You are on page 1of 6

School: F.A.

REYES MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL Grade and Section: IV – Escueta


Detailed
Teacher: JENETTE M. ESCUETA Quarter : Four
Lesson
Plan Date: May 02, 2023 Week: One

I. LAYUNIN HEALTH
A. Pamantayang Pangnilalaman Nakapagpapakita ng pag-unawa sa mga angkop na pagtugon sa panahon ng kalamidad,
sakuna, at iba pang lubhang mapanganib na sitwasyon.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ang mga angkop na tugon sa panahon ng kalamidad at sakuna.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
(code) Natutukoy ang Iba’t ibang uri ng Kalamidad o Sakuna. H4IS-IVa-28

II. NILALAMAN Mga Uri ng Kalamidad sa Aking Komunidad


INTEGRASYON:
Integration of Relevant and Current Issues - DRRM
Appreciation of Culture – “PABUNOT”
Filipino – Naibibigay ang kahulugan ng Salita Ayon sa Kasingkahulugan F4PT – Ig – 1.4
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Health TG pages 195 - 199
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- Health LM pages 380-384
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan Mula sa
Portal ng Learning Resource Activity sheet, activity notebook, mga larawan, video and PowerPoint presentation, strips,
SLM, Graphic Organizer, Charts, pictures
B. Iba pang Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Pagsisimula ng Bagong Aralin Ano ang Lilinawin?

“HANAPIN ANG KAPARTNER”


(TALASALITAAN)

Hahatiin sa tatlong pangkat ang mga bata.. Pangkat ng mga paru-paro, mga bubuyog, at mga
bulaklak. Sila ay bibigyan ng mga salita na nakasulat sa “strips” at kanila itong babasahin.
Pagkatapos ay hahanapin nila ang kanilang kapartner sa pamamagitan ng kasingkahulugang
salita ng salitang kanilang hawak-hawak.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin


Ano ang Mayroon?

“PABUNOT”

Magtatanong sa mga bata sa pamamagitan ng “PABUNOT” kung saan ang mga bata ay
bubunot upang makuha ang tanong. Ito ay upang malaman kung ano ang mga nalalaman ng
mga bata tungkol sa aralin bago ito talakayin.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Ano ang Kailangan?


sa Bagong Aralin
“UNA-UNAHAN SA PAGBUO NG PUZZLE”

Hahatiin sa limang grupo ang mga bata at bibigyan ang bawat grupo ng puzzle na kanilang
bubuuin. Kapag nabuo na nila ang puzzle na ibinigay at kanila itong ipapaskil sa pisara.
Ang kauna-unahang makakatapos ang tatanghaling panalo.

D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto Ano ang Bago?


at Paglalahad ng Bagong
Kasanayan # 1 “PANONOOD NG VIDEO”

Ang kalamidad o sakuna ay pangyayari na sanhi ng mga pagbabago sa kundisyon ng


kalikasan at maaring magdulot ng pagkawasak o pagkawala ng mga ari-arian at
kapahamakan sa buhay ng tao. Ilan sa mga ito ay bagyo,, lindol, pagsabog ng bulkan
(volcanic eruption), pagguho ng lupa (landslide), at baha.

1. BAGYO

Ito ay ang malakas ng bugso ng hangin, malakas at matagal na pagbuhos ng ulan,


at ang dami nito ay lubhang nakapamiminsala.

2. LINDOL

Ito ay ang pagyanig ng lupa na maaaring dulot ng pagsabog ng bulkan (volcanic


earthquake) o paggalaw ng tectonic plates sa ilalim ng lupa o earth’s crust.

3. PAGSABOG NG BULKAN –

Ito ay nangyayari kapag ang lava at gas ay lumabas mula sa bunganga ng bulkan at
minsan ay may kasamang pagsabog.

4. PAGGUHO NG LUPA

Ito ay tumutukoy sa ilang anyo ng paggalaw ng dalusdos kabilang ang ilang mga
paggalaw ng lupa tulad ng pagguho ng mga bato, pagkabagsak ng napakalalim na
dalusdos, pagbaha ng putik at pagdaloy ng mga tirang bagay. Sa wikang ingles,
tinatawag itong landslide.

5. BAHA

Ang baha ay ang pag-apaw ng sobra-sobrang tubig sa natural nitong daluyan tulad
ng ilog, sapa, at dagat papaunta sa mga lugar na karaniwang wala nito na
nakapgdudulot ng pagbaha sa lugar. Ito ay kataniwang dulot ng malakas at matagal
na pagbuhos ng ulan o bagyo.

# DRRM – ay nangangahulugang Disaster Risk Reduction & Management. Sila ay


naglilingkod sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, sibil sector at mga pribadong
sector o organisasyon. Ang pagtugon sa mga disaster o mga sakuna na nagaganap sa
bansa ang pangunahing tungkulin ng DRRM.

“PAGTATANONG SA MGA BATA”


1. Tungkol saan ang videong inyong napanood?
2. Anu-ano ang mga kalamidad na nabanggit sa napanood ninyong video?
3. Magbigay nga kayo ng inyong mga pahayag sa bawat kalamidad na nabangit sa video?
4. Paano kayo makapag-iingat upang maiwasan na masaktan kapag dumadating ang mga
kalamidad na gaya ng inyong napanood?
5. Ang DRRM o Disaster Risk Reduction Management ay isang ahensya ng gobyerno.
Ano ang pangunahing tungkulin nito?

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto Ano Ito?


at Paglalahad ng Bagong
Kasanayan # 2 Hahatiin sa Limang pangkat ang mga bata at bibigyan ang bawat pangkat ng mga larawan,
salita, at mga kaisipan tungkol sa aralin. Ipadidikit ang mga ito sa angkop na lugar sa
graphic organizer na nasa harap.

F. Paglinang sa Kabisahaan Ano ang Aking Sasanayin?

“PANGKATANG PAGSASANAY”

Hahatiin sa Limang (5) pangkat ang klase at bibigyan ng kanya-kanyang gawain.

PANGKAT 1 – Isulat ang inyong kaisipan tungkol sa bagyo.

PANGKAT 2 – Isulat ang inyong kaisipan tunkol sa pagguho ng lupa at paggputok ng


bulkan.

PANGKAT 3 – Isulat ang limang iba’t ibang uri ng kalamidad na tinalakay.

PANGKAT 4 – Isulat ang inyong kaisipan tunkol sa lindol at baha.


PANGKAT 5 – Isulat ang tungkulin ng DRRM.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw- Ano ang Aking Gagawin?


araw na Buhay
Kung sakali at dumating ang pagkakataon na magkaroon ng sakuna o kalamidad sa inyong
lugar gaya halimbawa ng bagyo at baha, ano ang iyong gagawin? Paano mo ito haharapin?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

H. Paglalahat ng Aralin Ano ang Aking Natutunan?

Anu-ano ang iba’t ibang uri ng kalamidad na nararanasan natin dito sa ating bansa?

Bakit mahalagang malaman ninyo ang iba’t ibang kalamidad na dumadating o nararanasan
natin dito sa ating bansa?

Ilahad ang pangunahing tungkulin ng DRRM.

I. Pagtataya ng Aralin Pagtataya

Panuto: Isulat sa patlang kung anong uri ng kalamidad ang tinutukoy sa bawat
pangungusap.
.
__________1. Ito ay ang pag-apaw ng sobra-sobrang tubig sa natural nitong daluyan tulad
ng ilog, sapa, at dagat papaunta sa mga lugar na karaniwang wala nito na nakapgdudulot ng
pagbaha sa lugar. Ito ay kataniwang dulot ng malakas at matagal na pagbuhos ng ulan o
bagyo.

__________2 Ito ay tumutukoy sa ilang anyo ng paggalaw ng dalusdos kabilang ang ilang
mga paggalaw ng lupa tulad ng pagguho ng mga bato, pagkabagsak ng napakalalim na
dalusdos, pagbaha ng putik at pagdaloy ng mga tirang bagay. Sa wikang ingles, tinatawag
itong landslide.

__________3. Ito ay nangyayari kapag ang lava at gas ay lumabas mula sa bunganga ng
bulkan at minsan ay may kasamang pagsabog.
__________4. Ito ay ang pagyanig ng lupa na maaaring dulot ng pagsabog ng bulkan
(volcanic earthquake) o paggalaw ng tectonic plates sa ilalim ng lupa o earth’s crust.

__________5.. Ang bugso ng hangin nito, lakas ng pagbuhos ng ulan, at maging ang dami
nito ay lubhang nakapamiminsala.

Karagdagang Gawain
J. Karagdagang Gawain Para sa
Takdang Aralin at Remediation Anong uri ng sakuna ang inyong naranasan sa inyong lugar? Paano ninyo ito
hinarap? Bilang isang mag-aaral, ano ang maitutulong ninyo sa inyong lugar sa tuwing may
sakuna na dumarating? Ipaliwanag ang inyong sagot sa isang buong papel.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY

Prepared:

JENETTE M. ESCUETA
Master Teacher II

Checked and observed:

CECILIA H. ROXAS
Principal II

You might also like