You are on page 1of 7

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN IV

Pangalan:______________________________________________ Iskor:____________
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mag-anak ni Mang Karding ay nakatira malapit sa malawak na taniman ng palay. Anong uri ng
hanap buhay ang naaangkop sa kanilang lugar?
A. Pangingisda C. Pagmimina
B. Pagsasaka D. Pangangaso
2. Nangunguna sa pagtatanim ng mais ang Cebu. Ang mga lalawigang bulubundukin tulad ng Tagaytay
at Baguio naman ay kilala sa taniman ng mga ________?
A. Gulay, prutas at bulaklak C. Kape
B. Tubo, saging at kahel D. Pinya
3. Ang mga taga Marikina ay kilala sa pagiging mahusay sa mga gawaing pang negosyo. Anong uri ng
mga produkto ang kanilang nililikha o ginagawa?
A. Damit at pantalon C. Alak at lata
B. Alahas at palamuti D. Bag at sapatos
Tukuyin kung anong uri ng kapakinabangang pang-ekonomiko ang isinasaad sa bawat bilang. Piliin sa loob
ng kahon ang sagot.

A. Turismo
B. Kalakal at Produkto
C. Enerhiya

_______4. Taniman ng Strawberry sa Baguio


_______5. Bulkang Mayon
_______6. Bangui Windmill
7. Ito ay pagtaas ng temperatura ng atmospera ng mundo sanhi ng mga chloroflourocarbons na nanggagaling
sa mga industriya at maging sa mga kabahayan.
A. Global warming C. Polusyon
B. Greenhouse Effect D. Climate Change
8. Ano ang nagiging sanhi ng pagkamatay at pagkasira ng mga yamang tubig?
A. Paghuli ng mga isda sa dagat C. Pagtatapon ng mga basura at langis sa katubigan
B. Paliligo ng mga tao sa dagat D. Pagbebenta ng mga yamang dagat
9. Ano ang maaaring mangyari kung hindi natin pangangalagaan nang maayos ang ating likas na yaman?
A. Masisira ang ating likas na yaman
B. Magiging maayos pa rin ang kabuhayan ng mga tao
C. Mapag – iibayo pa natin ang pakinabang sa ating likas na yaman
D. Magiging mas maunlad ang ekonomiya ng bansa.
10. Ang iyong kaibigan ay laging nagtatapon ng mga bagay na alam mong maari pang gamiting muli. Ano
ang gagawin mo upang maiwasto ang ginagawa ng kaibigan mo?
A. Isusumbong ko siya sa mga magulang niya.
B. Sasabihin ko sa guro niya ang maling ginagawa niya
C. Kukunin ko ang mga itinapon niya na pwede ko pang mapakinabangan
D. Tuturuan ko siya ng mga pamamaraan kung paano muling mapapakinabangan ang mga bagay sa
akda niya ay basura na
11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong paggamit ng likas na yaman?
A. Pagsusunog basura C. Bio – intensive gardening
B. Paggamit ng dinamita sa pangingisda D. Pagtatayo ng pabrika malapit sa ilog o dagat
12. Napansin mo ang iyong kaklase na sa kaunting pagkakamali sa pinasusulat ng guro ay agad niya nang
tinatapon ang kaniyang papel. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko siya papansinin C. Gagayahin ko rin siya
B. Isusumbong ko siya sa aming guro D. Pagsasabihan ko siya at ipapaliwanag sa kaniya ang
kahalagaan ng papel
13. Alin sa mga ito ang may pananagutang magbigay ng kaalaman sa mga mag-aaral tungkol sa tamang
paraan ng pangangasiwa ng likas na yaman?
A. Pamahalaan C. Simbahan
B. Paaralan D. Pamilya
14. Ang _________ ay may tungkuling hubugin ang mga anak nang may pagpapahalaga sa kalikasan.
A. Pamilya C. Paaralan
B. Simbahan D. Pamahalaan
15. Ito ang itinalagang ahensiya ng pamahalaan upang mangasiwa ng ating kalikasan at kapaligiran.
A. DepEd C. PAG-ASA
B. DENR D. DSWD
16. Maipapakita mo ang wastong pangangasiwa ng yamang lupa sa pamamagitan ng _______________.
A. Pagtatanim ng mga puno at halaman
B. Pagsusunog ng mga puno sa kagubatan at kabundukan
C. Paggamit ng mga kemikal sa pananim
D. Paghuli ng mga hayop sa kagubatan at kabundukan upang ibenta
17. Alin sa mga ito ang HINDI wastong mungkahing paraan ng pagkuha sa mga yamang tubig?
A. Huwang gumamit ng dinamita sa pangingisda
B. Iwasan ang pagtatapon ng basura sa tubigan
C. Pagtatayo ng bahay sa ibabaw at tabi ng ilog o estero
D. Magtayo ng mga water treatment plant
18. Nakatutulong ka sa pag-unlad ng bansa kung ______________.
A. Bumibili sa supermarket ng imported na chocolates
B. Bumibili ng pitakang gawa sa abaka
C. Gumagamit ng imported na pabango
D. Bumibili ng panregalong galing sa ibang bansa
19. Bakit kailangang tangkilikin ang sariling produkto?
A. Upang umangat ang produktong Pilipino sa ibang bansa
B. Upang maging ambag sa kabang – yaman ng bansa
C. Upang makatulong sa pagpapatuloy ng hanapbuhay ng mga manggagawang tampok sa pagbuo ng
mga produkto.
D. Lahat ng nabanggit
20. Alin sa mga batang ito ang nagpapakita ng kahalagahan sa pagtangkilik ng sariling produkto sa pag-
unlad?
A. Si Miel na tuwang –tuwa sa pasalubong sa kanyang laruan galing sa Japan
B. Si Ana na humiling ng regalo na imported na pabango
C. Si Cheska na nagpadala ng dried mangoes mula sa Cebu sa kamag-anak na nasa Canada
D. Si Rolly na ayaw gamitin ang sapatos na gawa sa Marikina
21. Ito ay nagsisilibing isa sa mga hamon para sa mga magsasaka.
A. Makabagong teknolohiya C. Bagong pag-aaral tungkol sa pagsasaka
B. Kawalan ng control sa presyo ng mga produkto D. Paghikayat sa mga OFW na mamuhunan
22. Kabilang sa mga hamon sa mga gawaing pangkabuhayan sa Pilipinas tulad ng pangingisda at pagsasaka
ang pagbabago ng klima at iba pang likas na mga pangyayari tulad ng kalamidad at El Niño Phenomenon.
Ano ang ibig ipakahulugan nito?
A.Malaki ang epekto ng kalikasan sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa.
B. Maraming hamon at oportunidad na hinaharap ang iba’t ibang mga gawaing pangkabuhayan ng
bansa
C. Sa kabila ng mga hamon, dapat puro oportunidad lamang ang isipin ng mga magsasaka at
mangingisda.
D. Dapat manatiling matatag ang mga magsasaka at mangingisda dahil marami pang ibang hamon na
darating sa kanila.
23. Bilang isang mag-aaral, ano ang magagawa mo bilang pakikiisa sa likas – kayang pag-unlad?
A. Itatapon ang aking basura kung saan walang nakakakita
B. Hahayaan kong bukas ang gripo ng tubig kahit hindi ginagamit
C. Makikinig nang husto at isasagawa ang mga araling tinatalakay ng guro tungkol sa kalikasan
D. Lahat ng nabanggit
24. Paano makatutulong ang isang guro sa pagpapaunlad ng likas-kayang pag-unlad sa sustainable
development?
A. Pag-aayos ng mga nasirang “ecosystem”
B. Pagkakaroon ng Property Rights Reform
C. Pagpapaigting ng edukasyong Pangkalikasan
D. Pagbabawas sa pagpapalaki ng mga rural na lugar
25. Ang pangkat-etnikong gumawa ng Hagdan-hagdang Palayan sa pamamagitan lamang ng kanilang
malikhaing mga kamay.
A. Ifugao C. Manobo
B. Samal D. Ivatan
26. Ang mga awiting ito ay ilan lamang sa mga kilalang awitin ng mga Ilokano.
A. Dandansoy at Alibangbang C. Darangan at Pakaradi-an
B. Manang Biday at Pamulinawen D. Waray waray at kalisud
27. Sa kanila natin natutunan ang pagsasagawa ng malaking pista sa pag-alaala sa Santong Patron ng mga
bayan.
A. Arabe B.Amerikano C. Espanyol D. Tsino

28. Ang pagpapahalaga sa edukasyon at kalusugan ang pinaka mahalagang kontribusyon nila sa ating bansa.
A. Amerikano B. Espanyol C. Arabe D. Tsino
29. Ito ang simbahang matatagpuan sa Intramuros na maihahalintulad sa naggagandahang mga simbahan sa
ibang bansa at itinayo noong 1598 ng mga Kastila.
A. San Agustin C. San Isidro Labrador
B. San Isidro D. Immaculate Conception
30. Matatagpuan ang simbahang ito sa Ilocos Norte na gawa sa mga hinubog na bricks at korales.
A. San Isidro C. San Agustin
B. San Isidro Labrador D. Paoay

31. Ang kultura ay bahagi na ng ating pang araw-araw na pamumuhay. Bilang isang mamamayang Pilipino,
sa paanong paraan mo maipagmamalaki ang kulturang Pilipino?
A. Panonood ng mga cultural dance
B. Pagbili ng mga produkto ng iba’t ibang bansa
C. Panonood ng mga pelikulang Pilipino at banyaga
D. Pamamasyal sa ibang bansa kaysa mga pamanang pook o lalawigan ng bansa
32. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong imungkahi sa pagsusulong at pagpapaunlad ng Kulturang Pilipino?
A. Mahalin ang ating kultura
B. Bigyang halaga ang ating kultura
C. Kilalanin at huwag ikahiya ang kultura natin
D. Lahat ng nabanggit
33. Kilala ang mga Pilipino sa iba’t ibang kaugalian, tradisyon, at pagkain. Anu-ano ang iba pang mga
katangian ng isang Pilipino?
A. Bayanihan
B. Magagalang at maawain
C. Mabuting makisama
D. Lahat ng nabanggit
34. Ang kaugaliang nagiging masigasig lamang sa umpisa ngunit hindi natatapos ang gawain.
A. Bahala na C. Mañana habit
B. Ningas Cogon D. Pakikisama
35. Ang Bulacan ay isang maunlad na lungsod. Maraming mall at malalaking gusali rito. Marami ring mga
tindahan sa iba’t ibang bayan. Ano kayang hanapbuhay ang bagay sa mga taong nakatira sa kabayanan?
A. Pagtitinda C. Pangingisda
B. Pagsasaka D. Pagkakarpintero
36. Ang Pilipinas ay napaliligiran ng katubigan at sagana ito sa mga yamang tubig. Ano ang pinaka-angkop
na hanapbuhay ng mga taong nakatira malapit dito?
A. Pagmamaneho C. Pagmimina
B. Pagsasaka D. Pangingisda
37. “Lupang Hinirang” ang pamagat ng pamabansang awit ng Pilipinas. Ano ang kahulugang ipinaparating
sa ating mga Pilipino?
A. Isinasalaysay ng awit ang pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kalayaan
B. Ipinapahayag din nito ang pagmamahal sa bayan
C. Isinasaad ang kahandaang ipagtanggol ito sa anumang pagkakataon
D. Lahat ng nabanggit
38. Isa sa mahahalagang simbolo ng bansa ang watawat ng Pilipinas. Ang unang bituin ay para sa Luzon na
ang pangalan ay mula sa salitang “Lusong” na ginagamit sa pagtanggal ng ipa at darak sa palay. Ito ay
sumasagisag sa ______________________.
A. Kasipagan ng mga Pilipino
B. Tungkulin ng mga Pilipino na pangalagaan ang kalikasan
C. Saya ng kilos at kalooban ng mga Pilipino
D. Tungkulin ng mga Pilipinong ingatan ang kalikasan gaya ng yamang – tubig ng Pilipinas
39. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa Kulturang Pilipino maliban
sa isa. Ano ito?
A. Pagsasaliksik sa mayamang kultura ng bansa
B. Pagtangkilik sa Larong Pinoy
C. Pagtayo nang tuwid habang inaawit ang pambansang awit
D. Pagkalimot sa ating mga tradisyong kinagisnan
40. Bilang isang mamamayang Pilipino, anong malikhaing paraan ang maimumungkahi mo na
magpapakilala ng pagmamalaki sa kultura ng mga rehiyon sa bansa?
A. Pag-aralan ang mga katutubong sayaw, awitin at sining at sikaping maipakita ang mga ito sa
ibat’t ibang pagtatanghal
B. Tangkilikin ang mga produktong gawang Pilipino
C. Patuloy na magsaliksik at pag-usapan ang mayamang kultura ng bansa
D. Lahat ng nabanggit
Prepared by:
YOLANDA M. ALABAS
MT – 1
Noted:
LYDFRED L. GAGARIN
Head Teacher – III

TABLE OF SPECIFICATION IN AP IV
Second Grading

No. of No. Level of Difficulty Total


Contents Days Percent of No. of
Taught Items Easy Average Difficult Items
1. Nailalarawan ang mga gawaing
pangkabuhayan sa iba't ibang lokasyon
ng bansa
1.1. Naiuugnay ang kapaligiran sa uri 1 2.22 0.89 1 1
ng hanapbuhay 1
1.2. Naihahambing ang mga produkto 2 4.44 1.78 1 1
at kalakal na matatagpuan sa iba't ibang 2
lokasyon ng bansa.
1.3 . Nabibigyang-katwiran ang pag-aangkop 1 2.22 0.89 1 1
na ginawa ng mga tao sa kapaligiran upang 3
matugunan ang kanilang pangangailangan
2. Nailalarawan ang iba't ibang pakinabang 3 6.67 2.67 2 1 3
pang ekonomiko ng mga likas yaman 4,5 6
ng bansa.
3. Nasusuri ang kahalagahan ng matalinong
pagpapasya sa pangangasiwa ng mga
likas na yaman ng bansa
3.1. Natatalakay ang ilang mga isyung 2 4.44 1.78 2 2
pangkapaligiran ng bansa 7,8
3.2. Naipaliliwanag ang matalino at di- 3 6.67 2.67 1 1 1 3
matalinong mga paraang pangangasiwa 9 10 11
ng mga likas na yaman ng bansa
3.3. Naiuugnay ang matalinong panga- 2 4.44 1.78 1 1
ngasiwa ng likas na yaman sa pag-unlad 12
ng bansa
3.4. Natatalakay ang mga pananagutan 3 6.67 2.67 2 1 3
ng bawat kasapi sa pangangasiwa at 13,14 15
pangangalaga ng pinagkukunang yaman
ng bansa
3.5. Nakapagbibigay ng mungkahing 2 4.44 1.78 1 1 2
paraan ng wastong pangangasiwa ng likas 16 17
yaman ng bansa

4. Naiiugnay ang kahalagahan ng pagtangkilik 3 6.67 2.67 2 1 3


ng sariling produkto sa pag-unlad at 18,19 20
pagsulong ng bansa
5. Natatalakay ang mga hamon at oportunidad 3 6.67 2.67 1 1 2
sa mga gawaing pangkabuhayan ng 21 22
bansa
6. Nakakalahok sa mga gawaing lumilinang 2 4.44 1.78 1 1 2
sa mga pangangalaga at nagsusulong ng 23 24
likas kayang pag-unlad ng mga likas yaman
ng bansa.
7. Nailalarawan ang mga pagkakakilanlang
kultural ng Pilipinas
7.1. Natutukoy ang ilang halimbawa ng 3 6.67 2.67 1 1 2
kulturang Pilipino sa iba't ibang rehiyon 25 26
ng Pilipinas
7.2. Natatalakay ang kontribusyon ng mga 2 4.44 1.78 1 1 2
iba't ibang pangkat sa kulturang Pilipino 27 28
7.3. Natutukoy ang mga pamanang pook 2 4.44 1.78 1 1 2
bilang bahagi ng pagkakakilanlang 29 30
kulturang Pilipino
7.4. Nakagagawa ng mungkahi sa pag- 2 4.44 1.78 1 1 2
susulong at pagpapaunlad ng kulturang 31 32
Pilipino
8. Nasusuri ang papel na ginagampanan 3 6.67 2.67 1 1 2
ng kultura sa pagbuo ng pagkakilanlang 33 34
Pilipino
9. Naipapakita ang kaugnayan ng heograpiya, 2 4.44 1.78 1 1 2
kultura at pangkabuhayang gawain sa 35 36
pagbuo ng pakakilanlang Pilipino
10. Natatalakay ang kahulugan ng pambansang 2 4.44 1.78 1 1 2
awit at watawat bilang mga sagisag ng 37 38
bansa
11. Nakabubuo ng plano na magpapakilala 2 4.44 1.78 1 1 2
ng pagmamalaki sa kultura ng mga 39 40
rehiyon sa malikhaing paraan
45 100 40 24 12 4 40

ANSWER KEY: AP 4

1. B 8. C 15. B 22. B
2. A 9. A 16. A 23. C
3. D 10. D 17. C 24. C
4. B 11. C 18. B 25. A
5. A 12. D 19. D 26. B
6. C 13. B 20. C 27. C
7. A 14. A 21. B 28. A
29. A 32. D 35. A 38. A
30. D 33. D 36. D 39. D
31. A 34. B 37. D 40. D

You might also like