You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
DIVISION OF OZAMIZ
City of Ozamiz

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE – 10


IKALAWANG MARKAHAN
Oktubre 17-18,2019

Pangalan: ____________________________________________________ Seksyon: __________________ Puntos: ___________

Panuto: Basahin ang katanungan at ilagay sa sulatang papel ang iyong sagot.

1. Ano ang tawag sa kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, kusa at kilos ng pagtulong ng tao sa kanyang kapwa?
a.) kilos ng tao c.) kilos ng pamimili
b.) makataong kilos d.) kilos ng pangangatwiran
2. Kung ang kilos ay isinagawa ng may kaalaman, malaya ngunit walang pagkukusa, hindi ito maituturing na makataong kilos. Tama
ba o mali ang pahayag?
a) Tama, dahil pwedeng ikonsidera ang kilos bilang makataong kilos kahit wala ang isa sa mga tinukoy na basihan.
b) Mali, dahil ang tunay na makataong kilos ay ginagawa ng may kaalaman, kalayaan at may pagkukusa
c.) Tama, dahil ang makataong kilos ay pwedeng gawin kahit walang pagkukusa.
d.) Wala sa tatlo.

3-4. Nakita ni Cassie na nahihirapan si nanay Ester sa paghihiwa ng gulay na lulutuin niya para sa hapunan nang dahil sa sugat niya
sa kamay. Minabuti ni Cassie na tulungan ni nanay Ester dahil alam niya kung paano gawin ang ginagawa nito at batid niyang
kailangan nito ng tulong. ”Tulongan po kita Nana”, at tumulong siya ng walang hinihinging kapalit.

3. Maituturing ban a makataong kilos ang ginawa ni Cassie, Bakit?


a.) Oo, dahil ginawa niya ito ng may kaalaman, malaya at kusa.
b.) Oo, dahil ginawa niya ito ng may kaalaman, malaya ngunit walang pagkukusa.
c.) Hindi, dahil ginawa niya ito ng may kaalaman, malaya at kusa.
d.) Hindi, dahil ginawa niya ito ng may kaalaman, malaya ngunit walang pagkukusa.

4. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?


a.) Ang kilos ng pagtulong ay maituturing na makataong kilos kapag parehong nagsang-ayon ang tunguhing isip at kilos loob at
wala itong hinihinging kapalit.
b.) Ang kilos ng pagtulong ay maituturing na makataong kilos kapag parehong nagsang-ayon ang tunguhing isip at kilos loob at
meron itong hinihinging kapalit.
c.) Ang kilos ng pagtulong ay maituturing na makataong kilos kapag hindi nagsang-ayon ang tunguhing isip at kilos loob at meron
itong hinihinging kapalit.
d.) walang mensaheng ipinapahiwatig ang sitwasiyon.

5. “Ang kilos na Kusang-Loob ay ginagawa ng may kaalaman at pagsang-ayon.” .Ano ang kahulugan nito?
a.) parehong nagkasundo ang Kilos –loob at tunguhing isip na gawin ang nasabing kilos.
b.) parehong nagkasundo ang Kilos –loob at kilos ng pamimili na gawin ang nasabing kilos.
c.) hindi nagkasang-ayon ang kilos-loob at tunguhing isip na gawin ang nasabing kilos.
d.) hindi nagkasang-ayon ang kilos-loob at kilos ng pamimili na gawin ang nasabing kilos.

6. “Ang kilos na Di Kusang-Loob ay ginagawa ng may kaalaman ngunit walang pagsang-ayon.”.Ano ang kahulugan nito?
a.) parehong nagkasundo ang Kilos –loob at tunguhing isip na gawin ang nasabing kilos.
b.) parehong nagkasundo ang Kilos –loob at kilos ng pamimili na gawin ang nasabing kilos.
c.) hindi nagkasang-ayon ang kilos-loob at tunguhing isip na gawin ang nasabing kilos.
d.) hindi nagkasang-ayon ang kilos-loob at kilos ng pamimili na gawin ang nasabing kilos.

7. Ano ang tawag sa kilos na isinagawa ng walang kaalaman at walang pagsang-ayon?


a.) Kusa c.) Walang Kusa
b.) Di Kusa d. )Wala sa tatlo

8-10. Isang araw habang si Ronnie ay naglalakad papuntang paaralan, nakita niya ang kaniyang gurong si Ms. Anna na naglalakad at
tila nahihirapan sa kaniyang dinadala.

8. Paano niya matutulungan si Ms. Anna na naayon sa Kusang-Loob na makataong kilos?


a.) Tutulungan niya si Ms. Anna sa pagkarga papunta sa classroom nito nang walang hahangaring kapalit.
b.) Tutulungan niya si Ms. Anna sa pagkarga papunta sa classroom nito nang may hinahangad kapalit.
c.) Batiin ng “Magandang Araw” si Ms. Anna.
d.) Huwag bigyang pansin si Ms. Anna.
9. Kung hindi tinulungan ni Ronnie si Ms. Anna sa kaniyang mga karga dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin at saan dadalhin,
Anong uri ito ng makataong kilos?
a.) Kusa c.)Mapagssuri
b.) Di Kusa d. )Walang Kusa

10. Ano naman ang tawag sa kilos ni Ronnie kapag tumulong siya kay Ms. Anna na labag sa kaniyang kalooban at ginawa lamang
niya para mabigyan siya ng puntos sa klase? 10. _______
a.) Kusa c.)Mapagssuri
b.) Di Kusa d. )Walang Kusa

11. Ito ay mga kilos na nagaganap at likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos
loob.
a.) Human Act c.) Obheto
b.) Makataong Kilos d.) Kilos ng Tao

12. Ano ba ang basihan ng pagiging masama o mabuti ng isang Makataong Kilos?
a.) Kilos c.) Layunin
b.) Kilos-Loob d.) Sirkumstansiya

13-15. Maaga kang pumasok sa paaralan isang araw, nang akmang papasok ka na sa loob ng inyong silid-aralan nakita mo si Jenny,
ang iyong matalik na kaibigan na nangungupit ng pera sa bag ng iyong guro na nakalagay sa mesa. Siya lang mag-isa sa silid-aralan
at tila may nilakad saglit ang inyong guro kaya wala siya roon. Nang makaupo na si Jenny, patay mali kang pumasok na tila di mo
nasaksihan ang naganap.

13. Paano mo aaksiyonan ang sitwasiyong ito?


a.) Piliin na lamang manahimik dahil hindi ka sangkot sa sitwasiyon.
b.) Piliin manahimik upang hindi mapagalitan ang iyong bestfriend.
c.) Intindihin na lamang ang kalagayan ni Jenny, baka nangangailangan ito ng pantustos sa pag-aaral.
d.) Sabihin ang totoo sa guro upang maituwid ang masamang gawi ni Jenny at upang matulungan siya ng guro.

14. Kung tama ang iyong aksiyong ginawa, ano ang magiging mabuting epekto ni kay Jenny?
a.) walang mangyayari kay Jenny dahil hindi ko siya isusumbong.
b.) araw araw nang pagmaman-manan ni Maam si Jenny
c.)maaring masaktan si Jenny pero ikabubuti niya ito.
d.) wala sa tatlo.

15. Anong salik sa makataong kilos ang tinutukoy sa sitwasiyon.


a) Takot c) Gawi
b) Karahasan d) Masidhing damdamin

16. Ano ang salik sa makataong kilos na tumutukoy sa kasalatan o kawalan ng kaalaman?
a) Gawi c) Kamangmangan
b) Takot d) Masidhing Damdamin

17. Anong salik naman ang tumutukoy sa lubhang pagkabagabag ng isip ng tao?
a) Gawi c) Kamangmangan
b) Takot d) Masidhing Damdamin

18. Anong salik naman ang tumutukoy sa mga gawaing paulit-ulit at nakasanayan ng gawin tama man ito o mali?
a) Gawi c) Kamangmangan
b) Takot d) Masidhing Damdamin

19. Ang mga sumusunod ay mga salik samakataong kilos maliban sa isa:
a) Takot c) Gawi
b) Karahasan d) Pagmamahal

20. Ang mga sumusunod ay mga uri ng kamangmangan maliban sa isa:


a) vincible c) inenvincible
b) invincible d) wala sa tatlo

21. Bakit nakakaapekto ang mga salik na ito sa pagsagawa ng Makataong Kilos?
a)Dahil pinapabagal nito ang pagsagawa ng makataong kilos.
b) Dahil pinapabilis nito ang pagsagawa ng Makataong kilos.
c) Dahil nagsisilbi itong hadlang sa pagtulong sa kapwa.
d) wala sa tatlo.
22. “Ang takot ay ang pagkabagabag ng isip samantalang ang Karuwagan naman ay ang pagrespunde mo sa iyong takot”. Ano ang
ibig sabihin ng pahayag na ito?
a) Ang takot at karuwagan ay walang pagkakaiba. c) Ang takot at Karuwagan ay magkaiba.
b) Ang takot at karuwagan ang magkapareho. d) Walang itong nais ipahayag.

23-25. “Palihim kang nagging saksi ka sa pambubully nina Rex at Alex kay Bryan habang paparaan ka sa Male’s Cr ng inyong
paaralan. Pawang mga kaklase mo sila, malalaki at matipuno ang katawan nina Rex at Alex samantalang payat at lampahin si Bryan.
Narinig mong pilit na kinukuha ng dalawa ang baon ni Bryan ngnunit nagpupumilit ito kaya nasuntok siya ng dalawa ng makailang
beses. Nang dahil sa sakit eh napilitan siyang isuko na lamang ang baon.Nang akmang aalis na ang mga bully eh nakita ka nila sa
pinagtataguan mo at pinagbantaang isusunod ka nila kapag nagsumbong ka.”

23. Kung ikaw ang nasa sitwasiyon, ano ang pinakamainam na gagawin mo?
a) Magkunwari na wala kang nakita at wala kanga lam para hindi ka nila saktan.
b) Ipagtapat sa guro ang totoong nangyari para masolusyonan ang suliraning ito.
c) Piliing manahimik nang hindi madamay sa pambubully nila.
d)Ipagtapat sa guro at magkunwaring biktima ka rin nila.

24. Anong salik ang tinutukoy sa sitwasiyon?


a) Gawi c) Kamangmangan
b) Takot d) Masidhing Damdamin

25. Paano maiiwasan ang mga ganitong uri ng sitwasiyon sa paaralan?


a) Kapag ikaw ay nagging biktima o naging saksi, agad isuplong sa guro o awtoridad.
b) Ibigay na lamang ang hinihingi nila upang di humantong sa karahasan.
c) Piliing manahimik nang hindi ka pag-initan.
d) Wala sa tatlo.

26. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a.) Isip at Kilos-loob d.) Sanhi at Bunga
b.) Intensiyon at Layunin c.) Paghuhusga at Pagpili

27. Habang naglalakad sa mall si Mary Rose ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang gustong magkaroon ng ganoong klaseng
sapatos. Tumigil siya sandali at nag-isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si
Mary Rose?
a.) Intensiyon ng layunin c.) Nais ng layunin
b.) Pagkaunawa sa layunin d.) Praktikal na paghuhusga sa pagpili

28. Gamit ang halimbawa sa Bilang 2. Pinag-isipan ni Mary Rose ang iba’t ibang paraan upang mabili niya ang sapatos? Hihingi ba
siya ng pera sa kaniyang magulang, mag-iipon, o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na kayang yugto ng kilos si Mary
Rose?
a. Intensiyon ng layunin c.) Masusing pagsusuri ng paraan
b. Pagkaunawa sa layunin d.) Paghuhusga sa nais makamtan

29. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?
a.) Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
b.) Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.
c.) Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili.
d.) Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.

30. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?


a.) Upang magsilbing gabay sa buhay. c.) Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
b.) Upang magsilbing paalala sa mga gagawin. d.) Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.

31. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
a.) Tingnan ang kalooban c.) Isaisip ang posibilidad
b.) Magkalap ng patunay d.) Maghanap ng ibang kaalaman

32. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin?
a.) Isaisip ang mga posibilidad c.) Tingnan ang kalooban
b.) Maghanap ng ibang kaalaman d.) Umasa at magtiwala sa Diyos

33. Niyaya si Alfred ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na lamang sa isang computer shop. Hindi kaagad
sumagot ng oo si Alfred bagkus ito ay kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang sakaling magiging
epekto nito kung sakaling sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit ni Alfred?
a.) Isaisip ang mga posibilidad c.) Tingnan ang kalooban
b.) Maghanap ng ibang kaalaman d.) Magkalap ng patunay
34. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga mo kung ang iyong pasiya,
makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya?
a.) Magkalap ng patunay c.) Tingnan ang kalooban
b.) Maghanap ng ibang kaalaman d.) Umasa at magtiwala sa Diyos

35. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong ang kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng
Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan? Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si Amir?
a.) Tingnan ang kalooban c.) Maghanap ng ibang kaalaman
b.) Isaisip ang posibilidad d.) Umasa at magtiwala sa Diyos

36. Ang mga sumosunod ay yugto ng makataong kilos maliban sa isa


a.) Pagkaunawa sa layunin c.) Pagpili.
b.) Masusing pagsusuri ng paraan d.) Pangingilatis

37. Anong yugto ng makataong kilos ang tumutukoy sa resulta ng napiling kilos?
a.) Paggamit c.) Wakas
b.) Pagpili d.) Bunga

38. Ano ang tawag sa unang yugto ng makataong kilos?


a.) Pagkaunawa sa layunin c.) Pagpili.
b.) Masusing pagsusuri ng paraan d.) Pangingilatis

39. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya?


a.) Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na ginawa ay nakaaapekto sa kabutihan.
b.) Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
c.) Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
d.) Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos.

40. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Layunin?


a.)Ito ang pinakatunguhin ng kilos. c.)Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob
b.) Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos. d.) Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o
kasamaan ng kilos.

41. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng kilos-loob?
a.) Umunawa at magsuri ng impormasyon. c.) Tumulong sa kilos ng isang tao.
b.) Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip. d.) Gumabay sa pagsasagawa ng kilos.

42. Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
a.) Layunin c.) Sirkumstansiya
b.) Kilos d.) Kahihinatnan

43. Si Jimmy ay isang kagawad sa isang barangay. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal siya ng
kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa
pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni Jimmy?
a.) Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.
b.) Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.
c.) Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.
d.) Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos.

44. May babae na nagustuhan at minahal si Alex ngunit ang babaeng ito ay mayroon ng asawa. Ngunit sa kabila nito, ipinagpatuloy pa
rin niya ang kaniyang pagmamahal sa babae hanggang sa magkaroon sila ng relasyon. Ano kayangprinsipyo ang sumasakop sa
sirkumstansiya ng kilos ang makikita sa sitwasyon?
a.)Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
b.) Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
c.) Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
d.) Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.

45. Naging pangulo ng kanilang pangkat si Julianna. Simula sa araw nang siya ay manalo, ginampanan niya nang lubosang kaniyang
tungkulin at responsibilidad. Ano kayang prinsipyong sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?
a.) Ang sirkumstansiya maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
b.) Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng mabuti o masama.
c.) Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
d.) Ang sirkumstansiya ay maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa masamang kilos at bagong masamang hangarin sa
masamang kilos.
46. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka nang umuwi galing sa kaarawan ng iyong
kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ito?
a) Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na sagot sa pagsusulit.
b.) Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita.
c.) Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya.
d.) Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit.

47. Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan ng kilos maliban sa isa.
a.) Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa.
b.) Ang kilos ay dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito.
c.) Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at kaakibat na pananagutan.
d.) Ang kilos ay kailangan ng sapat na pagpaplano upang makita ang mga bagay na dapat isaalang-alang.

48. Bakit hindi maaaring paghiwalayain ang panloob at panlabas na kilos?


a.) Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos.
b.) Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos.
c.) Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos.
d.) Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas

49. Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mas mataas na
pagpapahalaga?
a.) Ang pagtulong sa kapuwa ay nakapagbibigay kasiyahan sa sarili.
b.) Ang pagtulong sa kapuwa ay pagtugon sa tawag na maglingkod.
c.) Ang pagtulong sa kapuwa ay daan upang tulungan ka rin nila.
d.) Ang pagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama.

50. Bakit kinakailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa sa ating pagkilos?


a.) Kung ano ang iyong ginawa ay maaaring gawin din sa iyo. c.) Ito ay tanda ng tunay na pananampalataya.
b.) Sa pagbibigay sa kapuwa, tumatanggap din tayo. d.) Lahat ng nabanggit

You might also like