalakihan ay piniling tumakas mula sa
mapaniil na Sultan upang hanapin ang kanyang kasintahan at siya pang pumutol sa kasamaan ng buhong na si Adolfo.
Ang akda ay gumabay hindi lamang sa mga pangkaraniwang tao kundi gayundin sa mga bayaning nagmulat sa diwang makabayan ng mga
Pilipino. Sinasabing si Jose Rizal ay nagdala ng kopya ng Florante at Laura habang siya’y naglalakbay sa Europa at nagging inspirasyon niya sa
pagsulat ng Noli Me Tangere. Sinasabi ring maging si Apolinario Mabini ay sumipi sa pamamagitan ng sarili niyang sulat-kamay ng kopya ng awit
habang siya ay nasa Guam noong 1901. Bagama’t napakatagal nang panahon mulang ng isulat ni Balagtas ang awit ay hindi mapasusubalian ang
mga aral na taglay nitong gumabay sa ating mga nunino at mga bayani ay nananatiling makabuluhan, angkop, at makagagabay pa rin sa mga
Pilipino hanggang sa kasalukuyang panahon.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
LIBURON NATIONAL HIGH SCHOOL
Liburon, Carcar City, Cebu

Baitang 9

Unang Markahan

Pamantayang Pangnilalaman : Naipamamalas ang mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya

Pamantayan sa Pagganap : Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya

Susing Konsepto :
Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang
tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung
ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na
"Ama ng Maikling Kuwento". Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.
MGA ELEMENTO
1. Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
2. Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
3. Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
4. Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
5. Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan- Tulay sa wakas.
7. Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
8. Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
9. Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.
10. Kaisipan- mensahe ng kuwento.
11. Banghay- pangyayari sa kuwento.

Ang banghay sa madaling salita sa ingles ay "plot". Ang banghay ay ang disenyo(pattern) sa paraan ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari o kaganapan sa isang
kwento.

Ang kwentong makabanghay ay ang mga kwentong binibigyan ng malaking pagpapahalaga ang banghay ng isang kwento,halimbawa ng kwentong makabanghay
ay ang mga Time travelling na kwento na kung saan pinagbibigay halaga ang mga pangyayari sa nakaraan na siyang nakakaapekto sa pagbabago ng kasalukuyan at
kinabukasan (na kung saan ang manunulat ay gumagawa ng banghay base sa pangyayari sa nakaraan)

TEMA
Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento. Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang
maikling kuwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging tema ang mga sumusunod: palagay sa mga
naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong
daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda. Ang mensahe naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa
mambabasa.

MGA BAHAGI
Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling kuwento:
o Simula
At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan. Napapasama rin dito ang pagpapakilala ng ilan sa mga
tauhan at ng Tagpuan.
o Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning
kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing
tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
o Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-
akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.

Ang synopsis ay isang buod ng isang paksa. Ito’y nasa anyong patalata at hindi sa anyong pabalangkas. Buod ito
subalit malaman. Karaniwang ginagamit ito sa mga panimula sa mga akdang pampanitikan para maipakita ang
pangunahing daloy ng banghay sa simpleng pamamaraan. Ginagamit din ito sa nobela sa pamamagitan ng
pagpapaikli ng buong nobela mula sa simula hanggang sa wakas. Gayundin ginagamit ito sa manuskrito at sa
anumang aklat.

ANG LIMANG ELEMENTO NG NOBELA


1. TAUHAN – Binibigyang-buhay ng manunulat sa kaisipan ng mga mambabasa. Dapat gumagalaw nang alinsunod sa hinihingi ng tunay na buhay.
2. TAGPUAN – Tumutulong sa pagbibigay ng linaw sa paksa, sa banghay at sa tauhan.
Halimbawa
barong-barong sa gilid ng estero, maharlikang palasyo ng hari
3. BANGHAY – Ito ang salaysay o mga pangyayaring bumubuo sa akda o mga pangyayaring tungkol sa salaysay. Balangkas ng mga pangyayari
na inayos at pinag-ugnay ng isip.
4. PARAAN NG PAGSULAT NG NOBELA – Paano sinulat ang nobela. Maligoy, mabulaklak o direkta ang pagkakapahayag ng manunulat sa
kanyang pananalita. Makabuluhan ba ang kanyang ginagamit na salita.
5. HABA – Gaano kahaba ang nobela. Ang haba ng nobela ay naaangkop rin.

KATANGIAN NG KAAKIT-AKIT NA NOBELA.


1. Mahusay na pagpili ng mga salita.
2. May bahaging masaya.
3. May sariling tatak ng kumatha.
MGA KARANIWANG PAKSANG UMIIRAL SA NOBELA
1. KASAYSAYANG PAMPAG-IBIG – Ipinopokus dito ang karanasan sa, pag-ibig ng mga tampok na tauhan. Ang pangunahing suliranin ay
tungkol, sa pagtatagumpay ng pag-ibig ng pangunahing tauhan.
Halimbawa:
Anak na Ligaw (1972) ni Dr. Fausto Galaman
2. NOBELANG HISTORIKAL – Nakatuon sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring naganap sa nakaraan ng isang bansa o
lugar ang banghay sa nobelang ito.
3. NOBELA NG TAUHAN – Ang mga pangyayari ay umiikot sa pangunahing tauhan at iba pang tauhang nakaapekto sa kanyang buhay.
Halimbawa:
Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña
4. NOBELA NG PAGBABAGO – Binibigyang diin dito ang layunin ng may-akda o ang kanyang mga hinahangad na pagbabago sa lipunan at sa
pamahalaan.
Halimbawa:
Noli Me Tangere at El Felibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal
5. NOBELANG PULITIKAL – Tumatalakay sa isyung pulitikal noong panahon ng amerikano.
Halimbawa:
Pinaglahuan (1907) ni Faustino Aguilar
6. NOBELANG MORAL – Nauuri sa dalawa; (a) isang kasaysayan ng babaeng may madilim na nakaraan ngunit may ginintuang puso, (b) Ang
katapatan at pagtataksil ng isang asawa.
Halimbawa:
Ang Tunay na Pag-ibig (1913) at Sampaguita Walang Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado
7. NOBELANG PANG-EKONOMIYA AT ISYU SA PAGGAWA. Tumatalakay sa isyung ekonomiya at paggawa.
Halimbawa:
Banaag at Sikat (1905) ni Lope K. Santos at Anak Dalita (1911) ni Patricio Mariano
8. NOBELANG LAYUNIN – Binibigyang-diin ang mga pilosopiya, simulain, mga balyu sa moralidad at pananaw ng mga pangunahing tauhan.
Ang suliranin ay nilulutas batay sa pinahihintulutang kaugalian ng lipunan.
9. NOBELANG MAKASINING Nagbibigay ng malaking pansin sa mahusay na pagtalakay at paghahanay ng mga pangyayari at paglalarawan
ng mga tauhan.
IKALAWANG Markahan
IKATLONG Markahan

Ibinigay ni Jesus ang mga ilustrasyon tungkol sa nawalang tupa at nawalang baryang
drakma marahil noong nasa Perea siya, silangan ng Ilog Jordan. Itinuturo ng mga
ilustrasyong ito na dapat tayong maging masaya kapag nagsisi ang isang nagkasala at
nanumbalik sa Diyos. Pinipintasan ng mga Pariseo at eskriba si Jesus dahil
tinatanggap niya ang gayong mga tao. Pero may matututuhan ba ang mga kritikong ito
sa dalawang ilustrasyon ni Jesus? Naintindihan ba nila kung ano ang nadarama ng
ating Ama sa langit sa mga nagsisising makasalanan? Nagbigay ngayon si Jesus ng
isa pang ilustrasyon na nagdiriin sa importanteng aral na iyan.

Sa ilustrasyon, may isang ama na may dalawang anak na lalaki, at ang


nakababatang anak ang pangunahing tauhan. Ang mga Pariseo at eskriba, gayundin
ang iba pang nakikinig kay Jesus, ay may matututuhang aral sa nakababatang anak.
Pero may makukuha ring aral sa sasabihin ni Jesus tungkol sa saloobin ng ama at ng
nakatatandang kapatid. Kaya pag-isipan ang tatlong tauhang ito habang inilalahad ni
Jesus ang ilustrasyon:

“Isang tao ang may dalawang anak na lalaki,” ang simula ni Jesus. “Sinabi ng
nakababatang anak sa kaniyang ama, ‘Ama, ibigay mo na sa akin ang parte ko sa
mana.’ Kaya hinati niya ang kaniyang mga pag-aari sa dalawa niyang anak.”

(Lucas 15:11, 12) Pansinin na hinihingi ng nakababatang anak ang mana hindi
dahil patay na ang ama. Buháy pa ang ama. Pero gusto nang makuha ngayon ng anak
ang mana para maging malaya na siya at magawa ang gusto niya. Ano ba ang gusto
niyang gawin?

“Pagkalipas ng ilang araw,” ang paliwanag ni Jesus, “tinipon ng nakababatang anak ang lahat ng pag-aari niya, pumunta sa isang
malayong lupain, at nilustay ang mga pag-aari niya sa masamang pamumuhay.” (Lucas 15:13) Imbes na manatili sa bahay kapiling ng
mapagmahal na ama na naglalaan sa kaniyang mga anak, umalis ang anak na ito papunta sa ibang lugar. Doon niya nilustay ang mana
niya at nagpakasasa sa imoral na pamumuhay. Pagkatapos ay naghirap siya, gaya ng sumunod na sinabi ni Jesus:

“Nang maubos na niya ang lahat ng pera niya, nagkaroon ng matinding taggutom sa buong lupaing iyon, at wala na siyang makain.
Namasukan pa nga siya sa isang tagaroon at pinapunta siya sa mga bukid nito para mag-alaga ng mga baboy. At gusto na niyang kumain
ng pagkain ng baboy, pero wala man lang nagbibigay sa kaniya ng anumang makakain.”—Lucas 15:14-16.

Ang baboy ay kabilang sa maruruming hayop ayon sa Kautusan ng Diyos, pero naging tagapag-alaga ng baboy
ang anak na ito. Sa gutom niya, napilitan siyang kainin ang pagkain na karaniwang ibinibigay sa mga hayop, sa mga baboy na inaalagaan
niya. Dahil hiráp na hiráp at desperado na, natauhan siya. Ano ang ginawa niya? Sinabi niya sa sarili: “Maraming pagkain ang mga
trabahador ng aking ama, samantalang namamatay ako rito sa gutom! Babalik ako sa aking ama at sasabihin ko: ‘Ama, nagkasala ako
laban sa langit at laban sa iyo. Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo. Gawin mo na lang akong trabahador mo.’” Kaya
naglakbay siya pabalik sa kaniyang ama.—Lucas 15:17-20.

Ano kaya ang magiging reaksiyon ng ama? Magagalit kaya siya at susumbatan ang anak? Tatanggapin pa kaya ng ama ang anak? Kung
ikaw iyon, ano ang magiging reaksiyon mo? Paano kung anak mo iyon?

NATAGPUAN ANG NAWALANG ANAK


Inilarawan ni Jesus ang nadama ng ama at ang ginawa nito: “Malayo pa [ang anak], natanaw na siya ng kaniyang ama at naawa ito sa
kaniya; tumakbo ito, niyakap siya at hinalikan.” (Lucas 15:20) Kahit na nabalitaan ng ama ang masamang pamumuhay ng anak, tinanggap
pa rin niya ito. Makikita kaya ng mga lider na Judio, na nag-aangking kilala nila at sinasamba si Jehova, kung ano ang damdamin ng ating
makalangit na Ama sa mga nagsisising makasalanan? Makikita kaya nila na ganoon din ang damdamin ni Jesus?

Malamang na nababakas ng maunawaing ama sa malungkot at hiyang-hiyang hitsura ng kaniyang anak na nagsisisi ito. Pero dahil
sinalubong ng mapagmahal na ama ang kaniyang anak, naging mas madali para sa anak na aminin ang pagkakamali nito. Nagpatuloy si
Jesus: “Sinabi ng anak sa ama, ‘Ama, nagkasala ako laban sa langit at laban sa iyo. Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo.’”—
Lucas 15:21.

Inutusan ng ama ang kaniyang mga alipin: “Dali! Maglabas kayo ng mahabang damit, ang pinakamaganda, at isuot ninyo iyon sa kaniya.
Suotan din ninyo siya ng singsing at sandalyas. At kumuha kayo ng pinatabang guya, patayin ninyo iyon, at kumain tayo at magdiwang,
dahil ang anak kong ito ay patay na pero muling nabuhay; siya ay nawala at natagpuan.” Pagkatapos, “nagsimula silang magsaya.”—Lucas
15:22-24.

Samantala, nasa bukid ang nakatatandang anak. Sinabi ni Jesus tungkol sa kaniya: “Nang umuwi siya at malapit na sa bahay, nakarinig
siya ng musika at sayawan. Kaya tinawag niya ang isa sa mga lingkod at itinanong kung ano ang nangyayari. Sinabi nito sa kaniya,
‘Dumating ang kapatid mo, at pinatay ng iyong ama ang pinatabang guya dahil ligtas na nakabalik sa kaniya ang kapatid mo.’ Pero nagalit
siya at ayaw pumasok sa bahay. Kaya pinuntahan siya ng kaniyang ama at pinakiusapan. Sinabi niya sa kaniyang ama, ‘Napakaraming
taon na akong nagtatrabaho sa iyo, at sinunod ko ang lahat ng utos mo, pero kahit kailan ay hindi mo ako binigyan ng batang kambing para
pagsaluhan namin ng mga kaibigan ko. Pero pagdating na pagdating ng anak mong ito na lumustay ng kayamanan mo sa mga babaeng
bayaran, pinatay mo ang pinatabang guya para sa kaniya.’”—Lucas 15:25-30.
Sino-sino, gaya ng nakatatandang anak, ang bumatikos kay Jesus dahil kinaawaan niya at binigyan ng atensiyon ang ordinaryong mga tao
at mga makasalanan? Ang mga eskriba at Pariseo. Dahil sa pagbatikos nila kung kaya ibinigay ni Jesus ang ilustrasyong ito. Kaya ang aral
na ito ay dapat seryosohin ng sinumang bumabatikos sa pagpapakita ng Diyos ng awa.

Tinapos ni Jesus ang ilustrasyon sa paglalahad sa pakiusap ng ama sa nakatatandang anak: “Anak, lagi na kitang kasama, at lahat ng sa
akin ay sa iyo. Pero dapat tayong magdiwang at magsaya, dahil ang kapatid mo ay patay na pero nabuhay; siya ay nawala at
natagpuan.”—Lucas 15:31, 32.

Hindi na sinabi ni Jesus kung ano ang ginawa ng nakatatandang anak nang maglaon. Pero pagkamatay ni Jesus at nang buhayin siyang
muli, “isang malaking pulutong ng mga saserdote ang nagsimulang maging masunurin sa pananampalataya.” (Gawa 6:7) Baka ang ilan sa
mga ito ay naroon mismo nang ilahad ni Jesus ang mapuwersang ilustrasyon tungkol sa nawalang anak. Oo, kahit ang mga tulad nila ay
posibleng matauhan, magsisi, at manumbalik sa Diyos.

Maisasapuso ngayon ng mga alagad ni Jesus ang mahahalagang aral sa napakagandang ilustrasyong ito, at dapat naman. Ang unang aral
ay kung bakit isang matalinong hakbang na manatili sa loob ng bayan ng Diyos, sa pangangalaga ng ating Ama na mahal na mahal tayo at
naglalaan ng pangangailangan natin, imbes na lumayo at magpakasasa sa “isang malayong lupain.”Ang isa pang aral ay kung sinuman sa
atin ang magkasala at mapalayo sa Diyos, dapat na mapagpakumbaba tayong manumbalik sa ating Ama para muli niya tayong lingapin.

May aral ding makikita sa pagkakaiba ng reaksiyon ng ama, na naging mapagpatawad at muling tinanggap ang anak, at ng nakatatandang
kapatid na sumamâ ang loob at ayaw tanggapin ang kapatid. Maliwanag, gugustuhin ng mga lingkod ng Diyos na patawarin at tanggaping
muli ang sinumang naligaw ng landas na tunay na nagsisisi at nanunumbalik sa ‘bahay ng Ama.’ Magsaya tayo sa ating kapatid na “patay
na pero nabuhay; . . . nawala at natagpuan.”

MGA TANONG:

1. Kanino inilahad ni Jesus ang ilustrasyong ito, at bakit?

2. Sino ang masasabing pangunahing tauhan, at ano ang nangyari sa kaniya?

3. Nang bumalik ang nakababatang anak, ano ang naging reaksiyon ng ama?

4. Paano lumalarawan ang maawaing ama sa paraan ng pakikitungo ni Jehova at ni Jesus?

5. Ano ang pagkakatulad ng reaksiyon ng nakatatandang kapatid at ng saloobin ng mga eskriba at Pariseo?

6. Anong mga aral ang natutuhan mo sa ilustrasyon ni Jesus?


IKAAPAT NA Markahan

Alam mo ba na ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa? Hango sa Latin ang pamagat nito na sa Filipino ay " Huwag Mo Akong
Salingin". Ki-inuha ito ni Rizal sa ebanghelyo ni Juan: 20: 13-17 sa Bibliya na tumutukoy kung paano pinag-susuot ng mga patalastas ang mga may ketong upang lubayan sila ng mga
nakakasalubong ni-la. Mas madalas itong tinatawag na Noli; at may salin sa Ingles na “ Touch Me Not”.

Kasaysayan ng Noli Me Tangere


Inilathala ito noong 26 taong gulang si Rizal. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang
paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang na-nanalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kas-
tila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon. Sini-mulan niya ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris,
at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na manunu-lat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa. Bumuo ng kontrobersya ang nobelang
ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang
Noli.Pagkatapos ng usapan,napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa
nobela ni Rizal.

Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere" noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral,
nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela noong 1885.

Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa ka-may ng
mga panginoong puting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pag-mamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga
Kastila. Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasa-ma-samahin niyang
upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong. Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa
matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela. Ang
pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok
sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.
Halaw sa:
https://prezi.com/wqewkwltgend/kaligirang-kasaysayan-ng-noli-me-tangere/

Gabay na Tanong

1. Kailan isinulat ni Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere?


2. Bakit niya ito isinulat? Para kanino?
3. Ano-anong kalagayang panlipunan mayroon sa panahong isinulat ito?
4. Ano ang nagsilbing inspirasyon ni Jose Rizal upang isulat ang akda?
5. Sa tingin mo, bakit pinamagatan ang nobela na “Noli Me Tangere”?
PAGLALAPAT: Pahalagahan Mo

Bilang isang kabataang Pilipino, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa nobelang “Noli Me Tangere”? Magbanggit ng mga konkretong halimbawa/sitwasyon.
Isulat ito sa loob ng speech balloon.

PAGTATAYA

A. Magtala ng mga kondisyong panlipunan sa panahong isinulat ang nobelang “Noli Me Tagere”. Isulat sa ikalawang hanay naman ang mga patunay nito.

Panahon ng Pagkasulat ng Noli Me Tangere


Kondisyong Panlipunan Patunay
SINO NGA BA SI DR. JOSE RIZAL?

Alam mo ba na si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong


pangalan ni Dr. Jose Rizal? Labing-isa silang magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco
Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Nakita niya ang unang liwanag noong
ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna.

Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si Francisco Mercado ay anak ng isang
negosyanteng Instik na nagngangalang Domingo Lam-co at ang kanyang ina ay isa ring mestisang Intsik na ang pangalan
ay Ines dela Rosa.

Intsik na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kaya’t kung minsan ay nakararanas si Domingo Lam-co ng diskriminasyon
kaya upang makaiwas sa ganoong pangyayari at makasunod sa ipinag-uutos ni Gobernador Claveria kaugnay ng
pagpapalit ng mga pangalang Pilipino noong 1849, ang Lam-co ay pinalitan ng apelyidong Kastila at pinili nila ang
Mercado na nababagay sa kanya bilang negosyante, sapagkat ang ibig sabihin ng Mercado ay palengke. Ang pamilyang
Lam-co ay kilalang mangangalakal noon sa bayan ng Binan, Laguna.

Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang kanyang ama ay isang magsasaka. Isa siya sa
mga kasama sa Hacienda Dominicana sa Calamba, Laguna.

Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bisa ng Kautusan Tagapagpaganap na pinalabas ni Gob.
Claveria noong 1849 at ito’y hinango sa salitang Kastila na luntiang bukid.

Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay masikap, matiyaga at talagang nagbabanat ng
buto.
Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay tinuruan ng abakada ng kanyang ina at napansin
niyang nagtataglay ng di-karaniwang talino at kaalaman ang anak, kahit kulang sa mga aklat ay nagawa ng ginang na ito
ang paglalagay ng unang bato na tuntungan ni Rizal sa pagtuklas niya ng iba’t ibang karunungan.

Nang siya’y siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Biñan at nag-aral sa ilalim ng pamamahala ni Padre
Justiniano Aquino Cruz, ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay pinayuhan na ito na lumipat sa Maynila dahil lahat ng
nalalaman ng guro ay naituro na niya kay Rizal.

Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de Manila. Siya ay nagpamalas ng kahanga-
hangang talas ng isip at nakuha ang lahat ng pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng asignatura. Sa
paaralang ito natamo niya ang katibayang Bachiller en Artes at notang sobresaliente, kalakip ang pinakamataas na
karangalan.

Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral siya ng Filosofia y Letras at Agham sa pagsasaka
naman sa Ateneo Municipal de Manila. Kumuha rin siya ng panggagamot sa naturang pamantasan. Di pa nasiyahan,
nagtungo siya sa Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid, Espana at tinapos ang kursong ito noong 1884
at 1885.

Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya ang Pranses pagkat sa Pilipinas pa lamang ay
pinag-aralan na niya ang wikang ito. Bukod sa mga wikang ito, nag-aral din siya ng Aleman at Italyano dahil naghahanda
siya sa paglalakbay sa iba’t ibang bansa sa Europa. Alam niyang mahalaga ang mga wikang ito sa pag-aaral ng mga
kaugalian ng mga tao roon at ng pagkakaiba nila sa mga Pilipino sa bagay na ito. At upang mapag-aralan ang kasaysayan
ng mga bayang nabanggit na mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang makatutulong sa kanyang mga kababayan.
Bunga nito, si Rizal ay maituturing na dalubwika.

Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid noong
magtatapos ang 1884, sa Paris naman ang ikaapat na bahagi at isa pang bahagi ay sa Alemanya. Ipinalimbag ito sa
Berlin, at noon lamang Marso, 1887 ay lumabas ang 2000 sipi. Si Dr. Maximo Viola na taga-San Miguel, Bulacan ang
nagbayad ng pagpapalimbag sa halagang 300 piso.

Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na ipinalimbag sa Gante, Belhika noong 1891.
Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, 1892. Ang kapisanang ito ay lihim na
itinatag at layuning magkaroon ng pagbabago sa palakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang
pamamaraan at di sa paghihimagsik.

Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong Pebrero 3, 1888, siya ay muling umalis
sapagkat umiilag siya sa galit ng mga Kastila dahil sa pagkakalathala ng Noli Me Tangere. Bumalik siya sa Maynila noong
ika-26 ng Hunyo, 1892.

Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan, isang maliit
na bayan sa hilagang kanluran ng Mindanao, dahil sa bintang na may kinalaman siya sa paghihimagsikan nang mga araw
na iyon. Sa Dapitan, nagtayo si Rizal ng isang maliit na paaralan na may labing-apat na batang taga-roon na kanyang
tinuturuan.

Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa pangambang madamay sa kilusang ukol sa
paghihimagsik kaya hiniling niya na makapaglingkod siya sa mga pagamutan sa Cuba. Binigyan niya ng isang liham si
Kapitan-Heneral Blanco na nagpapatunay na kailanman ay di siya nakikilahok sa mga himagsikan sa Pilipinas. Ngunit
noong bago magtapos ang taong 1896, siya’y hinuli ng mga kinauukulan at ibinalik sa Pilipinas.

Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa hukumang militar at litisin, siya ay nahatulang
barilin sa Bagumbayan.

Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios (Huling Paalam) isang tulang kakikitaan
ng magigiting na kaisipan at damdamin.

At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta.

Halaw sa: http://lifeofahero.tumblr.com/post/1026720649/buod-ng-talambuhay-ni-dr-jose-rizal


Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
LIBURON NATIONAL HIGH SCHOOL
Liburon, Carcar City, Cebu
Baitang 10

Unang Markahan

Pamantayang Pangnilalaman : Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan

Pamantayan sa Pagganap : Ang mag-aral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang critque tungkol sa alimang akdang pampanitikang Mediterranean

Susing Konsepto :
CUPID AT PSYCHE – MITOLOHIYA

Ang Cupid at Psyche (Mito mula sa Rome, Italy) ay isinalaysay


ni Apuleius na isinalin sa wikang Ingles ni Edith Hamilton at isinalin naman
sa wikang Filipino ni Vilma C. Ambat. Ito ay tungkol sa klasikong mitolohiya
mula sa Rome, Italy. Ang “Cupid at Psyche” ay itinampok bilang isa sa mga
pinagmulan na mito mula sa Rome. Makikilala mo ang iba’t ibang diyos at
diyosa na pinaghugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang manunulat ng
panitikan sa buong daigdig. Ang mitong ito ay tungkol sa pag-iibigan ng
Diyos ng pag-ibig na si Cupid at ang dalagang mortal na ubod ng ganda
(kalaunay naging diyosa) na si Pscyche. Binigbigyang-ddin dito ang
mensaheng," Ang pag-ibig ay hindi nabubuhay kung walang tiwala".
Kaakibat ng pagmamahal ang tiwala at katapatan. Ang akda ay umiikot sa
ideya ng “pag-ibig” at “kaluluwa” na kinakatawan ng mga pangunahing
tauhan na sina Cupid at Pysche. Sinisimbolo nito ang pagmamahalan sa
kabila ng mga pagdadaanan at pinagdaanan. Maaari mang hindi
makaotohanan ang ibang pangyayari sa akda ay ito pari’y nagsasalamin sa
ideya ng pag-big na tumutugon sa sensibilidan ng mambabasa.
Ang akda ay nagtataglay at nagpapahiwatig ng mga tiyak na sitwasyon o
karanasan. Lubos na nakatulong din ang estilo ng pagkasulat ng akda dahil
ito ay nagbigay diin sa angkop na pagpili ng mga gagamiting salita na
nakapagdagdag kagandahan sa daloy ng kwentong mito. Angkop din sa
antas ng pag-unawa ng mga mambabasa ang pagkabuo ng akda dahil ang
temang nilalaman nito ay pang-unibersal na kaisipan; pag-ibig, na kung saan
lalo pang pinaganda ang sining na taglay ng akda na umayon sa panlasa ng
mamababasa. Isinulat ito ng may-akda upang muling ipaalala sa lahat na
pantay-pantay ang lahat pagdating sa pag-ibig.
BUOD:
Noong unang panahon may isang napakagandang dilag na inibig ng isang
anak ng Diyosa na si Cupid. Tutol ang nanay ni Cupid na si Venus sa
pagmamahalang ito. Ngunit naging mag-asawa pa rin ang dalawa kahit hindi
pa nakikita ni Psyche si Cupid. Sinulsulan si Psyche ng kanyang mga kapatid
na dapat niyang makita ang mukha ng asawa dahil baka ito ay isang
halimaw. Naniwala naman si Psyche at sinuway ang utos ng asawa na hindi
muna nito dapat makita ang kanyang mukha. Nagkasugat sa mukha si Cupid
sanhi ng pagkatagas ng langis mula sa ilawan na ginamit ni Psyche upang
sipatin ang anyo ng dalaga. Nagalit si Cupid dahil sinuway siya ni Psyche at
nagpasyang umalis muna. Ginawa lahat ni Psyche upang bumalik ang asawa
sa kanya kahit pinahihirapan siya ni Venus ay hindi siya sumuko. Sa huli, ay
naging imortal din si Psyche dahil sa ambrosia na binigay ni Jupiter at
namuhay sila ng maligaya.
ANGKOP NA GAMIT NG PANDIWA

Gawain :
Basahing mabuti ang mga pangungusap at tukuyin kung ano ang
gamit ng mga pandiwang may salungguhit.
1. Inihatid ni Ethan si Joy sa kanilang bahay.
2. Umiyak si Darren matapos malamang namatay ang kanyang alaga.
3. Hiniwa niya ang keyk ni Vanessa nang dahan-dahan.
4.Umalingawngaw ang tunog ng ambulansiya kaninang madaling-araw.
5.Kumulo ang tubig matapos lagyan ng maraming gatong ang kalan.
ANG TINIG NG LIGAW NA GANSA (TULA)

Ang Tinig ng Ligaw na Gansa

Ang tinig ng ligaw na gansa


nahuli sa pain, umiyak
Ako'y hawak ng iyong pag-ibig,
hindi ako makaalpas.

Lambat ko ay aking itatabi,


subalit kay ina'y anong masasabi?
Sa araw-araw ako'y umuuwi,
karga ang aking mga huli
Di ko inilagay ang bitag
sapagkat sa pag-ibig mo'y nabihag.

Ang tinig ng ligaw na gansa ay isang pabula na isinulat porma ng isang tulang may malayang taludturan.
Ito ay tungkol sa isang ligaw gansa na kumagat sa pain at umiyak nang ito ay nahuli sa bitag.
Ito ay maihahalintulad sa taong uhaw sa pag-ibig at nang makakta ng pagkakataon ay agad
sumunggab ngunit huli na ng malaman na ang pag-ibig pala ay pinagsamang sarap at hirap.
Lesson: Marapat tayong mag-antay ng tamang panahon upang umibig dahil kailangan muna natin
hubugin at linangin ang ating pagkatao, kaugalian at kaalaman para tayo ay maging matibay at matatag
sa kahit ano mang pagsubok na maibibigay sa atin ng ating pag-ibig.
Kung tayo man ay magmahal, siguraduhin natin na wala tayong naapakan at nasasaktan.
Huwag magpakamartir sa pag-ibig kahit alam mong ito ay mali para lamang matugunan ang iyong mga pangangailangan.
Sa punto ding ito huwag natin ipilit ang isang bagay na hindi para sa atin dahil sa huli tayo rin ang masasaktan...
Sa mga mag-aaral, dapat muna unahin ang pag-aaral bago ang pag-ibig upang magkaroon ng magandang kinabukasan.....

IKALAWANG Markahan

Pamantayang Pangnilalaman : Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng mga bansang kanluranin

Pamantayan sa Pagganap : Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla (social media)

Susing Konsepto :
SINA THOR AT LOKI SA LUPAIN NG MGA HIGANTE

• KAHULAGAN NG PAMAGAT
Kaya ang pamagat ay "Sina Thor at loki sa lupain ng mga higante" ay dahil ito ay tungkol sa
laglalakbay nina Thor at loki patungo sa Utgaro ito ang lupain ng mga higante,ang kalaban
ng mga diyos. Kung saan hinarap nina Thor at Loki ang iba't-ibang panlilinlang na ginawa ni
Utgaro-loki sa mga paligsahang kanilang isinagawa.
• May-akda
Ito ay sinulat ni Snorri Sturluson na isinalin naman sa Filipino ni Sheila C. Molina.
• MGA TAUHAN
THOR- Diyos ng kulog at kidlat; pinakamalakas sa mga sa mga diyos Aesir
LOKI- Isa ring Diyos na kasama ni Thor sa paglalakbay, may kapilyuhan.
SKRYMIR- Isang Higante na naninirahan sa kakahuyan
UTGARO-LOKI- Hari ng mga higante
LOGI,HUGI,AT ELLI- Kabilang sa kuta ni Utgaro-loki
Thjalfti at Rosvka- Anak na babae at lalaki ng magsasaka na tinuluyan nina Thor at loki
• BUOD
Sa kabuohan, ang kwento ay umiikot lamang sa isang lugar at iyon ay sa kagubatan.
Naglakbay sina Thor sa at Loki patungong Utgaro, ang lupain ng mga higante. Pero bago sila
nakapunta doon nagpahinga muna sila sa bahay ng magsasaka. Sa pagpapatuloy ng kanilang
paglalakabay napunta sila sa sa isang silid, lingid sa kanilang kaalaman ay hintuturo pala
iyon ng isang higante. Nakilala nila ito at nakarating din sila sa lugar ng mga higante.
-Nakatuon ang mga pangyayari ni Thor. Naglakbay siya kasama si Loki patungo sa lugar ng
mga higante. Nakilala niya ang magsasaka at ang mga anak nito na naging alipin niya.
Naging kaibigan din niya ang higanteng si Skrymir habang sila ay naglalakbay. Nang
marating na nila ang paroroonan binati sila ni Utgaro-Loki at hinamon sa isang paligsahan.
Ginawa ni Thor at kanyang mga kasama ang lahat upang sila ay manalo. Pero sadyang
malalakas ang kanilang mga kaaway upang sila ay manaig. Natalo nga sila, pero lingid sa
kanyang alam. Pakana lang ni Utgaro-Loki ang lahat. Lahat ng nakita at naranasan niya ay
kathang isip lamang. Nilinlang siya at ginamitan ng mahika upang siya ay maluko. Kaya
masasabi kong si Thor ang nakatuon sa mga pangyayari sa akda.

PAGGAMIT NG WASTONG POKUS NG PANDIWA


IKATLONG Markahan

Pamantayang Pangnilalaman : Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa at Persia

Pamantayan sa Pagganap : Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang akdang pampanitikan

Susing Konsepto :
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.


Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.

Mangusap ka, aking musmos na supling.


Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.

Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?


Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”
Ang poo’y di marapat na pagnakawan, Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan. Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan. Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab. Ngayon, ako’y ganap na asawa.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday? Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay. Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata, Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Maging sa iyong halakhak. Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Paano ka pangangalanan, aking inakay? Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang? Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang
anak.
Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan? Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,
Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay? Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan? Samakatuwid, ako’y minahal.
Samakatuwid, ako’y lumigaya. Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay. Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal. At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay. Ika’y mahimbing,
Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan, Ako’y wala nang mahihiling.
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong
kabataan.

IKATLONG Markahan

Pamantayang Pangnilalaman : Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang El Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan

Pamantayan sa Pagganap : Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo/video documentary na magmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning panlipunan sa
kasalukuyan

Susing Konsepto :
Ang nobelang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang
pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose
Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala
sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel
sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat
ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong
Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot
at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang
pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at
Brussel, at nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito
sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang
kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng
maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at


nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na
kalayaan at karapatan ng bayan.
Buod

Simoun

Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-
aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun na pagdalaw sa
libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo;
Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya
ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang
matapos ang kanyang pag-aaral.
Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan
sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagka't napag-
alamang ang mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang
makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.
Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang
paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria
Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.
Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga
talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na
lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan
ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.

Maria Clara

Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala sila, si Basilio ay
naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na
tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay
ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo
Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita
Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos,
ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.
Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay
Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita sa binata ang
bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang
ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa
gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning
na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin,
ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at
pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay
malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na
pangungunahan ni Simoun.
Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay ng pinagdarausan ng
handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di malulutawan ng pagsabog. Ang
nanlulumong si Basilio ay sisinod sana nguni't namalas niyang dumatng si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni
Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas nguni't di siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang
lihim na pakana subali't hindi rin napatinag ang binatang ito.
"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob, ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa."
Ang Lampara

Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa ang pakana ni
Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni Pari Florentino, sa baybayin ng karagatang
Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng mga alagad ng batas ang mag-aalahas,
uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pagkatao at isinalaysay
niya sa dito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang buhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa,
labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay
na maiguho ang Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal
ay namatay si Simoun.
Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang naging kasangkapan nito sa
pagtatanim ng mga bukto't na Gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng
di-matatayang kayamanan ni Simoun.

You might also like