You are on page 1of 4

Department of Education

Region V-Bicol
Schools Division Office
Tabaco West District A
BUHIAN ELEMENTARY SCHOOL
Buhian Tabaco City

IKALAWANG PAMANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN IV

Pangalan:________________________________________ Petsa:__________ Iskor:______

A. Anong uri ng hanapbuhay ang iyong maiiuugnay sa paglalarawan ng kapaligiran sa bawat bilang?Piliin ang
iyong sagot sa loob ng kahon.

pagtatanim pangingisda pag-aalaga ng hayop paghahabi


1. Ang mag-anak na Dalisay ay nakatira sa kapatagan. Marami silang nakahandang pananim para sa darating
na tag-araw. Ang lugar nila ay angkop sa ________________.
2. Malapit sa dagat o katubigan ang tirahan ng mag-asawang San Chai at Dao Ming Si. Karamihan sa
kanilang mga kapitbahay ay may mga sariling bangka kaya nagpagawa rin sila ng kanilang sarili. Ang
kanilang lugar ay naangkop sa _______________.
3. Ang mga lalawigan ng Bukidnon, Batangas at Mindoro ay may malawak na pastulan ng hayop tulad ng
baka at kambing Angkop ang lugar na ito sa anong uri ng hanapbuhay? ________________

B. Gamit ang venn diagram , ihambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga produkto at kalakal sa
Rehiyon V at Rehiyon XIII. (4-6)

Rehiyon V Rehiyon XIII


C. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
7. Pinatatakbo ang mga planta ng kuryente sa pamamagitan ng puwersa ng tubig mula sa talon ng Maria
Cristina , lawa ng Caliraya at lakas ng hangin sa Bangui Ilocos Norte sa pamamagitan ng windmill. Anong
pakinabang na pang-ekonomiko ang naibibigay nito?
a. pakinabang sa kalakal b. pakinabanng sa produkto
c. pakinabang sa turismo d. pakinabang sa enerhiya
8. Anong pakinabang na pang-ekonomiko ang naibibigay ng nasa larawan?
a. pakinabang sa turismo b. pakinabang sa produkto
c. pakinabang sa kalakal d. pakinabang sa enerhiya
9. Ano ang global warming?
a. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperatura ng atmospera
ng mundo sanhi ng mga chlorofluorocarbons na nanggagaling sa mga
industriya at maging sa kabahayan.
b. Ang global warming ay ang pagsusunog sa kagubatan para makagawa ng uling, upang pagtamnan
ang lupa o pagtatayuan ng tirahan o komersiyal na gusali.
c. Ang global warming ay ang malakihang pagpapatayo ng mga industriya , pagtatatag ng kalakalan
at iba pang mga gawaing pang-ekonomiya.
d. Ang global warming ay bunga ng walang habas na pagpuputol ng malalaking punongkahoy sa
kabundukan at kagubatan.
10. Ano ang magiging bunga ng walang habas na pagpuputol ng malalaking punongkahoy sa kabundukan at
kagubatan?
a. Maraming mga bagong gusali ang maaaring maitayo.
b. Maaaring magkaroon ng pagbaha at gumuho ang mga lupa.
c. Maraming mga punongkahoy ang maibebenta.
d. Maglilikha ito ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.
11. Alin ang matalinong paraan ng pangangasiwa ng mga likas na yaman?
a. Paggamit ng organikong paraan sa pagtatanim kahit sa maliit na espasyo o lupa lamang.
b. Pagtatatag ng mga sentrong kanlungan para sa mababangis na hayop at mga ligaw na halaman.
c. Pagpapanatiling malinis ng lahat ng katubigan, kanal, ilog at dagat.
d. Lahat ng nabanggit.
12. Alin sa mga sumusunod ang di matalinong pamaraan ng pangangasiwa ng ating likas na yaman?
a. Pagsasagawa ng bio-intensive gardening
b. Pagtatatag ng mga sentro o sanctuary para sa mga yamang-tubig.
c. Hagdang-hagdang pagtatanim
d. Paggamit ng sobrang kemikal sa pananim at sa lupa
13. Ang iyong kapatid ay mahilig magtapon ng mga bagay na alam mong maaari pang gamiting muli. Ano ang
gagawin mo para maiwasto ang ginagawa ng kapatid mo?
a. Isusumbong ko siya sa aming mga magulang.
b. Sasabihin ko sa guro niya na turuan ang kapatid ko tungkol sa 3Rs
c. Kukunin ko ang mga itinatapon niya na pwede ko pang mapakinabangan.
d. Tuturuan ko siya kung paano muling mapakinabangan ang mga bagay na akala niya ay basura na.
14. Bakit maraming lugar, lungsod at lalawigan sa ating bansa gaya ng Palawan at Davao ang maunlad?
a. Dahil lahat ng taong nakatira sa lugar na ito ay masisipag.
b. Dahil lahat ng naninirahan sa mga lugar na ito ay lahat nakapagtapos ng pag-aaral.
c. Dahil sa matalino at wastong pangangasiwa ng kanilang likas na yaman.
d.Dahil matalino at madiskarte ang mga namumuno sa lugar na ito.
15. Ano ang maaaring kalabasan kung matalino at wastong pinangangasiwaan ng mga tao ang kanilang likas
na yaman?
a. Marami ang magnanais magnegosyo o mag-invest sa isang lugar.
b. Uunlad ang kalakalan at turismo.
c. Makakakuha ng maraming prutas at iba pang produkto na maaaring ipagbili.
d. Lahat ng nabanggit.
16. Alin sa mga sumusunod ang nakatutulong sa pag-unlad ng bansa?
a. Pagbili ng mga imported na dark chocolate sa supermarket.
b. Paghiling ng pasalubong na imported na pabango na ipagbili sa mga kaibigan.
c. Pagbili ng mga dried mangoes mula sa Cebu.
d. Pagbili ng mga damit na gawa sa ibang bansa.
17. Paano nakatutulong sa pag-unlad at pagsulong ng bansa ang pagtangkilik sa sariling produkto?
a. Ito ay malaking ambag sa kabang-yaman ng bansa at sa pag-angat pa ng mga produkto sa ibang
bansa.
b. Ito ay nakatutulong sa pagpapatuloy ng hanapbuhay ng mga mangagawang tampok sa pagbuo ng
mga produkto.
c. Ito ay pagkakataon upang maipakilala ang mga produktong gawang Pilipino sa buong mundo.
d. Lahat ng nabanggit
18.Alin sa mga sumusunod na awitin ang nagmula at kilala sa Rehiyon V-Bicol?
a. Manang Biday b. Dadansoy c. Sarung Banggi d. Alibangbang
19. Ang mga Ilonggo ay bantog sa _____________.
a. paggawa ng mga kakanin at minatamis tulad ng pinasugbo, barkilyos, piya-piya at kalamay-hati
b. paggawa ng gitarang tinatawag na kutibeng
c. pagdiriwang ng Pista ng Parol tuwing pasko
d. pagkaing may gata at sili
20. Ang kanilang mga tahanan ay may dekorasyong sarimanok na kanilang pinaniniwalaang nagbibigay ng
lakas, kayamanan at kasikatan sa isang mamamayan.
a. Tagalog b. Maranao c. Ilonggo d. Waray
21. Sila ang gumawa ng Rice Terraces na walang gamit na makina, ginawa ito sa pamamagitan ng kanilang
mga kamay.
a. ifugao b. Yakan c. Manobo d. Samal
22. Alin sa mga sumusunod ang impluwensya ng Tsina sa kulturang Pilipino?
a. relihiyong Islam b. pagkain ng lechon c. edukasyon d. katawagang ate, kuya
23 . Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng mga Amerikano sa Pilipinas?
a. edukasyon b. relihiyon c. siesta d. pagkain
24. Mahigit 200 taon itong ginawa at tanging mga kamay lamang ang ginamit ng mga Ifugao sa pagbuo nito.
a. Simbahan ng Paoay b. Hagdang-hagdang Palayan
c. Simbahan ng San Agustin d. Lumang estruktura sa Vigan
25. Yari ito sa korales at bricks
a. Simbahan ng Paoay b. Hagdang-hagdang Palayan
c. Simbahan ng San Agustin d. Lumang estruktura sa Vigan
26. Sinasagisag nito ang pagkamaharlika at katatagan ng kulturang Pilipino.
a. Simbahan ng Paoay b. Hagdang-hagdang Palayan
c. Simbahan ng San Agustin d. Lumang estruktura sa Vigan

D. Ilagay sa kahon ang mga HAMON at sa puso naman ang mga OPORTUNIDAD sa gawaing
pangkabuhayan. Isulat lamang ang titik ng iyong sagot. (27-31)

a. mga sakuna sa dagat d. makabagong teknolohiya sa pagsasaka

b. El Niño phenomenon e. pagpapatayo ng mga bagong pantalan

c. suliranin sa irigasyon
E. Tukuyin kung sino ang gaganap sa sumusunod na pananagutan. Isulat sa patlang ang titik ng iyong sagot.
A – Pamahalaan D - Pamilya
B – Paaralan E – Pribadong Samahan
C – Simbahan F – Mamamayan

___32. Hinuhubog ang mga anak sa tamang pangangalaga ng kalikasan.


___33. Gumagawa ng mga batas at programa para sa kalikasan.
___34. Tinuturuan ang mga mag-aaral ng mga paraan sa wastong pangangasiwa ng mga pinagkukunang
yaman.
___35. Magkaroon ng disiplina sa sarili.
___36. Ipabatid sa mga tao ang tunay na kalagayan ng ating kapaligiran
___37. Disiplinahin ang mga anak.

F. Bilang mag-aaral, magbigay ka ng mga paraan ng wastong pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa

38. __________________________________________________________________________

39. __________________________________________________________________________

40. __________________________________________________________________________

Inihanda ni:
G. Ronnel Jay B. Rodriguez
Teacher I

You might also like