You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – A ( CALABARZON )
Sangay ng Lungsod ng Lucena

Ikaapat na Markahang Pagsusulit


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan IV

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang letra ng
tamang sagot.

ENTREPRENEURSHIP and INFORMATION and COMMUNICATION TECHNOLOGY

1. Ang paggamit ng larawan ay isang mabisang paraan upang maipahayag ang isang
mensahe. Alin sa MS Paint ang gagamitin mo na magsisilbing canvas kung saan
maaaring gumuhit o mag-edit ng larawan?
A. Ribbon C. Drawing Area
B. Paint Tool D. Quick Access Toolbar

2. Kung mahilig kang gumuhit o magpinta, mas magiging kasiya-siya at malilinang mo


ang iyong kakayahan kung gagawin mo ito sa computer. Ano ang gagamitin mo upang
makagawa ka ng larawan?
A. Drawing Tool o Graphic Software C. Notepad
B. Spreadsheet Tool D. Microsoft Encarta

3. Pagkatapos gumawa ni Arnel ng larawan gamit ang drawing tool, saang format niya
ito maaaring i-save kung nais niyang i-display ang larawan online? Ang format na ito ay
compatible sa halos lahat ng devices at programs.
A. Joint Photographic Experts Group (JPEG)
B. Portable Network Graphics (PNG)
C. Graphics Interchange Format (GIF)
d. Powerpoint (PPT)

4. Bilang mag-aaral sa ikaapat na baitang, nais mong ipamalas ang iyong


entrepreneurial skills sa asignaturang EPP. Kailangan mong magplano ng isang
pahinang business plan. Alin sa sumusunod ang nilalaman ng iyong plano?
A. Pangalan ng produkto at tsart na nagpapakita ng posibleng kikitain
B. Maikling paglalarawan ng uri ng negosyo na may kasamang larawan
C. Maikling talata na nagpapaliwanag kung bakit mas kapaki-pakinabang ang
iminumungkahing negosyo
D. Lahat ng nabanggit

5. Bilang pangulo ng Supreme Pupil Government, hinikayat ni Renzon ang mga kasama
na magsimula ng maliit na negosyo upang makatulong sa mga naghihikahos na mag-
aaral. Hinikayat niya ang bawat isa na magpasa ng dokumento na magbibigay ng
impormasyon tungkol sa kanilang nais na ibentang produkto? Anong dokumento ito?
A. Birth Certificate C. Business Proposal
B. Marriage Proposal D. Baptismal Certificate
6. Ang computer virus ay isang uri ng programa na ginawa upang makapanira ng
lehitimong aplikasyon o iba pang programa ng computer. Paano mo malalaman kung
ang kompyuter mo ay may virus?
A. mabilis sumagap ng wifi
B. lalong bumilis ang kompyuter
C. biglaang pagbagal at pagre-start ng kompyuter
D. nakakahawa sa mga taong gumagamit ng kompyuter na may virus

7. Anong uri ng malware ang nakapinsala sa kompyuter ni Liza na nagpapadala ng


mga kopya ng sarili nito sa ibang mga computers sa pamamagitan ng isang network?
A. worm C. copy cat
B. dialers D. Trojan Horse

8. Gumawa ng dokumento si Jona sa kanyang kompyuter. Tanda niya na nai-save pa


niya ito bago niya i-shut down ang kanyang kompyuter. Nang buksan niya ulit ito ay di
niya makta ang kanyang mga nai-save na files. Anong uri ng malware ang nakapinsala
sa kanyang computer?
A. spyware C. adware
B. virus D. dialers

9. May sasalihang singing contest si Donna. Aling files mula sa internet ang maaari
niyang I download upang makapamili ng mga awitin?
A. Document files C. Program file
B. Multimedia files D. Images

GAWAING PANTAHANAN

10. Malakas at masigla lagi ang batang si Nilo. Nakakapaglaro siya, nakapag-aaral ng
maayos at nakagagawa ng iba’t ibang gawain dahil sa mahilig siyang kumain ng mga
pagkaing mayaman sa carbohydrates. Anong pangkat ng pagkain ang tinutukoy dito?
A. Go foods C. Grow foods
B. Glow foods D. Protein

11. Mahalagang maging balance ang kinakain natin sa araw-araw. Ang pagkain ng
Glow foods ay mahalaga upang makaiwas at may pananggalang tayo sa sakit at
impeksyon. Alin sa mga sumusunod na pagkain ang pinagkukunan nito?
A. cake, tinapay, biskwit, kamote
B. baboy, manok, isda, itlog
C. sayote, kalabasa, dalanghita, manga
D. mais, kutsinta, gatas, alimango

12. Upang maging tama ang uri at sukat ng pagkaing inihahanda ni Aling Elsa sa
kanyang mga pamilya, gumagamit siya ng patnubay sa pagpaplano ng ihahandang
pagkain. Ito ay ang ___________.
A. Food Pyramid Guide C. Balanced Reading Program
B. Recipe Book D.larawan ng mga prutas at gulay

13. Maingat si Nanay Maria sa paghahanda at pagluluto ng pagkain. Para masiguro na


ligtas para sa mga anak ang kanyang inihahandang pagkain, sinusunod niya ang mga
alituntuning pangkalusugan at pangkaligtasan maliban sa isa. . .
A. Hugasan mabuti ang mga kamy bago at pagkatapos maghanda ng pagkain.
B. Gumamit ng apron upang hindi marumihan ang damit at maglagay ng hairnet
sa ulo.
C. Linising mabuti sa umaagos na tubig an gang prutas, gulay, isda at karne
bago balatan at hiwain.
D. Timplahan ng maraming vetsin, patis o kaya suka ang niluluto para msa
malasa ang pagkain.

Ang mga gawain sa paghahanda ng pagkain ng mag-anak ay hindi natatapos sa


pagluluto at pagdudulot ng pagkain lamang. Tinitiyak ng mag-anak ni Aling Tessie na
tulong-tulong din sila hanggang s pagliligpit ng pinagkainan. Kung ang anak niyang si
Sheryl ang maghuhugas ng ng mga kasangkapan, alin ang tamang paraan ng
pagkakasunod-sunod ng mga ito?
Sa bilang 14-17, itiman sa inyong sagutang papel ang titik A, B, C o D kung ano
ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga gawain sa tamang pagliligpit ng pinagkainan.

14. __________ Patuyuin sa pamamagitan ng malinis na basahan.


15. __________ Sabunin ang mga kasangkapan.
16. __________ Ilagay sa patuyuan o dishrack at hayaang tumulo ang tubig.
17. __________ Banlawang mabuti.

18. Pinaghugas si Karen ng kanyang ina ng kanilang pinagkainan. Biglang nadulas sa


kanyang kamay ang hawak niyang baso. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Dadakutin at ilalagay sa basurahan.
B. Pupulutin isa-isa ang bubog.
C. Ibabaon sa lupa.
D. Babalutin ng lumang diyaryo at ilalagay sa basurahang may takip.

19. Puno na ang basurahan nina Ben sa kusina. Nangangamoy na ito dahils a mga tira
tirang pagkain at balat ng prutas. Tatlong araw ng hindi umiikot ang trak na
kumukuha ng kanilang basura. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Susunugin ang lahat ng basura.
B. Itatapon sa bakanteng lote ang basura.
C. Ibaon ang nabubulok na basura.
D. Itapon na lamang ito sa malapit na ilog.

AGRIKULTURA

20. Ang wastong paghahanda ng lupang pagtataniman ay nagdudulot ng maayos na


paglaki ng halaman. Inatasan ni Gng. Reyes ang bawat grupo sa ikaapat na baitang ng
kani-kanilang gawain upang mapangalagaan ang kanilang itatanim. Ang unang grupo
ang naatasang magbungkal ng lupang pagtataniman. Anong kasangkapan ang kanilang
dapat na gamitin?
A. Kutsilyo C. Asarol
B. Kalaykay D. Timba

21. Ang mga babae naman nag mag-aalaga ng mga halaman. Ano ang kanilang dapat
na gamitin sa pagdidilig ng halaman araw-araw?
A. dulos C. kalaykay
B. pala D. legadera
22. Nais ni mang Roy na mag-alaga ng mga goldfish. Gumawa muna siya ng plano
bago siya bumili upang maging maayos ang pagpapalaki sa mga ito. Ano ang
kahalagahan ng paggawa ng plano sa pagpaparami ng mga alagang hayop sa
tahanan?
A. Matitiyak ang paraan ng pagpaparami ng alagang hayop.
B. Maibebenta agad ang alagang hayop.
C. Makakakain ng marami ang alagang hayop.
D. mapaglalaruan ito ng mga bata.

23. Gustong mag-alaga ni Mario ng mga hayop sa kanilang bahay. Alin sa mga
sumusunod na hayop ang kanyang maaaring alagaan at paramihin sa loob ng kanilang
tahanan?
A. kalapati, love birds, pusa C. ahas, palaka, tigre
B. kalabaw, baka, kambing D. isda, alimango, buwaya

24. Kung gusto mong mag-alaga ng paramihing hayop, ano ang magiging batayan mo
sa tamang pagpili ng pararamihing alagang hayop?
A. mabilis lumaki at madaling dumami
B. makapagbibigay ng matibay na kulungan
C. madaling kapitan ng sakit
D. nanganganak ng isang beses lamang

25. Higit na mabisa ang pagtupad sa tungkulin ng bawat isa kung may sinusunod na
gawain ang mag-anak. Ano ang dapat nilang sundin na magiging gabay nila upang
magkaroon ng panahon sa pag-aalaga ng hayop?
A. gusto nating oras C. utos ng ating mga kapatid
B. iskedyul D. sasabihin ng nakatatanda

26. Nagtitinda ng mga halamang ornamental sina Lorna. Mabenta ang mga ito lalo na
kapag namumulaklak ang mga ito at idinidisplay nila sa tabi ng daan. Bakit kaya mas
mabilis mabenta ang mga halamang may bulaklak na?
A. Sapagkat ang mga bulaklak ay nakakaakit sa mga mata ng mga mamimili
B. Sapagkat hindi na nila siguradong mamumulaklak pa ang mga ito kapag
naiuwi na nila sa kanilang bahay
C. Sapagkat matanda na ang ganitong uri ng halaman.
D. Sapagkat madali itong patubuin

27. Gumawa ng maliit na tindahan ang mag-amang Carlito at John sa may bakuran nila.
Bago nila ito itayo ay gumawa muna sila ng plano para maging maayos at matagumpay
ang kanilang pagtitinda. Alin sa mga sumusunod ang dapat nilang sundin sa paggawa
ng tindahan?
A. Linising mabuti ang loob at labas ng tindahan.
B. Panatilihing may sapat na liwanag at bentilasyon ang tindahan.
C. Markahan ang mga paninda upang matiyak kaagad ang presyo ng mga ito.
D. Lahat ng nabanggit.

28. Ang talatakdaan ay talaan ng mga gawaing dapat gawin o isakatuparan sa takdang
oras at panahon. Anong uri ng talatakdaan ang pinaghati-hating gawain sa lahat ng
kasapi ng mag- anak para gampanan sa takdang oras at araw?
A. Pansariling talatakdaan C. Pangmaramihang talaan
B. Pangmag-anak na talatakdaan D. Maraming gawain

29. Sa pagsasaayos ni Mikka at Alyssa ng kanilang mga paninda, kailangan nilang


isaalang-alang ang pagkukuwenta ng mga paninda upang malaman ang ilalagay na
presyo sa bawat paninda para hindi malugi. Aling pormula sa pagkukwenta ng halaga
ng isang paninda ang maaari nilang sundin?
A. Puhunan x 15% dagdag sa puhunan=presyong pantinda
B. Puhunan + 15% dagdag sa puhunan=presyong pantinda
C. Puhunan – 15% dagdag sa puhunan=presyong pantinda
D. Puhunan / 15% dagdag sa puhunan=presyong pantinda

30. Dahil mahilig magtanim si Gng. Robles, naisip niyang magtayo ng taniman ng
halamang ornamental pagkatapos niyang magretiro. Upang maisagawa ng maayos,
gumawa siya ng plano para makatipid ng pera, oras, kagamitan at lakas. Alin sa mga
sumusumusunod ang kailangan niyang isaalang-alang?
A. Uri ng lupa na pagtataniman
B. Lugar na pagtataniman
c. Laki ng taniman at mga kagamitang panustos.
D. Lahat ng nabanggit

31. Namatay ang alagang aso ni Jamaica dahil sa sakit. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Ibaon ito sa lupa. C. Itapon sa ilog
B. Ibigay ito sa kapitbahay. D. Hayaan nalang sa loob ng kulungan

32. Ang mga alagang hayop ay itinuturing na natin na kasama sa pamilya dahil sa
kapakinabangan na naibibigay nila sa atin. Sa anong section ng batas ipinagbabawal
ang pagmamaltrato at pagto-torture sa mga hayop?
A. Section 3 C. Section 5
B. Section 4 D. Section 6

GAWAING PANG-INDUSTRIYA

33. Bago buuin ni Anier ang lahat ng gagawing proyekto ay ginagawan muna niya ito ng
disenyo. Bakit kaya dapat magkaroon ng disenyo ang kahit na anumang proyekto?
A. Upang maging gabay sa gumagawa
B. Dahil ito ay utos ng guro
C. Para magandang tingnan
D. Para magmukhang mamahalin ang proyekto

34. Mahalaga ang pagdidisenyo para kay Gary sa paggawa ng proyekto dahil nais
niyang maipakita ang larawan o ayos at iba pang ispesipikasyon ng gagawin niya.
Anong disenyo ang nagpapakita ng tatlong tanawin ng proyekto sa iisang drowing na
nakahiliig ng 30° ang bawat tagiliran?
A. Perspective C. Orthographic
B. Isometric D. Metamorphic

35. Si Joey ay isang arkitekto. Gumagamit siya ng iba’t ibang kasangkapan at


kagamitan sa paggawa ng mga krokis at drowing na mekanikal. Alin sa sumusunod na
kagamitan ang kailangan niya sa pagkuha ng anggulong hindi masusukat ng alinmang
trianggulo. May anggulo itong 180° na masusukat mula kanan pakaliwa. Ito ay ang
_____.
A. Tabla C. Lapis
B. Protractor D. Divider

36. Ang mga panuntunang pangkalikasan ay pangkalusugan sa bahay nina Linda ay


lagi ng pinaalala ng kanyang ina habang gumagawa upang maiwasan ang anumang
kapahamakan o disgrasya. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang
panuntunan upang makaiwas sa kapahamakan?
A. Maglaan ng lugar, kahonn o cabinet para sa mga kasangkapan kagamitan sa
paggawa.
B. Gamitin nang buong ingat ang mga de-koryenteng kasangkapan at
Kagamitang matatalim at matatalas.
C. Maghugas na mabuti ng kamay bago at pagkatapos gumawa.
D. Lahat ng nabanggit.

37. Ang ating kapaligiran ay may mga likas na yaman na maaaring pagmulan ng
mhahalagang materyales sa pagbuo ng iba’t ibang produkto. Ano ang mga dapat mong
isaalang-alang sa pag-iingat at pagmamalasakit sa kapaligiran?
A. Planuhing mabuti ang proyektong gagawin.
B. Gumamit ng angkop na materyales sa paggawa ng proyekto.
C. Gumamit ng mga kasangkapang maayos ang kondisyon.
D. Lahat ng nabanggit

38. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang dapat mong isaugali upang
makatulong sa patuloy na pag-unlad?
A. Tangkilikin ang sariling produkto o produktong Pilipino
B. Tumupad sa mga kautusan ng batas
C. Tumulong sa mga nangangailangan
D. Lahat ng nabanggit

39. Ang bawat negosyong panserbisyo at produkto ay may sinusunod na regulasyon at


kautusan mula sa pamahalaang local. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa
regulasyon at panuntunan ng pamahalaang local sa pagtatayo ng negosyong
pangserbisyo at produkto?
A.Sanitary Permit C. Municipal Permit
B. Barangay Permit D. Malacañang Permit

40. Magtatayo ng negosyong kainan sa Aling Sam sa tabi ng kanilang bahay. Ano ang
dapat niyang kuning permit upang malaman at makit ng mga health officials ang
kalinisan ng kanyang mga ibebentang pagkain?
A. Sanitary Permit C. Municipal Permit
B. Barangay Permit D. Malacañang Permit
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – A ( CALABARZON )
Sangay ng Lungsod ng Lucena

TALAAN NG ISPISIPIKASYON
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
Ikaapat na Baitang
BILANG KINALAGYAN
LAYUNIN
NG AYTEM NG AYTEM
ICT AND ENTREPRENEURSHIP
Naaguguhit gamit ang Drawing Tool o Graphic Software
1 2
Nakapag-eedit ng larawan gamit ang Basic Photo Editing
1 1
Tool
Nakagagawa ng dokumento na may larawan gamit ang
1 3
Word Processing Tool
Nakagagawa ng Report gamit ang Word Processing
2 4,5
Application
Naipaliliwanag ang mga panganib na dulot ng Malware
3 6,7,8
at computer virus
Natatalakay ang computer file system 1 9

HOME ECONOMICS
Nakatutulong sa paghahanda ng masustansyang
4 10,11,12,13
pagkain
Naisasagawa ng may sistema ang pagliligpit at 14,15,16,17
6
paghuhugas ng pinagkainan 18,19
AGRICULTURE
Natutukoy ang mga kasangkapan sa paghahalaman 2 20, 21
Nakagagawa ng ng plano ng pagpaparami ng ng
1 22
alagang hayop upang kumita
Nakapipipili ng pararamihing hayop 2 23,24
Nakagagawa ng iskedyul ng pag-aalaga ng hayop 1 25
Naitatala ang mga pag-iingat na dapat gawin kung mag-
5 27,28,29,30,31
aalaga ng hayop
Nasasaliksik ang mga kautusan/Batas tungkol sa
1 32
pangangalaga ng pararamihing hayop
Naiisa-isa ang mga pakinabang sa pagtatanim ng
1 26
halamang ornamental

GAWAING PANG-INDUSTRIYA
Natatalakay ang mga paraan sa pagdidisenyo ng 1 33
proyekto
Naiisa-isa ang mga uri ng disenyo 1 34
Natatalakay ang mga kagamitan sa pagguhit ng disenyo 1 35
Naipapaliwanag ang mga panuntunang pangkaligtasan 1 36
at pangkalusugan sa paggawa ng proyekto
Natatalakay ang mga pagsasaalang-alang, Pag-iingat at 1 37
Pagmamalasakit sa kapaligiran sa pagplano at
pagbubuo ng produkto tungo sa patuloy na pag-unlad
Natatalakay ang mga gawi na dapat at di-dapat isaugali 1 38
upang makatulong sa patuloy na pag-unlad
Natututkoy ang mga regulasyon at kautusan ng 2 39,40
pamahalaang lokal kaugnay sa napiling negosyong
panserbisyo at produkto
KEY TO CORRECTION

1. B 21. D

2. A 22. A

3. A 23. A

4. D 24. A

5.C 25. B

6.C 26. A

7.A 27. D

8.B 28. B

9.B 29. B

10.A 30. D

11.C 31. A

12.A 32. D

13.D 33. A

14.D 34. B

15.A 35. B

16. C 36. D

17.B 37. D

18.D 38. D

19.C 39. D

20.C 40. A

You might also like