You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON NG CORDILLERA
Wangal, La Trinidad, Benguet

PROJECT SMART (Standardized and Meaningful Assessment Result-Based Teaching)


Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Pangkalahatang Panuto:
a. Ito ay Maramihang Pagpipilian na binubuo ng 40 na aytem. Ito ay sumasaklaw sa
Kasanayang Pampagkakatuto na tinalakay sa ikatlong markahan.
b. Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang letra ng tamang
sagot sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel na ibibigay ng guro.
c. Huwag sulatan ang Test Paper.

1. Kailan masasabi na ang isang tao ay nagsisilbing modelo sa isang pamayanan?


A. Kung inuuna niya ang sarili kaysa sa kapakanan ng karamihan.
B. Kung inuuna niya ang kaniyang kaibigan kaysa sa mga magulang.
C. Kung inuuna niya ang sariling kapakanan kaysa sa mga kaibigan.
D. Kung inuuna niya ang kapakanan ng karamihan kaysa sa kaniyang sarili.

2. Alin sa mga sumusunod ang katangian na maaari mong taglayin o tularan para
magtagumpay?
A. MahiIig mamasyaI si Rosel pagkatapos ng kIase.
B. Umuwi kaagad si Josiah pagkatapos ng kIase upang makatuIong sa mga
gawaing bahay.
C. Pagkatapos ng kIase pumunta sa kompyuter shop si Joash para magIaro na
hindi nagpapaaIam sa kaniyang maguIang.
D. PaIaging nagdadabog si Martha tuwing inuutusan siya ng kaniyang mga
maguIang na bumili ng mga pagkain sa paIengke.

3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahaIaga sa tagumpay na


nakamit ng kapwa PiIipino?
A. Nais tuIaran ni McAchiles ang kaniyang magaIing na coach.
B. Hindi pinapansin ni Mario ang kakIaseng nakakuha ng mataas na marka.
C. Pinagtawanan ni Fredmar ang kamag-araI niya na nagkamaIi sa pagkanta.
D. Hinangaan ni Danao ang kaniyang kapatid dahiI sa tagIay na gaIing sa
pagsayaw.

4. Sino sa mga sumusunod ang dapat tularan upang magtagumpay sa buhay?


A. Si Mona na burara ang mga gawa.
B. Si Nena na nakikipag-usap lagi sa mga kapitbahay.
C. Si Cita na gumagawa ng lumang basahan sa maghapon.
D. Si Remy na pinipili ang mga tela at kulay na gagamitin upang gumanda ang
yari ng basahan.

5. Sino ang nagbibigay karangalan sa bansang Pilipinas sa larangan ng boksing?


A. Alaiza Valdez C. Manny Pacquiao
B. Hidilyn Diaz D. Manny Pacquio

6. Sino sa sumusunod ang tinaguriang pambansang bayani na ginawa ang lahat para
mapukaw ang damdamin ng bawat Pilipino laban sa mga dayuhang Kastila kahit
na ikamamatay niya ito.
A. Jose Rizal C. Andres Bonifacio
B. Diego Silang D. Apolinario Mabini
7. Sino sa mga sumusunod ang nagbigay ng karangalan sa ating bansa sa larangan
ng musika at nakilala bilang Miss Saigon noong 1999.
A. Anne Curtiz C. Regine Velasquez
B. Lea Salonga D. Sarah Geronimo
1|Q3-ESP 6
8. Anong katangian ang ipinapakita ng isang batang nagsasabi ng totoo?
A. mapagbigay C. matapat
B. masipag D. matalino

9. Si Juana ay palaging tumutulong sa gawaing bahay. Aling katangian ang kaniyang


ipinapakita?
A. matulungin C. responsable
B. palakaibigan D. tapat

10. Sa kuwentong Langgam at Tipaklong, anong katangian ang ipinapakita ni


Langgam na dapat mong tularan?
A. mabilis C. maunawain
B. matiyaga D. sinungaling

11. Paano mo maipakikita na ikaw ay may pagpapahalaga sa pinagkukunang yaman


ng bansa?
A. Laging sumasali sa bonfire sa bundok.
B. Iniiwasan ang pagsali sa pagkampanya sa kahalagahan ng kalikasan.
C. Tutulong lamang ako sa kampanya kung may ibibigay na meryenda.
D. Lalahok sa kampanya tungo sa pagprotekta ng kalikasan na tanging
pinagkukunang yaman.

12. Bakit kailangang pahalagahan natin ang pinagkukunang yaman tulad ng


kagubatan, karagatan at kabundukan?
A. Para sa pansarili lamang.
B. Upang hindi matugunan ang pangangailangan ng tao.
C. Para sa ating kabuhayan at sa susunod pang henerasyon.
D. Upang ito ay hindi mapakinabangan ng susunod na henerasyon.

13. Paano ipinakita mo maipakikita na maaari kang tanghalin na isang “Hero of the
Environment”?
A. Sa pamamagitan ng pagmamahal sa magulang.
B. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng malaking halaga.
C. Sa pamamagitan ng pagkapanalo sa isang patimpalak.
D. Sa pamamagitan kontribusyon sa pangangalaga at pagprotekta ng
kalikasan.

14. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa ating


kagubatan?
A. pagkakaingin
B. pag-iwas sa pagsunog
C. pagtulong sa mga ilegal na nagtotroso
D. patuloy na pagputol ng mga maliliit na puno

15. Saan dapat magsimula ang tamang paghubog sa inyo tungo sa pananagutan at
pangangalaga sa kalikasan?
A. sa tahanan C. sa simbahan
B. sa paaralan D. sa pamahalaan

16. Nakakita si Lorden ng buto’t balat na asong nakatali at sugatan sa bakuran ng


kanilang kapitbahay. Anong batas pambansa ang nilabag ng kanilang
kapitbahay?
A. Batas Pambansa 7638
B. R.A. 8485 (Animal Welfare Act)
C. R.A. 9175 (Chain Saw Act of 2002)
D. Republic Act 9275 (Philippine Clean Water Act of 2004)

2|Q3-ESP 6
17. Nagpiknik sina Noren, Erica at Kyra sa tabing ilog. Kumain sila ng saging, biskuwit at
uminom ng juice. Bago sila umuwi ay pinulot muna nila ang balat ng kanilang
pinagkainan lalo na ang napunta sa tubig. Anong batas ang sinusunod ng mga
bata?
A. Batas Pambansa 7638
B. R.A. 7942 (Philippine Mining Act of 1995)
C. Republic Act 8749 (Philippine Clean Air Act of 1999)
D. Republic Act 9147 (Wildlife Resources and Protection Act)

18. Ipinagbawal noon ni Gng. Gina Lopez ang pagmimina sa buong Pilipinas. Ito ay
upang mapangalagaan ang kalikasan at ang kaligtasan ng mga mamamayang
malapit sa mga minahan. Anong batas pangkalikasan ito?
A. Batas Pambansa 7638
B. R.A. 8485 (Animal Welfare Act)
C. R.A. 9175 (Chain Saw Act of 2002)
D. R.A. 7942 (Philippine Mining Act of 1995)

19. Sa kabila ng pagbabawal ng pamahalaan sa pagkakalbo ng bundok, marami pa


ring nagsasagawa ng ilegal na pagtotroso. Anong batas pangkalikasan ang
nilabag?
A. R.A. 8485 (Animal Welfare Act)
B. R.A. 9175 (Chain Saw Act of 2002)
C. R.A. 7942 (Philippine Mining Act of 1995)
D. Republic Act 9147 (Wildlife Resources and Protection Act)

20. Anong batas ang hindi sinunod ni Mang Goryo sa panghuhuli niya ng mga hayop
sa kagubatan lalo na kung ang mga ito ay mga endangered species o mga hayop
na nalalapit ng maubos.
A. R.A. 9175 (Chain Saw Act of 2002)
B. R.A. 7942 (Philippine Mining Act of 1995)
C. Republic Act 9275 (Philippine Clean Water Act of 2004)
D. Republic Act 9147 (Wildlife Resources and Protection Act

21. Nagpagawa ka ng mesa, at sinabi mo ang disenyo na gagawin niya. Alin sa mga
sumusunod na gawain ang nagpapakita ng etiko sa paggawa.
A. Ang karpinterong nakagawa ng mesang di-polido.
B. Ang karpinterong sinunod lamang ang disenyong nagustuhan niya.
C. Ang karpinterong sinunod ang pamantayan sa paggawa at may kalidad ang
produkto.
D. Ang karpinterong gumawa ng marami pero walang sinunod para makarami
siya ng benta.

22. May proyekto kayo sa EPP na gumawa ng isang panyo. Alin ang dapat mong gawin
upang masasabing may etiko ka sa paggawa ng iyong proyekto?
A. Ipatahi ito sa nanay.
B. Ipagawa ito sa eksperto
C. Bumili ng isang panyong mula sa ibang bansa.
D. Gawin ito na sumusunod sa pamantayang ibinigay.

23. Bakit kailangang sundin ang mga pamantayan sa pagggawa ng isang gawain?
A. Dahil sinabihan akong gawin ito.
B. Upang ito ay maipagmalaki at ibibida.
C. Dahil natatakot ako sa nag-utos sa akin.
D. Upang ito ay magawang may kalidad at may etiko sa paggawa.

24. Si Kuya Kuloy ay gumawa ng isang piggy bank mula sa basurang goma. Ginawa
niya itong maganda at matibay. Alin ang nararapat na gawin para mapatunayan
mo na may pera sa basura?
A. ibenta
B. ikahiya
C. itago
D. ipagmalaki
3|Q3-ESP 6
25. Alin sa mga sumusunod ang gawaing nagpapakita ng pagkamalikhain ng isang
mag-aaral?
A. siniping talata mula sa aklat
B. kinopyang talata mula sa google
C. talata na ipinagawa sa kapatid na matalino
D. talatang pinaghirapang ginawa mula sa sariling imahinasyon

26. Paano nakatutulong ang mga luma at sirang kagamitan na ginawang taniman ng
bulaklak at ibinenta?
A. Bawas basura sa paligid.
B. Nasisira ang ating kapaligiran.
C. Nakadadagdag ng kita at nakapagbibigay aliw sa mata.
D. Walang naidudulot na kabutihan sa kapaligiran at sa pag-unlad ng
pamumuhay natin.

27. Paano nakaaapekto ang ating pagkamalikhain kapag nakakakita tayo ng


malikhaing produkto ng isang tao?
A. Nagiging inspirasyon sa iba.
B. Nakagugulo lalo sa ating ideya na makabuo ng sariling produkto.
C. Nakababawas ng pagod at nakaaaliw sa pakiramdam ang kaniyang gawain.
D. Maeengganyo at mag-iisip din tayo ng sariling paraan para makabuo ng likha.

28. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkamalikhain ng isang tao na


nakatutulong para sa pag-unlad ng pamumuhay natin?
A. Si lolo na gumawa ng uling galing sa papel.
B. Ang tindera na namimigay ng pagkain sa mga nangangailangan.
C. Si Juan na nanununog ng mga gulong upang hindi nakakalat sa garahe.
D. Si Aling Maria na gumawa ng basahan mula sa lumang damit at ibinenta
upang makadagdag ng panggastos sa bahay.

29. Aling katangian ng isang batang Pilipino ang nagpapakita ng pag-recycle o


paggawa ng isang bagay mula sa mga basura o lumang kagamitan?
A. pagkamalinis
B. pagkamabuti
C. pagkamalikhain
D. pagkamatapang

30. Ang mga sumusunod ay mabuting dulot ng pagiging malikhain maliban sa isa.
A. pagsasayang ng oras at lakas
B. karagdagang kita ng pamilya
C. pagbabawas ng kalat at basura sa bahay
D. nalilinang ang kaisipan sa pag-imbento ng bago

31. Nasiria nag paboritong halaman ng iyong ina dahil sa nakawalang asong inyong
kapitbahay. Ano ang pinamakamabuting gawin?
A. Sabihin sa kapitbahay na itali nang maayos ang kanilang aso upang hindi ito
manira ng mga halaman at gamit.
B. Hampasin ng kahoy ang aso upang magtanda
C. Isumbong sa nanay ang nangyari
D. Pagsabihan ang aso.

32. Habang nagmamaneho si Mang Ador, nakita niya ang dalawang guhit na dilaw sa
kalsada. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Babagalan ang pagmamaneho.
B. Susundin niya ang kaniyang linya.
C. Magpaparada siya sa gilid ng kalsada.
D. Bibilisan niyang magmaneho at mag-over take.

4|Q3-ESP 6
33. Pumasok ka sa isang opisina at nabasa mo ang nakasulat na “Wear your face mask
and maintain social distancing”. Wala kang face mask na dala. Ano ang iyong
gagawin?
A. Pagalitan ang nasa opisina
B. Bumalik at bibili/kukuha ng face mask
C. Umalis na lang at hindi na babalik
D. Sundin ito na may poot sa kaisipan.

34. Isang batas ng ating bansa ang pagbabawal ng pagpuputol ng kahoy pero
kailangan mo ang mga kahoy sa paggawa ng bahay mo. Alin ang tamang gawin?
A. Hindi na magpagawa ng bahay.
B. Makitira na lang sa ibang taong may ibang bahay.
C. Humingi ng paumanhin sa kinakaukulan at palitan ang pinutol
D. Magputol ng kahoy nang maaga upang hindi pa pumapasok ang mga taga-
DENR

35. May kaibigan kang naninigarilyo. Paano mo mahihikayat ang iyong kaibigan na
ihinto ang paninigarilyo?
A. Iwasan na lamang siya.
B. Sabihin sa kaniya ang masamang epekto nito.
C. Kutyain at pagtawanan siya sa kaniyang ginagawa.
D. Sabayan siya sa kaniyang bisyo upang manatili kayong magkaibigan.

36. Ang Animal Welfare Act ay batas na protektahan ang kaligtasan ng mga hayop
maging ito ay alaga o mula sa gubat. Paano ka makatutulong na ipatupad ito?
A. Mangaso sa kagubatan at ibenta habang hindi pa nahuhuli.
B. Sabihan ang mga nangangaso na ihinto ang ilegal na gawain habang
maaga pa.
C. Balewalain ang mga nakikitang ilegal na pangangaso at pagpapahirap sa
mga hayop.
D. Maging isa sa mga mamimili sa mga ibinibentang hayop na hinuli sa mga
kagubatan.

37. Nakita mo ang iyong kuya na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ano ang
gagawin mo?
A. Pagalitan siya.
B. Isumbong sa mga magulang.
C. Isumbong kaagad sa mga pulis upang hulihin siya.
D. Kausapin siya nang maayos at saka isumbong sa magulang.

38. Namatay ang mga isda sa ilog dahil sa hindi pagtigil na pagtatapon ng mga tao
ng basura. Ano ang pinapakatotoo tungkol dito?
A. Kulang ng pagpapaliwanag ang pamahalaan sa mga batas.
B. Kulang ng pagpaptupad sa batas ang mga opisyales.
C. Marahil dapat nang parusahan ang mga tao.
D. Matigas ang ulo ng mga tao.

39. “Habulin natin ang red light para makatawid”, ang sabi ni Cheska. Ano ang
gagawin mo?
A. Susunod ka kay Cheska.
B. Isumbong si Cheska sa nagta-traffic na pulis.
C. Pigilan si Cheska at tumawid lamang kung green light.
D. Tama ang sinabi ni Cheska dahil nagmamadali kayo.

40. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabuting paraan upang makatulong sa


pagpapanatili ng kapayapaan?
A. Sumunod sa mga batas at tuntunin.
B. Sundin lang ang batas na gustong tuparin.
C. Hayaan na ang ibang tao ang susunod sa mga batas.
D. Sundin ko ang batas kapag sinusunod ng aking kaibigan.

5|Q3-ESP 6
***** Wakas *****

6|Q3-ESP 6

You might also like