You are on page 1of 2

FILIPINO

2 WORKSHEET
PANG-URI

Panuto: Punan ng angkop na salitang naglalarawan ang mga patlang.

Nais ni Leo na bumili ng regalo para sa kanyang nanay. (1) ____________ anak si Leo.

Pumunta si Leo sa (2) ____________ pamilihan.

Binati siya ng (3) ____________ na tindera at tinanong kung ano ang hinahanap niya.

Hindi pa alam ni Leo kung anong regalo ang bibilhin.

Inisip niyang bumili ng isang (4) ____________ na blusa. Ngunit nang nakita niya ang

presyo ay nalungkot siya. Hindi kasya ang kanyang naipon para dito.

Lumakad siya sa (5) ____________ na pasilyo at naghanap ng iba pang maaaring iregalo.

Napadaan siya sa isang tindahan na nagbebenta ng maliliit na sabon. Nakakita siya ng mga

hugis (6) ____________ sabon. Itinanong niya sa tindera kung mayroon silang

tindang sabon na amoy “lavender” dahil ito ang paborito ng kanyang ina. Sa kasamaang-

palad ay ubos na ito.

Pumunta si Leo sa katabing tindahan dahil sa (7) ____________ amoy na nanggagaling

Teacher Abi’s Worksheets


teacherabiworksheets.blogspot.com


FILIPINO 2 WORKSHEET
PANG-URI

dito. Nakita niya na ito ay nagtitinda ng (8) ____________ biskwit at

keyk. Bumili siya ng (9) ____________ biskwit at mabilis niya itong kinain.

Matapos ang ilang minuto ng paglalakad ay nakita ni Leo ang bilihan ng bulaklak. Pumili siya

ng isang bungkos ng (10) ____________ bulaklak para sa kanyang nanay. Masayang

umuwi si Leo dahil, sa wakas, ay nakabili na siya ng regalo para sa kanyang nanay.

Teacher Abi’s Worksheets


teacherabiworksheets.blogspot.com

You might also like