You are on page 1of 17

5

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 8:
Pagsulat ng Simpleng Patalastas,
Islogan at Pagbaybay nang Wasto
sa mga Salitang Hiram

CO_Q2_Filipino 5_ Module 8
Filipino – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Pagsulat ng Simpleng Patalastas, Islogan at
Pagbaybay nang Wasto sa mga Salitang Hiram
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Trinidad A. Tanglao


Editor: Lea C. Aberia, Virginia C. Dulfo, Shirley B. Bacal
Tagasuri: Virgina C. Dulfo, Steven P. Santos, Eleonor G. Distrajo
Tagalapat: Michael Q. Balan, Rolando S. Cada, Ma. Jayvee A. Garapan
Tagapamahala: Ramir B. Uytico, Arnulfo M. Balane, Rosemarie M. Guino,
Teodorico C. Peliño, Joy B. Bihag, Ryan R. Tiu,
Bernardo A. Adina, Gaudencio C. Aljibe, Jr., Lea C. Aberia,
Virginia C. Dulfo, Ma. Teresa B. Afable, Shirley B. Bacal

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region No. VIII


Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte
Telefax: 053-323-3156
E-mail Address: region8@deped.gov.ph
5

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 8:
Pagsulat ng Simpleng Patalastas,
Islogan, at Pagbaybay nang
Wasto sa Salitang Hiram
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Kumusta ka kaibigan! Naritong muli ang


iyong kaibigang si Kokoy, handang samahan ka sa
isa na namang makulay at masayang paglalayag.
Pero bago iyan ay babatiin muna kita sa iyong
matagumpay na pagsagot sa mga gawain sa mga
nakaraang aralin.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang


matututuhan mo ang sumusunod na
kasanayan:
-Nakasusulat ng simpleng patalastas at islogan
-Nababaybay nang wasto ang mga salitang
hiram.
-Nagagamit sa makabuluhang pangungusap
ang mga salitang hiram na natutuhan.

Ang bawat bahagi ng modyul na ito ay nagtataglay ng mga gawain na hahamon


sa iyong kakayahan. Sundin mo lang ang mga panuto sa bawat gawain. Handa
ka na ba?

1
CO_Q2_Filipino 5_ Module 8
Subukin

Panuto: Basahin ang sumusunod na islogan at sagutin ang kasunod na tanong.


Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. 2.

3.

4.

5.
Maging ligtas sa COVID-19,
6. mag-social distancing,
face mask at face shield laging gamitin.

(Larawang guhit ni Rolando S. Cada,Borongan City Division Book Illustrator)

Mga tanong:

1. Ano ang paksa ng binasang islogan?


2. Sang-ayon ka ba sa mensahe nito? Bakit?
3. Sumulat ng iyong sariling islogan tungkol sa COVID-19.
4. Pansinin ang mga salitang naka-italiko, ano kaya ang tawag sa mga salitang
ito?
5. Paano binaybay ang mga salitang naka-italiko?

2
CO_Q2_Filipino 5_ Module 8
Pagsulat ng Simpleng
Aralin
Patalastas, Islogan at
1 Pagbaybay nang Wastong
mga Salitang Hiram

Balikan

Panuto: Punan ng wastong impormasyon ang sumusunod na pormularyo.

Sitwasyon: Sasali ka bilang kinatawan ng inyong paaralan sa panrehiyong


timpalak sa pagsulat ng islogan. Dumating na ang araw ng timpalak at
binigay sa iyo ang pormularyong ito para sulatan ng iyong impormasyon
bilang kalahok.

IMPORMASYON NG KALAHOK SA TIMPALAK


SA PAGSULAT NG ISLOGAN

Paaralan: __________________________________________________
Taong Panuruan: ___________________________________________
Guro sa Filipino: ____________________________________________

Pangalan: __________________________________________________
Edad: ___________________ Baitang: ______________________
Numero ng Cellphone o Telepono: __________________________

_________________________
________________________ Lagda ng Mag-aaral
Lagda ng Guro

3
CO_Q2_Filipino 5_ Module 8
Tuklasin

Alam ba ninyo na ang ating wikang Filipino


ay wikang buhay? Ito ay buhay dahil patuloy
itong ginagamit at pinagyayaman. Patuloy ito
sa pag-unlad kapag patuloy itong ginagamit
at tinatanggap ang mga bagong salita na
dumadagdag dito. Alamin natin ang tungkol
dito sa pagpapatuloy ng aralin.

Basahin at unawain ang sumusunod na


patalastas. Sagutin ang kasunod na mga
tanong sa inyong sagutang papel.

MGA HAKBANG UPANG MAPROTEKTAHAN ANG SARILI


AT ANG IBA LABAN SA COVID-19

1. Ugaliing laging hugasan ang mga kamay ng malinis na tubig at


sabon. Gumamit ng hand sanitizer at alcohol.
2. Magsuot ng face mask at face shield sa matataong lugar at iwasan ang
paghawak sa iyong mata, ilong at bibig
3. Takpan ang iyong bibig kung uubo at babahing bilang pag-iingat at
pag-iwas sa local transmission.
4. Iwasan ang matataong lugar at sundin ang social distancing
5. Mag-home quarantine kung ikaw ay may karamdaman.
6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa paghinga, kumonsulta
agad sa doctor, tawagan muna ang nakatalagang health care worker sa
inyong lugar.
7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang health authority.

(sariling bersiyon ni Trinidad Tanglao)

4
CO_Q2_Filipino 5_ Module 8
Mga tanong:

1. Ano ang paksa ng binasa?


2. Paano protektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19?
3. Ginagawa mo ba ang binanggit? Ano pa ang mga paraan na ginagawa mo na
hindi binanggit sa iyong binasa?
4. Pansinin muli ang mga salitang naka-italiko, ano kaya ang tawag sa mga
salitang ito?
5. Paano binaybay ang mga salitang naka-italiko?

Suriin

Alam mo bang maraming banyagang salita ang ating ginagamit sa ating araw-
araw na pakikipag-usap. Karamihan sa mga ito ay mga salitang teknikal,
siyentipiko, at mula sa iba’t ibang disiplina. Kaya naman, hindi natin maiiwasang
manghiram ng mga salita lalo na kung wala nito sa ating sariling wika.
Gayunpaman, bahagi ito ng pag-unlad ng wika. Habang patuloy na nadadagdagan
at ginagamit ang ating wika patuloy itong umuunlad.
Ang tawag sa mga bagong salitang dumadagdag sa ating wika, na hindi
orihinal o hindi likas sa atin ay mga salitang hiram. Sa araling ito, tatalakayin natin
ang wastong pagbaybay ng mga salitang hiram.

Sa bahagi ng TUKLASIN, napansin mo ang mga salitang nakaitaliko. Ito ay


halimbawa ng mga salitang hiram.

COVID-19 local transmission healthcare worker


face mask face shield alcohol
social distancing health authority hand sanitizer
home quarantine

Napansin mo ba kung paano ito binaybay? Kung gayon, unawain ang talakay.

5
CO_Q2_Filipino 5_ Module 8
PAGBAYBAY NG MGA SALITANG HIRAM

1. Sa pagbaybay ng salitang hiram, ginagamit ang walong dagdag na letrang C,


F, J, Ñ, Q, V, X, Z sa sumusunod:
a. pangngalang pantangi
Hal. Zenny, Zobel, Valenzuela, Ifugao
b. salitang teknikal at pang-agham
Hal. COVID-19, respiratory symptoms, protective measures, carbon
dioxide, zygote, x-axis, zero
c. sa mga salitang hiram na mahirap ibaybay sa Filipino
Hal. cauliflower, jaywalking, taxi, quarantine, pizza

2. Kung walang katumbas sa wikang Filipino at mahihiram sa katutubong wika,


unang batayan sa pagbaybay ng hiram salita ang wikang Espanyol bago ang
wikang Ingles.
Hal. likido , bagahe, imahen

3. Panatilihing orihinal o walang pagbabago ang mga hiram na salita kung–


a. magiging katawa-tawa ito kung ibabaybay sa Filipino;
Hal. coke hindi ‘kok’

b. magiging mahirap basahin kaysa sa orihinal nito;


Hal. quarantine hindi ‘kuwarantin’

c. masisira ang kabuluhang pangkultura, panrelihiyon, o pampolitika ng


pinagmulan;
Hal. feng shui hindi ‘peng shuy’

d. tanggap na ng nakararami o popular na ang orihinal na baybay nito;


Hal. face shield hindi ‘pangmukhang kalasag/panggalang’

e. lilikha ng kaguluhan ang magiging bagong baybay


Hal. social distancing hindi ‘distansiyang panlipunan’

Samantala, alam ninyo ba na ang binasa ninyo sa bahaging TUKLASIN ay


isang patalastas? Ang Patalastas ay isang anunsiyo na naghihikayat sa mga tao
upang magpaalala at magpabatid sa mamamayan, maaari ding manghikayat para
tangkilikin ang isang produkto o iba pang tiyak na layunin. Maraming mga
patalastas ang kakikitaan ng paggamit ng mga hiram na salita. Kung papansin,
makikita mo na tumutugma rito ang binanggit na tuntunin sa itaas.

Halimbawa ng patalastas:

Stay pretty and fresh!


sa sabong Zovina na the best.
Kikinis ang iyong kutis,
gaganda nang labis.
Sabong Zovina, mabisa na mura pa! BILI NA!

6
CO_Q2_Filipino 5_ Module 8
Isang halimbawa naman ng islogan ang binasa mo sa bahaging SUBUKIN,
ang islogan ay isang kaisipang tumatalakay sa isang tema na karaniwang isinusulat
nang may tugma.

Halimbawa ng islogan:

Maging ligtas sa COVID-19,


mag-social distancing,
face mask at face shield laging gamitin.

Napansin mo ba ang mga hiram na salita na ginamit sa patalastas at islogan?


Sadyang kailangan natin ang humiram ng mga salita para magamit sa mas
epektibong komunikasyon.

Pagyamanin

Panuto: Suriin ang larawan, sumulat ng isang patalastas at islogan tungkol.


Gumamit ng mga hiram na salita at baybayin nang wasto.

.
Guhit ni: Rolando S. Cada

7
CO_Q2_Filipino 5_ Module 8
Isaisip

Panuto: Sabihin ang iyong mga natutuhan sa aralin. Kompletuhin ang sumusunod
na talata. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Ang Natutuhan Ko sa Aralin

Ang hiram na salita ay __________________________________________. Ang


panghihiram ng salita ay may mabuting dulot sa ating sariling wika gaya
ng_________________________________________________________. Mahalagang
matutuhan ang mga tuntunin sa wastong pagbaybay ng mga hiram na
salita dahil ___________________________________________. Mapauunlad ang
kasanayan sa wastong pagbaybay ng mga salitang hiram sa pamamagitan
ng ____________________________________________________. Maaari tayong
gumamit ng salitang hiram sa mga patalastas at islogan lalo na kung ang
tema ay mula sa ibang disiplina o pansiyentipiko. Makatutulong ito para
_________________________________________________________________________.

Isagawa

A. Panuto: Isulat ang wastong baybay ng salitang hiram na tinutukoy sa bawat


pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ginagamit na pantakip sa ilong at bibig upang maiwasan ang pagpasok ng
virus.
2. Tawag sa mga elektronikong kagamitang gaya ng cellphone, laptop, ipod at iba
pang katulad.
3. Tawag sa mga sites na gaya ng facebook, instagram, twitter.
4. Tawag sa lugar kung saan inililikas ang mga nasalanta ng bagyo, lindol,
sunog, at iba pang katulad.
5. Kilalang search engine na madalas ginagamit sa kasalukuyan, hindi
makakapag-search dito kung walang connection sa internet.

8
CO_Q2_Filipino 5_ Module 8
B. Panuto: Isagawa sinasabi sa bawat bilang sa iyong sagutang papel.

1. Magtala ng limang salitang hiram mula sa inyong mga napakinggan,


napanood, at nabasa.
2. Balikan ang mga naitalang salitang hiram at suriin kung tama ang inyong
pagbaybay ayon sa tuntunin.
3. Kung natiyak na ninyo na wasto ang inyong baybay, bumuo naman ng
pangungusap gamit ang mga salitang hiram na inyong naitala. Isulat ito sa
inyong sagutang papel.

Tayahin

A. Panuto: Lagyan ng tsek ang HANAY A kung wasto ang baybay ng mga hiram na
salita sa bawat bilang. Kung mali naman ang baybay ay itama ito at isulat sa HANAY
B.

HANAY A HANAY B
SALITANG HIRAM (Wasto ba ang baybay? (Mali ba ang baybay?
Lagyan ng tsek) Itama mo!)
Halimbawa:
chat room /

gugel pley stor google play store

1. toothpaste
2. emeyl akawnt
3. pasword
4. messenger
5. reporter

B. Gumawa ng simpleng patalastas tungkol sa kahit anong gadget. Gumamit ng mga


salitang hiram at tiyakin na wasto ang iyong baybay. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

9
CO_Q2_Filipino 5_ Module 8
Karagdagang Gawain

Panuto: Magtala ng 5 salitang hiram tungkol sa mga kagamitang panteknolohiya.


Isulat ito na may wastong baybay at ibigay ang kahulugan nito sa iyong sariling
pangungusap.

1. ________________
2. ________________
3. ________________
4. ________________
5. ________________

Binabati kita at nagtagumpay ka sa ating


aralin. Inaasahan na magagamit mo ang iyong
natutuhan upang lalo pang umunlad ang iyong
kasanayan.

Magkita muli tayo sa susunod na aralin.

10
CO_Q2_Filipino 5_ Module 8
CO_Q2_Filipino 5_ Module 8 11
ISAGAWA
A.
1. face mask
2. gadgets
3. social media
4. evacuation center
5. google
B.
Sariling sagot ng mga mag-
aaral, iwawasto ng guro gamit
ang bubuoing rubrik o
pamantayan sa pagmamarka.
PAGYAMANIN,
BALIKAN,
ISAISIP, at
KARAGDAGANG GAWAIN
Sariling sagot ng mga mag-
aaral, iwawasto ng guro gamit
ang bubuoing rubrik o
pamantayan sa pagmamarka.
TUKLASIN
SUBUKIN
1. Pagprotekta sa sarili at sa iba laban sa
1. Maging ligtas sa COVID- COVID-19.
19. 2. Sa pamamagitan sa pagsunod sa mga
2-3 Sariling sagot ng mag- binigay na pamamaraan ng pag-iwas at
aaral. proteksiyon laban sa COVID-19. Gaya ng
4. Mga salitang hiram o salita paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol
mula sa banyagang wika. at hand sanitizer, pagsunod sa social
5. Sinulat o binaybay ito sa distancing, pagsusuot ng face mask at face
orihinal o walang pagbabago shield at iba pa.
sa spelling. 3. Sariling sagot ng mag-aaral.
4. Salitang hiram o salita mula sa banyagang
wika.
5. Sinulat o binaybay ito sa orihinal o walang
pagbabago sa spelling.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

K-12 Filipino 5 MELC Gabay Pangkurikulum

KWF, Binagong Ortograpiyang Filipino

12
CO_Q2_Filipino 5_ Module 8
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like