You are on page 1of 15

Pang-abay at Pang-uri

Filipino 5
Ikatlong Markahan-Modyul 1

IVY JOAN L. CORPUZ


Tagapaglinang

.
Kagawaran ng Edukasyon Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Pampaaralang Sangay ng Kalinga
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Pampaaralang Sangay ng Kalinga
Kalinga Sports Complex, Bulanao
Tabuk City, Kalinga

Inilathala ng:
Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad sa Hanguang Pagkatuto
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Pampaaralang Sangay ng Kalinga

KARAPATANG ARI
2020

Isinasaad ng Seksiyon 9 ng Batas Pambansa Bilang 49 na hindi maaring magkaroon ng


karapatang-ari sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna
ang pahintulot ng pamahalaaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit
sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa maaring gampanin ng nasabing ahensya o
tanggapan ay ang patawan ng multa o bayad para sa paglabag.

Ang modyul na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum sa


pamamagitan ng Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum, Sistema ng Pamamahala at
Pagpapaunlad sa Hanguang Pagkatuto. Maaari itong kopyahin para sa layuning pang-
edukasyon at maaring hilingin ang pahintulot sa nagmamay-ari nito. Ang paghalaw o
pagpapaunlad nito ay maaaring gawin, ibigay lamang ang karampatang pagkilala sa orihinal
na lumikha. Hindi pinahihitulutan ang paghalaw ng anumang likha mula rito kung ang layunin
ay pangkomersiyo o pagkakakitaan.

ii
PAUNANG SALITA

Ang modyul ay proyekto ng Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad sa Hanguang


Pagkatuto, Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum, Pampaaralang Sangay ng Kalinga. Ito ay
naaayon sa implementasyon ng K to 12 Curriculum.

Petsa ng Pagkakabuo : December 2020

Lokasyon ng Materyal : Pampaaralang Sangay ng Kalinga


Distrito ng Katimugang Pinukpuk
Pinukpuk Central School

Asignatura : Filipino

Baitang : 5

Uri ng Kagamitang Pampagkatuto : Modyul

Wika : Filipino

Markahan/Linggo : Ikatlong Markahan/ Unang Linggo

Kasanayang Pampagkatuto/Kowd : Nagagamit ang pang-abay sa


paglalarawan ng kilos
(F5WG-IIIa-c-6)

Nagagamit ang pang-abay at pang-


uri sa paglalarawan (F5WG-IIId-e-9)

iii
ALAMIN

Ang modyul na ito ay isinulat upang matugunan ang iba’t ibang paraan ng pagkatuto
ng isang mag-aaral. Hangad nito na maunawaan mong lubos at magamit ang pang-abay at
pang-uri sa paglalarawan. Ang saklaw ng araling napapaloob dito ay maaaring makatulong sa
mga susunod pang aralin sa Filipino. Ang bawat aralin ay isinaayos ayon sa katangi-tanging
paraan sa pagkatuto ng isang bata.
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa:

1. Natutukoy ang mga pang-uri at pang-abay sa pangungusap.


2. Natutukoy kung ang salitang naglalarawan sa pangungusap ay ginamit bilang pang-uri o
pang-abay.
3. Nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa pangungusap.

SUBUKIN
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Tukuyin kung ang salitang
nasalungguhitan ay ginamit bilang pang-uri o pang-abay at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Maaga kaming gumising kanina.


2. Magbabakasyon kami sa isang malayong probinsiya.
3. Maingat na nagmaneho si tatay.
4. Tahimik kaming lahat sa biyahe.
5. Kami ay natutuwang bumisita kay lola.
6. Kahit matanda na ay malinaw pa rin ang mata ni lola.
7. Masarap ang mga pagkaing inihanda ni lola.
8. Masaya kaming nagkuwentuhan sa hapag-kainan.
9. Sa malawak na salas kami namahinga.
10. Kami ay mahimbing na nakatulog.

BALIKAN
Napag-aralan ninyo kung ano pang-uri at pang-abay noong kayo ay nasa ikaapat na baitang.
Alamin natin kung naaalala pa ninyo ang pagkakaiba ng dalawa. Basahin ang mga
pangungusap at sabihin kung ang tinutukoy ay pang-uri o pang-abay. Gawin lamang itong
pasalita.

1. Ito ay bahagi ng panalitang naglalarawan sa mga salitang kilos at mga salitang


naglalarawan.
2. Ito ay bahagi ng panalitang naglalarawan sa mga tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.

vii
3
TUKLASIN
Basahin at pag-aralan ang talata. Sagutin ang mga tanong nang pasalita.

Kami ay may maliit na tindahan ng karne sa palengke. Tuwing hapon, ako ang
nagbabantay dito. Ako ay masiglang nagbebenta sa mga bumibili. Nakabebenta ako ng
sampung kilong karne sa aking pagbabantay. Matigaya kong pinauubos ang aming panindang
karne. Pagkatapos ng pagtitinda, sa bahay na ako nagpapahinga.

1. Ano ang tinutukoy ng salitang maliit sa unang pangungusap?

2. Kailan ako nagbabantay sa tindahan?

3. Paano ako nagbebenta sa mga bumibili?

4. Saan ako nagpapahinga pagkatapos ng pagtitinda?

Basahin muli ang mga salitang naitiman sa talata. Ang mga ito ay mga salitang naglalarawan.
Ang salitang maliit ay isang pang-uri dahil inilalarawan nito ang tindahan na isang
pangngalan. Ang tuwing hapon, masigla at sa bahay ay mga pang-abay dahil inilalarawan
ng mga ito ang pandiwa.

Sa Suriin, lalo pa ninyong mapauunlad ang iyong kaalaman tungkol sa pang-uri at pang-
abay.

viii
4
SURIIN
Pang-abay

Ang pang-abay ay salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.

Halimbawa:
Mabilis na lumaganap ang corona virus sa ating bansa.
Pang-abay Pandiwa
Totoong nakakabahala ang balitang paglaganap ng corona virus sa Tinglayan.
Pang-abay Pang-uri
Talagang masarap manirahan sa lugar na malayo sa polusyon.
Pang-abay Pang-abay Pandiwa

Uri ng Pang-abay
Maraming uri ang pang-abay subalit sa modyul na ito, pag-aaralan lamang natin ang tatlong
uri nito. Ito ang pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan.

1. Pang-abay na Pamanahon- pang-abay na nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap, o


gaganapin ang sinabi ng pandiwa sa pangungusap. Ito ang
sumasagot sa tanong na kailan.
Halimbawa:
 Kami ay nagsisimba tuwing Linggo.
Tanong: Kailan kami nagsisimba?
Sagot: tuwing Linggo (Ang tuwing Linggo ay isang pang-abay pamanahon.)

2. Pang-abay na Pamaraan- pang-abay na naglalarawan sa paraan ng paggawa ng kilos o


pandiwa. Ito ay sumasagot sa tanong na paano.
Halimbawa:
 Masarap magluto ng kakanin ang nanay.
Tanong: Paano magluto ang nanay ng kakanin?
Sagot: masarap (Ang masarap ay isang pang-abay pamaraan.)

3. Pang-abay na Panlunan- pang-abay na nagsasabi sa lugar kung saan ginanap, ginaganap o


gaganapin ang kilos. Sumasagot ito sa tanong na saan.
Halimbawa:
 Sa bundok naninirahan ang magsasaka.
Tanong: Saan nanirahan ang magsasaka?
Sagot: sa bundok (Ang sa bundok ay isang pang-abay panlunan.)

ix
5
Pang-uri

Ang pang-uri ay bahagi ng panalitang naglalarawan sa pangngalan (ngalan ng tao, bagay,


hayop, lugar at pangyayari) at panghalip (mga salitang humalili sa pangngalan).

Halimbawa:
 Maganda ang Lawa ng Bulo.
Pang-uri Pangngalan
 Masaya rito sa amin noong pasko.
Pang-uri Panghalip

Uri ng Pang-uri
May tatlong uri ng pang-uri. Ito ang pang-uring panlarawan, pantangi at pamilang.

1. Pang-uring panlarawan- pang-uring naglalarawan sa katangian ng pangngalan o


panghalip tulad ng kulay, hugis, laki at ugali.
Halimbawa:
 Maraming magagandang tanawin sa ating rehiyon.

2. Pang-uring pantangi- pang-uring nasa anyo ng pangngalang pantangi at naglalarawan ng


pangngalan. Nagsisimula ito sa malaking letra.
Halimbawa:
 Mahalin at gamitin ang ating wikang Filipino.

3. Pang-uring pamilang- pang-uring naglalarawan sa bilang o dami ng pangngalan o


panghalip.
Halimbawa:
 Dalawang babae at tatlong lalaki ay dumating kahapon.

Ang Pang-uri at Pang-abay bilang mga Salitang Naglalarawan

Ang pang-uri at pang-abay ay parehong mga salitang naglalarawan. Inilalarawan ng


pang-uri ang pangngalan at panghalip samantalang inilalarawan naman ng pang-abay ang
pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.

Bilang mga salitang naglalarawan, may mga salitang kapuwa ginagamit bilang pang-
uri at bilang pang-abay rin. Kaya naman kailangang alamin o tukuyin ang inilalarawan ng
mga salita. Pag-aralan ang mga halimbawa.

(pang-abay) Matiyagang ginagawa ng bata ang kanyang modyul.


(pang-uri) Binigyan ng parangal ang matiyagang bata.

Ang matiyaga sa unang pangungusap ay isang pang-abay dahil inilalarawan nito ang
salitang ‘ginagawa’ na isang pandiwa samantalang ang matiyaga sa ikalawang bilang ay
ginamit bilang pang-uri dahil inilalarawan nito ang salitang ‘bata’ na isang pangngalan.

6x
PAGYAMANIN
Gawain 1

A. Panuto: Basahin at tukuyin ang pang-abay sa pangungusap at isulat kung ito ay pamaraan,
pamanahon, o panlunan. Gawing halimbawa ang unang bilang.

1. Matagal na ginawa ang kanyang operasyon.


Sagot: matagal – pamaraan
2. Sa Rural Health Unit 2 siya kumuha ng Health declaration.
3. Maayos na pinaghandaan ni Monay ang kanyang kasal.
4. Tuwing Sabado, naglilinis kami sa bahay.
5. Umalis ang mga bisita kanina.
6. Maraming mga bata ang naglalaro sa parke.

B. Panuto: Basahin at tukuyin ang pang-uri sa bawat pangungusap at isulat kung ito ay
panlarawan, pantangi o pamilang. Gawing halimbawa ang unang bilang.

1. Pito kaming magkakapatid.


Sagot: Pito – Pamilang
2. Mabibilis ang mga manggagawa sa Rural Health Unit 2.
3. Magaganda ang mga tanawin sa Rehiyong Administratibo ng Cordillera.
4. Sampung mga magulang ang dumalo sa pagpupulong.
5. Ang aking kuya ang nagtatrabaho sa bansang Korea.
6. Walong mga lalaki ang aming bisita.

Gawain 2

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang PA kung ang salitang may
salungguhit ay ginamit bilang pang-abay at PU kung ito ay pang-uri. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Ang tirahan ni Mang Unning sa paanan ng bundok ay mapayapa.


2. Si Mang Unning ay mapayapang naninirahan sa paanan ng bundok.
3. Minahal ni Bibot nang wagas ang kanyang asawa.
4. Mahigpit na niyakap ni Desay ang kanyang lola.
5. Masarap ang mga pagkain sa handaan.
6. Masayang kinausap ni Mila ang kanyang mga bisita.
7. Sinabayan ng mga bata ang malakas na musika.
8. Sabay-sabay silang nagtatawanan at nagkukuwentuhan.
9. Mahina ang lola kaya lagi ko siyang inaalalayan.
10. Mabilis magtrabaho ang mga magsasaka.

xi
7
Gawain 3
Panuto: Hanapin at gamitin ang mga salitang naglalarawan na nasa palaisipan upang mabuo
ang mga pangungusap. Maaaring ito ay nakasulat nang pahalang, pababa, pataas o pahilis.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

M A I N G A T H A I U N J K L
K J I N H D A M K I S L P H K
N G S U M K I N M A K L O I P
H N J T R L M C R E I K M T N
I K M H U A T K L O P I B O K
I K J M A L I K O T H B H K I
P A K A N H M L K A N J A G M
K N U L A K J B T K O P L N N
I U A I N O L J N O A J M U L
P R T N W E F M A T A G A L B
H I U I Y T K O H B F U I A A
P O N S I K L A M J G K B M I
J U H A G T U I L N A O J A J
O P B U T A L U G A N N K A L
J U F A G W E T W U B J I K L

1. Taimtim na nagdasal ang mga tao dahil sa trahedya.


2. _________________ silang nagdalamhati dahil sa pangyayari.

3. _________________ na nakikinig ang mga bata sa kanilang guro kaya walang naiistorbo.
4. Subalit biglang dumating ang isang _________________ na bata at ginulo ang silid. .

5. Nakalulungkot isipin na ang dating _________________ na kapaligiran ay napakarumi sa


kasalukuyan.
6. Naging basurahan ang ilog na _________________na inilagaan ng ating mga ninuno.

7. Ang batang _________________ sa ahas ay sumigaw.


8. _________________ siyang tumakbo sa kanyang ina.

9. _________________ lalaki ang nakita kong nagbubuhat ng gulay.


10. _________________ nila itong inilalapag upang hindi masira.

xii
8
ISAISIP
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang diwa ng bawat
pangungusap. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.

A. Pang-uri C. Pamaraan E. Pamanahon G. Panlunan


B. Pang-abay D. Pamilang F. Panlarawan H. Pantangi

Ang ________________ay salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa


pang-abay. Tinatawag na pang-abay na ________________ ang salitang nagsasaad kung
kailan ginawa, ginagawa o gaganapin ang isang kilos; pang-abay naman na
________________ ang salitang naglalarawan kung paano ginawa ang isang kilos; at pang-
abay na ________________ ang salitang nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa o gagawin
ang isang kilos.

Ang ________________ ay salitang nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip.


Pang-uring ________________ ang tawag sa pang-uring nasa anyo ng pangngalang pantangi;
pang-uring ________________ ang tawag sa pang-uring naglalarawan sa bilang o dami ng
pangngalan o panghalip at pang-uring ________________ ang tawag sa pang-uring
naglalarawan sa katangian ng pangngalan o panghalip tulad ng kulay, hugis, laki at ugali

ISAGAWA
Panuto: Tukuyin at kopyahin ang salitang naglalarawan sa bawat pangungusap. Isulat kung
ito ay pang-uri o pang-abay. Ang unang bilang ay ginawa bilang halimbawa.

1. Mabilis tumakbo ang tatay ko.


Sagot: Mabilis – Pang-abay
2. Matiyaga siyang naglalakad papunta sa paaralan.
3. Marahang naglalakad si Andeng upang hindi magising ang natutulog na lolo.
4. Ang mga mata ni Lola Galita ay malabo na.
5. Buong lambing niyang niyakap ang kanyang aso.
6. Mahirap lamang ang aming pamilya.
7. Maagang nagising ang mga bata dahil sa malakas na ingay.
8. Ang Lawa ng Bulo ay magandang pasyalan.
9. Mahaba ang buhok ng dalaga.
10. Maagang dumating ang mga kalahok.
11. Marumi ang kapaligiran dahil sa kapabayaan ng mga mamamayan.

xiii
9
TAYAHIN
Panuto: Basahin at intindihin ang mga panuto.

A. Basahin at intindihin ang bawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang
sagot.

1. Anong bahagi ng panalita ang nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri at kapuwa pang-
abay?
a. pang-uri b. pandiwa c. pangngalan d. pang-abay

2. Anong bahagi ng panalita ang nagbibigay turing sa pangngalan o panghalip?


a. pang-uri b. pangngalan c. pandiwa d. pang-abay

Para sa bilang 3-5, basahin muna ang pangungusap.

Magalang na sumagot ang bata sa guro.

3. Ano ang salitang naglalarawan sa pangungusap?


a. magalang b. sumagot c. bata d. guro

4. Anong salita ang inilalarawan o binibigyang-turing ng salitang magalang?


a. magalang b. sumagot c. bata d. guro

5. Paano ginamit ang salitang magalang sa pangungusap?


a. pang-uri b. pandiwa c. pangngalan d. pang-abay

Para sa bilang 6-8, basahin muna ang pangungusap.

Masasarap ang mga pagkain sa handaan


7. Ano ang salitang naglalarawan sa pangungusap?
a. masasarap b. pagkain c. handaan d. ang mga

8. Ano ang inilalarawan ng salitang masasarap sa pangungusap?


a. masasarap b. pagkain c. handaan d. ang mga.

9. Paano ginamit ang salitang masasarap sa pangungusap?


a. pangngalan b. pandiwa c. pang-uri d. pang-abay

B. Gamitin ang salitang masigla bilang isang pang-uri at bilang isang pang-abay.

1. masigla
Pang-uri: _____________________________________________________
Pang-abay: _____________________________________________________

xiv
10
KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Bumuo ng tigdadalawang (2) pangungusap tungkol sa mga larawan gamit ang pang-
abay at pang-uri. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.

2.

PAMANTAYAN PUNTOS ISKOR


Nakabubuo ng 4 na pangungusap na may pang-abay at pang-uri tungkol sa larawan
na may tamang gramatika at balarila sa paggawa 10
Nakabubuo ng 3 pangungusap na may pang-abay at pang-uri tungkol sa larawan na
may tamang gramatika at balarila sa paggawa 8
Nakabubuo ng 1-2 pangungusap na may pang-abay at pang-uri tungkol sa larawan
na may tamang gramatika at balarila sa paggawa 6
Nakabubuo ng mga pangungusap tungkol sa larawan na may pang-abay o pang-uri
subalit mali ang gramatika at balarila sa paggawa 5

Mga larawang iginuhit ni Oliver Ngiwas

11
xv
12
xvi
Gawain 3 SUBUKIN
1. taimtim 1. pang-uri
2. malungkot 2. pang-uri
3. tahimik 3. pang-abay
4. malikot 4. pang-uri
5. malinis 5. pang-abay
6. matagal 6. pang-uri
7. nagulat 7. pang-uri
8. mabilis 8. pang-abay
9. lima 9. pang-uri
10. maingat 10. pang-abay
ISAISIP BALIKAN
1. pang-abay
1. B
2. E 2. pang-uri
3. C TUKLASIN
4. G 1. tindahan
5. A 2. tuwing hapon
6. H 3. masigla
7. D 4. sa bahay
8. F
PAGYAMANIN
ISAGAWA Gawain 1
1. mabilis – pang-abay A
2. matiyaga – pang-abay 2. Sa Rural Health Unit – panlunan
3. marahan – pang-abay 3. maayos – pamaraan
4. malabo – pang-uri 4. tuwing Sabado, pamanahon
5. buo – pang-abay 5. kanina- pamanahon
6. mahirap – pang-uri 6. sa parke - panlunan
7. maaga – pang-abay B
8. maganda – pang-uri 2. mabibilis-panlarawan
9. mahaba – pang-uri 3. magaganda-panlarawan
10. maaga – pang-abay 4. sampu – pamilang
11. marumi – pang-uri 5. Korea- pantangi
6. walo – pamilang
TAYAHIN
1. d Gawain 2
2. a 1. PU
3. a 2. PA
4. b 3. PA
5. d 4. PA
6. a 5. PU
7. b 6. PA
8. c 7. PU
9-10. Iba-iba ang mga sagot 8. PA
9. PU
10. PA
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

Agarrado, Patricia Jo C.; Francia Maricar L.; Guerrero, Perfecto III R.; Gojo Cruz, Genaro R. Alab
Filipino.Quezon City. Vibal Group, Inc.

Baisa-Julian, Ailene G. Pinagyamang Pluma Wika at Pagbasa para sa Elementarya 5.


Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2015.
Dayo, Benjamin O. Baybayin Paglalayag sa Wika at Pagbasa. Quezon City: REX Printing
Company, Inc., 2017.
Pngmart. Versus PNG Clipart. January 6, 2020. Accessed January 8, 2021
2http://www.pngmart.com/files/11/Versus-PNG-Clipart.png

xvii
13
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Schools Division of Kalinga

Bulanao, Tabuk City, Kalinga

Telefax/Website: www.depedkalinga.ph

Email Address: kalinga@deped.gov.ph

xviii

You might also like