You are on page 1of 17

5

EPP
Unang Markahan – Modyul 3.5:
Naisasaayos ang mga bookmarks
Filipino – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Pamagat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Name
Editor: Name
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief
Name of Division EPS In Charge of LRMS
Name of Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region (Ex. Department of Education-Region III)

Office Address: ____________________________________________


____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
5

EPP
Unang Markahan – Modyul 3.5:
Naisasaayos ang mga bookmarks
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Asignatura at Baitang) ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pamagat ng Aralin !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Asignatura at Baitang) ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa (Pamagat ng Aralin) !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Maligayang pagdating sa Aralin 3.5 sa EPP!


Bilang isang mag-aaral, mahalagang matutuhan mo ang pagsasaayos ng
mga bookmarks na makatutulong sa iyong pag-aaral.

Sa modyul na ito, maipamamalas mo ang iyong kaalaman at kakayahan


sa pagsasaayos ng bookmark. Pagkatapos ng araling ito, inaasahang
magagamit mo ang pagsasaayos ng bookmark.

Layunin: Naisasaayos ang mga bookmarks

 
 

 
 
 
 
 
 
 

1
Subukin

Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo. Layunin nitong matulungan ka sa


iyong pag-aaral, tinatalakay nito ang paraan ng pagsasaayos ng mga bookmars sa
search engine. Sa pamamagitan ng modyul na ito ay maaari ninyong gamitin ang
inyong kaalaman, kakayahan at kahusayan sa pang-unawa at pagsagot ng mga
pagsasanay na buong sipag na aming inihanda para sa iyo.

Nawa ito ay iyong magustuhan. Handa ka na ba?

Panuto: Sa kanang bahagi ng table, pagsunod sunurin ang mga paraan ng pagsasa-
ayos ng bookmark paalpabeto at sa kaliwang bahagi naman ay ang paraan ng
pagdedelete ng bookmarks. Lagyan ng bilang 1-5

Pagsasaayos ng bookmarks paalpabeto

_______I-click ang Muling Isaayos ayon sa Pamagat. Ngayon, kapag binuksan mo


ang menu ng Chrome at na-click ang Mga Bookmark, makikita mo ang iyong mga
bookmark na nakalista sa ayos na ayon sa alpabeto.
_____Sa itaas ng iyong mga bookmark, i-click ang Isaayos.
______I-browse ang folder kung saan mo gustong isaayos ang iyong mga bookmark
ayon sa alpabeto.
______I-click ang Mga Bookmark > Manager ng Bookmark.
________Sa kanang sulok sa itaas ng toolbar ng browser, i-click ang icon na
nakikita mo: Menu o Higit Pa .

Pagdedelete ng bookmarks
_________Sa kanang sulok sa itaas ng toolbar ng browser, i-click ang icon na
nakikita mo: Menu o Higit Pa ________I-hover ang iyong cursor sa folder na gusto
mong i-delete.
_______Sa lalabas na menu, i-click ang I-delete. Permanente nitong ide-delete ang
lahat ng bookmark na nasa folder na iyon.
________I-click ang Mga Bookmark > Manager ng Bookmark.
________I-click ang drop-down na arrow sa dulo ng row.

Aralin Naisasaayos ang mga


3. bookmarks

2
5

Balikan

Bago mo pag-aralan ang wastong pagsasaayos ng nga mga bookmarks


sagutan mo muna ang gawaing ito:

Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang pahayag. Ilagay ang sagot sa kuwaderno.

________ 1. Ang website ay koleksiyon ng webpage na pinag uugnay ng hypertexts.

________ 2. Ang Bookmarks ay nakakapagpabilis sa paggamit ng websites.

________ 3. Star ang simbolo ng Bookmarks.

________ 4. Maaaring magdagdag ng kahit ilang bookmarks.

________ 5. Layunin ng bookmarks na mabalikan mo ng mabilis ang website na


nagamit mo at gagamiting muli.

Mga Tala para sa Guro

Paano isinasaayos ang mga


Ano ang bookmarks?
bookmarks

Tuklasin 3
Sa makabagong panahon at maunlad na teknolohiya na ating
nararanasan kailangan ng isang tulad mo ng mga gadgets na pwede mong
magamit tulad ng computer, laptop, cellphones at iba pa.
A. Nasubukan mo na bang magsaliksik gamit ang computer at

internet?

B. Alam mo ba ang mga pamamaraan ng pangangalap ng

impormasyon sa internet?

C. Bakit kailangang malaman ang mga kasanayan sa pangangalap

ng impormasyon gamit ang computer at internet?

Basahin ang diyalogo na, “Di-Dapat Mag-alala

Nagkasabay ang magkaibigan na Ken at Franco sa pag-uwi ng bahay.


Ken: Franco, Franco sabay na tayong umuwi.
Narrator: Tila hindi narinig ni Franco ang pagtawag ni Ken.
Ken: Franco, kanina pa kita tinatawag subalit parang hindi
mo ako naririnig. May problema ka ba?
Franco: Pasensya ka na Ken. Iniisip ko kasi kung paano ako
makapagsasaliksik ng aking iuulat sa klase para sa
susunod na Linggo. Wala akong aklat na maaaring
mapagkunan nito.
Ken: Bakit? Tungkol saan ba ang iuulat mo?
Franco: Ito ay tungkol sa mga imbentor at sa kanilang
naiambag sa Agham. Kinakailangan daw na samahan
namin ng larawan upang maipakita ito sa klase
Ken: Ah! ganoon ba? Huwag kang mag-alala Franco dahil
kahit wala kang aklat maaari ka namang magsaliksik.
Franco: Sa paanong paraan, Ken?
Ken: Ang computer at internet. Kailangan lang nating
saliksikin ang kailangan mong impormasyon sa tulong
ng web browser at Search Engines.
Franco: Talaga Ken?
Ken: Oo Franco, pinag-aralan kasi namin ito sa ICT. Kaya
‘wag kang mag-alala.
Franco: Maraming salamat sa iyo Ken. Maaari mo ba akong
tulungan sa isasagawa kong pananaliksik?
Ken: Oo naman Franco, magkita tayo bukas ng umaga sa
Computer Shop nina Tita Hazel.
Franco: Maraming salamat
4 Ken, nawala na ang pag-aalala ko at
magagawa ko na ang aking proyekto sa Agham.
Ken: Walang anuman, Franco.
Suriin

Magkaroon ng maikling talakayan batay sa sumusunod na gabay na tanong:


A. Kung ikaw si Franco, handa mo bang tanggapin ang ganitong hamon?

B. Naranasan mo na ba ang magsaliksik gamit ang computer at internet?

C. Bakit kailangang matutuhan ang mga kasanayan sa pangangalap ng

impormasyon gamit ang computer at internet?

D. Ano ang mabuting kaugalian ang ipinakita ni Ken sa diyalogo? Gagawin mo rin

ba ito sa iyong kamag-aaral kapag sila ay nangailangan?

E. Anu- ano ang mga dapat ninyong tandaan sa pagkalap ng impormasyon sa

internet?

Pagyamanin

Halina’t samahan mo ako na magpatuloy sa paglalakbay sa pagkatuto.


Handa ka na ba?

Gawain 1
Gumamit ng teknolohiya sa pagkalap ng impormasyon. Gamitin ang advanced
features ng Google sa paghanap ng impormasyon upang masagutan ang mga
tanong sa ibaba.

May ilang lalawigan sa Rehiyon IV-A?

Sa anong lalawigan ka nakabilang?

5
Ilarawan ang iyong lalawigan?

Gawain 2.
Gamitin ang iba’t-ibang search engines sa pagkuha ng sumusunod na
impormasyon.

1. Lokal na musika
2. Lokal na Impormasyon
3. Lokal na Destinasyon
4. Lokal na Pelikula
5. Lokal na Isports

Isaisip

Ngayon ay isaisip mo ang mga kaalamang ito:


Ang Search Engine ay isang program na naghahanap at tumutunton sa mga
impormasyon o iba pang bagay tulad ng mga larawang tutugon sa keyword na
ibinibigay ng user. Nakakalap natin ang mga impormasyon sa paggamit ng iba’t-
ibang Search Engine. Nararapat lamang na tukuyin at suriing mabuti ang
gagamiting Search Engine sa pangangalap ng impormasyon.

Isagawa

Hanapin mo ang sumusunod na impormasyon na may kaugnayan sa Lungsod ng


Lucena gamit ang mga Search Engines.
1. Bansa
2. Pelikula
3. Lalawigan
4. Mayor
5. Mga produktong gawa sa Lucena

6
Tayahin

Panuto: Lagyan ng tsek ang kolum kung taglay nila ang kakayahan at kaalaman sa
paggamit ng search engine at ekis kung hindi.

Pamantayan Tse Ekis


k
1. Nagagamit ko ang advanced features ng isang search
engine sa pangangalap ng impormasyon.
2. Natutukoy ko ang angkop na search engines sa
pangangalap ng impormasyon.
3. Nakakagamit ako ng angkop na keywords sa
pagsasaliksik
4. Nagagamit ko ang teknolohiya sa pagkalap ng
impormasyon
5. Nakadarama ako ng kasiyahan sa paggamit ng ICT.

Karagdagang Gawain

Isulat ang YAHOO sa patlang kung ang pangungusap ay nagsasaad ng

wastong paraan ng paggamit ng advanced features ng isang Search Engine

sa pangangalap ng impormasyon at DOTA naman kung HINDI.

__________1.Sa Search Box tina-type ang keyword na gagamitin sa

pananaliksik.

__________2. Mas mahihirapan na magsaliksik kapag gumamit ng

Keywords.

__________3. Makikita sa Page Title ang pamagat ng web page na kasama

sa search results.

7
__________4.Pagkatapos i-type ang keyword, i-click ang Search Button

upang lumabas ang hinahanap na impormasyon.

__________5. Ang Search Engine ay isang program na naghahanap at

tumutunton sa mga impormasyon.

Susi sa Pagwawasto

8
Subukin Balikan Suriin
1. D 1. Yahoomail/G A. Oo
2. C mail
3. B 2. YouTube B. Oo
4. E 3. Messenger
C. Upang magkaroon ng
5. A 4. Waze
6. H kasanayan at mapadali ang
5. Google
7. I Gawain
8. J
D. Pagiging matulungin
9. G
10. F E. Magiging mapanuri at
responsable

Tayahin Karagdagang
(Ang mga kasagutan ay Gawain
depende sa bata kung 1. Yahoo
nagamit ang advanced
features ng isang search 2. Dota
engine sa pangangalap ng
3. Yahoo
impormasyon)
4. Yahoo

5. Yahoo

9
Sanggunian
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran p.22 Gloria A. Peralta EdD.

Lesson Plan in Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan and Technology and


Livelihood Education Grade5 p.325-333 ni Olivarez, Reyes, Aragon, 2017

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like