You are on page 1of 2

Department of Education

Region V-Bicol
Schools Division Office
Tabaco West District A
BUHIAN ELEMENTARY SCHOOL
Buhian Tabaco City

Banghay- Aralin sa Filipino IV


Hulyo 05 , 2018

 Pamantayang Pangnilalaman
 Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan, at damdamin
 Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
 Pamantayan Sa Pagganap
 Nakabibigkas ng tula at iba’t-ibang pahayag nang may damdamin, wastong tono at intonasyon
 Natatalakay ang paksa o isyung napakinggan

 Pamantayan sa Pagkatuto
 Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa mga
– bagay
- pangyayari sa paligid (F4WGIa-e2)
 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa mahahalagang detalye ng napakinggang balita (F4PN-Id-h3.2)

I. Layunin
A. Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa mga bagay at pangyayari sa
paligid
B. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa mahahalagang detalye ng napakinggang balita
II. Nilalaman
Paksa: Wastong Paggamit ng Pangngalan/Pagsagot ng Tanong Tungkol sa Mahahalagang Detalye ng
Napakinggang Balita
III. Kagamitang Panturo
Pinagyamang Pluma pp.31-36
kopya ng balita
IV. Pamamaraan
A. Balik-aral
Ano ang pangngalan? Anong dalawang uri nito?
B. Paggyanyak
Nanonood po ba kayo ng balita? Mahalaga bang manood ng balita?
B. Paglalahad
Basahin ang balita sa mga mag-aaral.

1,268 barangay sa Visayas at Mindanao, Nasa Peligro ng Landslide


Mula sa datos na inilabas ng Mines and Geosciences Bureau o MGB, napag-
alamang may 1, 268 barangay sa Visayas at Mindanao ang itinuturing na nasa lugar na
peligroso o high risk sa landslide o pagtabag dahil sa kinalalagyan ng mga ito. Ang mga
nasabing barangay ay matatagpuan sa sumusunod na mga rehiyon:
Rehiyon Bilang ng Barangay
Rehiyon VI 269
Rehiyon VII 129
Rehiyon VIII 410
Rehiyon IX 53
Rehiyon X 62
Rehiyon XI 80
Rehiyon XII 193
CARAGA 72
TOTAL 1,268

Ang pagdating ng malalakas na pag-ulan ay maaaring magdulot ng landslide sa mga


lugar na nabanggit kaya’t payo ng MGB sa mga residente na lumikas agad kung
kinakailangan at sumunod sa mga ilalabas na warning o babala ng mga lokal na
pamahalaan. Ang paghahanda ng ilang kasuotan at pagkaing agad mabibitbit sa biglaang
paglikas ay iminumungkahi bilang bahagi ng paghahanda sapagkat isa sa mga peligro sa
mga nabanggit na lugar ay ang posibleng pagragasa ng putik at mga bato sa kasagsagan
ng malalakas na pag-ulan. Maging ang mga grupo o organisasyong tumutulong sa mga
biktima ng kalamidad ay naghahanda rin para agad makapagdadala ng tulong kung
kinakailangan.

C. Pagtatalakay
 Itanong:
1. Sa anong bagay pinag-iingat ang mga mamamayan sa mga nabanggit na lugar?
2. Kung ikaw ay kabilang sa mga barangay na binanggit ng MGB, ano-ano ang gagawin
mo at ng iyong pamilya upang matiyak ang inyong kaligtasan?
3. Bakit kailangang maging mapagmasid sa mga nangyayari sa paligid lalo na sa panahon
ng bagyo o malalakas na pag-ulan?
 Ipabasa ang ilang salita sa talahanayang hango mula sa balita:
A B C
residente grupo problema
ulan organisasyon kahinaan
putik
bato
Suriin ang mga salita sa talahanayan. Ang lahat ng mga ito ay mga pangngalan.
Talakayin ang uri ng pangngalan (ayon sa konsepto)
1. pangngalang kongkreto o tahas
- maaaring mabilang, mahawakan, makita, marinig, maamoy, o malasahan o
madama n gating mga pandama
2. pangngalang palansak
- pangkat ng isang uri ng pangngalan
3. pangngalang basal o di konkreto
- di materyal, maaaring isang ideya, kaisipan, o damdamin.

D. Gawain
 Hatiin sa limang pangkat ang klase.
 Salungguhitan ang lahat ng pangngalang ginamit sa talata sa ibaba. Gawing gabay ang
inaasahang bilang ng pangngalan sa bawat pangungusap. Pagkatapos ay isulat sa
tamang hanay ang mga salitang sinalungguhitan mo.
 Tingnan sa pp.34-35 (Pinagyamang Pluma)(bigyan ng kopya ang bawat pangkat)

E. Paglalahat
Paano mo ba matutukoy ang damdaming ipinapahayag ng isang tagapagsalita?

F. Pagtataya
Gamitin ang angkop na pangngalan sa mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang iyong sagot
sa kahon.
1. Ang batang tulad ni Wasana ay tiyak na magiging mabuting _________. grupo
2. Maaasahan kasi siyang magliligtas sa panahon ng bagyo at ____________. kabutihan
kaibigan
3. Sa isang _____ay makabubuti kung may mga miyembro o kasapi tulad niya.
kalamidad
4. Siya ay naging isang mabuting______ kaya dapat tularan ng ibang bata. halimbawa
5. Dahil sa kanyang mga nagawa, pipilitin ko ring makagawa ng ____ sa aking kapwa.

V. Mga Tala

VI. Pagninilay

You might also like